Share

Coldhearted Billionaire Love Deal
Coldhearted Billionaire Love Deal
Author: Arthur Pen

Chapter 1

Author: Arthur Pen
last update Huling Na-update: 2026-01-14 07:58:07

Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!

Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya.

"Mukhang badmood na naman si Sir Barron!"

"Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?"

"Hell week na naman."

Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor.

"Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.

Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa

"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"

Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila.

"Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bilang CEO hindi ba?" tanong pa niya. Kailan ba siya mananahimik! Intern pa lang pero ang dami nang alam!

Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. At kapag minamalas ka nga naman! Hayop!

Eksakto namang palabas ng boardroom si Sir Barron. Iyong hallway ng boardroom kasi ay madadaanan niya papunta sa table niya na nasa labas lang ng opisina niya.

Cubicle style office ang mayroon sila. Magkakadikit lang at kapag uupo siya ay hindi siya makikita.

Tang ina lang talaga. Bakit nauna pa siya sa kanya?

Dahan-dahan siyang lumabas ng elevator. Parang ayaw niyang gumalaw dahil pakiramdam niya ay mapapansin siya kaagad niya.

Malayo pa lang ay kita niya na ang magkasalubong niyang kilay at ang awra niyang parang napapalibutan siya ng hindi nakikitang itim na usok. Ganoon ang dating niya.

Intimidating as always.

Na para bang isinumpa siyang mamamatay kapag ngingiti. Sa loob ng limang taon niya bilang secretary niya, not once did she saw him smile!

Mabuti na lang at abala siya sa pakikipag-usap sa isang board member kaya pasimple siyang naglakad, diretso ang tingin, at nagdadasal na sana ay hindi siya mapansin.

Pero mukhang hindi sila kampi ni Lord ngayon.

"Stop, Andrea."

Iyong paa niyang hahakbang pa lang ay natigil sa ere. Dahan-dahan niya pa iyong nilapag sa sahig bago niya siya hinarap at hindi makatingin sa kanya nang diretso. "G-Good morning..."

"What's good in the morning when you're late by exactly..." Kaagad niyang sinipat ang suot na relo, "three minutes and eight seconds."

Time conscious talaga ang lalakeng ito. Normal naman iyon dahil pinapasahod nila ng tama. Pero hindi naman tinatrato ng tama!

"Traffic po kasi, sir."

"Wala akong pakialam sa traffic," sabi niya at hindi na naman siya natapos sa pagsasalita. Kung sa bagay ay hindi niya naman hinahayaang magpaliwanag ang mga staff niya. "Everyone deals with it. So don't give me excuses because you're not an exemption."

"S-Sorry po, s-sir," nakayuko niyang saad at pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya, damang-dama niya ang init.

"Kung sa kada sorry mo ay nababawasan ang mga pagkakamali mo, maiintindihan ko pa," sagot niya. "Pero parami nang parami ang kapalpakan mo."

Hindi na siya sumagot. Hindi dahil sa wala siyang masabi pero dahil alam niyang kahit anong paliwanag niya ay hindi niya iyon tatanggapin.

"Is that the monthly report I ask you to finish?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang folder na hawak niya.

"Y-Yes, sir." Napatingin siya sa kanya at nakita niyang nakatingin siya sa folder, na para bang sinasabi ng mga mata niya na mali na naman ang ginawa niya.

"Bring that to my office." Kaagad niyang nilampasan siya at dire-diretso ang lakad papunta sa opisina niya.

Doon pa lamang siya nakahinga nang maayos. Pakiramdam niya kasi mali rin para sa kanya kapag huminga siya sa harapan niya.

Dali-dali siyang pumunta sa table niya.

"Malas na naman ba?" bungad na tanong sa kanya ni Nina na katapat lang ng cubicle niya. "Isipin mo na lang para sa pinag-iipunan mo iyan!"

Mabuti na lang at may karamay siyang kaibigan. Tumango siya at inayos muna ang folder. "Para sa future!"

Hindi na niya hinintay pang makasagot siya at nagmamadaling pumunta sa opisina ni Sir Barron.

Pagpasok niya pa lang ay ramdam niya na ang mainit na titig niya. Sanay naman na siya sa kanya. Tatagal ba siya ng limang taon bilang secretary niya kung basta na lang siya nagpapadala sa emosyon niya? Hindi. Pero may mga araw talaga na gugustuhin mo na lang maglaho kasama ang hangin sa ere.

Maraming beses na rin siyang napahiya, nasigawan, at muntik masisante. Pero tiniis niya ang lahat. Nag-iipon sila ng nobyo niyang si Garry para sa magiging kasal nila. Siya naman daw ang gagastos pero gusto niyang makadalo ang pamilya niya na nasa probinsya.

Kaya kahit anong sigaw at pagsusungit pa ni Sir Barron ay kinakaya niya dahil may goal siyang dapat na tuparin.

"Hindi lalapit ang mesa ko sa iyo," malamig niyang saad sa kanya.

Kadalasan talaga ay sarkastiko siya.

