Chapter: Chapter 4Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad."Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang la
Last Updated: 2026-01-26
Chapter: Chapter 3"First time seeing something that big?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya."Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya."Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito."Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan n
Last Updated: 2026-01-26
Chapter: Chapter 2"I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente."L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko."Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan."Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya."I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya al
Last Updated: 2026-01-26
Chapter: Chapter 1Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito."Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin."Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, mara
Last Updated: 2026-01-26