MasukMula nang banggitin ni Cailyn ang sulat ay naging tulala na si Nissy, hindi na nito malaman kung paano iyon nalaman ni Cailyn. Bumalik lamang ito sa kaniyang ulirat nang sikuhin siya ni Harry. Lumabas ang ekspresyon na mas masakit pa sa pag‑iyak nito kanina.“A-ah.… i-itinapon ko na ang sulat, e.” saad nito. Nadismaya sina teacher Almira pati na rin si Renzo.Tanging sina Fayra at Aina naman na nasa labas lang ang nakahinga nang maluwag.Humakbang si Fayra paharap, kitang‑kita ang ganda niya sa gitna ng mga tao. “Principal, teacher Almira, baka naman po misunderstanding lang ito. At dahil ayos naman na po sina Cailyn at Nissy, baka aksidente lang naman po talaga. Hindi na po siguro natin kailangan pang palakihin ito.” mahina ang boses na sabi ni Fayra. “Oo nga naman po, ayos naman na po sila, e. Bakit pa po natin ikakabahala ang buong eskwelahan?” mabilis na sang-ayon ni Aina. Samantalang si Cailyn naman na hindi pa sigurado kung sino ang nasa likod ng pangyayari na iyon ay nakit
Lumapit si Harry at dahan‑dahang inalis ang mga kamay ni Nissy na nakatakip pa rin sa mukha. “Bakit ka ba umiiyak? Ang pangit ng itsura mo diyan, oh. Ayos lang naman si Cailyn, ‘di ba?” mahinahon niyang payo kay Nissy.Sobrang bigat ng loob ni Nissy na hindi niya magawa pang tumingin sa iba.“Kasalanan ko ang lahat e.” aniya habang humihikbi.Kung hindi lang sana niya pinaniwalaan ang sulat na iyon, at kung hindi niya lang sana sinubukang alamin kung sino ang nagpadala sa kaniya niyon ay hindi sana nasugatan si Cailyn doon.Halos matunaw na siya sa sobrang pagsisisi sa sarili. Ayaw na niyang itaas ang mukha niya habang tuloy‑tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata.Inunat ni Harry ang kamay para pinunasan ang luha sa pisngi ni Nissy. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakipagtalo sa dalaga. “Sige na, tama na 'yang pag‑iyak mo diyan. Lalo lang sasakit ang ulo ni Cailyn sa’yo, e.” malambot ang boses na sabi niya rito.“Gusto mo bang lumapit pa siya sa 'yo para damayan ka diyan gayong m
Hindi naman siya nagpapansin kay Fayra, e. Sadyang may isang babae lang talaga sa tabi nito na laging nakatingin sa kanya nang may matinding galit at masamang tingin, na para bang may malalim itong hinanakit o parang pinatay pa ang buong pamilya nito. At dahil doon ay hindi pa rin maiwasan ni Cailyn na bigyan din ito ng pansin.Pagpasok ni Cailyn sa classroom ay napansin niyang may itinatago si Nissy sa mesa nito. Bahagyang umarko ang mga kilay ni Cailyn at saka naglakad para lumapit.“Bakit? Ano ba 'yang itinatago mo riyan?”Mabilis namang itinago ni Nissy sa likuran niya ang hawak-hawak at saka pilit na ngumiti sa kaibigan.“Ah! C-Cailyn, b-bakit ang bilis mong bumalik?” kabadong tanong nito. Hindi naman ganoon kalakas ang naging reaksyon niya laya parang hindi rin naman masyadong nagtaka si Cailyn. Lumapit lang ito sa kaniya at saka hinila ang upuan pagkatapos ay umupo.“Kaunti lang naman 'yung pinag- usapan namin ni Teacher Almira kaya pinauwi na rin agad niya ako.”“Ah, sig
