Share

Chapter 4

Author: SofiaTheFirst
last update Last Updated: 2025-12-16 21:02:10

Kasalukuyang naroon si Bernadette sa tapat ng swimming pool area, sa tabi ng hardin. Bawal siyang lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng asawa niyang si Ysmael. Nililibang na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.

“Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Blaire. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo.”

Ngumiti lamang si Bernadette kay Knoxx. Sana ay napansin din iyon ng daddy nito.

Nakangiting yumakap si Knoxx kay Bernadette.

Kumunot ang noo ni Bernadette nang mapansin niyang basang-basa ng pawis ang likod ng bata dahil naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.

“Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa ang likod mo?” Hindi niya maiwasang magtaray. Inis niyang tinawag ang Yaya ni Knoxx.

“Yes, ma’am?” Kinakabahang sagot ng Yaya.

“Basang-basa ang likod ni Knoxx. Maghanap ka nga ng t-shirt at towel,” utos ni Bernadette na halatang may inis sa boses.

“Y-Yes, ma’am,” nauutal na sagot ng Yaya.

Mabilis itong tumalima at agad ding bumalik na halatang kinakabahan.

Napapansin ni Bernadette na takot sa kanya ang ilang tao sa bahay. Hindi niya tuloy napigilang tanungin si Knoxx. “Bakit parang ilag at takot sa akin ang mga tao rito maliban sa daddy mo?”

“Dahil konting mistake lang po ng mga kawaksi natin ay agad na sinisibak ni Mommy.”

Hindi akalain ni Bernadette na ganoon pala kasama ang ugali ng isang Blaire Bailey.

“Hi, Knoxx?”

Kapwa sila napalingon sa babaeng tumawag sa bata.

“Sino naman siya?” mahina ngunit takang tanong ni Bernadette kay Knoxx. Napansin niyang tila takot ang bata sa babae.

“She’s Tita Stella, Mommy. Takot po ako sa kanya dahil sinasaktan niya ako tuwing wala kayo ni Daddy. She hated my mom also.”

“Pwes, hayaan mo at hindi na iyon mangyayari pa hangga’t narito ako,” matapang na sabi ni Bernadette sabay pasimpleng paghila kay Knoxx sa kanyang likuran.

“Oh, hi Blaire. Hello, Knoxx.”

“Ano’ng ginagawa mo rito?” mataray na tanong ni Bernadette.

“Look who’s talking. Baka nakalimutan mo na may alas ako sa’yo?” turan ni Stella sabay bulong sa kanyang punong-tenga. “Remember the sex video kung saan nagniniig kayo ng lalaki mo? Siguro naman hindi mo hahayaan na ikalat ko iyon at tuluyan kang paalisin ni Ysmael sa pamamahay na ito.”

“Go. Mas mabuti para makaalis na ako rito,” nakangiting sagot ni Bernadette.

Nagulat si Stella sa narinig.

“What? Anong nangyari at bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin, Blaire?”

“Go on. Wala akong pakialam,” nakangiting hamon ni Bernadette.

“Huwag mo akong hinahamon. Babae ka.”

“I’m not. Just do it,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan.

Lubos ang pagtataka sa anyo ni Stella. Pabor kay Bernadette ang mangyari iyon upang tuluyan na siyang makaalis sa pamamahay ni Mr. Bailey. Ang inaalala lamang niya ay si Knoxx.

“Knoxx, hindi ko akalaing magkasundo na kayo ng Mommy Blaire mo?”

Nanatiling tahimik si Knoxx at ilag kay Stella.

“Oras na malaman kong sinasaktan mo ang anak ko, hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka, Stella.”

“Woah, is this really you o sadyang nauntog ka lang sa pader?” hindi makapaniwalang tanong ni Stella.

“Well, people change, Stella. Kailangan ko ring baguhin ang sarili alang-alang sa aking mag-ama.”

Inis na umirap si Stella. “Hindi pa tayo tapos,” mariing sabi nito bago walang lingong tinalikuran sina Bernadette at Knoxx.

Nakangiting nagkatitigan ang mag-ina.

“Mommy, bukas na ang recognition. Pwede mo ba akong samahan, kayo ni Daddy?”

“Oo naman. Mangyayari bang wala kami ng Daddy mo gayong importante iyon dahil sa wakas nagbunga ang pagpapagal mo sa klase?”

“Mommy, with high honors po ako,” pagmamalaki ni Knoxx.

“Wow, talaga ba? Congratulations kung ganoon.”

“Sana pumunta si Daddy. I’m sure ikaw pupunta ka iyan kung pahihintulutan ka po ni Dad na lumabas ng bahay.”

“No. Kailangan nariyan din siyempre ang daddy mo. This is your accomplishment kaya dapat lang na nariyan kaming mga magulang mo, okay?”

“Sana hindi ka na umalis dito sa bahay, Mommy.”

“I’m so sorry, Knoxx. Pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan na hindi ako ang tunay mong ina kundi ang babaeng kamukhang-kamukha ng tunay mong ina.”

“Ma’am, narito na po ang meryenda.”

“Thank you,” sagot ni Bernadette.

Dinala niya si Knoxx sa gazebo kung saan nila kakainin ang cookies na ipinagawa niya kay Manang.

Marami na ring kawaksi ang nakapansin sa kakaiba niyang kilos. Ibang-iba raw siya sa dati na konting problema lang ay sisante agad. May nagsabi rin na hindi na raw siya mabilis magalit. Dahil ang totoo, hindi naman talaga siya ang tunay na Blaire kundi si Bernadette Soriano.

Kung wala siyang record bilang Bernadette Soriano, ibig sabihin ay matagal nang pinlano ni Blaire ang pagpapalit ng kanilang katauhan upang makaalis sa kanyang mag-ama. Ayon din sa mga narinig niya mula kay Stella kanina, halatang may ibang kalaguyo ang tunay na ina ni Knoxx. May kutob si Bernadette na may alam si Blaire sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.

“Mom, what are you thinking?” tanong ni Knoxx.

“May iniisip lang ako,” sagot ni Bernadette.

Maya-maya ay nagpasya na rin siyang maligo at magbihis. Natutuwa siya kay Knoxx dahil parang buntot itong hindi kayang umalis sa kanyang piling.

“Don’t worry. Dito lang ako, okay?” nakangiting sabi ni Bernadette.

“Takot po akong umalis ka at tumakas lalo na ngayon sa ginawa ni Daddy sa’yo, Mommy.”

“Excited na po ako bukas sa aking recognition dahil sigurado akong may madadala na akong mommy at hindi na ako i-bully ng aking mga kaklase.”

Binalot ng matinding kalungkutan ang puso ni Bernadette sa narinig. “Sandali, alam ba ito ng mga magulang mo?”

Umiling lamang si Knoxx.

“Pero bakit hindi mo man lang ipinaalam sa daddy mo?”

“Palagi pong busy si Daddy at wala namang oras sa akin si Mommy.”

Hindi alam ni Bernadette kung paano siya napunta sa buhay ng mag-amang Bailey. Lahat ay palaisipan. May kutob siyang planado ang lahat ng nangyayari at malakas ang duda niyang may alam si Blaire sa lahat ng ito.

“Pangako, sasamahan kita. Wala rin naman akong magagawa ngayon dahil sa tingin ko ninakaw ng mommy mo ang pagkatao ko nang hindi nalalaman ng ama mo.”

“Wala po akong maintindihan, Mommy.”

“Huwag mo na lang intindihin dahil napakabata mo pa para unawain ang sinasabi ko.”

Dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling ni Blaire, hindi na kayang paniwalaan ni Mr. Bailey ang anumang sasabihin ni Bernadette. Lalo na at iniisip nitong siya nga si Blaire at patuloy na nagsisinungaling.

Humugot na lamang si Bernadette ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi niya alam kung paano siya makakaalis sa pamamahay ng mga Bailey gayong naaawa siyang iwan si Knoxx na mabilis nang napalapit sa kanyang damdamin.

Para bang napunan nito ang matagal niyang pangungulila sa sariling mga magulang. For the first time, simula ng mapunta siya sa mansyon na ito ay hindi niya inisip kung paano siya makakalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 4

    Kasalukuyang naroon si Bernadette sa tapat ng swimming pool area, sa tabi ng hardin. Bawal siyang lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng asawa niyang si Ysmael. Nililibang na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.“Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Blaire. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo.”Ngumiti lamang si Bernadette kay Knoxx. Sana ay napansin din iyon ng daddy nito.Nakangiting yumakap si Knoxx kay Bernadette.Kumunot ang noo ni Bernadette nang mapansin niyang basang-basa ng pawis ang likod ng bata dahil naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.“Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa ang likod mo?” Hindi niya maiwasang magtaray. Inis niyang tinawag ang Yaya ni Knoxx.“Yes, ma’am?” Kinakabahang sagot ng Yaya.“Basang-basa ang likod ni Knoxx. Maghanap ka nga ng t-shirt at towel,” utos ni Bernadette na halatang may inis sa boses.“Y-Yes, ma’am,” nauutal na sagot ng Yaya.Mabilis itong tumalima at agad

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 3

    Kitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya."Talaga, Mommy?""Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."Kumunot ang noo ni Bernadette na

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 2

    "Hindi mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Blaire. Alam na alam ko na kung paano ka umarte at magdrama." Inis na binitiwan ni Ysmael ang mga kamay ni Bernadette, isang kilos na labis niyang ipinagpasalamat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi makita ang seksi nitong kahubdan.He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi iyon kayang balewalain ni Bernadette. Sa isip niya, napakabobo naman ng asawang nagloko sa lalaking ito."Hindi ako si Blaire at—""Shut up!" Halos mabingi si Bernadette sa lakas ng sigaw ni Ysmael. Napalunok siya habang ang kaba at takot ay unti unting bumabalot sa buong pagkatao niya."Pero kasi naman...""I said shut up!"Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan niyang makita ang totoong asawa ng lalaking ito. Hindi siya si Blaire. Siya si Bernadette Soriano."Pwede bang magbihis ka?" reklamo niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala Adonis na lalaking kasama niya sa kwartong iyon."Fúck!" maluton

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 1

    “Palabasin niyo ako rito!”Alam ng mga lalaki ang utos na dapat sundin. Walang pag-aalinlangang muling isinara ang pinto. Ramdam ni Bernadette ang biglang pagkawala ng lakas sa kanyang mga tuhod at braso, para bang hinihigop ng takot ang buong katawan niya. Ang mga binti niya ay nanginginig, at tila bawat paghinga ay mabigat sa dibdib.“Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka na!"Binundol ng matinding kaba ang puso niya. Napalingon siya sa lalaking tinuhod niya kanina. Nakatingin sa kanya si Ysmael Bailey, nakapako ang malamig at matalim na mga mata. Ang katahimikan sa silid ay parang lumulutang sa pagitan nila, at bawat galaw ng lalaki ay tila may bigat na bumabalot sa dibdib ni Bernadette.“Nasaktan ba?” nauutal na tanong niya, may halong kaba at pagtatangka na mapaluwag ang tensyon.Pinukol siya ni Ysmael ng isang tinging kayang magpatahimik ng kahit sinong makaharap nito. Napalunok si Bernadette, ramdam ang bigat ng tensyon at ang init ng takot na kumakalat sa kanyang katawan. Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status