LOGINKitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.
Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."
Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya.
"Talaga, Mommy?"
"Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."
Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."
Kumunot ang noo ni Bernadette nang makitang hindi iyon ang bag na dala-dala niya. "I told you, Knoxx. She's lying, you can check her bag son. Come on." Hindi maipagkakaila ang panunudyo sa boses ng naturang lalaki.
Dahan-dahang kumalas sa kanya ng yakap si Knoxx. "Whatever it is, I believe you, Mom."
"Knoxx," sita ng lalaki sa sarili nitong anak.
"Dad, I feel like she's not the same person anymore. It's like she's been taken over."
Masasabi ni Bernadette na mabuti pa itong si Knoxx ay likas na matalino hindi tulad ng ama nito na puno ng galit ang puso kaya hindi nakikinig.
"Pero... hindi 'yan ang bag na dala ko kanina, it's a school bag and I'm wearing my school uniform for pete's sake!" Hindi na niya napigilan na magtaas ng boses.
"Nababaliw ka na Blaire. Kulang pa iyang nangyari sa'yo sa mga kasalanang ginawa mo sa mga taong malapit sa'yo."
Mukhang makukulong na yata siya sa anino ni Blaire. "Sir, walang record sa paaralan na sinasabi niya ang nagngangalang Pacita Soriano."
Awtomatikong kumunot ang noo ni Bernadette sa narinig mula sa naturang lalaki. "Sinungaling!" sigaw niya.
"Mommy please...?"
"Kailangan kong makausap ang aking mga magulang, totoo ang sinasabi kong ako si Bernadette at hindi si Blaire. Kayo ang sinungaling!"
"Ngayon din puntahan mo ang address na sinasabi niya at dalhin dito kanyang ama't ina, sabayan natin ang kabaliwan ng aking asawa."
"Yes, sir," sagot na sa tingin niya ay tauhan ng ama ni Knoxx.
"S—Sigurado ka?" Hindi makapaniwala ang tanong ni Bernadette. Hindi ba siya pinapaasa ng lalaking ito?
"Yes, I have my word, honey." Nabuhayan siya ng loob sa narinig mula sa naturang lalaki.
"Mommy..." Lumuluhang ani Knoxx.
"Don't cry please...? Pero kailangan kong patunayan sa daddy mo na hindi ako ang mommy mo, Knoxx."
"I believe you, Mom."
"Thank you, Knoxx." Muli niyang niyakap si Knoxx, hindi niya kayang nakikita itong lumuluha dahil parang pinipiga ang kanyang puso.
"Hindi mo na ako maloloko, Blaire. Nagbago na ang isip ko, dito ka lang at hindi ka pwedeng lumabas sa mansion na ito." Pinal na tugon ng ama ni Knoxx sa kanya.
"No, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Hindi ba't sinabi mo ay aalis tayo?"
"I change my mind, honey." Pagdakay tinalikuran na siya ng lalaki at naiwan na lamang sila ni Knoxx.
"Knoxx, totoo ang sinasabi ko. Hindi talaga ako ang mommy mo. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito."
Pinunasan niya ang luhaang mata ni Knoxx, nakayakap lang ito sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang uhaw sa atensyon at pagmamahal ng isang ina.
"Mommy, pwede bang dito muna ako sa'yo?"
"Oo naman, pero alam mo bang nalulungkot ako? Nag-aalala ako sa aking inay at itay."
"Paano 'yan hindi ka po pwedeng lumabas sa mansion? Hindi po naniniwala sa'yo si Daddy."
Hindi na alam ni Bernadette ang gagawin, nag-aalala siya kina inay at itay. Naramdaman niya muli ang mahigpit na yakap ni Knoxx. Kahit paano ay naibsan ang bigat sa kanyang dibdib.
"Thank you, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pwede mo bang ikwento sa akin about sa mommy mo, Knoxx?"
"She lies, she hated me and she don't love us." Malungkot na kwento ni Knoxx sa kanya. Hayan na naman ang pamilyar na kirot sa kanyang puso.
Lubos siyang naawa sa kalagayan ni Knoxx. Pero bakit hindi siya pinaniniwalaan ng ama nito? "Ano nga pala ang pangalan ng Daddy mo?"
"Ysmael Bailey."
