Share

Chapter 4

Author: Arthur Pen
last update Huling Na-update: 2026-01-14 08:21:02

"Congratulations!"

Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?

"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong.

"Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"

At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.

Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.

Magiging nanay na siya!

Pero...

"You’re fired!"

Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.

Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyong sobrang tahimik ng buong office habang pinapanuod siya ng lahat.

"Sir... I..."

"Don't ‘sir’ me." Hindi niya kailangan taasan ang boses, pero ginawa pa rin niya. "You abandoned your shift awhile ago. You left your table. You didn't even send a proper excuse."

"I—" Pero walang lumabas na malinaw na salita kay Andrea. Para siyang may bola ng hangin sa lalamunan na hindi maalis. Kung pwede niya lang sabihin na galing siya sa ospital. Kung pakikinggan niya lang sana ang paliwanag niya.

"I'm not running a daycare," patuloy niya. "I'm running a company. And your job is simple. Be here, do your work. If you can't do that, then you don't belong here."

Ramdam ni Andrea na ang nag-iinit na likido sa mga mata niya pero hindi siya iiyak.

Hindi rito. Hindi sa harap niya.

"Pack your things," dagdag niya pang muli. "You're done here."

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo sa harap niya. Parang lahat ng lakas niya ay natapon sa sahig. Pero sa huli ay tumango lang siya at pilit na diretso ang likod kahit nanginginig ang tuhod.

"Understood, sir," sagot niya kahit halos bumulong lang siya.

Lumakad na si Sir Barron paalis at hindi man lang lumingon. Parang wala lang. Parang hindi siya mahalagang parte ng opisina niya sa loob ng limang taon. Parang isa lang siyang papel na pwede niyang punitin at itapon.

Nag-impake siya nang tahimik. Wala si Nina. Naririnig niya ang bulungan ng mga officemate niya, pero hindi niya sila tiningnan. Hindi niya kaya. Hindi niya rin alam kung anong mas masakit, iyong mawalan ng trabaho o iyong mawalan ng respeto mula sa isang taong ginugol niya ang maraming oras para lang pagsilibihan siya at tanggapin lahat ng sigaw niya.

Kahit gaano siya ka-demanding, kahit gaano siya kalamig, kahit gaano niya pa hindi maintindihan, palagi niyang ginagawa ang kaya niya. Pero heto siya. Sinesante. Pinaalis. Tinanggal na parang wala lang.

Sinuksok niya ang maliit na succulent plant na alaga niya sa bag, pati ang notebook niyang puno ng scribbles at reminders niya. Pati iyong ballpen na bigay ni Nina noong birthday niya. Pati iyong ID niya.

Nang lumabas siya ng building, doon pa lang siya nakahinga. Maluwag pero may halong sakit. Parang may mabigat na bato sa loob ng dibdib niya. Pag-uwi niya sa boarding house niya para siyang multo.

Hindi niya maalala kung paano siya nakasakay sa jeep o kung paano siya nakababa. Parang robot na paulit-ulit lang ang kilos. Nang makarating siya sa kwarto niya, dumiretso siya sa kama at napaupo. Ilang minuto siyang nakatunganga sa pader.

Gusto niyang umiyak pero walang lumalabas.

Gusto niyang sumigaw pero walang boses.

Ang utak niya ay umiikot-ikot sa mga salitang sinabi ng doktor kaninang umaga, pero bakit hindi niya kayang magsaya gayong hinintay niya ito? Plano niya naman talaga ito pero bakit may mabigat sa dibdib niya?

At ngayon ay wala na siyang trabaho. Mabuti nga iyon at hindi na siya gagawa ng resignation letter.

Tatawagan na lang niya sina mama na uuwi siya.

Magdamag siyang gising. Hindi niya alam kung ilang oras ang lumipas, pero hindi siya nakatulog kahit saglit. Pagpatak ng alas-sais ng umaga ay nasa kama pa rin siya, nakayakap sa unan, nakababad sa kawalan.

Hindi siya lumabas.

Hindi siya kumain.

Hindi niya sinagot ang kahit anong message.

Pero naalala niya ang munting tibok ng puso sa loob ng sinapupunan niya. Tang ina niya talaga. Naging ganito ba siya dahil tinanggalan siya ng trabaho? Parte iyon sa plano niya at dapat magsaya siya!

Kaya naman ay nag-ayos siya ng sarili niya. Pupunta siya ng supermarket. May gusto siyang kainin pero hindi niya alam.

Paglabas niya ng boarding house niya.

May nakasandal sa pader. Naka-black suit ito at may pulidong sapatos.

Nakakunot ang noo sa paraang alam niyang hindi na bago sa kanya.

Si Sir Barron.

Nasa harap mismo ng boarding house niya.

"What are you—"

Hindi niya natapos. Tumayo siya nang diretso, matikas, parang isang sundalong galit na galit pero pinipigilan pa rin ang sarili.

"We need to talk," he said.

Iyon lang. Walang kasunod. Walang paliwanag. Pero ramdam niya kaagad na mabigat.

"Ano pa bang kailangan niyong sabihin?" tanong niya, pilit na kinakalma ang sarili. "I'm fired already. Kulang pa ba ang mga masasakit mong salita?"

Hindi siya gumalaw. Hindi kumurap. At kahit masakit aminin, kahit galit siya ay kinabahan siya sa bigat ng tingin niya.

Hindi iyon tingin ng boss sa empleyado niya. Iyon ay tingin ng isang taong parang may ibubunyag na sikreto.

"Andrea," he said sa mababa ang tono. "I didn't come here to talk about that, but because I got a call."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman ang pakialam ko sa bagay na iyon?"

Pwede na niya siyang sagut-sagutin ngayon.

"Galing ang tawag na iyon sa hospital kung saan tayo minsan nagkita."

Napataas ang kilay niya pero hindi niya alam kung saan nanggagaling itong kabang nararamdam.

"Andrea,” he said again. "The sample intended for the surrogate mother, the one I paid for, the one I chose..."

"What about it?" nanginginig ang boses niya at hindi niya alam kung bakit.

He looked straight into her eyes, hindi nag-aalinlangan, hindi umiwas. "It was accidentally  injected into you."

Parang bumagsak ang buong mundo niya. Parang may kumalas na turnilyo sa loob ng utak niya at kahit anong pilit niyang unawain ang narinig niya ay hindi kaya ng utak niya.

Hindi niya masabi ang kahit anong salita. Hindi siya makahinga. Hindi siya makagalaw.

"And that means," dagdag niya, marahan pero mabigat. "You are carrying my heir."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 4

    "Congratulations!"Pakiramdam ni Andrea ay nabingi siya sa narinig. Tama naman siguro ang narinig niya?"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado niyang tanong."Finally, buntis ka na, Andrea!" tuwang-tuwang sagot ni Doc Liberty. "Successful ang IFV na ginawa natin sayo!"At doon lang niya napagtanto ang sinabi nito.Para siyang nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa balitang narinig niya.Magiging nanay na siya!Pero..."You’re fired!"Iyon ang unang bumungad kay Andrea pagtapak pa lang sa executive floor. Hindi pa nga siya nakakalapit sa mesa niya pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Barron. Para siyang tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.Napako siya sa kinatatayuan at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Barron ay nakatayo sa harap ng mesa niya habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga ito. Hindi niya alam kung anong mas nakakatakot, iyong diretso niyang tingin o iyo

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 3

    Pumunta si Andrea sa doktor niya."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad niyang sabi kay Doc Liberty. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya kay Andrea noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng hayop na iyon ay gagamitin na lang ni Andrea ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi siya sa amin. Sapat na ang perang naipon niya para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko niyang sagot, nahihiya siya sa hindi niya malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ni Andrea ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig si Andrea habang pinapaliwanag ni Doc Liberty ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Ang pagturok pa raw sa kanya kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 2

    Napatalon si Andrea sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita niya sa screen na galing sa opisina ni Sir Barron ang linya. Kaagad niya naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na siya nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina niyang nasabi. Hindi niya pa tapos.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina ni Sir Barron."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Nina na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay niyang sagot, ubos na ang lakas niya.Hindi na nakasagot si Nina nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Barron at niluwa niyon si Nate. Nakatingin lang siya sa kanya at alam niya na ang ibig sabihin niyon, galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang siya kay Nina at saka pumasok sa opisina ni Sir Barron.Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Sir Barron na nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niyon."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir

  • Coldhearted Billionaire Love Deal   Chapter 1

    Pakiramdam ni Andrea ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo niya lahat!Halos matapilok na siya habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw niyang ma-late! Muntik pa siyang masaraduhan. Hinihingal na siya pero hindi nakatakas sa kanya ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi niya."Mukhang badmood na naman si Sir Barron!""Sino naman kayang tatanggalin niya ngayon?""Hell week na naman."Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napahigpit siya sa hawak niyang folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Andrea, ikaw pala iyan," tawag sa kanya ng isa sa mga marites.Hindi niya sila kilala pero kilala nila siya. Hindi dahil sa sikat siya, kung hindi dahil sa"Secretary ka ni Sir Barron, hindi ba?"Tumango na lang siya. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman siya kaagad sa sling ng ID nila kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status