Caspian Sanchez is looking for a woman to marry him. Many women have entered his office wearing wedding gowns pero wala pa rin siyang napipili sa kanilang lahat. He want to give up for this day until a woman entered his office. Humahangos ito, pinagmasdan ni Caspian ang babaeng nakasuot din ng wedding gown, sa tingin niya nahanap niya na ang babaeng hinahanap niya para maging pansamantalang asawa. Davina Flores, siya ay tumatakas sa sarili niyang kasal hanggang sa pasukin niya ang isang kwarto kung nasaan si Caspian. Tinakasan niya ang sarili niyang kasal pero hindi niya natakasan ang kasal sa isang estranghero. Hindi niya akalain na paglabas niya ng kwartong iyun ay isa na siyang ganap na Mrs. Sanchez. Will they marriage last or they both fall in love to each other? Ngunit, paano kung ang taong pinakasalan mo ay siya pala ang taong matagal mo nang hinahanap? What will you choose? Your mission or your partner? Are you willing to kill your partner for the sake of your mission?
Lihat lebih banyakBlangkong nakatingin si Caspian sa mga babaeng nakaharap sa kaniya. Isa-isa niya itong mga tiningnan, lahat naman sila ay magaganda pero hindi niya maintindihan kung bakit wala man lang siyang magustuhan.
Napapahilot na lang siya sa noo niya at napapayuko na lang din si John dahil alam niyang wala nanamang nagustuhan ang Boss niya sa mga babaeng dinala niya. Caspian is looking for a woman to marry him. He needed to get married as soon as possible because that was his grandfather’s last request.
Maraming mga babae na ang pumasok sa loob ng office niya at lahat ng mga yun ay nakasuot na ng wedding gown subalit ni isa ay wala nanaman siyang nagustuhan. Napabuntong hininga na lang siya at sinenyasan ang sekretarya niyang palabasin na silang lahat.
Nakayuko namang iginiya ni John ang mga dalaga palabas ng opisina. Lahat sila ay napasimangot dahil gusto talaga nilang pakasalan ang nag-iisang Caspian Sanchez subalit, mukhang wala man lang ni isa sa kanila ang pumasok sa standard ng isang Caspian Sanchez.
“Lahat na ng mga kinuha ko Sir ay isa sa mga anak ng mga mayayaman sa bansa, wala po ba man lang kayong nagustuhan sa kanila?” lakas loob na tanong ni John, hindi niya na mabilang kung ilang dalaga na ba ang kinausap niya para isama sa mga pamimilian ni Caspian na pakakasalan pero hanggang ngayon wala pa ring mapili si Caspian. Hindi niya na alam kung saan pa siya maghahanap ng mga dalaga para iharap sa Boss niya.
Lahat sila ay kinatatakutan ang nag-iisang Caspian dahil sa kakayahan nitong pabagsakin ka kapag kinalaban mo siya.
“What do you think?” malamig niyang balik na tanong na mas lalong nakapagpayuko kay John.
“I’m sorry Sir.” tanging sagot niya.
“Ready my car, I’m leaving. Next time, iharap mo sa akin ang mga babaeng may papasok man lang sa standard ko, John. Huwag mo ng sayangin ang oras ko.” blangko pa rin niyang wika na mabilis nakapagpatango kay John.
Akma na sana silang lalabas ng office niya nang mapaatras siya dahil sa may biglang nagbukas ng pintuan niya. Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng napakaengrandeng wedding gown at hingal na hingal pa ito. Mabilis na isinarado ng babae ang pintuan at napasandal na lang dun habang hinahabol niya ang hininga niya.
Hindi pa niya alintana ang taong nasa loob ng opisina na pinasok niya dahil nakapikit ang mga mata niya.
Tinitigan ni Caspian ang babaeng bigla na lang pumasok ng opisina niya. Mula ulo hanggang paa ay tiningnan niya ang babae, matangkad, maganda, hindi mukhang mahina at mahinhin. Mga katangian na maaaring pumasok sa standard niya, mga hinahanap niya sa mga babaeng iniharap ni John pero hindi niya nakita.
Napatango-tango na lang siya at napangisi dahil mukhang nahanap niya na ang babaeng maaari niyang pakasalan.
Nilapitan niya si John at may ibinulong dito. Tumango naman si John at tahimik na umalis saka pinasok ang isa pang kwarto sa loob ng office ni Caspian.
