Share

Chapter 2

Author: SofiaTheFirst
last update Last Updated: 2025-12-16 20:43:03

"Hindi mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Blaire. Alam na alam ko na kung paano ka umarte at magdrama." Inis na binitiwan ni Ysmael ang mga kamay ni Bernadette, isang kilos na labis niyang ipinagpasalamat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi makita ang seksi nitong kahubdan.

He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi iyon kayang balewalain ni Bernadette. Sa isip niya, napakabobo naman ng asawang nagloko sa lalaking ito.

"Hindi ako si Blaire at—"

"Shut up!" Halos mabingi si Bernadette sa lakas ng sigaw ni Ysmael. Napalunok siya habang ang kaba at takot ay unti unting bumabalot sa buong pagkatao niya.

"Pero kasi naman..."

"I said shut up!"

Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan niyang makita ang totoong asawa ng lalaking ito. Hindi siya si Blaire. Siya si Bernadette Soriano.

"Pwede bang magbihis ka?" reklamo niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala Adonis na lalaking kasama niya sa kwartong iyon.

"Fúck!" malutong na mura ni Ysmael bago inis na naglakad papunta sa walk in closet at nagbihis. Tahimik na ipinagpasalamat iyon ni Bernadette.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "You're grounded, and your only responsibility right now is to look after our son, Knoxx. Dito ka lang sa bahay at babantayan mo siya. Kahit minsan naman, magpaka ina ka sa anak natin."

Hindi siya nakasagot agad. Ramdam niya ang bigat ng linyang iyon na para bang galing sa durog na puso.

Paano na ngayon ang pag aaral niya kung hindi siya makakalis dito. Gusto niyang magwala at maglupasay. Sigurado siyang hinahanap na siya nina Inay at Itay. Lalo na si Nanay na tiyak na nag aalala na dahil hindi siya umuwi ngayong gabi.

"Nakikiusap ako sa'yo, paalisin mo na ako. Ako si Bernadette Soriano at hindi ako ang asawa mo. Pwede mo akong paimbestigahan."

Inis na hinarap siya ni Ysmael. Walang sabi sabi itong lumapit at itinulak siya sa malambot na kama, saka inangkin ang kanyang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Bernadette sa labis na gulat. Sinikap niyang manlaban ngunit sadyang mas malakas si Ysmael. Masakit ang mahigpit nitong pagkakahawak sa magkabila niyang braso bago itinaas ang mga iyon sa ibabaw ng kanyang ulo. Nagmatigas siya at hindi ibinuka ang kanyang mga labi.

Napilitan lamang siyang ibuka ang mga iyon nang marahas na pisilin ni Ysmael ang kanyang hita.

"Ah!" daing niya bago tuluyang pasukin ng dila nito ang looban ng kanyang bibig at sinipsip ang kanyang pang ibabang labi.

Unang halik iyon sa buong buhay ni Bernadette ngunit hindi sa paraang nais niya. Sa isip niya, isa itong demonyo. Muli siyang nanlaban ngunit hindi kinaya ang bigat at lakas nito. Tumulo ang kanyang mga luha habang nararamdaman niyang binababoy ng lalaki ang katawan na buong buhay niyang iningatan.

"Walanghiya ka!" sigaw niya habang patuloy ang pag agos ng luha. "Huwag maawa ka, huwag!"

"Bullshìt!" malutong na mura ni Ysmael bago siya marahas na binitiwan. Napansin lamang ni Bernadette na nakatitig ito sa makinis niyang dibdib kaya agad niyang hinila ang kumot upang takpan ang sarili.

"Please... hindi ako si Blaire, ako si Bernadette Soriano."

Sunud sunod ang marahas na buntong hiningang pinakawalan ni Ysmael. Malaya niya tuloy napagmamasdan ang seksing katawan nito. Sa isip ni Bernadette, sobrang bulag ng babaeng nagloko sa lalaking ito.