Tinulak ni Harry ang noo ng kaibigan gamit ang hintuturo nang may bahid ng ngiti sa mga labi.“Ang tapang mo namang magsalita. Bakit? Sino ba kasing nagsabi sa kanya na humanap ng mayaman at matalino na boyfriend, ha?”Tiningnan ito nang masama ni Nissy at saka tinakpan ang sariling noo pagkatapos ay lumayo nang kaunti sa binata.“Oo na nga, at ang ibig sabihin lang noon ay kulang na kasi ang mga lalaki rito sa klase natin para makahikayat ng propesor mula sa De La Salle na magtuturo sa atin!” malakas nitong sabi.Sa sandali namang iyon ay kaagad na tumunog ang telepono ni Cailyn. MAbilis niyang tiningnan iyon at saka binasa ng tahimik.Mensahe iyon galing kay Kian.Kian:"Cai, nag-aalala 'yung sugar daddy mo na baka hindi ka daw sanay na mag-aral nang mag-isa diyan sa Science High, kaya nag-apply na siya na magturo diyan ng tatlong araw bawat buwan hanggang sa makapagtapos ka ng high school."Hinimas ni Cailyn ang kanyang sentido at napabuntong-hininga, parang sinasabi niya sa sarili
Biglang uminit ang tainga hanggang pisngi ni Cailyn at may kung anong kakaibang pakiramdam ang kumalat sa kanyang dibdib. Bahagya siyang umatras nang kaunti, pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay ipinulipot na ng binata ang malaking kamay nito sa kanyang bewang.“Huwag kang gumalaw, may upuan sa likuran mo,” wika nito sa malalim at nakakaakit na boses, na para bang nasa tabi nito mismo ng kanyang tainga, mahina lang iyon ngunit nakakakilabot.Lalo pang uminit ang pakiramdam ni Cailyn. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang mainit na hininga nito ay humahaplos sa kanyang leeg na nagdudulot ng kakaibang kuryente sa buo niyang katawan.Mabuti na lang at inalalayan siya nito ng maayos bago marahang inalis ang kamay sa kaniyang bewang. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang mainit na gatas.“Mag-ingat ka, mainit pa ‘yan.” saad nito.Tumango lang si Cailyn nang hindi malinaw ang sagot, at saka ibinaba ang tingin sa baso bago dahan-dahang sumimsim roon.Hindi niya man maintindihan pero
Bahagyang namutla ang magandang mukha ni Fayra at saka pilit na ngumiti. “Ah.. Teacher Ema.. Baka naman po kasi wala lang sa kanya ang cellphone niya kaya hindi niya po nasasagot ang tawag ko.” mahinang sabi ni Fayra, tila nagpapanggap na walang alam. Ngunit sa katunayan ay siya lang naman talaga ang nakakaalam na hindi naman talaga sinasadya ni Cailyn na hindi sagutin ang tawag, kundi sadyang pinapatay at ibinababa pa ito ng kabilang linya sa tuwing sinusubukan niya utlit tumawag. Napakuyom ang mga palad ni Fayra. Ayaw niyang makita ang pagkadismaya sa mukha teacher Emma kaya pilit pa rin siyang ngumiti.“Huwag po kayong mag-alala, Teacher Emma. Magte-text na lang po ako sa kanya. Panigurado po na sasagot na ‘yon sa oras na mabasa na po niya ang text ko.” pilit nitong sabi. “Sus, ang sabihin mo talagang ganyan na yan siya, laging nagpapapansin at nagpapahirap ng mga tao.” bulong naman na reklamo ni Aina na nananatili sa tabi ni Fayra. Huminga nang malalim si Fayra para pakalmah
Hindi na itinuloy ni Nikko ang napag-uasapan nina Cailyn kanina nang makita niyang nakuha na ng dalaga ang mga gamot nito."Subukan mong inumin ang mga gamot na 'yan ng paunti-unti na lang. Uminom ka ng isang piraso kung hindi ka makatulog sa gabi, pero hangga't hindi naman kailangan ay 'wag ka na
MATAGAL NA panahon ring nanirahan si Jace sa Makati kaya alam na alam niya ng presyuhan ng mga lupa roon.Nasa pangunahing lugar sa bandang timog ng syudad ang gusaling pinasukan ni Cailyn. Kung ang isang simpleng pwesto nga sa komersyal na distrito ay may kamahalan na, paano pa kaya iyong ganitong
Itinago ni Cailyn ang kaniyang telepono pabalik sa kaniyang bulsa at nilakasan ang loob na nagpaalam sa kaniyang Lolo."Lolo, m-may pupuntahan po sana ako mamaya." aniya."Saan mo gustong pumunta, hija? At uutusan ko ang pinsan mo para samahan ka." saad ng matanda nang hindi na nag-iisip. Ngayon la
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahag







