Chapter: Chapter 4"Congratulations!"Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong."Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.Magiging nanay na siya!Pero..."You’re fired!"Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyo
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 3Pumunta si Andrea sa doktor niya."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 2Napatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir
Last Updated: 2026-01-14
Chapter: Chapter 1Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya."Mukhang badmood na naman si Sir Barron!""Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?""Hell week na naman."Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging
Last Updated: 2026-01-14