Chapter: Kabanata 30"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele
Last Updated: 2025-12-12
Chapter: Kabanata 29PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Kabanata 28Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo
Last Updated: 2025-12-08
Chapter: Kabanata 28Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f
Last Updated: 2025-12-08
Chapter: Kabanata 27Narinig na rin iyon ng homeroom teacher mula sa Class S at hindi rin nito naitago ang nararamdamang inggit."Si Fayra ba ang irerekomenda sa People's Art Theater sa manila? Grabe, ang galing naman! Sobrang dami na rin kasing post online tungkol doon sa school forum. Magiging isa ka ng big star homeroom teacher! Nako, 'wag mo kaming kalilimutan kapa sumikat ka na, ha." saad ng guro kay Fayra.Humagikhik si Fayra bago magpaalam. "Una na po ako."---KINUHA NG head ng student affairs ang isang mock exam paper para kay Cailyn na nakaupo sa tabi ng sofa, may dala rin itong ballpen at scratch paper. "Wala pa kasi si principal e, kaya dito ka na muna kumuha ng exam. Ako na lang din ang titingin pagkatapos mo. Tsaka mo na lang malalmaan kung saang klase ka ilalagay kapag dumating na ang principal." saad nito kay Cailyn."Okay po," sagot ni Cailyn pagkatapos ay tsaka niya inabot ang hawak nitong papel at saka sinulyapan ang mga katanungan roon na parang walang pakialam.Tulad ng inaasahan niy
Last Updated: 2025-12-05
Chapter: Kabanata 26NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nasa loob ng sasakyan, buong yabang na tinanggap ang lahat ng mapanuring tingin ng lahat sa paligid.Mabilis lang naman sinulyapan ni Cailyn ang dalawa at saka isinukbit ang dalang shoulder bag, pagkatapos ay dire-diretsong naglakad papasok sa gate papasok ng eskuwelahan, na para bang wala siyang kahit na anong kaugnayan sa dalawang tao na nakasakay sa magarang sasakyan na iyon.Napansin ni Fayra ang isang bughaw na pigura sa hindi kalayuan. Dahil sa talas ng mga mata niya ay kaagad niyang nakilala ang pigura ni Cailyn. Hinaklit ni Fayra ang manggas ng suot na damit ng kaniyang ama at saka itinuro ang papalayong anino ni Cailyn. "Daddy, hindi ba si Cailyn 'yon? Parang siya iyong nakita ko na n
Last Updated: 2025-11-30