Pamilyar sa kanya ang pangalan na Ysmael Bailey, kumunot ang kanyang noo. Saka siya napasulyap sa larawan kung saan magkasama ang tunay na asawa ni Mr. Bailey at si Knoxx.
Nasaan na kaya ang ina nitong si Knoxx?
"Sa tingin mo Knoxx nasaan na kaya ang mommy mo?" tanong niya kay Knoxx. Pilit niyang inaalala ang nangyari bago siya nagising sa hindi pamilyar na kwarto. "I don't even know if where is she."
"Palagi ba silang nag-aaway ng Mommy mo?"
Sa sagot ni Knoxx ay napatunayan niyang totoo nga ang kanyang hinala. Hindi kaya kapatid niya si Blaire? Hindi ba't ampon lang siya ng kanyang mga magulang na siyang kumupkop sa kanya?
"Mommy Love, baka related kayo ng mommy ko. Look at her at the picture and you, kamukhang-kamukha kayo."
Mayamaya ay biglang bumukas ng marahas ang pinto ng kwarto at pumasok ang tila galit at inis na si Mr. Bailey. Kitang-kita niya kung paano muling nag-tangis ang mga bagang nito. Hindi ba nito inaalala na maapektuhan si Knoxx sa asal na ipinakita nito? "Knoxx, go to your room." Hindi ngumingiting utos ni Mr. Bailey sa anak nito.
"Sige na makinig ka sa daddy mo," turan niya.
"But, Mommy..."
"Mommy is fine, I promise."
Pumasok ang sa tingin niya'y Yaya ni Knoxx saka nito nilapitan ang bata at pagdakay lumabas sila sa naturang kwarto at isinara ang pinto.
Kinakabahan siya sa awra ngayon ni Mr. Bailey, pero kahit galit ito ay hindi parin nawawala sa anyo ang sobrang hótness na siyang taglay nito.
Inis na lumapit sa kanya si Mr. Bailey at walangsabing hinila nito ang isa niyang braso. "Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin, pinuntahan ng tauhan ko ang address na nasabi mo pero walang tao roon at walang nakakakilala sa sinasabi mong mga magulang at walang Bernadette Soriano. Dàmn you woman!"
Napangiwi siya dahil sa sakit ng pagkakahigpit ng paghawak ni Mr. Bailey sa kanyang kabilang balikat. "Totoo ang mga sinasabi ko, ikaw ang dakilang sinungaling!" Hindi niya napigilan na pagtaasan ito ng boses. "Nasasaktan ako, ano ba!" Mabilis na pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito.
Paanong nangyaring walang Bernadette Soriano? Nananaginip ba siya? Kung panaginip man ito aba gusto niya ng magising. Hindi kaya na set-up siya ng tunay na ina ni Knoxx? Pinagpalit nito ang kanilang katauhan upang tuluyang makatakas sa nakakatakot na lalaking ito?
"You're grounded!"
"Hindi, maawa ka sa'kin." Hindi niya napigilan na mapayakap sa sarili. Galit na umalis si Ysmael mula sa silid na kinaroroonan niya at napaigtad siya nang ibalibag nito ng malakas ang pinto ng kwarto.
"Panginoon ko, ano ba itong pinasukan ko? Tulungan niyo po akong makalayo sa lugar na ito." Taimtim niyang dasal sa Dios na makapangyarihan sa lahat.
Naiwan siyang lumuluha sa kwarto na nag-iisa. Malakas ang kutob niyang kinuha ng tunay na asawa ni Mr. Bailey ang kanyang identity. Napakatuso ng babaeng iyon. Hindi man lang naawa sa kalagayan niya.
Ano'ng naghihintay sa kanya dito bilang si Blaire Walton gayong hindi naman talaga siya ang tunay na Blaire? Iginala niya ang tingin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan niya. Malayong-malayo sa bahay na kinalakhan niya. Maliit lang ang bahay nila sa Quiapo pero masaya siya kasama ang kanyang inay at itay. Kumusta na kaya sila? Muli tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Inayos niya ang sarili, naisipan niyang bumangon mula sa malambot na kama at tinungo ang balcony. Nakikita niya mula rito ang malawak na pool sa mansion na kinaroroonan niya. Biglang nag-iba ang takbo ng kanyang buhay. Paanong nangyaring sa isang iglap lang ay ibang tao na siya?
Nilisan niya ang balcony at nagpasyang maligo. Basta ang huli niyang naalala ay galing siya ng school, pero bakit ibang damit na ang suot niya? Hindi ba siya nababaliw?
