เข้าสู่ระบบIsang gabi, nagsabay silang apat na maghapunan. At tahimik ang buong dining hall nang gabing iyon. Ang malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit na ilaw sa mahabang mesa, puno ng mga mamahaling pinggan at pagkain na inihanda ng mga katulong. Sa isang banda, nakaupo si Martin, abala sa pakikipag-usap kay Alona, habang si Damien ay tahimik lang sa kabilang dulo ng mesa, pero ang mga mata niya ay palihim na nakatuon kay Sunshine, na noo’y tahimik lang ding kumakain, halos hindi makatingin sa kanya. At kung magpapatuloy pa si Damien sa ginagawa nito ay baka mapansin na iyon ng mag-asawa.
Nakaupo si Sunshine sa tabi ng kanyang ina, tahimik lang na kumakain habang pinakikinggan ang usapan ng mga nakatatanda. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat pag-abot niya ng baso o paghawi ng buhok mula sa kanyang balikat, ramdam niyang may matang nakamasid sa kanya.
Ilang beses na niyang nasalo ang titig nito, at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis siyang napapalingon. Pero kahit iwasan niya, hindi niya maikakailang naroon pa rin ang bigat ng presensya ng binata. Para siyang nalulunod kapag nagtatama ang mga mata nila.
“Sunshine,” tawag ni Martin, habang nakangiting kumukuha ng kanin. “Narinig ko kay Alona na magta-transfer ka sa St. Francis University next semester. Alam mo na ba kung anong course ang kukunin mo?”
“Ah, yes po, Tito,” sagot ni Sunshine, medyo mahina ang boses. “Business Administration pa rin po, same sa dati kong school.”
“That’s good,” sabi ni Martin, masiglang tumango. “Maganda ‘yan. I might even help you get an internship sa isa sa mga kumpanya namin once you’re ready. Para na rin may katulong si Damien sa mga susunod na taon.”
“Thank you po,” magalang niyang tugon, bahagyang napayuko.
“Business Administration?” biglang sabat ni Damien, nakatingin sa kanya nang may halong ngiti at panunukso. “Akala ko Nursing o Education. Hindi ka naman mukhang pang–business, Sunshine.”
Napaangat ang kilay ni Sunshine, bahagyang napahinto sa pagkain. “Ano namang ibig mong sabihin doon? Na hindi ko kaya humawak ng negosyo ko, ganon ba?”
Nagkibit-balikat si Damien, sabay ngiti. “Wala. Hindi ka lang mukhang mahilig sa numbers. Mas mukha kang…” huminto ito sandali, saka ngumiti nang may halong biro, “mahilig mag daydream.”
“Damien,” saway ni Martin, lumingon siya kay Sunshine. “Hayaan mo na, anak. Mapagbiro talaga si Damien. Masasanay ka rin sa kanya.”
Ngunit hindi nagustuhan ni Sunshine ang tono ni Damien. Ramdam niya ang panlalamig at pagmamataas nito, gaya ng dati. Minsan gusto niyang sagutin ito nang pabalang, pero pinili niyang pigilan ang sarili, ayaw niyang gumawa ng eksena sa harap ng ina at ng bagong pamilya nito.
“Hindi naman masama ang mangarap, Damien,” sagot ni Sunshine, may bahagyang ngiti ngunit halatang matalim ang tinig. “Baka nga mas okay kung minsan mangarap ka rin, kaysa puro yelo ang nasa puso mo.”
Napatigil ang lahat. Kahit ang pagka-ismid ni Damien ay nawala saglit.
Si Alona ay bahagyang natawa, pero mabilis ding itinago. Si Martin naman ay nagbaling ng usapan tungkol sa negosyo, pilit binasag ang tensyon. Habang si Damien, hindi na nagsalita, pero ang mga mata nito ay hindi na muling umalis kay Sunshine.
Habang tumatagal ang hapunan, lalong nagiging mabigat ang hangin sa pagitan nila. Hindi iyon halata sa iba, pero sa bawat sulyap ni Damien, may halong pag-aalala at… pagnanasa. Hindi niya mapigilang maalala ang nangyari dalawang gabi na ang nakalipas, kung paano ito lumangoy sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang basang balat nito, at ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Pati ang hubog ng katawan ng dalaga suot ang sexy na swimsuit ay hindi niya maiwaksi sa isipan. Ni minsan pa, sa loob ng isipan niya ay bigla nalang nagpakita si Sunshine sa kanya, walang saplot sa buong katawan.
