
Stepbrother Damien (SPG)
Nang muling mag-asawa ang kanyang ina sa isang mayamang negosyante, napilitan si Sunshine Cordero na manirahan sa isang marangyang mansyon, malayo sa tahimik na buhay na nakasanayan niya. Lahat sa bagong mundong iyon ay sumisigaw ng luho... at panganib, lalo na nang makilala niya ang kanyang bagong stepbrother na si Damien Villarin.
Malamig, kumplikado, at nakakaakit sa paraang delikado, si Damien ang tanging tagapagmana ng bilyon-bilyong negosyo ng kanyang ama. Mula pa lang nang unang araw na tumapak si Sunshine sa kanilang bahay, ipinakita na ni Damien na hindi siya kabilang doon. Ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay mabilis na nagbago, naging isang bagay na hindi na nila kayang pigilan. Isang damdaming madilim, mapanganib, at ipinagbabawal.
Habang patuloy na naglalaban ang pagnanasa at katotohanan, napagtanto nina Sunshine at Damien na ang nararamdaman nila ay maaaring magwasak ng kanilang mga pamilya. Ngunit kahit alam nilang mali, tila hindi na nila kayang lumayo sa isa’t isa.
Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at tukso, paano mo pipigilan ang isang pag-ibig na kailanman ay hindi dapat maramdaman?
อ่าน
Chapter: Chapter 4Mula nang gabing iyon, hindi na naging pareho ang lahat. Pilit na iniiwas ni Sunshine ang tingin, ang mga hakbang, at maging ang hininga niya sa tuwing naroroon si Damien. Pero tila mas lalo namang ginugusto ng lalaki ang presensya niya, parang sinasadya nitong lumapit, mang-asar, at paikutin siya sa bawat pagkakataon.Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kwarto ni Damien, ang halik na hindi niya inasahan. Ang halik na hindi niya dapat tinanggap, kahit ilang segundo lang iyon tumagal. Mula noon, pinangako niya sa sarili na iiwasan ang lalaki, anuman ang mangyari.Pero parang tadhana mismo ang kumakalabit sa kanya.Lunes ng hapon, nasa veranda siya, nagbabasa ng libro habang sinusubukang balewalain ang bigat ng init ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mga yabag ng mga kasambahay ang maririnig mula sa loob. Ang amoy ng bagong dilig na damo ay humahalo sa bango ng iced coffee sa tabi niya. At akala niya ay makakapagpahinga siy
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26
Chapter: Chapter 3Isang gabi, nagsabay silang apat na maghapunan. At tahimik ang buong dining hall nang gabing iyon. Ang malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit na ilaw sa mahabang mesa, puno ng mga mamahaling pinggan at pagkain na inihanda ng mga katulong. Sa isang banda, nakaupo si Martin, abala sa pakikipag-usap kay Alona, habang si Damien ay tahimik lang sa kabilang dulo ng mesa, pero ang mga mata niya ay palihim na nakatuon kay Sunshine, na noo’y tahimik lang ding kumakain, halos hindi makatingin sa kanya. At kung magpapatuloy pa si Damien sa ginagawa nito ay baka mapansin na iyon ng mag-asawa.Nakaupo si Sunshine sa tabi ng kanyang ina, tahimik lang na kumakain habang pinakikinggan ang usapan ng mga nakatatanda. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat pag-abot niya ng baso o paghawi ng buhok mula sa kanyang balikat, ramdam niyang may matang nakamasid sa kanya.Ilang beses na niyang nasalo ang titig nito, at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis siyang napapalingon. Pero kahit iwas
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26
Chapter: Chapter 2Dalawang araw na ang lumipas mula nang lumipat sila ng kanyang ina sa bahay ng bagong asawa nito. Sa unang tingin, parang magandang simula ang lahat, isang malaking mansyon, may mga katulong na kahit anong iutos nila ay agad na sinusunod, at walang problema sa pera. Pero para kay Sunshine, hindi gano’n kasimple. Lumaki siya na simple lang ang pamumuhay nila kaya nahihirapan siyang mag-adjust. Bawat sulok ng bahay ay parang paalala na hindi parin siya kabilang doon. Tahimik ang mga dingding, pero ramdam niya ang lamig ng mga matang laging nakamasid, lalo na kay Damien. Parati niya itong nakikita sa gilid ng mga mata niya na nakatigin sa kanya kapag nagkakaharap sila, na para bang pati ang kanyang panghinga ay binabantayan nito.Bihira lang naman silang magkita sa loob ng bahay. Kapag naroon siya, siguradong busy o wala si Damien. Pero kahit hindi niya nakikita, palagi niyang nararamdaman ang presensya nito, mabigat, nakakailang, at minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26
Chapter: Chapter 1Mainit ang hangin nang huminto ang itim na SUV sa tapat ng malawak na gate. Summer na rin kasi kaya ganon na lamang kataas ang araw kahit maaga pa. Sa likod ng tinted window, nakamasid si Sunshine habang unti-unting bumubukas ang metal gate ng Villarin mansion. Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Halos hindi siya makapaniwala sa lawak ng lugar na iyon, mga haliging puti, berdeng hardin na parang galing sa magazine niya lang nakikita, at mga mamahaling sasakyang nakaparada sa driveway. Parang isang palasyo. Ang bawat sulok ng lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, at sa gitna ng lahat ng iyon, pakiramdam ni Sunshine ay isa siyang bisita sa mundong hindi kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.“Anak, ayusin mo ang sarili mo, ha? Huwag kang magpapasaway sa akin dito,” mahinahong paalala ng ina niya, si Alona, habang inaayos ang buhok nito sa salamin. “Ngayon na magsisimula ang bagong buhay natin.”Bagong buhay.Dalawang salitang maganda pakinggan, pero
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26