Tinungo niya ang banyo at naligo, pagkatapos maligo ay agad siyang nakialam sa mga damit na nasa walk in closet. Lahat ng mga damit ay halatang kaysa sa kanya.
Nailing na lamang siya sa sarili, nagulat pa siya dahil lahat ay puro branded na dati ay pangarap niyang suotin. Kaya lang walang-silbi ang lahat ng ito ngayon sa kanya. Maraming katanungan ang namumuo sa kanyang isipan.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Awtomatikong napalingon siya at nakita ang tila kinakabahan na kawaksi.
"Dala ko po ang pagkain mo, ma'am."
"Salamat," sagot niya. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng naturang kawaksi.
"Bakit naman at parang gulat ka pa?" takang-tanong niya rito.
"Naninibago lang po kasi ako sa inyo. Hindi naman kayo dating ganito."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Kasalukuyang naroon si Bernadette sa tapat ng swimming pool area, sa tabi ng hardin. Bawal siyang lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng asawa niyang si Ysmael. Nililibang na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas.“Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Blaire. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo.”Ngumiti lamang si Bernadette kay Knoxx. Sana ay napansin din iyon ng daddy nito.Nakangiting yumakap si Knoxx kay Bernadette.Kumunot ang noo ni Bernadette nang mapansin niyang basang-basa ng pawis ang likod ng bata dahil naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito.“Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa ang likod mo?” Hindi niya maiwasang magtaray. Inis niyang tinawag ang Yaya ni Knoxx.“Yes, ma’am?” Kinakabahang sagot ng Yaya.“Basang-basa ang likod ni Knoxx. Maghanap ka nga ng t-shirt at towel,” utos ni Bernadette na halatang may inis sa boses.“Y-Yes, ma’am,” nauutal na sagot ng Yaya.Mabilis itong tumalima at agad
Kitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya."Talaga, Mommy?""Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."Kumunot ang noo ni Bernadette na
"Hindi mo ako madadaan sa mga pagluha mo, Blaire. Alam na alam ko na kung paano ka umarte at magdrama." Inis na binitiwan ni Ysmael ang mga kamay ni Bernadette, isang kilos na labis niyang ipinagpasalamat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon upang hindi makita ang seksi nitong kahubdan.He's dàmn hot deàd gorgeous, at hindi iyon kayang balewalain ni Bernadette. Sa isip niya, napakabobo naman ng asawang nagloko sa lalaking ito."Hindi ako si Blaire at—""Shut up!" Halos mabingi si Bernadette sa lakas ng sigaw ni Ysmael. Napalunok siya habang ang kaba at takot ay unti unting bumabalot sa buong pagkatao niya."Pero kasi naman...""I said shut up!"Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Kailangan niyang makita ang totoong asawa ng lalaking ito. Hindi siya si Blaire. Siya si Bernadette Soriano."Pwede bang magbihis ka?" reklamo niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakakatuksong silipin ang kahubdan ng tila mala Adonis na lalaking kasama niya sa kwartong iyon."Fúck!" maluton
“Palabasin niyo ako rito!”Alam ng mga lalaki ang utos na dapat sundin. Walang pag-aalinlangang muling isinara ang pinto. Ramdam ni Bernadette ang biglang pagkawala ng lakas sa kanyang mga tuhod at braso, para bang hinihigop ng takot ang buong katawan niya. Ang mga binti niya ay nanginginig, at tila bawat paghinga ay mabigat sa dibdib.“Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka na!"Binundol ng matinding kaba ang puso niya. Napalingon siya sa lalaking tinuhod niya kanina. Nakatingin sa kanya si Ysmael Bailey, nakapako ang malamig at matalim na mga mata. Ang katahimikan sa silid ay parang lumulutang sa pagitan nila, at bawat galaw ng lalaki ay tila may bigat na bumabalot sa dibdib ni Bernadette.“Nasaktan ba?” nauutal na tanong niya, may halong kaba at pagtatangka na mapaluwag ang tensyon.Pinukol siya ni Ysmael ng isang tinging kayang magpatahimik ng kahit sinong makaharap nito. Napalunok si Bernadette, ramdam ang bigat ng tensyon at ang init ng takot na kumakalat sa kanyang katawan. Ang