Sinubukan niyang alisin sa isip iyon, pero habang nakikita niya ngayon si Sunshine sa ilalim ng mainit na liwanag ng chandelier, nakasuot ng simpleng puting dress, may mga hibla ng buhok na nakalaylay sa balikat, mas lalo lang siyang nabibihag.
Pagkatapos ng hapunan, nagsimula nang magligpit ang mga katulong. Nagpaalam si Martin na may kailangang tawagan, habang si Alona naman ay pumunta sa terrace para makipag-video call sa kaibigan. Naiwan si Damien at si Sunshine sa mesa.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa nagpasya si Sunshine na umalis, dala ang baso ng tubig.
Habang naglalakad siya sa mahabang hallway papunta sa kanyang silid, ramdam pa rin niya ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang reaksyon ng katawan niya sa tuwing malapit si Damien. Nalilito siya kung galit ba o takot iyon.
Pero bago pa siya makapasok sa kwarto, biglang may humila sa braso niya.
“Damien!” gulat niyang sigaw, pero hindi na siya nakapagsalita pa nang maramdaman niyang hinila siya papasok sa isang silid, sa silid ni Damien.
“Anong ginagawa mo?!” gulat na sabi niya, pilit na kumakawala. “Bitawan mo ako!”
Hindi sumagot si Damien. Pinagdikit nito ang kanilang mga katawan sa pader, malalim ang paghinga, tila may nilalabanan sa sarili. Ang mga mata nito ay puno ng tensyon, ng halong galit at pagkalito.
“B-Bakit mo ako hinila?” tanong niya muli, pero bago pa man niya marinig ang sagot, biglang bumaba ang mga labi ni Damien sa kanya.
Mainit, mabilis at matindi ang kilos.
Parang kidlat na dumaan sa buong katawan ni Sunshine ang nangyari. Napakapit siya sa dibdib nito, hindi alam kung itutulak o tatanggapin ang halik. Ang tibok ng puso niya ay umalingawngaw sa tenga niya, at sa ilang segundo, nakalimutan niyang mag-isip.
Ngunit nang tumagal ng ilang sandali, biglang natauhan si Sunshine. Tinulak niya si Damien nang buong lakas.
“Ano bang ginagawa mo?!” halos pasigaw niyang tanong, hinga’y mabilis at magulo. “Wala kang karapatang gawin ‘to!”
“Sunshine, I, ”
“’Wag mo akong hawakan! Huwag na huwag ka ng lalapit sa akin kung ayaw mong makarating sa Daddy mo ang ginawa mo!” sigaw niya, sabay hatak ng braso at mabilis na tumakbo palabas ng silid.
Naiwan si Damien, nakatayo, habol ang hininga, at tahimik. Ilang segundo pa bago tuluyang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Isang ngiting puno ng kabiguan.
Tama nga siya.
Lahat ng nararamdaman niya, ang inis, ang tensyon, ang pag-iwas, hindi lang basta galit. May halong pagnanasa. At ngayong napatunayan na niya ito, alam niyang mas magiging mahirap nang pigilan ang sarili.
Habang lumalayo si Sunshine sa hallway, ramdam pa rin niya ang init ng labi nito sa kanya. Naiiyak siya sa gulat, sa galit, at sa hindi maipaliwanag na takot.
“Kailangan kong makaalis dito, baka kung anong gawin niya sa’kin,” mahina niyang bulong. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matatagalan ang makisama kay Damien sa mansyon na ito. Gusto na niya umalis.
Pero sa tuwing iniisip iyon, sumagi sa isipan niya si Alona. Nangako siya na hindi siya aalis sa tabi ng ina kahit anong mangyari, dahil tanging si Alona na lang ang natitirang pamilya niya. Ibinigay niya sa kanyang ina ang kanyang suporta at pumayag na mag-asawa muli. Hindi na niya iyon mababawi, lalo pa't nakikita niyang masaya ngayon ang kanyang ina sa piling ni Daddy ni Damien.