Blangko lang na nakatitig si Caspian sa babaeng nakaharap sa kaniya pero nakapikit pa rin ito. Nang makaginhawa na ang babaeng pumasok ng office niya ay iminulat niya na ang mga mata niya pero napadikit na lang siya sa pintuan ng sumalubong sa kaniya ang mga malalamig na titig ni Caspian.
Napalunok na lamang si Davina dahil hindi niya alam kung anong kwarto ang pinasok niya.
“I’m sorry, hindi ko sinasadyang pumasok dito sa office mo.” wika niya pero walang salitang lumabas sa bibig ni Caspian. Nagtitigan lang silang dalawa at wala ni isa ang kumalas sa mga titig na iyun. Bahagyang napangisi si Caspian dahil sa lakas ng loob ng babaeng kaharap niya para titigan siya. Walang sinuman ang naglakas loob na titigan siya ng diretso sa mga mata niya pero sino ang lapastangan na babaeng ito para gawin sa kaniya iyun ng wala man lang bakas ng takot.
Naputol ang titigan nilang dalawa ng lumabas si John sa isang kwarto. Tiningnan ni Davina ang isa pang lalaki, napakunot na lang siya ng noo ng sumenyas si John na pumasok na siya sa kwarto. Hindi siya sumunod dahil nawiwirduhan siya sa mga taong kasama niya sa office na ito. Nang lilingunin niya sana si Caspian ay bigla na lamang itong nawala sa kinatatayuan niya kanina.
“Follow me,” nakangiting saad ni John kay Davina, naguguluhan man siya ay sumunod na siya. Pumasok sila sa isang kwarto at sa loob ng kwartong iyun ay kita naman nila ang lalaking nasa middle age na. Pinaupo nila si Davina, hindi mapigilang hindi mapatitig ni Davina sa mga taong kasama niya dahil sa mga ikinikilos ng mga ito.
“Ano bang gagawin ko rito?” pagtatanong niya na, napakunot ng noo si John dahil hindi ba halatang nagpunta siya rito para pakasalan si Caspian Sanchez?
Muling tumayo si Davina at binuhat niya ang napakabigat niyang gown.
“Aalis na ako, pasensya na kung pumasok ako rito.” aniya pa pero bago pa man siya makahakbang nang tabihan na siya ni Caspian.
“Let’s proceed.” Maawtoridad niyang saad sa judge na kanina pa naghihintay. Napangiti naman si John dahil sa wakas may babaeng napili ang Boss niya at hindi na siya maghihirap para maghanap pa uli ng mga dalaga.
“You don’t need to say anything, let’s just proceed to the papers that we need to sign. Let’s finish this.” Hindi makapaghintay na wika ni Caspian sa judge, tumango naman ang judge at ibinigay na ang mga papeles na magpapatunay na kasal na silang dalawa.
Hindi maalis ang pagkakakunot ng noo ni Davina dahil wala siyang alam kung anong nangyayari? Napatingin siya kay Caspian nang iabot sa kaniya ang isang ballpen. Tinitigan niya lang iyun pero hindi kinuha.
“Anong gagawin ko diyan?” taas kilay niyang tanong. Una sa lahat ayaw ni Caspian ng pinaghihintay siya kaya inis niyang kinuha ang kamay ni Davina para ipahawak ang ball pen at pirmahan na ang mga papeles.
“Ano ba?! What do you think you’re doing?” inis niya na ring saad. “I’m leaving.”
“You’re not leaving, sign these papers first so you can leave.” Malamig na saad ni Caspian, hilaw namang natawa si Davina.
“Sino ka ba para sundin ko?” nagtiim ang bagang ni Caspian dahil sa salitang binitawan ni Davina. Caspian Sanchez, hindi niya kilala? Napapayuko na lang si John dahil baka siya ang managot sa ipinapakitang pag-uugali ng dalaga. Hindi niya kilala ang babae dahil hindi naman ito kasama sa mga babaeng dapat ay pamimilian ni Caspian.
“You want to leave? Sign these and leave.” May diin niya ng wika, nawawalan na ng pasensya sa babaeng kaharap niya. Dahil sa inis ni Davina at gusto niya ng makaalis ay kinuha niya ang ballpen at pinirmahan ang ilang mga papeles ng hindi niya na binabasa pa.
“Satisfied? Now, can I leave?” anas niya, ngumisi lang naman si Caspian. Akma na sanang aalis si Davina ng mapahinto siya dahil sa sinabi ng judge. Dahan-dahan siyang napaharap sa judge habang salubong ang mga kilay niya.
