ログインNapatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?"
"Bring me the report, now."
Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba.
"Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.
Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron.
"Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi.
"Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.
Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.
Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.
Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon.
"H-Hindi ko pa po tapos, s-sir..." Nakayuko lang si Andrea dahil baka mawala na siya ng malay kapag sinalubong niya pa ang mga nakamamatay na tingin ni Sir Barron. "Mag-o-overtime na lang ako, sir, at iiwan sa mesa ninyo kapag natapos ko na po."
Inaasahan niya nang sisigawan siya ni Sir Barron. Pero malamig lang ang boses niyon nang magsalita. "At dahil hindi mo natapos sa binigay kong oras, wala kang matatanggap na overtime f*e."
Mabuti na iyon kaysa ang masisante.
"Leave."
Hindi na siya nagsalita at kaagad na lumabas ng opisina ni Sir Barron. Wala na rin yata siyang lakas magsalita pa. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago umupo muli sa harap ng laptop niya. Walong pages na lang.
Tumunog ang cellphone niya at nakitang may mensahe si Garry. "Nasaan ka na? See you later."
Nag-reply siya. "Sorry, mahal, babawi ako bukas. Kailangan ko lang tapusin itong report. Mag-o-overtime ako."
Wala na siyang reply. Pupuntahan niya na lang siya mamaya sa apartment niya. May susi naman siya kaya sosorpresahin niya na lang siya.
Tinutok niya na ang atensyon sa ginagawa. Alas nwebe nang matapos niya iyon. Napasandal siya sa office chair niya. "Natapos din."
Madilim ang opisina ni Sir Barron nang buksan niya ang pinto. Kaya binuksan niya ang ilaw at saka nilapag sa mesa niyon ang revised monthly report.
Nang may mapansin siya.
"Surrogacy agreement, terms and conditions," mahina niyang basa sa nakasulat sa isang folder.
May ganoon ba kaming project? Surrogacy? Hindi ba pagbubuntis iyon?
Hindi na niya inusisa pa at baka malaman pa ni Sir Barron na nakialam siya.
Masaya siyang naglalakad palabas ng building. Pagod man pero ayos lang. Makikita niya naman si Garry. Dumaan muna siya sa isang fast food at nag-order ng burger saka fried chicken.
Doon na lang din siya matutulog, tutal may mga gamit naman siya roon. Magkarelasyon na sila noong college years pa nila. Sabay na nagtapos at sabay na bumuo ng mga pangarap.
Nag-taxi na lang siya para hindi na siya mahirapan mag-abang ng jeep. Ilang minuto lang ay nasa harap na siya ng apartment ni Garry. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipat na rin siya rito. Pagkatapos ay sabay silang mag-iipon para sa magiging bahay nila.
Gamit ang susi na mayroon siya ay nabuksan niya ang pinto ng apartment ni Garry. Tulog na kaya siya? Bukas kasi ang ilaw sa loob ng kwarto niya at nakaawang naman ang pinto.
Nilapag niya ang dalang pagkain sa mesa na nasa kusina at masiglang dumungaw sa kwarto niya. Pero wala siya sa kama. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napakunot ang noo niya. Naliligo siya sa ganitong oras?
Ilalapag niya na sana ang bag niya sa kama nang may narinig siyang ungol mula sa banyo. Para siyang sinabuyan nang malamig na tubig. Sobrang bilis na rin ng pagtibok ng puso niya.
Nasundan pa iyon nang malalakas na ungol. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.
"Ahh... Garry! Sige pa!"
Putang ina.
Saka niya pa lang naisipang tingnan ang buong kwarto ni Garry. Doon niya pa lang napansin ang isang bag na nasa paanan ng kama.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at marahas na binuksan ang pinto ng banyo. Nakatuwad ang babae habang bumabayo naman sa likuran ni Garry.
Natigilan silang dalawa. Nang mapagtanto kung anong nangyayari ay kaagad na lumayo si Garry sa babae. Hindi niya siya kilala pero nakikita niya siya sa building kung saan nagtatrabaho si Garry.
Kaagad na nagtakip ng tuwalya si Garry habang nasa likuran niya pa rin ang babae. Para bang proud pang ibalandra ang hubad niyang katawan.
"Mga hayop kayo..." gusto niyang isigaw iyon pero bulong lang yata ang lumabas sa bibig niya.
Pagod na siya mula pa kanina. Tapos ito pa.
"Mahal, let me explain." Sinubukan ni Garry na hawakan ang kamay niya pero awtomatiko niyang nilayo ang sarili niya sa kanya.
Hindi niya maatim na may iba siyang hinahawakan maliban sa kanya.
"Explain?" sarkastiko niyang tanong. "No need to explain. I saw enough."
"Nagkakamali ka—"
"Buntis ako."
Natigilan silang dalawa ni Garry. Siguro matatanggap niya pa kung isang gabi lang. Pero putang ina! Buntis!
Hindi na siya nagsayang ng oras pa at lumabas sa kwartong iyon. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga habang nakatingin sa kanila.
Gusto niyang manumbat. Gusto niyang magwala. Gusto niyang sumigaw. Pero pagod na pagod na siya.
"Andrea, sandali—"
Buong lakas niya siyang sinampal.
"That was ten years of my life!" Pinilit niyang pigilan ang mga luha niya pero ayaw nilang sumunod. Hilam na sa luha ang mukha niya. "P-Paano mo nagawa sa akin ito?"
"Kasi nakakasawa na!" sigaw ni Garry sa kanya.
Hindi niya alam kung saan siya nagulat. Sa pagsigaw niya ba o sa sinabi niya.
Anong nakakasawa?
"Gusto kong magkapamilya na pero ang tagal mong mabuntis!"
Kanina lang ay nagso-sorry pa siya. Pero ito siya ngayon, sinusumbat ang isang bagay na alam niyang kahinaan niya bilang babae.
"Hindi na tayo pabata, Andrea," dagdag niya pa. "Gusto kong magkaanak, pero sa loob ng sampung taon ay hindi man lang tayo nakabuo dahil sa deperensya mo!"
Para siyang sinampal sa panunumbat niyang iyon sa kanya.
"Babe..." Tawag ng babae mula sa kwarto.
Putang ina lang talaga. Bakit parang kasalanan niya pa? Hindi niya naman ginusto maging ganito siya!
Walang sabi-sabi ay tinalikuran niya sila pero bago pa siya lumabas ng apartment niya ay nagsalita siya sa huling pagkakataon. "Go, bumuo ka ng sariling pamilya. Maghintay ka lang at isasampal ko sa mukha mo na kaya ko ring mabuntis."
Pakiramdam niya ay naglalakad siya sa ere. Hindi niya nga alam kung paano pa siya nakauwi sa boarding house niya. At doon, napasalampak siya sa sahig at humagulhol.
Nagtiis siya sa maliit na boarding house kahit pa kaya niya namang kumuha ng apartment. Pero tiniis niya iyon! Dahil nag-iipon sila para sa kasal nila!
Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha mula sa drawer ang isang maliit na envelope. Laboratory test result niya iyon.
Low fertility.
Sa isang daang porsyento ay isang porsyento lang ang posibilidad na mabuntis siya.
"But we can do IVF. Marami na rin ang gumagawa nito," iyon ang sabi ng doktor. "A fertility treatment where eggcells fertilized by sperm inside a laboratory. Will extract your eggcells and your partner's spermcell. Kapag successful na silang na-fertilized ay saka natin ituturok sa iyo. Maaari ka namang magdala ng sanggol dahil walang deperensya sa matris mo."
"Congratulations!"Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong."Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.Magiging nanay na siya!Pero..."You’re fired!"Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyo
Pumunta si Andrea sa doktor niya."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I
Napatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir
Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya."Mukhang badmood na naman si Sir Barron!""Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?""Hell week na naman."Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging







