LOGIN“LUTHER…” bigkas ni Sofia ngunit hindi siya sinagot nito.Kinuyom ni Sofia ang kamay niya. Umapaw bigla ang agalit niya sa dibdib.“Tingnan mo nga ‘yang sarili mo!” inis na sabi ni Sofia. “Ganyan ka na lang ba? Walang ambisyon sa buhay?”Napakunot ang noo ni Luther. Hindi siya tumingin, naka-focus lang ang mata niya sa phone.“Mom… huwag mo na akong pakialaman.”“Hindi kita pakikialaman? Talaga ba, Luther?!” tumaas ang boses ni Sofia. “Hindi mo ba nakikita? Sinadya kang ilayo ni Evander sa Prime Biotech! Nilagay ka niya sa isang maliit na law firm para hindi ka makaangat!”Tahimik lang si Luther. Pero mabilis ang galaw ng daliri niya sa phone—halatang naiirita na sa boses ng mommy niya.“At ikaw? Masaya ka na ro’n? Na assistant ka lang ni Bettina?” dagdag pa ni Sofia. “Ginagamit ka ka lang nila, hindi mo ba alam ‘yon?!”“Mom.” biglang tumigil si Luther sa ginagawa niya. Binaba niya ang cellphone niya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Sofia, isang malamig na tingin ang binigay niya rit
AGAD na ipinasok ni Evander ang braso sa balikat ni Bettina. Dahan-dahan niya itong inakay palabas ng study room matapos ilahad ni Sebastian ang lahat ng regalong ito.Halatang naguguluhan pa rin si Bettina. Hindi siya sanay na makatanggap ng ganitong kalaking regalo.Sa isang kamay niya, hawak niya ang ilang kahon—medyo mabigat ito. Samantalang si Evander, parang walang kahirap-hirap na dala nito ang natitirang kahon at pati na ang folder ng mga dokumento.Tahimik silang naglakad palabas.Ngunit sa loob-loob ni Bettina, magulo pa rin ang isip niya. Hindi pa rin niya lubos maunawaan kung paano niya tatanggapin ang ganoong klaseng mga regalo… na para bang mas mahalaga ito kaysa sa buhay niya.Ilang hakbang pa lang mula sa study room, pagdating nila sa spiral staircase sa ikalawang palapag, bigla silang napahinto. Nakasalubong nila si Sofia. Halatang-halata na hinihintay ang paglabas ng dalawa. Suot niya ang isang eleganteng lavender na damit na may pinong burdang bulaklak. May nakapat
SA loob ng study room, tahimik ang paligid—maliban sa mahinang ugong ng air purifier na parang humahaplos lang sa hangin. Ngayon, hindi nakaupo si Sebastian sa likod ng kanyang malaking office desk gaya ng nakasanayan. Sa halip, naroon siya sa malambot na sofa, bahagyang nakasandal, relaxed siyang tingnan ngunit ang puso niya ay masaya.Sa harap niya, nakaupo si Bettina.Hawak ng matanda ang kamay ng dalaga, marahan, parang may takot na baka mawala ito kung bibitawan pa niya. Dahan-dahan niyang pinagmasdan si Bettina mula ulo hanggang paa—parang sinusuri at hindi makapaniwalang nasa harap niya ang dalagang matagal na niyang inaasahang makita para kay Evander.May lambing sa tingin niya.“Napagod ka ba sa biyahe?” lumabas ang tanong, magaan ngunit puno ng malasakit. Bahagya pa siyang yumuko, parang gusto talagang makita ang bawat ekspresyon ng dalaga. “Hindi ka ba pinahirapan ng batang ‘yan?”Dahan-dahang lumipat ang tingin niya kay Evander na nakaupo sa kabilang side—kalmado, tahimik
TATLONG araw na lang bago ang engagement, bumalik si Bettina sa Manila kasama si Evander. Mas abala kaysa dati ang mansyon ng mga Hudson—mga kasambahay ay abala sa paghahanda, may mga dekorasyon na unti-unting inaayos, at may mga staff na pabalik-balik na parang hindi nauubusan ng gagawin.Pagpasok ng sasakyan sa loob ng compound, agad silang sinalubong ni Rexan Hudson.“Bumalik na kayo? Napagod ba sa biyahe?” nakangiting bati nito, tila puno ng malasakit.Ngunit nang mapunta ang tingin niya kay Bettina, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya—halatang may halong pakitang-tao.“Miss Bettina—ah, hindi… mukhang malapit ko na kayong tawaging pamangkin. Welcome!”Bahagyang ngumiti si Bettina bilang paggalang.Samantalang si Evander, nanatiling malamig ang ekspresyon.“Tito.”Isang salita lang. Walang dagdag. Walang emosyon.Hindi na siya nagtagal. Hinawakan niya ang kamay ni Bettina at diretsong dinala ito papasok, patungo sa loob ng bahay upang makita ang lolo niya.Naiwan si Luther sa labas
