author-banner
SofiaTheFirst
SofiaTheFirst
Author

Novels by SofiaTheFirst

Billionaire's Bride Replacement

Billionaire's Bride Replacement

Nagising na lamang si Bernadette sa loob ng isang kwartong hindi pamilyar sa kanya. At ang malala pa, pinagpililitan ng isang lalaki na noon niya lang nakita na asawa siya nito. Pinilit niyang ipinaliwag na hindi siya ang asawa nito, pero sarado ang mga tainga ng lalaki. Wala ng nagawa pa si Bernadette kundi ang panindigan ang pagpapanggap habang naghahanap siya ng paraan para makaalis doon. Pero habang tumatagal siya kasama peke niyang asawa, pati ang anak nito, hindi niya namamalayan na nahuhulog na pala siya at napapamahal sa pamilyang iyon. Anong gagawin niya kung isang araw ay bumalik ang totoong asawa at paalisin siya?
Read
Chapter: Chapter 4
Kasalukuyang naroon si Bernadette sa tapat ng swimming pool area, sa tabi ng hardin. Bawal siyang lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng asawa niyang si Ysmael. Nililibang na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.“Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Blaire. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo.”Ngumiti lamang si Bernadette kay Knoxx. Sana ay napansin din iyon ng daddy nito.Nakangiting yumakap si Knoxx kay Bernadette.Kumunot ang noo ni Bernadette nang mapansin niyang basang-basa ng pawis ang likod ng bata dahil naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.“Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa ang likod mo?” Hindi niya maiwasang magtaray. Inis niyang tinawag ang Yaya ni Knoxx.“Yes, ma’am?” Kinakabahang sagot ng Yaya.“Basang-basa ang likod ni Knoxx. Maghanap ka nga ng t-shirt at towel,” utos ni Bernadette na halatang may inis sa boses.“Y-Yes, ma’am,” nauutal na sagot ng Yaya.Mabilis itong tumalima at agad
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 3
Kitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya."Talaga, Mommy?""Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."Kumunot ang noo ni Bernadette na
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 2
"Hindi mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Blaire. Alam na alam ko na kung paano ka umarte at magdrama." Inis na binitiwan ni Ysmael ang mga kamay ni Bernadette, isang kilos na labis niyang ipinagpasalamat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi makita ang seksi nitong kahubdan.He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi iyon kayang balewalain ni Bernadette. Sa isip niya, napakabobo naman ng asawang nagloko sa lalaking ito."Hindi ako si Blaire at—""Shut up!" Halos mabingi si Bernadette sa lakas ng sigaw ni Ysmael. Napalunok siya habang ang kaba at takot ay unti unting bumabalot sa buong pagkatao niya."Pero kasi naman...""I said shut up!"Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan niyang makita ang totoong asawa ng lalaking ito. Hindi siya si Blaire. Siya si Bernadette Soriano."Pwede bang magbihis ka?" reklamo niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala Adonis na lalaking kasama niya sa kwartong iyon."Fúck!" maluton
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 1
“Palabasin niyo ako rito!”Alam ng mga lalaki ang utos na dapat sundin. Walang pag-aalinlangang muling isinara ang pinto. Ramdam ni Bernadette ang biglang pagkawala ng lakas sa kanyang mga tuhod at braso, para bang hinihigop ng takot ang buong katawan niya. Ang mga binti niya ay nanginginig, at tila bawat paghinga ay mabigat sa dibdib.“Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka na!"Binundol ng matinding kaba ang puso niya. Napalingon siya sa lalaking tinuhod niya kanina. Nakatingin sa kanya si Ysmael Bailey, nakapako ang malamig at matalim na mga mata. Ang katahimikan sa silid ay parang lumulutang sa pagitan nila, at bawat galaw ng lalaki ay tila may bigat na bumabalot sa dibdib ni Bernadette.“Nasaktan ba?” nauutal na tanong niya, may halong kaba at pagtatangka na mapaluwag ang tensyon.Pinukol siya ni Ysmael ng isang tinging kayang magpatahimik ng kahit sinong makaharap nito. Napalunok si Bernadette, ramdam ang bigat ng tensyon at ang init ng takot na kumakalat sa kanyang katawan. Ang
Last Updated: 2025-12-16
You may also like
Contract and Marriage
Contract and Marriage
Romance · MysterRyght
1.6M views
My Playboy Boss
My Playboy Boss
Romance · Miss A.
1.6M views
His Secret Child (Tagalog)
His Secret Child (Tagalog)
Romance · Seera Mei
1.5M views
My Mysterious Wife
My Mysterious Wife
Romance · Darkshin0415
1.3M views
Love for Rent
Love for Rent
Romance · Maria Bonifacia
1.3M views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status