Kaagad na siyang naglakad papunta sa mesa niya at nilapag ang dalang folder. Kinuha niya naman iyon at hindi pa nag-iisang minuto mula nang basahin niya ay kaagad niya na iyong padabog na nilapag ulit.

"Incomplete."

"But, s-sir, ilang beses ko na po iyang ni-review ulit at—"

"Third quarter projections. Where are the comparative visuals? Where is the forecast analysis? And why..." Tumigil ito saglit, tumingin sa kanya nang matalim, "is your formatting inconsistent?"

"S-Sir, I followed everything based on the last template you sent," sabi niya habang hindi makatingin sa mga mata niya.

"Do you think that makes this acceptable?" malamig niyang tanong, blangko, walang ibang tonong maririnig sa boses niya kung hindi pagkadismaya.

"Redo everything," dagdag pa na sabi niya. "You have until five."

"S-Sir, lahat po ba? Including the raw data cleaning?"

"Yes. All. If you can't handle your tasks, tell me. I can easily find someone who can."

Kahit ilang beses niya na siyang pinagsalitaan na para bang gusto niya na siyang patalsikin, masakit pa rin iyong marinig.

"Don't put that kind of expression in your face. I'm not firing you yet."

Lumabas siya matapos niyang kunin muli ang report na buong gabi niyang ginawa. Ilang oras lang yata ang naitulog niya kaya siya na-late kanina.

Huminga siya nang malalim habang naglalakad papunta sa table niya. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob. Kaya inumpisahan niya nang ulitin ang twenty pages ng monthly report.

Nang sumapit ang tanghali ay nagyaya si Nina na mag-lunchbreak.

"Mauna ka na at tatapusin ko muna itong isang page."

"Sige at ipapa-reserve kita ng paborito mong ulam," sabi pa ni Nina saka umalis.

Sakto namang tumunog ang cellphone niya at may text message si Garry. Nakangiti siya habang binubuksan iyon.

"Magkita tayo mamayang alas sais, sa lagi nating kinakainan."

Alas sais. Sakto pa naman dahil alas singko ang out nila. Thirty minutes papunta roon.

"Did I told you to take a break?" Isang tanong mula sa malamig na boses ang narinig niya kaya kaagad siyang napatayo.

"N-No, sir."

"Then why are you on your phone?"

Huminga lang siya nang malalim at hind na nag-abalang magpaliwanag. Useless lang din.

"When you're working, I expect your full attention. Kaya ka puro mali. Understand?"

"Y-Yes, sir."

Mabilis nitong tiningnan ang tablet na binigay sa kanya ni Nate ang personal assistant nito slash bodyguard.

"You will attend the meeting with me at three. Update the decks before that. And finish that report before five."

Paano niya matatapos ang report na ito kung may isisingit siyang trabaho. Hindi na siya nakasagot dahil parehas na silang naglakad palayo ni Nate.

Padabog siyang napaupo.

"Konting tiis na lang, Andrea!" pang-aalo niya sa sarili bago hinarap muli ang nire-revise na monthly report.

Hindi niya namalayan ang oras at alas dos na. Kaya naman ay tumayo na siya at pupunta ng boardroom para ihanda ang lahat bago magsimula ang meeting.

"Hoy, gaga, hindi ka kumain!" nakapameywang na sabi ni Nina.

Kinawayan niya lang siya.

Nang makapasok siya sa boardroom ay umupo kaagad siya sa harap ng laptop na naka-connect sa projector. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Barron kasama pa rin si Nate at ilang staff.

Binalik niya ang atensyon sa laptop at sa pag-aayos ng gagamiting slide para sa meeting.

"Slide seven, wrong graph."

Muntik na siyang mapamura. Hindi niya man lang namalayang nasa likod niya na pala siya.

Nang mag-umpisa na ang meeting ay alerto siyang naghihintay sa bawat senyas niya.

"The data is wrong," bulong niya at kaagad niyang nilipat iyon.

"Switch to the next slide faster," mahina niyang sabi pero halatang nagtitimpi lang na sumigaw.

"Are you even listening?" tanong niya nang matapos ang meeting.

Nakayuko lang siya.

"Next quarter’s performance would drop if we retain incompetent staff. Some might need to be replaced."

Parang sinasabi niyang

"Ikaw ang mauuna."

"Your performance today was below average," sabi pa niya habang naglalakad na palabas. "At this rate, baka hindi ka umabot sa end of quarter evaluations."

Pinigilan niyang umiyak.

Pagtingin niya sa relo ay alas kwarto na. Hindi niya alam kung anong uunahin sa mga nararamdaman niya. Ang pagod ba o ang gutom. Pero nauna na ang mga luha niya sa pagpatak.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 4

    "Congratulations!"Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong."Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.Magiging nanay na siya!Pero..."You’re fired!"Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyo

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 3

    Pumunta si Andrea sa doktor niya."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 2

    Napatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 1

    Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya."Mukhang badmood na naman si Sir Barron!""Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?""Hell week na naman."Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status