แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: RAMONA
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-26 14:26:11

Dalawang araw na ang lumipas mula nang lumipat sila ng kanyang ina sa bahay ng bagong asawa nito. Sa unang tingin, parang magandang simula ang lahat, isang malaking mansyon, may mga katulong na kahit anong iutos nila ay agad na sinusunod, at walang problema sa pera. Pero para kay Sunshine, hindi gano’n kasimple. Lumaki siya na simple lang ang pamumuhay nila kaya nahihirapan siyang mag-adjust. Bawat sulok ng bahay ay parang paalala na hindi parin siya kabilang doon. Tahimik ang mga dingding, pero ramdam niya ang lamig ng mga matang laging nakamasid, lalo na kay Damien. Parati niya itong nakikita sa gilid ng mga mata niya na nakatigin sa kanya kapag nagkakaharap sila, na para bang pati ang kanyang panghinga ay binabantayan nito.

Bihira lang naman silang magkita sa loob ng bahay. Kapag naroon siya, siguradong busy o wala si Damien. Pero kahit hindi niya nakikita, palagi niyang nararamdaman ang presensya nito, mabigat, nakakailang, at minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok nang mabilis ang puso niya kapag naiisip ang binata.

Isang gabi, napag-isipan niya na lumabas muna ng kwarto. Hindi siya makatulog kahit anong gawin niya kaya nagpasya siya na maglakad-lakad na lamang. Malamig ang simoy ng hangin na dumadaan sa veranda ng kanyang silid. Kakatapos lang ni Sunshine mag-review para sa entrance exam ng bagong unibersidad na lilipatan niya bilang transferee. Halos sumakit ang ulo niya sa dami ng notes at reviewers na kailangang tandaan. Kaya napagpasyahan niyang magpahinga, lumangoy sa pool para makapag-relax.

Tahimik siyang bumaba sa hagdan, suot ang simpleng navy blue swimsuit at puting robe. Ayaw naman niyang may makakita sa kanya, lalo na si Damien. Gusto lang niya ng katahimikan, ng ilang sandaling malayo sa ingay ng isip niya.

Paglabas niya sa likod-bahay, naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin. Malawak ang garden, at sa gitna nito ay ang pool na kumikislap sa ilalim ng buwan. Ang mga ilaw sa paligid ay dim, nagbibigay ng malambot na anino sa mga halaman at mga upuang gawa sa rattan. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng tubig at hampas ng hangin ang maririnig.

Pero bago pa man siya makalapit sa gilid ng pool, napahinto siya. May tao na roon.

Si Damien.

Nakalubog ito sa tubig, nakasandal sa gilid ng pool, at tila tahimik lang na nag-iisip. Nakalugay ang basang buhok nito, ang liwanag ng buwan ay tumatama sa matikas nitong dibdib. Isang sulyap lang at agad nag-init ang pisngi ni Sunshine.

“Diyos ko…” bulong niya sa sarili, halos hindi makagalaw.

Gusto sana niyang umatras, bumalik na lang sa kuwarto. Pero bago pa siya makatalikod, nagsalita si Damien.

“Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na may tao na dito?” malamig na tanong nito, hindi man lang tumitingin sa kanya. 

Napahinto siya. “Ah… pasensiya ka na. Akala ko kasi ay walang tao dahil wala akong naririnig na ingay. Babalik na lang ako sa loob, ”

“Wala namang nagsabing hindi ka puwedeng maligo,” putol nito, saka siya tuluyang nilingon. Ang tingin ni Damien ay matalim, pero may kakaibang kislap sa ilalim ng mga mata nito, isang titig na parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Pero sigurado ka bang dito ka komportable?”

Hindi alam ni Sunshine kung ano ang ibig sabihin ni Damien, pero ramdam niya agad ang sarkasmo sa tono nito. “Bakit, may problema ba kung dito ako?” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili.

Ngumiti si Damien, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan. Parang ngiting may halong hamon.

“Wala naman. Baka lang hindi ka sanay sa ganitong lugar. This isn’t exactly… your kind of world, isn’t it? Pansin ko na hirap ka pa mag-adjust sa bago mong ginagalawan ngayon. Ang sabi ng mga maid na naka-assign sayo ay bihira mo lang sila utusan dahi pati ang iba nilang trabaho, ikaw na ang gumagawa.”