Tahimik niyang sinundan ng tingin si Ysmael at lihim na nagpasalamat nang tuluyan nitong itigil ang ginawa. Umaasa siyang natauhan na ito.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kumot.

Nakabihis na si Ysmael nang lumabas mula sa walk in closet. Muling bumalik ang matinding kaba sa dibdib ni Bernadette.

"Pakiusap, gusto ko nang umuwi sa amin. Hinahanap na ako ng aking ina at ama. Kung gusto mo ng pruweba, pwede mong tingnan ang looban ng aking bag. Ako si Bernadette Soriano."

Hindi niya maipagkakaila ang lakas ng dating ng lalaki. Isang Adonis na kayang paluhurin ang kahit sinong babae. Mas lalo niyang hindi maintindihan kung paano ito nagawang lokohin ng asawa nito gayong tila naroon na ang lahat ng gugustuhin ng isang babae.

"Shut up!" asik ni Ysmael.

Napayuko siya. "Ayusin mo ang sarili mo at pupuntahan natin ang sinasabi mong ina't ama."

Mabilis na nag angat ng tingin si Bernadette. Muling nabuhay ang munting pag asa sa kanyang puso. "Sigurado ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" malamig na tanong ni Ysmael.

"Salamat," mahina niyang sagot habang muling tumutulo ang luha. "Hayaan mo akong i check ang cellphone ko at pwede mo ring tingnan."

Muli niyang narinig ang malalim na buntong hininga ni Ysmael. Mabilis niyang inayos ang sarili at pinunasan ang mga luha.

"I'm ready," sabi niya, bahagyang gumaan ang pakiramdam.

"I want you to fix yourself first," utos ni Ysmael na hindi man lamang ngumingiti. Halatang malalim ang iniisip nito.

"Umaasa akong maniniwala ka sa sinasabi ko."

Ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang umiiyak ang batang si Knoxx.

"Mommy... please huwag kang umalis."

Parang dinurog ang puso ni Bernadette sa narinig.

"Knoxx, you're not supposed to be here. We're still talking," sabi ni Ysmael at akmang hihilahin ang bata ngunit pinigilan siya ni Bernadette.

"Hayaan mo muna siyang yakapin ako, pakiusap," mahinang turan niya.

Kumunot ang noo ni Ysmael. May kakaiba itong napansin sa kilos ni Bernadette. "Really, Blaire? Is this your damn technique para lokohin na naman kami ni Knoxx?"

"Daddy, please don't argue with Mommy anymore. I want her to stay with us always."

Hindi alam ni Bernadette kung paano ipapaliwanag na hindi siya si Blaire. Mahigpit niyang niyakap si Knoxx, kumukuha ng lakas upang hindi tuluyang mag panic dahil sa pag aalala sa kanyang ina.

"Knoxx, go back to your room," utos ni Ysmael.

"Daddy, I want to be with Mommy. Please don't make her upset."

"Pakiusap, hayaan mo na lang muna siya rito. Nakakaawa naman si Knoxx," sabi ni Bernadette.

"Seriously, Blaire? Are you pulling this stunt again?"

"Hindi kita maintindihan. Totoo ang sinasabi ko."

"Kunwari mabait ka ngayon sa anak natin gano'n?"

Hindi maunawaan ni Bernadette ang lalaking kaharap. Ibig sabihin, hindi mabait ang tunay na mommy ni Knoxx?

"Dahil naawa ako sa bata at ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga ako si Blaire."

"Daddy, I guess totoo ang sinasabi niya. Ibang iba siya kaysa kay Mommy. Gusto niya akong yakapin samantalang si Mommy ay ayaw no'n."

Mas lalo pang nadurog ang puso ni Bernadette. Gano'n ba kawalang puso si Blaire, ang babaeng kamukhang kamukha niya?

Hindi kaya kapatid niya si Blaire? O kaya naman...

"Paano kung... kambal pala kami ng Mommy mo, Knoxx?"

