Living with Mr. Anderson (TAGALOG)

Living with Mr. Anderson (TAGALOG)

last updateLast Updated : 2021-11-30
By:  TarynOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
18Chapters
8.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

At the age of fourteen, Nathania Sarmiento started working as a striptease performer. She was a strip dancer but never a prostitute who perform s*xual activity for money. Nathania does not have a choice but to strip in front of men two times in a week to have money and feed her siblings. Her parents are in jail so she needs to support her siblings financially. One night, she met this billionaire named Warren Anderson. A cold-hearted, arrogant investor and businessperson. The latter paid her manager with a large amount of money in exchange of her virginity but she refused giving it to him. She left him in the room drooling over her. Next thing she knew? The strip club she was working for seven years was forcibly closed with unknown reason. Her manager then advised her to go to Anderson's company and try her luck to apply for work. Therefore, she left with no choice but to go there. The billionaire accepted her immediately but in one condition. She'll live with him.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1- Nathania

CHAPTER 1- NATHANIA

NATHANIA's POV

"Are you ready?" Pabirong tanong ng katrabaho kong si Elise bago lumabas sa dressing room. Inirapan ko nalang siya dahil sa totoo lang, naiinis ako. Paano naman kasi ay rest day  ko

sana ngayon pero umagang- umaga palang ay tinawagan na ako ni Manager Nora para sabihing mag duty ngayong gabi sa kadahilanang may  bigating tao raw na costumer. 

Bakit pa kasi kailangan pa ako?! Marami naman akong kasamahan pero ibinilang pa ako, hmp!

Matapos kong isuot ang mataas na heels ay padabog akong  tumayo at humarap sa salamin. Sakto naman ang pagpasok ni Manager Nora dito dressing room, ngumiti siya sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Huwag ka nang mag tampo, ito naman." Malambing na sabi niya sabay yakap saakin mula likod. Pareho kami ngayong nakaharap sa salamin. "Balita ko, investor daw 'yon at bilyonaryo.. malay mo matipuhan ka." Mas lalo akong sumimangot na ikinatawa niya.

Si Manager Nora ang umalalay saakin dito sa Maynila at sa trabahong ginagawa namin. Lahat ay ginawa niya para sa akin upang may maipadala ako sa mga kapatid kong nasa probinsiya. 

"Paano naman kasi, day off ko!" Pa-cute na sabi ko kahit na alam kong wala na akong magagawa. Nakabihis na ako at ilang oras nalang, lalabas na ako.

"Sige na nga, triplehin na natin yung talent fee mo ngayong gabi!" Malawak akong ngumiti at humarap sakanya sabay yakap ng mahigpit. Sulit naman pala eh! 

Humiwalay siya sa pagkaka-yakap ko sabay sabing.. "Pero paano kung gusto ka niyang ilabas?" Natigilan ako. "Takot ka pa rin? Bente uno ka na." Yumuko nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Mas malaki pa rin ang maiuuwi mong pera kapag ganon, Tanya." Bumuntong hininga ako at iniangat ang tingin sakanya. "Hindi kita pinipilit, pero ang gusto ko lang maging praktikal ka. Isipin mo kung saan ka mas kikita at kung saan ka mas makaka-ipon." 

"Pero Manager..."

"Kagaya ng sinabi ko, hindi kita pinipilit." Nginitian niya ako sabay tapik sa balikat. "Mag ayos kana, tatawagin ka nalang kapag okay na sa labas." Tinanguan ko siya at hinintay na makalabas bago ako umupo at naglagay ng kaunting make up.

Ang hirap nga namang kumita ng pera. Pitong taon na ako rito pero hindi pa rin sapat yung ipon ko para umuwi sa amin at mamuhay kasama ang mga kapatid ko. Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil wala akong mapapala doon.

"Tanya." Pumasok ang isa sa mga waiter dito sa dressing room. "Labas ka na raw." Tinanguan ko siya bago isuot ang pulang roba. Bumuntong hininga ako sabay labas ng kwarto.

Ako si Nathania Sarmiento, isa akong stripper. At kabilang sa trabaho ko ang paghuhubad sa harapan ng mga kalalakihan para busugin ang kanilang mga mata at pantasya. Ang ganitong klase ng trabaho ay hindi dapat na ginagawa pero anong magagawa ko? Hindi ako nakapag-aral dahil parehong nakulong ang mga magulang ko at naiwan saakin ang responsibilidad nilang alagaan kaming magkakapatid. Ako ang tumayong nanay at tatay sa loob ng pitong taon. Nagsimula akong pasukin ang ganitong trabaho sa edad na katorse. At ang sahod sa pagsayaw dalawang beses sa isang linggo ay malaking tulong na rin upang mapakain ko ang mga kapatid ko sa probinsiya.

"Let's welcome, Star of the Night, Tanya!" Masigabong palakpakan at hiyawan ang bumungad sa akin paglabas ko patungo sa maliit na entabladong lagi kong sinasayawan.

'Minsang natikman ang init ng iyong h***k

Akala ko, narating ko na ang ulap sa langit'

Nang dahan-dahan kong hubarin ang pulang robang  suot ko ay mas lalong lumakas ang hiyawan mula sa mga kalalakihan na animo'y gutom na gutom sa laman. 

'Sa aking pagpikit, ang tanging naisip

Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig'

Suot ang pulang two-piece swimsuit, nagsimula akong gumiling pababa at sumabay sa kumpas ng musika. 

'Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama

Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na'

Ipinikit ko ang dalawang mata ko nang magsimula kong tanggalin ang suot ko na pang-itaas. Lagi ko 'tong ginagawa, kasi nahihiya pa rin ako. Nahihiya ako sa sarili ko. At nahihiya ako para sa mga magulang ko. Pero wala akong magawa eh, ito lang ang pinakamadaling paraan para kumita ng pera. 

'Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig

Na ang akala ko ay langit

Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip'

Nang matanggal ko ito, hinayaan ko lang na bumagsak sa sahig. Nag-patuloy muli akong sumayaw, ngayon naman ay kumapit ako sa pole kung saan giniling-gilingan ko iyon at inisip na kasabay ko iyong sumasayaw. Gaya nang dati kong ginagawa at sabi na rin ni Manager, dinama ko lang ang kanta at sumabay lang ako sa kumpas. Wala naman kasi silang pakialam kung pangit ka sumayaw, ang mahalaga maganda ang katawan mo at kaakit akit ito. 

'Sa yakap mo ay nagayuma

Pag-iwas ay 'di ko na kaya

Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin

Ang lason mong h***k'

Sabi ni Manager Nora, hindi naman raw lingid sa mga businessman na pumupunta rito na wala pang nakaga-galaw sa akin. Alam raw ng mga 'yon kaya binabalik balikan nila itong club. Ilang beses na rin silang sumubok na bayaran ako kay Manager pero hanggang hindi ako umo-oo, hindi niya ako ibibigay. Kaya mahal na mahal ko si Manager eh.

'Apoy na dati-rati, kay init ng liyab

Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap'

Nagsimula akong tanggalin ang pagkaka-tali ng kaliwang parte ng natatanging saplot na suot ko, doon ay nagsimula nanamang mag hiyawan ang mga kalalakihan na nasa club. At bago ko bitawan ang natitirang saplot na suot ko, iminulat ko ang aking mga mata at bigla akong natigilan saglit.

Diretso ang tingin niya sa akin habang naka de-kwatro at nakahawak ng goblet. Ito ang unang beses na nag alinlangan ako sa ginagawa ko. Ito ang unang beses na nahiya akong sumayaw sa harap ng tao-- na takong lang ang suot.

At hindi ko alam kung bakit.

@TarynGrace

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Gleng Maria
baket putol ?
2021-10-18 14:20:52
0
user avatar
Irene Decino Salaño
nice story
2021-09-26 20:39:37
0
user avatar
Irene Decino Salaño
very nice story
2021-09-26 20:34:48
0
18 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status