Alam ni Bettina na sinasadya lang ni Evander na baluktutin ang ibig niyang sabihin. Hindi niya ito matalo sa biruan—lagi siyang nauunahan, lagi siyang napapahamak sa mga sagot nito—kaya sa inis ay muli siyang umiwas ng tingin at nagpasya na huwag na itong pansinin.Tahimik siya, pero halatang halata sa paraan ng pag-angat ng balikat niya na may tampo pa.Napangiti nang bahagya si Evander. Lumapit siya ng kaunti, bahagyang yumuko para silipin ang mukha ni Bettina.“Ganito na lang ba?” mahina niyang tanong, may halong lambing. “Hindi mo na talaga ako kakausapin?”Hindi siya sinagot ni Bettina. Mas lalo pa niyang iniwas ang tingin, parang batang nagtatampo.Napabuntong-hininga si Evander, pero may ngiti pa rin sa labi.“Okay na, huwag ka nang magalit,” malumanay niyang sabi. “Bibigyan kita ng regalo. Ano ang gusto mo?”Sumimangot lang si Bettina at nanatiling tahimik.Ilang segundo siyang tinitigan ni Evander, parang sinusukat kung hanggang saan ang tampo nito. Pagkatapos ay bahagyang nag
Mula noon, hindi na muling nagpakita si Elijah. Ang Cebu branch ng Castillo Law Firm sa kabilang panig ay nagpalit na rin ng namamahala.Paminsan-minsan, tumitingin si Bettina sa labas ng bintana at pakiramdam niya pati ang maulan na panahon sa Cebu ay tila mas sariwa at magaan kaysa dati. Parang lahat ng problema at kaguluhan ay sumabay na ring inanod papunta sa Pasig River nang mawala si Elijah.Siyempre, kung wala sana sa tabi niya ang assistant niyang kulay ginto ang buhok, mas magiging payapa pa sana ang buhay niya.Si Luther ay nananatiling mayabang tingnan—iba’t ibang punit-punit na maong ang suot niya araw-araw na akala mong leading sa sa action movie katulad ni Coco Martin. At may aura na parang “huwag mo akong subukan kung ayaw mong mamatay.”Pero hindi maikakaila ang galing niya sa trabaho ay tugma sa nakakasilaw niyang credentials.Mabilis siyang mag-isip, photographic memory pa, at ang mga komplikadong kaso ay inaayos niya nang napakalinis. Minsan, nakakaisip pa siya ng m
HABANG palabas na ng revolving door si Bettina, ay mabilis siyang naglakad at hinarangan ang daan nito, halos masabit pa ang takong niya dahil sa pagmamadali.
DAHIL sa nag-uumapaw na galit at selos, bigla na lang hinawakan ni Elijah ang kwelyo ng lalaki na halos maangat ito mula sa sahig. Hindi niya na inisip kung tama o mali ba ito, at hindi niya na rin inisip kung ano ang magiging kahihinatnan sa ginagawa niya. Wala na
HUMINGA nang malalim si Bettina bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Gaya ng dati, maayos at sobrang tahimik ang opisina ni Elijah. Kulay itim ang mga muwebles at puno ng law books ang paligid, na parang paalala kung gaano kaseryoso at hindi madaling lapitan
SINUBUKAN ni Elijah na ilubog ang sarili sa trabaho, ngunit hindi siya makapag-focus. Halos dalawang oras na siyang nakatitig sa iisang kaso—isang kasong kaya niyang tapusin noon sa loob lamang ng tatlumpung minuto.Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, pilit na ibinabalik ang sarili sa laptop, per







