Share

Chapter 3

Author: Arthur Pen
last update Huling Na-update: 2026-01-14 08:13:16

Pumunta si Andrea sa doktor niya.

"Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero..."

"Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.

Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon.

"Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?"

"Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot.

"Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa.

"Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."

Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.

Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. Iyon daw ang pinakamasakit.

Pagkatapos ay ultrasound.

At lahat ng iyon ay kailangang simulan ngayon.

Pero ang utak ni Andrea ay nasa iisang direksyon lang.

Paano niya ito ipapaliwanag kay Sir Barron? Hindi nga siya pinapayagang mag-break ng sampung minuto, paano pa ang araw-araw na pagpunta niya sa ospital?

"Andrea."

Nag-angat si Andrea ng tingin kay Doc Liberty. Nakatingin siya nang direkta sa mga mata niya. "Your window of opportunity is narrowing. You must decide immediately. Sayang iyong libreng donor."

Tumango si Andrea. Kailangan niyang patunayan kay Garry na kaya niyang mabuntis. "I’ll do it, dok."

"Good. We will proceed sa extraction. Pahintay na lang ng tawag ng nurse sa waiting area."

Paglabas niya sa consultation room, iniisip ni Andrea kung paano magsisimula ang bagong yugto ng buhay niya. Paano niya ito ipapaliwanag kay Sir Barron? Kung mag-resign na lang kaya siya? Sayang pa ang isang buwang sahod. Pero paano?

Bago pa man siya makaupo sa may waiting area ay bumukas ang katabing consultation room.

Lumabas mula roon si Sir Barron.

At ang presensya niya ay parang bagyong walang ulan pero kayang manira ng buhay ng kahit sinong makita niya.

Intimidating as always. Lahat ay napapatingin sa kanya. Malakas ang dating niya kahit ayaw ni Andrea mang aminin. He's a head-turner. Pero hindi nga lang marunong ngumiti.

Napansin niya ang hawak na folder ni Sir Barron. Iyon ang folder na nakita niya sa opisina niya. Iyong may surrogacy. Hmm. Sa pagkakaalam niya ay may girlfriend siya.

But Andrea didn’t dare assume anything. Hindi niya dapat pakialaman ang buhay niya. Mula sa folder ay umangat ang tingin ni Andrea sa mukha niya. Hindi niya alam pero kaagad na kumabog nang malakas ang puso niya nang magtagpo ang mga mata nila.

"What are you doing here?" Iyang kaagad ang lumabas sa bibig ni Sir Barron.

Tang ina lang talaga. Hanggang dito ba naman?

Walang introduction. Walang hi or hello. Walang ibang tonong maririnig kung hindi ang kalamigan.

"I-I have a personal appointment, sir."

Hindi na siya sinagot ni Sir Barron at kaagad na umalis kasama ang isang doktor habang nakasunod naman si Nate sa kanila.

Nahulog si Andrea sa malalim na pag-iisip. Ano kayang ginagawa niya rito?

Ilang saglit pa ay tinawag na siya ng nurse. Pagkatapos ng extraction ay umuwi rin siya kaagad. Tatawagan daw nila siya kapag naging successful na ang fertilization. Kailang niya raw alagaan ang sarili niya at huwag magpaka-stress para kapag naging successful ang pagturok sa kanya ay makakaya ng katawan niya ang pagdadala sa sanggol.

Pagkarating niya sa boarding house ay damang-dama niya na naman ang lungkot. Ilang araw pa lang simula nang maghiwalay sila ni Garry kaya masakit pa rin.

Pero kailangan niyang alagaan ang sarili niya. Inabala na lang niya ang sarili sa paghahanap ng trabaho na work at home lang. Para kapag nabuntis na siya at nakauwi na sa amin ay may trabaho pa rin siya.

**

Monday.

Kailangan niyang pumunta ulit sa hospital para sa another extraction. Para kapag hindi naging successful ang unang extraction ay naka-process na kaagad ang isa pa. Sa ganoong paraan ay hindi na kailangang maghintay pa.

Mabuti na lang at wala si Sir Barron kaya naisingit niya sa lunchbreak ang pagpunta sa hospital.

Pero pagbalik niya...

"Saan ka na naman nagpunta?" Ang galit na tono kaagad ni Sir Barron ang sumalubong sa kanya. Nasa tapat siya ng table niya. "Kanina pa kita hinahanap!"

Ang sigaw niyang iyon ay halos pumuno sa buong executive floor.

"P-Pumunta po ako sa hospital—"

"You left work," sabi niya sa mahinang boses pero alam ni Andrea na hindi iyon kalmado. "And that is the reason?"

"Y-Yes, sir." Hindi siya makatingin sa kanya.

"Your personal matters are beginning to interfere with your job," sabi niya pa at ibinagsak ang ilang folder na hawak-hawak niya sa harapan ni Andrea.

Gusto ni Andrea lamunin na lang siya ng sahig.

"S-Sir, I—"

"Don’t explain!" sigaw niyang muli. Na kahit ang ibang staff ay ayaw tumingin dito sa gawi nila. "Finish revising all that. Hindi ka uuwi hangga’t hindi natatapos ang lahat ng iyan!"

Umalis na siya pero ang parang naiwan pa ang awra niya. Damang-dama pa rin ni Andrea ang nagngangalit niyang tingin sa kanya. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya habang pinupulot ang mga nagkalat na papeles sa sahig.

Kaagad naman siyang tinulungan ni Nina at ng iba pa. At doon ay napahagulhol na siya.

Hindi naging madali sa kanya ang mga sumunod na araw. Ganoon pa rin si Sir Barron, laging galit, parang pinaglihi sa sama ng loob.

Dumating sa puntong parang ayaw na lang ituloy ni Andrea ang IVF. Ilang linggo na rin kasi. Pero wala pa ring magandang balita. Mauubos na ang ipon niya sa extraction pa lang. Pagkatapos ay may boss pa siyang parang papalitan yata si satanas sa trono nito.

Pero...

"Successful na ang fertilization," pagbabalita kay Andrea ni Doc Liberty. "Prepare for injections."

Wala na siyang sinayang na oras at kaagad na nagpaturok. Gustuhin niya mang magpasalamat ay hindi na rin niya inalam kung sino ang donor.

Masakit ang unang inject. Hindi iyon normal na injections lang. Dahil parang may side effect siya sa kanya. Pero tiniis niya ang lahat ng sakit.

"Andrea! The board meeting file. Now!" Sigaw iyon ni Sir Barron at nagmamadaling pumunta sa boardroom.

Napakapit si Andrea sa mesa dahil parang umikot ang paningin niya nang bigla siyang tumayo. But she forced herself to stand. Dinala niya ang folder papunta sa boardroom. Pag-abot niya ng files ay hindi nakalampas kay Sir Barron ang hitsura niya.

"What’s with your face?" malamig niyang tanong. "You look pale. Don’t get sick on me. Not now."

Tumango lang si Andrea. Hindi na siya nagpaliwanag pa.

Pero nang makabalik siya sa mesa niya, hindi na talaga niya kinaya. Nanginig ang tuhod niya. Kailangan na yatang pumunta sa hospital. Malala na itong side effects na nararamdaman niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 4

    "Congratulations!"Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong."Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.Magiging nanay na siya!Pero..."You’re fired!"Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyo

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 3

    Pumunta si Andrea sa doktor niya."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 2

    Napatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 1

    Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya."Mukhang badmood na naman si Sir Barron!""Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?""Hell week na naman."Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status