Mula nang gabing iyon, hindi na naging pareho ang lahat. Pilit na iniiwas ni Sunshine ang tingin, ang mga hakbang, at maging ang hininga niya sa tuwing naroroon si Damien. Pero tila mas lalo namang ginugusto ng lalaki ang presensya niya, parang sinasadya nitong lumapit, mang-asar, at paikutin siya sa bawat pagkakataon.Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kwarto ni Damien, ang halik na hindi niya inasahan. Ang halik na hindi niya dapat tinanggap, kahit ilang segundo lang iyon tumagal. Mula noon, pinangako niya sa sarili na iiwasan ang lalaki, anuman ang mangyari.Pero parang tadhana mismo ang kumakalabit sa kanya.Lunes ng hapon, nasa veranda siya, nagbabasa ng libro habang sinusubukang balewalain ang bigat ng init ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mga yabag ng mga kasambahay ang maririnig mula sa loob. Ang amoy ng bagong dilig na damo ay humahalo sa bango ng iced coffee sa tabi niya. At akala niya ay makakapagpahinga siy
Isang gabi, nagsabay silang apat na maghapunan. At tahimik ang buong dining hall nang gabing iyon. Ang malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit na ilaw sa mahabang mesa, puno ng mga mamahaling pinggan at pagkain na inihanda ng mga katulong. Sa isang banda, nakaupo si Martin, abala sa pakikipag-usap kay Alona, habang si Damien ay tahimik lang sa kabilang dulo ng mesa, pero ang mga mata niya ay palihim na nakatuon kay Sunshine, na noo’y tahimik lang ding kumakain, halos hindi makatingin sa kanya. At kung magpapatuloy pa si Damien sa ginagawa nito ay baka mapansin na iyon ng mag-asawa.Nakaupo si Sunshine sa tabi ng kanyang ina, tahimik lang na kumakain habang pinakikinggan ang usapan ng mga nakatatanda. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat pag-abot niya ng baso o paghawi ng buhok mula sa kanyang balikat, ramdam niyang may matang nakamasid sa kanya.Ilang beses na niyang nasalo ang titig nito, at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis siyang napapalingon. Pero kahit iwas
Dalawang araw na ang lumipas mula nang lumipat sila ng kanyang ina sa bahay ng bagong asawa nito. Sa unang tingin, parang magandang simula ang lahat, isang malaking mansyon, may mga katulong na kahit anong iutos nila ay agad na sinusunod, at walang problema sa pera. Pero para kay Sunshine, hindi gano’n kasimple. Lumaki siya na simple lang ang pamumuhay nila kaya nahihirapan siyang mag-adjust. Bawat sulok ng bahay ay parang paalala na hindi parin siya kabilang doon. Tahimik ang mga dingding, pero ramdam niya ang lamig ng mga matang laging nakamasid, lalo na kay Damien. Parati niya itong nakikita sa gilid ng mga mata niya na nakatigin sa kanya kapag nagkakaharap sila, na para bang pati ang kanyang panghinga ay binabantayan nito.Bihira lang naman silang magkita sa loob ng bahay. Kapag naroon siya, siguradong busy o wala si Damien. Pero kahit hindi niya nakikita, palagi niyang nararamdaman ang presensya nito, mabigat, nakakailang, at minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok
Mainit ang hangin nang huminto ang itim na SUV sa tapat ng malawak na gate. Summer na rin kasi kaya ganon na lamang kataas ang araw kahit maaga pa. Sa likod ng tinted window, nakamasid si Sunshine habang unti-unting bumubukas ang metal gate ng Villarin mansion. Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Halos hindi siya makapaniwala sa lawak ng lugar na iyon, mga haliging puti, berdeng hardin na parang galing sa magazine niya lang nakikita, at mga mamahaling sasakyang nakaparada sa driveway. Parang isang palasyo. Ang bawat sulok ng lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, at sa gitna ng lahat ng iyon, pakiramdam ni Sunshine ay isa siyang bisita sa mundong hindi kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.“Anak, ayusin mo ang sarili mo, ha? Huwag kang magpapasaway sa akin dito,” mahinahong paalala ng ina niya, si Alona, habang inaayos ang buhok nito sa salamin. “Ngayon na magsisimula ang bagong buhay natin.”Bagong buhay.Dalawang salitang maganda pakinggan, pero