“What did you say, Sir? Nabingi yata ako.” natatawa niyang tanong.
“I now pronounce you husband and wife.” Ulit ng judge pero natawa lang si Davina na ikinakunot ng noo ni Caspian.
“Sandali, nagkakamali yata kayo. What is this?” hinarap niya si Caspian na salubong na rin ang kilay dahil sa pagtataka.
“What do you think? Hindi ba at iyan ang ipinunta mo rito?” tiningnan niya ang mga papeles na may pirma na nilang dalawa pero blangko pa rin ang pangalan ni Davina, maaari na lang nilang lagyan ito mamaya. Kinuha ni Caspian ang dalawang singsing saka niya isinuot ang isa pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Davina para sapilitang isuot ang singsing sa kaniya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo lalaki?!” galit ng sigaw ni Davina, halos manginig na rin sa takot si John, kung maaari niya lang pigilan ang dalaga ay ginawa niya na pero nakaharap pa rin si Caspian kaya mas lalo siyang natatakot. Inis na kinuha ni Davina ang isang papales na may pirma niya na.
Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa nabasa niya.
“Marriage contract?!” inagaw na ni Caspian ang mga papeles saka ibinigay kay John.
“Kung makasigaw ka akala mo hindi mo ito inaasahan. Look at yourself, you’re ready for this wedding.”
“What the hell are you talking?! Are you crazy? I am here para takasan ang sarili kong kasal na dito ginaganap sa hotel na ito. Pumasok ako sa kwartong ito para magtago at hindi para ikasal sa lalaking hindi ko kilala, you idiot!”
“Fuck,” mahinang mura ni Caspian, nilingon niya si John na nakayuko na ngayon.
“I’m sorry Sir, hindi ko rin po siya kilala eh. Bigla na lang siyang pumasok sa office niyo.” Nanginginig niyang wika, ang mga nanlilisik na mga mata ni Caspian ay tiningnan ang kabuuan ng babae. Wala na siyang oras para maghanap pa ng ibang babaeng kailangan niyang pakasalan. Wala na siyang pakialam kung sino ang babaeng nasa harapan niya at kung saang pamilya galing.
Nang makita niya ang hawak-hawak nitong wallet ay kinuha niya iyun saka naghanap ng pagkakakilanlan ng dalaga.
“Ano bang ginagawa mo?” aagawin sana ni Davina ang wallet niya pero inilayo iyun ni Caspian. Nang mahanap niya ang ID ni Davina ay binasa niya kung anong pangalan ng dalagang kaharap niya.
“Davina Flores,” basa niya sa pangalan ni Davina. Tiningnan niya si John at sinenyasan ito, mabilis naman siyang kumilos para ilagay na ang pangalan ni Davina sa marriage contract nilang dalawa.
“Anong binabalak mo? Don’t you ever do that.” mapagbantang wika ni Davina dahil mukhang alam niya na kung anong pumapasok sa utak ng lalaking kaharap niya subalit mabilis na nawala sa paningin nila si John.
“You chose this woman, you’re now my wife.”
“Tanga ka ba o sadyang tanga ka na talaga?! Hindi ako pumasok sa kwartong ito para pakasalan ka! Ni hindi nga kita kilala tapos ikakasal pa?”
“I don’t even know you kaya it’s fair! You should be thankful dahil ako ang napangasawa mo.” hilaw na natawa si Davina at mas lalo pa siyang natawa na tila nababaliw dahil sa sinabi ni Caspian. Hindi siya makapaniwalang tumakas siya sa sarili niyang kasal tapos mapupunta siya rito sa kwartong ito at paglabas ay kasal na rin siya sa taong ni hindi niya kilala?
“I should be thankful? May sira ba ulo mo? Bakit ko naman ipagpapasalamat na ikinasal ako sa lalaking kagaya mo? Mas pipiliin ko pang pakasalan ang lalaking dapat ay pakakasalan ko ngayon kesa sayo!” nag-igting ang panga ni Caspian. Saan nanggagaling ang lakas ng loob ng babaeng ito para ipahiya at sigawan siya. Lahat ng mga babae ay nagkakandarapa sa kaniya tapos ang babaeng kaharap niya ngayon ay walang kahirap-hirap na sigawan lamang siya?
