แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: RAMONA
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26 14:27:13

Mula nang gabing iyon, hindi na naging pareho ang lahat. Pilit na iniiwas ni Sunshine ang tingin, ang mga hakbang, at maging ang hininga niya sa tuwing naroroon si Damien. Pero tila mas lalo namang ginugusto ng lalaki ang presensya niya, parang sinasadya nitong lumapit, mang-asar, at paikutin siya sa bawat pagkakataon.

Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kwarto ni Damien, ang halik na hindi niya inasahan. Ang halik na hindi niya dapat tinanggap, kahit ilang segundo lang iyon tumagal. Mula noon, pinangako niya sa sarili na iiwasan ang lalaki, anuman ang mangyari.

Pero parang tadhana mismo ang kumakalabit sa kanya.

Lunes ng hapon, nasa veranda siya, nagbabasa ng libro habang sinusubukang balewalain ang bigat ng init ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mga yabag ng mga kasambahay ang maririnig mula sa loob. Ang amoy ng bagong dilig na damo ay humahalo sa bango ng iced coffee sa tabi niya. 

At akala niya ay makakapagpahinga siya nang walang istorbo, hanggang sa maramdaman niya ang isang malamig na anino sa tabi niya.

“Hindi mo na ako tinitingnan ngayon,” malamig pero may halong biro ang boses ni Damien.

Napapitlag siya, mabilis na isinara ang libro at tumingin sa kabilang direksyon. “Dahil wala naman akong kailangang tingnan.”

“Talaga lang?” bahagyang ngumiti si Damien, umupo sa tapat niya. Naka-white shirt lang ito at itim na sweatpants, at kahit simpleng ayos lang, hindi mo maikakaila ang presensyang nakakagulo ng isip. “Interesting. Kasi parang kahapon, halos hindi mo maalis ang tingin mo nang dumaan ako sa pool.”

“Baka guni-guni mo lang,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam niyang nag-iinit ang pisngi niya.

Tumawa nang mahina si Damien. “Hindi ako sanay na iniiwasan. Alam mo ba ’yon?”

“Hindi ko problema ’yon.” Tumayo siya, dala ang libro, pero bago pa siya makalayo, marahan siyang hinawakan ni Damien sa braso. Hindi ito madiin, pero sapat para tumigil siya sa paglalakad.

“Damien, bitawan mo ako,” mahina pero matigas niyang sabi.

Tumitig ito sa kanya. Ang mga mata niya ay hindi na katulad ng dati, wala na ang halong panlilibak, pero may kung anong apoy na pumupunit sa pagitan nila.

“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong tumakbo sa tuwing lumalapit ako,” sabi nito, mababa ang tinig. “Wala naman akong ginagawang masama.”

Napangiti si Sunshine nang mapait. “Wala kang ginagawang masama?” Huminga siya nang malalim, pilit pinipigil ang panginginig ng boses. “Hinila mo ako sa kwarto mo, Damien. Hinalikan mo ako nang walang pahintulot. Hindi mo ba alam kung gaano ’yon kalaking kasalanan?”

Sandali itong natahimik, at sa pagitan ng katahimikan nilang dalawa, narinig ni Sunshine ang mabilis na tibok ng puso niya.

Ngunit pagkatapos ng ilang segundo, ngumisi si Damien. “Okay, sa susunod magpapaalam na ako kung hahalikan kita, ”

Mabilis na tinakpan ni Sunshine ang bibig ng binata gamit ang kamay niya para patigilin ito. Napalinga siya sa paligid, nag-aalala kung may nakarinig. Nakahinga naman siya nang maluwag nang walang dumaan, pero nang bumaling siya kay Damien, naroon na ang tingin nitong malamlam, tila ba may binubuhay na matagal nang pinipigil.

Nang mapansin iyon ni Sunshine, mabilis niyang ibinaba ang kamay niya. “Tumigil ka na. Alam kong alam mo na mali ang ginagawa mo, at mali ito. So, please… yes, ayaw mo sa ’kin pero huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.” Nagsusumamo ang boses ni Sunshine, bakas sa mukha ang pagod.

Kahit ramdam ni Damien ang pagmamakaawa ng dalaga, tila mas lalo siyang ginanahan. Umusad siya palapit, at halos mapaatras si Sunshine sa bawat hakbang nito. 

“Bakit ko ititigil?” bulong niya. “And besides, iisipin naman nila na nagkasundo na tayo bilang... bagong magkapatid.”

Kaagad namang umatras si Sunshine, halos mabunggo ang likod sa railing ng veranda. “Huwag mong gamitin ’yong salitang ’yon para lang pagtakpan ang ginagawa mo,” mariin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano ka nakakainsulto minsan.”

