เข้าสู่ระบบParehong nakatanggap ng regalo mula kay Cailyn ang dalawang miyembro ng pamilyang Figueroa. Ang nakatatanda ay nakatanggap agad ng regalo, samantalang ang nakababata naman ay napangakuang bibilhan siya ng ate niya sa susunod.Samantalanh ang trato sa sarili nitong miyembro ng pamilya na si Kian ay kapantay na lang pala ng kay Adriane!Paano naman nito kayang tiisin iyon, hindi ba?!“Ano ka ba, syempre gano’n din sa’yo. Sa susunod na may makita akong bagay na babagay sa’yo ay bibilhan din kita.” ani Cailyn. Hindi naman kasi madamot si Cailyn pagdating sa mga materyal na bagay. Kaya ngayong humingi na rin si Kian ay mapagbigay na lang siyang pumayag. Sa totoo lang ay hindi naman pangit si Kian. Sa katunayan nga ay pakiramdam ni Cailyn na parang nakita na niya sa kung saan ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saang lugar iyon.Bahagyang kumunot ang noo ni Cailyn habang pilit na inaalala. Pero nang wala pa rin talaga siyang maalala ah nagpasya na lang siyang huwag nang p
Ano na ba talaga ang namamagitan sa dalawang ’to?!Tila biglang may tumunog na mga alarm bell sa isip ni Kian. Agad itong sumugod para harangan si Cailyn, para itong isang magulang na desperadong pinoprotektahan ang pinakamamahal na anak mula sa isang lalaking gustong umagaw rito.“Jace Verell Figueroa, hindi mo pa nga nakikita nang maayos ang damit, e. Paano mo naman nasabing gusto mo na agad iyan? Paano kung hindi mo naman pala magustuhan?”Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jace habang matalim itong nakatingin kay Kian.Bigla tuloy pinagpawisan nang malamig si Kian, pero hindi ito umatras ng kahit isang hakbang. Buo ang loob nitong sinalubong ang tingin ni Jace.“Pagdating sa mga damit, kailangan mo munang subukan bago mo malaman kung babagay ba sa’yo! Basta na lang naman bumili si Cailyn, e. Paano kung hindi namna pala maganda ang dating kapag sinuot mo na? Paano kung hindi rin tama ang size niyan, 'di ba?” ani Kian. "Malay mo, makahanap pa ako ng paraan para mapalitan ’yan!" dag
Halata naman sa ekspresyon ni Jace na iba siya sa lahat. Hindi man nito sabihin nang direkta ay halos umaapaw na sa tuwa ang mga mata ng binata!“Paanong pare-pareho lang?! Itim ang bracelet namin ni Adriane, samantalang silver ang sa’yo! Magkaiba kaya ang kulay ng mga ’yan!”Bakit naman kasi?!Hindi napigilan ni Jace ang bahagyang pag-angat ng mga labi niya. Ibinaba niya ang tingin at hinaplos ang bracelet na nasa pulsuhan, halatang tuwang-tuwa ito sa sarili.“Baka naman kasi mas bagay sa inyo ang itim.” ani Jace. Hehe!“Bagay din naman sa akin ang silver, ah!” sagot ni Kian. “Talaga ba?” sagot ni Jace. Hindi man lang nito inalis ang tingin sa bracelet na suot niya. Halatang wala na sa usapan ang isip niya habang sumasagot nang walang gaanong interes.Lalong nakaramdam ng inggit si Kian. Hindi niya maiwasang sumama ang loob habang pinagmamasdan ang bracelet ni Jace.“Jace, paano kung magpalit na lang kaya tayo? Sa tingin ko kasi mas bagay sa’yo ang itim, e. Simple, elegante, tapos
Wala na rin namang pakialam si Kian kung tunay ba o peke ang bracelet na ibinigay ni Cailyn. Masaya niya itong isinuot sa pulsuhan at saka kumuha ng ilang litrato gamit ang cellphone niya. Nagpadala siya ng tig-isang litrato sa lolo, tatay, at tiyuhin niya. Pagkatapos niyon ay nag-post din siya sa social media account niya.[Sa mundong puno ng paghihirap, ang baby ko lang ang munting White Rabbit na may tamis ng asukal.] iyan ang inilagay nitong caption na may kasama pang smiley face sa dulo. At kalakip ng post na iyon ang litrato ng bracelet na kakasuot lang niya.Isa siyang sikat na personalidad sa social media na may limampung milyong followers. Kaya naman kahit ilang sandali pa lang mula nang mag-post siya ay dagsa na agad ang mga fans niya. Sunod-sunod ang shares at likes sa bagong update niya.Ilang sandali lang ay nagsimula nang magkomento ang mga tagahanga tungkol sa litrato na ipinost ni Kian. "AAAAAHHHH! Hindi lang basta kamay ang kamay ni Kuya, parang iyan na ang pinakamal
Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nahihiyang hinawakan ni Ruan ang brooch na binili ni Cailyn para sa kanya.“A-ate, puwede mo po ba akong tulungan na isuot ’to? Hindi ko po kasi alam kung paano ito ikakabit, e.”"Sus, kalokohan!" bulong ni Kian sa isip niya.Matalino ang lahat ng miyembro ng mga Figueroa, at hindi eksepsiyon si Ruan doon. Bata pa lang ito ay kayang-kaya na nitong buuin at pagtagpi-tagpiin ang isang baril na pinaghiwa-hiwalay ang mga piyesa. Tapos ngayon ay sasabihin nitong hindi nito kayang magkabit ng napakaliit lang na brooch? Sinong niloloko ng batang ito?Ang problema nga lang, napaniwala talaga nito si Cailyn.Pinanood ni Kian ang bawat hakbang ng dalaga habang papalapit ito sa kama.“Sige. Alin ba sa dalawa ang gusto mong isuot muna?” mahinnag tanong ng dalaga. Ilang sentimetro na lang ang layo ng magandang mukha ni Cailyn sa bata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ruan. Namula ang mukha nito at halos pabulong na sumagot kay Cailyn habang iniabot ang kamay
Diyos ko, maging ang mga socialite nga dati ay todo-effort na manligaw kay Jace pero lahat ng mga ito ay nabigo, at wala rin ailang nagawa noon kundi tanggapin na lang ang pagkatalo at lunukin ang lahat ng sama ng loob nila. Hanggang sa unti-unti ng kumalat ang balita tungkol sa napakasamang ugali ni Ruan, at hanggang sa makilala siya bilang isang batang hindi basta-basta kayang pakisamahan ng sinuman.Napatingin ang tauhan ni Jace kay Kian nang may pagtataka.“Sir Kian, hindi niyo ho ba alam?”Bakit? May dapat bang malaman si Kian? Tuluyang nalito si Kian at saka napakamot siya sa ulo.“Hindi, e. Teka, a-ano bang nangyayari rito?”tanong ni Kian. At hindi pa man siya nakakakuha ng sagot nang bigla na lamanh bumukas ang pinto ng VIP ward mula sa labas.At mula roon ay marahang pumasok si Cailyn, hinihingal ito nang bahagya habang bitbit ang napakaraming shopping bag, may mga malalaki at maliliit roon. Nanlaki ang mga mata ni Kian.“C-Cailyn?!”Shit! Bakit nandito ang pinsan ko?!Pag
Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahag
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni A
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pa