Napalunok siya. Ramdam niya ang pang-aasar sa bawat salita nito, pero imbes na umalis, pinili niyang manatili. Tinanggal niya ang robe at marahang naglakad papunta sa gilid ng pool.

“Maybe not,” sagot niya nang diretso, sabay tingin sa kanya, “pero kaya kong matutunan. Ayaw ko rin naman iasa sa mga katulong ang kaya ko naman gawin.”

Bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Tanging tunog ng tubig at malamig na hangin ang namamagitan.

Napatitig si Damien. Hindi niya inasahan ang sagot ni Sunshine. Diretso, may tapang. Pero habang pinagmamasdan niya ito, unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Ang lamig sa mga mata niya ay napalitan ng isang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag.

Ang ilaw ng pool ay dumadampi sa balat ni Sunshine, pinapatingkad ang bawat kurba ng katawan nito. Ang simpleng swimsuit na suot niya ay tila naging delikadong tukso sa paningin ni Damien. Sinubukan niyang umiwas, pero mas lalo lang siyang nakaramdam ng kakaibang init.

“Tumalon ka na kung lalangoy ka,” sabi niya bigla, tinatago ang tensyon sa boses. “’Wag kang tatayo lang diyan.”

Ngumiti si Sunshine nang bahagya, saka marahang pumasok sa tubig. Lumutang ang mga bula sa paligid niya habang dahan-dahan siyang lumalangoy papalapit. Ramdam ni Damien ang bawat galaw nito, ang banayad na agos, ang tunog ng tubig na tila kumakain sa pagitan nila.

“Akala ko, hindi ka sanay sa ganitong lugar?” tanong ni Damien, kunwa’y kalmado.

“Hindi pa ako sanay,” tugon ni Sunshine, “pero hindi ibig sabihin kailangan kong umiwas.”

“Matapang ka rin pala.”

“Hindi ako matapang,” sabi niya, “ayoko lang tratuhin na parang dayuhan sa bahay na ito. Asawa na Dad mo ang Mama ko. Kung gusto niya maging maging pamilya tayo, iyon ang gagawin ko. Ituturing ko kayo ng Daddy mo na parang pamilya.”

Sa sandaling iyon, nagtagpo ang kanilang mga mata. Matalim parin ang titig ni Damien sa kanya, ngunit sa ilalim ng tigas na iyon, may kung anong apoy na naglalagablab. Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang lapitan si Sunshine.

At hindi nga niya pinigilan ang sarili, lumapit siya sa babae, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “You should not be brave, Sunshine,” bulong nito, mababa at mapanganib. “May mga bagay sa bahay na ’to na alam kong hindi kakayanin ng tapang mo. At sigurado ako na kapag nalaman mo iyon, ikaw mismo ang hihila sa Mama mo palayo sa lugar na ito.”

“Baka naman ikaw ang delikado, Damien. Maayos naman ang lahat sa mansyon, maliban sa'yo. Parati kong napapansin na nakabantay sa kilos namin ni Mama.”

"Hmm... ibig sabihin ay nakatingin ka rin sa akin kaya't napapansin mo ang mga kilos ko?"

Napangisi siya, pero sa halip na umalis, mas lalo siyang lumapit. Nagtama ang kanilang mga titig, at sa isang iglap, parang tumigil ang mundo. Walang ibang tunog kundi ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso.

Ngunit bago pa man tuluyang bumigay ang sandali, lumayo si Damien. Umalis ito sa tubig, kinuha ang tuwalya sa gilid, at naglakad palayo.

“Goodnight, Sunshine,” malamig nitong sabi, pero bakas sa boses ang bahagyang pagkalito.

Nanatiling nakatayo si Sunshine sa gitna ng pool, pinagmamasdan ang papalayong anino ni Damien. Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman, galit, hiya, o… pagkabighani.

Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya patungo sa kanyang dibdib, ramdam niya ang bilis ng pintig na ito. “What the hell just happened?” bulong niya sa sarili.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 4

    Mula nang gabing iyon, hindi na naging pareho ang lahat. Pilit na iniiwas ni Sunshine ang tingin, ang mga hakbang, at maging ang hininga niya sa tuwing naroroon si Damien. Pero tila mas lalo namang ginugusto ng lalaki ang presensya niya, parang sinasadya nitong lumapit, mang-asar, at paikutin siya sa bawat pagkakataon.Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kwarto ni Damien, ang halik na hindi niya inasahan. Ang halik na hindi niya dapat tinanggap, kahit ilang segundo lang iyon tumagal. Mula noon, pinangako niya sa sarili na iiwasan ang lalaki, anuman ang mangyari.Pero parang tadhana mismo ang kumakalabit sa kanya.Lunes ng hapon, nasa veranda siya, nagbabasa ng libro habang sinusubukang balewalain ang bigat ng init ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at mga yabag ng mga kasambahay ang maririnig mula sa loob. Ang amoy ng bagong dilig na damo ay humahalo sa bango ng iced coffee sa tabi niya. At akala niya ay makakapagpahinga siy

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 3

    Isang gabi, nagsabay silang apat na maghapunan. At tahimik ang buong dining hall nang gabing iyon. Ang malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit na ilaw sa mahabang mesa, puno ng mga mamahaling pinggan at pagkain na inihanda ng mga katulong. Sa isang banda, nakaupo si Martin, abala sa pakikipag-usap kay Alona, habang si Damien ay tahimik lang sa kabilang dulo ng mesa, pero ang mga mata niya ay palihim na nakatuon kay Sunshine, na noo’y tahimik lang ding kumakain, halos hindi makatingin sa kanya. At kung magpapatuloy pa si Damien sa ginagawa nito ay baka mapansin na iyon ng mag-asawa.Nakaupo si Sunshine sa tabi ng kanyang ina, tahimik lang na kumakain habang pinakikinggan ang usapan ng mga nakatatanda. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat pag-abot niya ng baso o paghawi ng buhok mula sa kanyang balikat, ramdam niyang may matang nakamasid sa kanya.Ilang beses na niyang nasalo ang titig nito, at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis siyang napapalingon. Pero kahit iwas

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 2

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang lumipat sila ng kanyang ina sa bahay ng bagong asawa nito. Sa unang tingin, parang magandang simula ang lahat, isang malaking mansyon, may mga katulong na kahit anong iutos nila ay agad na sinusunod, at walang problema sa pera. Pero para kay Sunshine, hindi gano’n kasimple. Lumaki siya na simple lang ang pamumuhay nila kaya nahihirapan siyang mag-adjust. Bawat sulok ng bahay ay parang paalala na hindi parin siya kabilang doon. Tahimik ang mga dingding, pero ramdam niya ang lamig ng mga matang laging nakamasid, lalo na kay Damien. Parati niya itong nakikita sa gilid ng mga mata niya na nakatigin sa kanya kapag nagkakaharap sila, na para bang pati ang kanyang panghinga ay binabantayan nito.Bihira lang naman silang magkita sa loob ng bahay. Kapag naroon siya, siguradong busy o wala si Damien. Pero kahit hindi niya nakikita, palagi niyang nararamdaman ang presensya nito, mabigat, nakakailang, at minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok

  • Stepbrother Damien (SPG)   Chapter 1

    Mainit ang hangin nang huminto ang itim na SUV sa tapat ng malawak na gate. Summer na rin kasi kaya ganon na lamang kataas ang araw kahit maaga pa. Sa likod ng tinted window, nakamasid si Sunshine habang unti-unting bumubukas ang metal gate ng Villarin mansion. Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Halos hindi siya makapaniwala sa lawak ng lugar na iyon, mga haliging puti, berdeng hardin na parang galing sa magazine niya lang nakikita, at mga mamahaling sasakyang nakaparada sa driveway. Parang isang palasyo. Ang bawat sulok ng lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, at sa gitna ng lahat ng iyon, pakiramdam ni Sunshine ay isa siyang bisita sa mundong hindi kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon.“Anak, ayusin mo ang sarili mo, ha? Huwag kang magpapasaway sa akin dito,” mahinahong paalala ng ina niya, si Alona, habang inaayos ang buhok nito sa salamin. “Ngayon na magsisimula ang bagong buhay natin.”Bagong buhay.Dalawang salitang maganda pakinggan, pero

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status