Ngumisi si Damien, ngunit hindi na iyon mayabang gaya ng dati. Sa ilalim ng liwanag ng hapon, may kung anong lungkot sa mga mata niya. “Alam mo, Sunshine, hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako kapag ikaw ang kaharap ko. Parang gusto kong asarin ka... pero gusto rin kitang yakapin.”

Napatigil si Sunshine. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung galit ba siya, natatakot, o naaawa. “Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo.”

“Baka nga alam ko,” sagot nito, mas malambing ngayon ang tinig. “But you know what? Nang sumagi sa isipan kong may lalapit na iba sa’yo, parang gusto ko silang saktan.”

Napakurap si Sunshine, gulong-gulo ang isip. “Hindi mo pwedeng sabihin ’yan. Hindi mo ako pwedeng sabihan ng mga ganyang bagay, Damien. Alam mo kung anong sitwasyon natin, magkapatid tayo sa mata ng lahat.”

Ngumiti ito, pero mahina, mapait. “Sa mata ng lahat. Pero hindi sa mata ko.”

Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang hangin. Ramdam ni Sunshine ang mabilis na paghinga ni Damien, ang init ng balat nito na halos dumampi sa kanya. At bago pa siya makagalaw, may humarang sa kanilang dalawa, ang boses ng ama ni Damien.

“Sunshine, anak,” tawag nito mula sa may pinto ng veranda. “Halika, may gusto akong ipakita sa iyo sa loob.”

Mabilis na umatras si Sunshine, halos maitulak pa ang mesa. “Ah, opo, Tito,” sagot niya agad, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi niya man lang nilingon si Damien nang lumakad siya papasok.

Pero ramdam niya ang tingin nito sa likod niya.

Pagpasok sa loob, tahimik lang si Sunshine habang pinapakita ni Martin ang bagong ayos ng sala.

“Ang galing talaga ng mommy mo mag-ayos, bumuhay na ulit ang sala,” masayang sabi ni Martin. "Gusto ko sana mag-hire ng designer at architect, pero ang sabi niya ay kaya na raw niya ito. At tingnan mo naman, parang professional talaga ang gumawa."

Pilit na ngumiti si Sunshine habang patuloy sa pagpuri si Martin sa buong living room. Hindi siya pwede magpahalata na may kakaiba sa kanya at hindi siya masaya.

Ngunit kahit anong pilit niya, hindi mawala sa isip niya ang eksenang nangyari sa veranda.

Pag-akyat niya sa kwarto, isinara niya agad ang pinto at isinandal ang noo sa malamig na kahoy. “Ano ba ’to, Lord…” bulong niya. Ramdam pa rin niya ang tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot lang, kundi dahil sa kaguluhang hindi niya kayang ipaliwanag.

Sinubukan niyang bumalik sa pagbabasa ng libro, pero wala na siyang maintindihan sa mga salita. Sa halip, ang mukha ni Damien ang patuloy na lumilitaw sa isip niya, ang paraan ng pagtingin nito, ang boses nitong bumubulong ng mga salitang hindi dapat marinig.

Kinabukasan, maaga siyang bumaba para kumain ng almusal. Tahimik ang paligid, at naisip niyang mas mabuti ito. Pero pagdating niya sa kusina, nandoon na naman si Damien, nakasando, may hawak na kape, at may ngiti sa labi na parang siya talaga ang dahilan kung bakit umaga.

“Morning,” bati nito, casual pero may ngiti sa gilid ng labi.

Napatingin lang siya sandali bago umiwas. “Morning,” mahina niyang tugon, sabay diretso sa ref.

“Hindi mo na talaga ako kayang tingnan, no?”

“Hindi ko kailangan tingnan ka,” matipid niyang sagot, pero naramdaman niyang lumapit ito sa likod niya.

“Ang hirap mong basahin, Sunshine,” bulong nito malapit sa tainga niya. “Pero mas gusto ko yata na ganito ka. I love challenge. Pinapahirapan mo ako, pero mas lalo kitang gustong kilalanin pa.”

Lumingon siya, nagtagpo ang mga mata nila, isang tingin na puno ng pagkalito at hindi mapigilang tensyon. “Hindi mo kailangang kilalanin ako, Damien. Hindi mo kailangang gustuhin ako dahil hindi ko rin iyon gusto.”

Ngumisi ito nang mahina, pero may pait sa likod ng ngiti. “Too late for that, Sunshine.”