“If that so, hindi ka sana tumakas sa kasal mo at pinakasalan ang lalaking yun.” He said in his cold tone saka siya lumabas. Pabagsak pang isinarado ni Caspian ang pintuan dahil hindi niya matanggap na may isang babaeng naglakas loob na sigawan siya at pagsabihan na lamang ng mga ganung klaseng salita.
Hilaw na natawa si Davina at napasigaw na lang siya dahil sa inis niya. Anong gulo ba ang pinasok niya? Naiwan na siya ng mag-isa niya sa loob ng kwartong iyun at hindi niya na alam kung saan nagpunta ang mga taong yun.
“Nakadrugs ba silang lahat?” aniya pa, napahilot siya sa sintido niya. Iniisip pa lamang niya ang pagtakas sa sarili niyang kasal tapos dumagdag pa ito? Sinong taong masisiyahan na bigla na lang ikinasal sa taong ni hindi niya kilala.
“I’m doomed,” napasapo na lang siya sa noo niya. Ano pa bang magagawa niya napirmahan niya na ang marriage contract nila. Kung hindi rin naman siya tanga, binasa niya na muna sana ang mga papeles. Hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Paano niya ito ipapaliwanag sa mga magulang niya lalo na sa ama niya dahil baka mapatay pa silang dalawa ng ama niya.
Napaupo siya sa sofa dahil biglang nanghina ang mga tuhod niya. Baka papasok pa lamang siya ng bahay nila kasama ang ibang lalaki ay habulin na sila ng mga bala ng baril ng kaniyang ama.
“That man, this is your fault. Ano bang problema nun at nagpakasal kaagad sa babaeng hindi niya naman kilala. Hindi na lang siya naghanap ng ibang babae dahil sa itsura niyang yun lahat sila ay papayag. You asshole.” Nanggigigil pa rin niyang aniya.
Napatingin siya kay John na dahan dahan pang lumapit sa kaniya saka iniabot ang isang shopping paper bag. Blangko lang iyung tiningnan ni Davina.
“Sinabi ni Sir na magbihis ka na. Huwag kang mag-aalala bago at malilinis ang mga damit na yan.”
“Anong klaseng tao ba ang Boss mo? Baliw ba yun?”
“Pasensya ka na, naghahanap kasi siya ng babaeng pakakasalan niya. Hindi naman sinasadyang pumasok ka sa office niya ng nakasuot ng wedding gown. That time kasi kalalabas din ng mga babaeng nakasuot ng wedding gown para sa babaeng pipiliin niya. Hindi naman namin alam na hindi ka pala kasama sa mga babaeng yun. Pasensya na.” napairap si Davina, kung pwede niya lang sakalin ang lalaking yun ay ginawa niya na.
“Anong tingin niya sa mga babae? Laruan? Namimili para pakasalan siya? Ha! Gago ba siya?” naiinis pa rin niyang aniya, hindi pa rin nawawala ang panggigigil niya kay Caspian.
“Pasensya ka na talaga. Ito, isuot mo na para hindi ka na nahihirapan diyan sa suot mong wedding gown.” Inis na inagaw ni Davina ang paper bag saka tumayo. Itinuro naman ni John kung nasaan ang restroom.
Naikukuyom na lang ni Davina ang kamao niya at gusto nang sapakin ang pagmumukha ni Caspian.
“Ipinanganak yatang may sira ang ulo. Playground ba ang tingin niya sa pagpapakasal?” Naiinis pa rin niyang aniya. Tiningnan niya ang mga damit na nakalagay sa paper bag at mukha namang kasya sa kanya kaya isinuot niya na. Pagkatapos niya ay lumabas na siya dala-dala ang wedding gown niya.
“Ako na diyan,” pang-aagaw naman ni John sa wedding gown. Ibinigay naman ni Davina dahil wala naman na siyang gagawin dun. Inayos niya ang sarili niya saka niya hinarap si John.
“What is his name?” pagbabanggit niya kay Caspian.
“Caspian...Caspian Sanchez Ma’am.”
“And you are?”
“John po, just call me John.” Bahagya na lang na napataas ang kilay ni Davina.
“Caspian, Caspian pala ha.” banggit niya sa pangalan ni Caspian. Lumabas naman na siya habang nakasunod sa kaniya si John. Inilibot niya ang paningin niya sa loob ng office ni Caspian pero hindi niya na makita kung nasaan ito.
“Nagkaroon po ng emergency meeting si Sir kaya wala po siya rito.” saad ni John ng mapansin niya ang paghahanap ni Davina.
