공유

Kabanata 26

작가: Belle Ame
last update 게시일: 2025-11-30 22:54:26

NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.

Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nasa loob ng sasakyan, buong yabang na tinanggap ang lahat ng mapanuring tingin ng lahat sa paligid.

Mabilis lang naman sinulyapan ni Cailyn ang dalawa at saka isinukbit ang dalang shoulder bag, pagkatap
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 96

    Diyos ko, maging ang mga socialite nga dati ay todo-effort na manligaw kay Jace pero lahat ng mga ito ay nabigo, at wala rin ailang nagawa noon kundi tanggapin na lang ang pagkatalo at lunukin ang lahat ng sama ng loob nila. Hanggang sa unti-unti ng kumalat ang balita tungkol sa napakasamang ugali ni Ruan, at hanggang sa makilala siya bilang isang batang hindi basta-basta kayang pakisamahan ng sinuman.Napatingin ang tauhan ni Jace kay Kian nang may pagtataka.“Sir Kian, hindi niyo ho ba alam?”Bakit? May dapat bang malaman si Kian? Tuluyang nalito si Kian at saka napakamot siya sa ulo.“Hindi, e. Teka, a-ano bang nangyayari rito?”tanong ni Kian. At hindi pa man siya nakakakuha ng sagot nang bigla na lamanh bumukas ang pinto ng VIP ward mula sa labas.At mula roon ay marahang pumasok si Cailyn, hinihingal ito nang bahagya habang bitbit ang napakaraming shopping bag, may mga malalaki at maliliit roon. Nanlaki ang mga mata ni Kian.“C-Cailyn?!”Shit! Bakit nandito ang pinsan ko?!Pag

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 95

    Nang sumapit din ang hapon ay sumakay na ng taxi si Cailyn papunta sa ospital habang bitbit ang malalaking shopping bags na lagayan ng mga pinamili niya.At gaya ng dati ay napakarami pa ring tao sa buong ospital. Mabuti na lang at hindi siya pupunta sa outpatient department, kaya hindi na niya kailangan pang pumila. Dumaan siya sa mahabang hallway at dumiretso sa South Garden Inpatient Ward.Maingay at abala ang outpatient area, pero paglagpas niya sa isang corridor na napapalibutan ng mga halaman at puno ay tila ibang mundo na ang inpatient ward. Tahimik at presko ang paligid doon. May ilang mga pasyenteng naglalakad sa garden kasama ang kanilang mga bantay at payapa ang tanawin sa kabila ng pagiging abala ng mga tao sa ospital.At dahil maraming bitbit ay hindi na muna dumiretso si Cailyn sa kuwarto ng kaniyang tiyuhin. Sumakay muna siya ng elevator patungo sa ika-walong palapag. Halos puno ang VIP ward sa ikawalong palapag. Naroon sina Gavino at Jace. Kasama rin nila ang isang bi

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 94

    “Actually hija, hindi naman ito talagang malaking bagay, uh.. ” May kaunting hiya sa mabait na mukha ni Monette habang tinitingnan si Cailyn.“Ganito kasi hija, senior high school ka na at malapit ka na ring mag-college, hindi ba. May university ka na bang gustong pasukan? Kumusta kaya kung sa University of the Philippines College of Arts and Letters ka pumasok? Gusto mo ba roon, hija?” Bahagyang ngumiti si Monette matapos sabihin iyon.“K-kung gusto mo, may paraan ang Lola Monette para matulungan kang makapasok doon. Hindi naman masama ang grades mo, e. At saka kilala rin ang UP bilang isa sa mga pinaka-prestihiyosong university sa buong bansa. Kung makakakuha ka ng magandang recommendation at admission assistance ay mas mabuti iyon kaysa umasa ka lang sa resulta ng entrance exam.” muling saad ng ginang.   Wala ng libre sa mundo. Kahit na may nag-abot man sa’yo ng libreng pagkain ay kailangan mo pa ring mag-ingat. Baka naman nahulog lang iyon mula sa napakataas na lugar at sakto nam

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 93

    Commission-based kasi ang kita ng mga sales associate sa bawat luxury stores, at hindi naman sila nakakakuha ng malalaking kliyente buwan-buwan. Kadalasan nga ay umaabot pa sa daan-daang libong piso ang presyo ng mga paninda roon, kaya karamihan sa mga customer ay nag-iikot at tumitingin-tingin lang.Sa kasamaang-palad ay hindi pinansin ni Cailyn ang sales associate na nagngangalang Marie. Sa halip ay ang unang sales associate na kumausap sa kanya ang inutusan niyang mag-swipe ng card niya at ipaayos ang packaging ng mga binili niya. Dahil doon ay labis tuloy na pinagsisihan ni Marie ang naging asal niya rito kanina.At habang hinihintay ang mga binili niya na maipack ay nakaramdam si Cailyn ng kaunting pagkasikip sa loob ng store kaya lumabas muna siya saglit at naglaro ng kung ano sa phone niya. Balak sana niyang silipin ang bawat galaw ng stock market habang naghihintay doon. Sakto namang kakabukas pa lang niya ng screen ng phone at hindi pa man siya nakakapag-check nang maayos na

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 92

    “P-po?”Natigilan ang sales assistant. Nanlaki ang almond-shaped nitong mga mata sa gulat at hindi makapaniwalang nakatingin kay Cailyn.Bahagyang nakaawang ang mga labi. “I-ikaw… g-gusto mo talagang ng bilhin ’to?” saad ng sales associate.   Tumango si Cailyn.Casual lang din niyang sinulyapan ang iba pang mga naka-display na items, hanggang sa makita niya ang maliit na seahorse na kanina pa inirekomenda sa kanya.  “Ito na nga rin.” ani Cailyn. Mas lalo pang hindi nakaimik ang dalagang kumukuha ng mga bagat na nais niyang bilhin. Para kasi sa sales associate na si Ciara ay mukha lamang isang high school student 'tong si Cailyn!  Marami mang mayayamang babae sa siyudad ang maingat na pumipili ng mga items sa loob ng Seven, nagtatanong tungkol sa mga produkto at sinusubukan pa ang mga ito bago tuluyang magdesisyon kung bibili ba sila o hindi.  Napansin ng sales assistant na baka hindi alam ni Cailyn kung anong klaseng brand ang Seven. “Uh... Miss, medyo pricey po kasi ang brooc

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 91

    Kaswal na naglibot muna si Cailyn bago tuluyang umakyat sa second floor. May Seven na counter sa loob ng mall, pero kakaunti lang ang mga taong tumitingin-tingin doon. Karamihan kasi ay alam na sobrang mahal ng brand na iyon kaya hindi na rin pumapasok.Dire-diretsong pumasok roon si Cailyn, at agad siyang magiliw na sinalubong ng isang sales assistant.“Hello po. Ano pong klaseng jewelry ang hinahanap ninyo? Pwede ko po kayong tulungan mamili.” saad ng saleslady roon.Napatingin ito kay Cailyn at bahagyang natigilan nang mapansin na isa lamang itong high school student. Pero hindi nagbago ang ngiti nito. Hindi rin ito nagpakita ng pagkainip o pag-aakalang nagsasayang lang ng oras ang dalaga dahil bata pa ito.“Miss, ano po ang gusto ninyong bilhin? Bracelet, necklace, earrings, brooch…? Sabihin ninyo lang po at ituturo ko kung saan nakalagay ang bawat style.” magiliw nitong tanong habang patuloy na sumusunod kay Cailyn.Hindi pa kailanman nakapunta si Cailyn sa physical store ng Seven

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 11

    Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 8

    HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahag

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 7

    HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni A

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 6

    "Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status