Bago pa siya makasagot, dumating ang yaya, dala ang tray ng almusal. Agad silang nagkahiwalay, parang walang nangyari. Ngunit habang kumakain si Sunshine, ramdam niya pa rin ang tingin ni Damien. At sa unang pagkakataon, natakot siya hindi sa kung ano ang kayang gawin ni Damien, kundi sa kung ano ang kayang maramdaman niya para rito. Hindi niya iyon maipaliwanag, pero alam niya sa sarili niya na hindi iyon maganda kaya kailangang niya iyon isiksik sa pinakailalalim ng puso niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 4

    Mula nang gabing iyon, hindi na naging pareho ang lahat. Pilit na iniiwas ni Sunshine ang tingin, ang mga hakbang, at maging ang hininga niya sa tuwing naroroon si Damien. Pero tila mas lalo namang ginugusto ng lalaki ang presensya niya, parang sinasadya nitong lumapit, mang-asar, at paikutin siya sa bawat pagkakataon.Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kwarto ni Damien, ang halik na hindi niya inasahan. Ang halik na hindi niya dapat tinanggap, kahit ilang segundo lang iyon tumagal. Mula noon, pinangako niya sa sarili na iiwasan ang lalaki, anuman ang mangyari.Pero parang tadhana mismo ang kumakalabit sa kanya.Lunes ng hapon, nasa veranda siya, nagbabasa ng libro habang sinusubukang balewalain ang bigat ng init ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mga yabag ng mga kasambahay ang maririnig mula sa loob. Ang amoy ng bagong dilig na damo ay humahalo sa bango ng iced coffee sa tabi niya. At akala niya ay makakapagpahinga siy

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 3

    Isang gabi, nagsabay silang apat na maghapunan. At tahimik ang buong dining hall nang gabing iyon. Ang malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit na ilaw sa mahabang mesa, puno ng mga mamahaling pinggan at pagkain na inihanda ng mga katulong. Sa isang banda, nakaupo si Martin, abala sa pakikipag-usap kay Alona, habang si Damien ay tahimik lang sa kabilang dulo ng mesa, pero ang mga mata niya ay palihim na nakatuon kay Sunshine, na noo’y tahimik lang ding kumakain, halos hindi makatingin sa kanya. At kung magpapatuloy pa si Damien sa ginagawa nito ay baka mapansin na iyon ng mag-asawa.Nakaupo si Sunshine sa tabi ng kanyang ina, tahimik lang na kumakain habang pinakikinggan ang usapan ng mga nakatatanda. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat pag-abot niya ng baso o paghawi ng buhok mula sa kanyang balikat, ramdam niyang may matang nakamasid sa kanya.Ilang beses na niyang nasalo ang titig nito, at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis siyang napapalingon. Pero kahit iwas

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 2

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang lumipat sila ng kanyang ina sa bahay ng bagong asawa nito. Sa unang tingin, parang magandang simula ang lahat, isang malaking mansyon, may mga katulong na kahit anong iutos nila ay agad na sinusunod, at walang problema sa pera. Pero para kay Sunshine, hindi gano’n kasimple. Lumaki siya na simple lang ang pamumuhay nila kaya nahihirapan siyang mag-adjust. Bawat sulok ng bahay ay parang paalala na hindi parin siya kabilang doon. Tahimik ang mga dingding, pero ramdam niya ang lamig ng mga matang laging nakamasid, lalo na kay Damien. Parati niya itong nakikita sa gilid ng mga mata niya na nakatigin sa kanya kapag nagkakaharap sila, na para bang pati ang kanyang panghinga ay binabantayan nito.Bihira lang naman silang magkita sa loob ng bahay. Kapag naroon siya, siguradong busy o wala si Damien. Pero kahit hindi niya nakikita, palagi niyang nararamdaman ang presensya nito, mabigat, nakakailang, at minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 1

    Mainit ang hangin nang huminto ang itim na SUV sa tapat ng malawak na gate. Summer na rin kasi kaya ganon na lamang kataas ang araw kahit maaga pa. Sa likod ng tinted window, nakamasid si Sunshine habang unti-unting bumubukas ang metal gate ng Villarin mansion. Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Halos hindi siya makapaniwala sa lawak ng lugar na iyon, mga haliging puti, berdeng hardin na parang galing sa magazine niya lang nakikita, at mga mamahaling sasakyang nakaparada sa driveway. Parang isang palasyo. Ang bawat sulok ng lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, at sa gitna ng lahat ng iyon, pakiramdam ni Sunshine ay isa siyang bisita sa mundong hindi kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.“Anak, ayusin mo ang sarili mo, ha? Huwag kang magpapasaway sa akin dito,” mahinahong paalala ng ina niya, si Alona, habang inaayos ang buhok nito sa salamin. “Ngayon na magsisimula ang bagong buhay natin.”Bagong buhay.Dalawang salitang maganda pakinggan, pero

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status