“Ayos ha, pagkatapos niyang magpakasal iiwan niya na lang ang bride niya. What a jerk.” Aniya saka lumbas na ng office, wala na siyang pakialam kung nasaan mang lupalop ng lupa ang Caspian na yun. Napahinto na lang siya sa paglalakad niya nang maramdaman niya ang pagsunod ni John.
“Hanggang saan mo ba ako susundan? Pwede ba, puntahan mo na lang ang Boss mo.” irap niyang saad saka nagpatuloy sa paglalakad pero naipikit na lang niya ang mga mata niya dahil sa panggigigil. Hindi pa rin siya tinatantanan ni John.
“Ano ba!” sigaw niya na rito, napayuko si John, kailangan niyang sundin ang utos ng Boss niya.
“Ang utos po kasi sa akin ay bantayan ang asawa ni Sir Caspian. Pasensya na kayo ma’am, hindi ko kayo pwedeng iwan.” Inis na napahilamos sa mukha niya si Davina.
Sa isang iglap lang ay nagkaroon siya ng bodyguard at ang malala pa ay asawa. Anong klaseng kwarto ba ang pinasok niya? Tumakas siya sa kasal niya pero hindi siya nakatakas sa isa pang kasal?
Pakiramdam niya mababaliw na siya sa iniisip niya. Magsasalita pa sana siya nang mapatakip siya sa mukha niya dahil nakikita niya na ang mga tauhan ng Daddy niya.
“Patay na,” anas niya, bakit ba nawala sa isip niyang tumatakas nga pala siya. Malamang nagkalat pa rin sa hotel na ito ang mga tauhan ng Daddy niya at ng mapapangasawa niyang si Kenzo. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya. Nakasunod lang naman si John at pansin niya rin ang ilang mga kalalakihang nagkalat.
“Nakita niyo na ba?” tanong ng isang lalaki sa kasama niya.
“Hindi pa, may mga nakita kaming mga babaeng nakasuot ng wedding gown pero wala siya ron.”
“Halughugin niyo ang buong hotel, hindi pa yun nakakalabas.” Tumango naman silang lahat saka muling naghanap.
Halos lakad takbo naman ang ginagawa ni Davina para makalabas na ng hotel pero halos mapatalon siya sa nang ituro siya ng isa sa mga tauhan ng Daddy niya.
“Ayun siya!” sigaw nito na nakapagpaagaw ng atensyon ng ibang naghahanap sa kaniya.
“Damn it! Faster John!” aniya saka mabilis na tumakbo para takasan ang mga lalaking naghahabol sa kaniya. “Bakit ba hindi na sila tumigil? Hindi ko pa nga gustong magpakasal kay Kenzo!” wika niya.
Hinihingal na rin si John na kinuha ang cellphone niya para tawagan si Caspian.
“Anong klaseng babae ba siya para tumakbo nang ganiyan kabilis?” Aniya pa habang hinahabol si Davina na pilit na tinatakasan ang mga kalalakihan.
Kaunti na lamang ay makakalabas na si Davina pero napamura na lamang siya ng sasalubungin na siya ng ibang tauhan ng Daddy niya.
“Damn it!” inilibot niya ang paningin niya kung saan pa siya magtutungo pero wala na siyang makitang daanan. Maya-maya pa ay may mabilis na sasakyang dumaan sa harapan niya saka huminto.
“Hop on, Faster!” sigaw ni Caspian. Tiningnang mabuti ni Davina kung sino ang lalaking nasa kotse. Nang makilala niyang si Caspian ito ay mabilis siyang sumakay.
Mabilis ding pinatakbo ni Caspian ang sasakyan niya para makalayo na sa hotel kung saan may naghahabol kay Davina. Habol habol ni Davina ang hininga niya dahil sa layo rin ng tinakbo niya.
“Where’s John?!” tanong niya nang maalala niyang kasama nga pala niya si John.
“Don’t worry about him, kaya niya na ang sarili niya.” sagot ni Caspian. Tiningnan ni Davina ang side mirror at napahinga na lamang siya ng maluwag ng makita niyang nawala na ang mga lalaking naghahabol sa kaniya. Muntik na siya dun dahil kapag nagkataon na nahuli siya, malamang itutuloy ang kasal pero paano pa yun mangyayari kung bigla siyang ikinasal sa lalaking kasama niya ngayon?
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen