author-banner
magallanesbelen34
Author

Novels by magallanesbelen34

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Cebu para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you're the only exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
Read
Chapter: Chapter 138: Aurelia is back!
“LUTHER…” bigkas ni Sofia ngunit hindi siya sinagot nito.Kinuyom ni Sofia ang kamay niya. Umapaw bigla ang agalit niya sa dibdib.“Tingnan mo nga ‘yang sarili mo!” inis na sabi ni Sofia. “Ganyan ka na lang ba? Walang ambisyon sa buhay?”Napakunot ang noo ni Luther. Hindi siya tumingin, naka-focus lang ang mata niya sa phone.“Mom… huwag mo na akong pakialaman.”“Hindi kita pakikialaman? Talaga ba, Luther?!” tumaas ang boses ni Sofia. “Hindi mo ba nakikita? Sinadya kang ilayo ni Evander sa Prime Biotech! Nilagay ka niya sa isang maliit na law firm para hindi ka makaangat!”Tahimik lang si Luther. Pero mabilis ang galaw ng daliri niya sa phone—halatang naiirita na sa boses ng mommy niya.“At ikaw? Masaya ka na ro’n? Na assistant ka lang ni Bettina?” dagdag pa ni Sofia. “Ginagamit ka ka lang nila, hindi mo ba alam ‘yon?!”“Mom.” biglang tumigil si Luther sa ginagawa niya. Binaba niya ang cellphone niya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Sofia, isang malamig na tingin ang binigay niya rit
Last Updated: 2026-05-03
Chapter: Chapter 137: Sofia’s Quiet Resentment
AGAD na ipinasok ni Evander ang braso sa balikat ni Bettina. Dahan-dahan niya itong inakay palabas ng study room matapos ilahad ni Sebastian ang lahat ng regalong ito.Halatang naguguluhan pa rin si Bettina. Hindi siya sanay na makatanggap ng ganitong kalaking regalo.Sa isang kamay niya, hawak niya ang ilang kahon—medyo mabigat ito. Samantalang si Evander, parang walang kahirap-hirap na dala nito ang natitirang kahon at pati na ang folder ng mga dokumento.Tahimik silang naglakad palabas.Ngunit sa loob-loob ni Bettina, magulo pa rin ang isip niya. Hindi pa rin niya lubos maunawaan kung paano niya tatanggapin ang ganoong klaseng mga regalo… na para bang mas mahalaga ito kaysa sa buhay niya.Ilang hakbang pa lang mula sa study room, pagdating nila sa spiral staircase sa ikalawang palapag, bigla silang napahinto. Nakasalubong nila si Sofia. Halatang-halata na hinihintay ang paglabas ng dalawa. Suot niya ang isang eleganteng lavender na damit na may pinong burdang bulaklak. May nakapat
Last Updated: 2026-05-03
Chapter: Chapter 136: The Unexpected Gifts
SA loob ng study room, tahimik ang paligid—maliban sa mahinang ugong ng air purifier na parang humahaplos lang sa hangin. Ngayon, hindi nakaupo si Sebastian sa likod ng kanyang malaking office desk gaya ng nakasanayan. Sa halip, naroon siya sa malambot na sofa, bahagyang nakasandal, relaxed siyang tingnan ngunit ang puso niya ay masaya.Sa harap niya, nakaupo si Bettina.Hawak ng matanda ang kamay ng dalaga, marahan, parang may takot na baka mawala ito kung bibitawan pa niya. Dahan-dahan niyang pinagmasdan si Bettina mula ulo hanggang paa—parang sinusuri at hindi makapaniwalang nasa harap niya ang dalagang matagal na niyang inaasahang makita para kay Evander.May lambing sa tingin niya.“Napagod ka ba sa biyahe?” lumabas ang tanong, magaan ngunit puno ng malasakit. Bahagya pa siyang yumuko, parang gusto talagang makita ang bawat ekspresyon ng dalaga. “Hindi ka ba pinahirapan ng batang ‘yan?”Dahan-dahang lumipat ang tingin niya kay Evander na nakaupo sa kabilang side—kalmado, tahimik,
Last Updated: 2026-05-03
Chapter: Chapter 135: This is not the end
TATLONG araw na lang bago ang engagement, bumalik si Bettina sa Manila kasama si Evander. Mas abala kaysa dati ang mansyon ng mga Hudson—mga kasambahay ay abala sa paghahanda, may mga dekorasyon na unti-unting inaayos, at may mga staff na pabalik-balik na parang hindi nauubusan ng gagawin.Pagpasok ng sasakyan sa loob ng compound, agad silang sinalubong ni Rexan Hudson.“Bumalik na kayo? Napagod ba sa biyahe?” nakangiting bati nito, tila puno ng malasakit.Ngunit nang mapunta ang tingin niya kay Bettina, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya—halatang may halong pakitang-tao.“Miss Bettina—ah, hindi… mukhang malapit ko na kayong tawaging pamangkin. Welcome!”Bahagyang ngumiti si Bettina bilang paggalang.Samantalang si Evander, nanatiling malamig ang ekspresyon.“Tito.”Isang salita lang. Walang dagdag. Walang emosyon.Hindi na siya nagtagal. Hinawakan niya ang kamay ni Bettina at diretsong dinala ito papasok, patungo sa loob ng bahay upang makita ang lolo niya.Naiwan si Luther sa labas
Last Updated: 2026-04-20
Chapter: Chapter 134: What’s mine is yours
Alam ni Bettina na sinasadya lang ni Evander na baluktutin ang ibig niyang sabihin. Hindi niya ito matalo sa biruan—lagi siyang nauunahan, lagi siyang napapahamak sa mga sagot nito—kaya sa inis ay muli siyang umiwas ng tingin at nagpasya na huwag na itong pansinin.Tahimik siya, pero halatang halata sa paraan ng pag-angat ng balikat niya na may tampo pa.Napangiti nang bahagya si Evander. Lumapit siya ng kaunti, bahagyang yumuko para silipin ang mukha ni Bettina.“Ganito na lang ba?” mahina niyang tanong, may halong lambing. “Hindi mo na talaga ako kakausapin?”Hindi siya sinagot ni Bettina. Mas lalo pa niyang iniwas ang tingin, parang batang nagtatampo.Napabuntong-hininga si Evander, pero may ngiti pa rin sa labi.“Okay na, huwag ka nang magalit,” malumanay niyang sabi. “Bibigyan kita ng regalo. Ano ang gusto mo?”Sumimangot lang si Bettina at nanatiling tahimik.Ilang segundo siyang tinitigan ni Evander, parang sinusukat kung hanggang saan ang tampo nito. Pagkatapos ay bahagyang nag
Last Updated: 2026-04-20
Chapter: Chapter 133: Say my name, three times
Mula noon, hindi na muling nagpakita si Elijah. Ang Cebu branch ng Castillo Law Firm sa kabilang panig ay nagpalit na rin ng namamahala.Paminsan-minsan, tumitingin si Bettina sa labas ng bintana at pakiramdam niya pati ang maulan na panahon sa Cebu ay tila mas sariwa at magaan kaysa dati. Parang lahat ng problema at kaguluhan ay sumabay na ring inanod papunta sa Pasig River nang mawala si Elijah.Siyempre, kung wala sana sa tabi niya ang assistant niyang kulay ginto ang buhok, mas magiging payapa pa sana ang buhay niya.Si Luther ay nananatiling mayabang tingnan—iba’t ibang punit-punit na maong ang suot niya araw-araw na akala mong leading sa sa action movie katulad ni Coco Martin. At may aura na parang “huwag mo akong subukan kung ayaw mong mamatay.”Pero hindi maikakaila ang galing niya sa trabaho ay tugma sa nakakasilaw niyang credentials.Mabilis siyang mag-isip, photographic memory pa, at ang mga komplikadong kaso ay inaayos niya nang napakalinis. Minsan, nakakaisip pa siya ng m
Last Updated: 2026-04-20
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status