"Ikaw ang pipiliin kong maging Mommy. Pwede ba yun?"

Napahingo si Bernadette sa narinig. Ano ba kasing klaseng ina si Blaire na kahit ang anak nitong si Knoxx ay gugustuhin pa ang ibang tao maging nanay.

Kailangan niya makaharap si Blaire. Kailangan niya makompirma kung bakit magkamukha sila na parang pinagbiyak na bunga.

Pero ang tanong ngayon ay, kung siya ang narito sa mansyon... Nasaan si Blaire? Nagtatago ba ito? O sadyang iniwan na ang mag-ama niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 4

    Kasalukuyang naroon si Bernadette sa tapat ng swimming pool area, sa tabi ng hardin. Bawal siyang lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng asawa niyang si Ysmael. Nililibang na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.“Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Blaire. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo.”Ngumiti lamang si Bernadette kay Knoxx. Sana ay napansin din iyon ng daddy nito.Nakangiting yumakap si Knoxx kay Bernadette.Kumunot ang noo ni Bernadette nang mapansin niyang basang-basa ng pawis ang likod ng bata dahil naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.“Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa ang likod mo?” Hindi niya maiwasang magtaray. Inis niyang tinawag ang Yaya ni Knoxx.“Yes, ma’am?” Kinakabahang sagot ng Yaya.“Basang-basa ang likod ni Knoxx. Maghanap ka nga ng t-shirt at towel,” utos ni Bernadette na halatang may inis sa boses.“Y-Yes, ma’am,” nauutal na sagot ng Yaya.Mabilis itong tumalima at agad

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 3

    Kitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya."Talaga, Mommy?""Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."Kumunot ang noo ni Bernadette na

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 2

    "Hindi mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Blaire. Alam na alam ko na kung paano ka umarte at magdrama." Inis na binitiwan ni Ysmael ang mga kamay ni Bernadette, isang kilos na labis niyang ipinagpasalamat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi makita ang seksi nitong kahubdan.He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi iyon kayang balewalain ni Bernadette. Sa isip niya, napakabobo naman ng asawang nagloko sa lalaking ito."Hindi ako si Blaire at—""Shut up!" Halos mabingi si Bernadette sa lakas ng sigaw ni Ysmael. Napalunok siya habang ang kaba at takot ay unti unting bumabalot sa buong pagkatao niya."Pero kasi naman...""I said shut up!"Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan niyang makita ang totoong asawa ng lalaking ito. Hindi siya si Blaire. Siya si Bernadette Soriano."Pwede bang magbihis ka?" reklamo niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala Adonis na lalaking kasama niya sa kwartong iyon."Fúck!" maluton

  • Billionaire's Bride Replacement    Chapter 1

    “Palabasin niyo ako rito!”Alam ng mga lalaki ang utos na dapat sundin. Walang pag-aalinlangang muling isinara ang pinto. Ramdam ni Bernadette ang biglang pagkawala ng lakas sa kanyang mga tuhod at braso, para bang hinihigop ng takot ang buong katawan niya. Ang mga binti niya ay nanginginig, at tila bawat paghinga ay mabigat sa dibdib.“Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka na!"Binundol ng matinding kaba ang puso niya. Napalingon siya sa lalaking tinuhod niya kanina. Nakatingin sa kanya si Ysmael Bailey, nakapako ang malamig at matalim na mga mata. Ang katahimikan sa silid ay parang lumulutang sa pagitan nila, at bawat galaw ng lalaki ay tila may bigat na bumabalot sa dibdib ni Bernadette.“Nasaktan ba?” nauutal na tanong niya, may halong kaba at pagtatangka na mapaluwag ang tensyon.Pinukol siya ni Ysmael ng isang tinging kayang magpatahimik ng kahit sinong makaharap nito. Napalunok si Bernadette, ramdam ang bigat ng tensyon at ang init ng takot na kumakalat sa kanyang katawan. Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status