
Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back
Handa ka bang talikuran ang isang pagsasamang nabuo lamang mula sa isang kasinungalingan?
"Naiintindihan ko kung bakit kinamumuhian mo ako, Diane. Huli na rin nang malaman ko ang ginawang panloloko sa'yo ni Caleb pero maniwala ka man o hindi, nagawa niya lamang ang lahat ng iyon para sa akin, para sa kapakanan naming dalawa ng anak kong si Theo. Kaya hanggang maari, huwag mo sana siyang sisisihin."
"Malinaw sa akin ang lahat nang ikinasal kaming dalawa ni Caleb, Serena. Alam kong may limitasyon ang pagsasama naming dalawa at kung si Theo ang pag-uusapan, malinaw sa akin ang karapatan mo bilang biological mother."
Ngumiti ito— isang ngiting hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Diane." Inilatag nito sa mesa ang isang dokumento at sinadyang itulak ng kamay papalapit sa kaniya. "Handa na akong bawiin ang mag-ama ko. Heto ang application for annulment ninyong dalawa ni Caleb..."
Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito mula umpisa hanggang dulo.
"Ibig sabihin, handang ibigay sa'yo ni Caleb ang mansyon at ang rest house sa Tagaytay. Maliban doon, handa siyang bayaran ka ng limampung milyon bilang kabayaran sa limang taong pagsasama ninyong dalawa."
Muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, doon nasilayan niya kung paano naging nakakalason ang maamong ngiti ni Serena kanina.
"If you think everything's okay. Pwede ka nang pumirma."
Nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa kinatatayuan. Hindi nito alam kung matutuwa ba siya o masisilaw sa mga ari-arian at milyones na alok ng dalawa.
Dahil kung tutuusin, isa lang naman ang gusto niya...gusto nitong makalaya mula sa mala-impyernong buhay kasama si Caleb.
読む
Chapter:
Chapter 4: The Broken Wife and His OfferSABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito.Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo.Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba?Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito.Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan.Walong araw...Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang
最終更新日: 2025-12-30
Chapter: Chapter 3: The Feeling That's LostMARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman."Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?"Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon."Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena."Ibig sabihin, ang ama ni Theo..."May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon."Anak namin siyang dalawa ni Caleb."Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito.Hindi nito akalaing ang batang
最終更新日: 2025-12-30
Chapter: Chapter 2: When Truth Reveals ItselfISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon
最終更新日: 2025-12-30
Chapter: Chapter 1: When Everything Starts FallingHINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan."Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib.Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito.At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas.Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya.Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabag
最終更新日: 2025-12-30