Share

Claimed and Spoiled by the Underground Boss
Claimed and Spoiled by the Underground Boss
Author: Harder Lavender

Chapter 1

last update Last Updated: 2026-01-26 07:24:47

Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. 

Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito.

"Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin.

"Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."

Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, marahan niyang kinuha ang kamay ni Athena at hinalikan ang likod niyon habang nakatitig sa asawa. Sa mga sandaling iyon, mukhang perpekto ang lahat. May maayos na career, bahay, at suportadong pamilya.

Pero sa likod ng mga ngiting iyon, alam ni Athena na may isang bagay pang kulang. Anak.

Ilang taon na rin nilang sinusubukang bumuo ng sariling pamilya pero laging bigo. Noong nakaraang taon, nagdesisyon pa si Athena na mag-leave muna sa trabaho bilang doktor. Sinunod niya ang payo ng kanyang OB-GYN na mag-relax muna at iwasan ang stress ng ospital para mas madaling makabuo.

Lumipas ang mga buwan na halos iginugol niya lang sa bahay at pag-aalaga sa sarili, pero ganoon pa rin ang resulta. Sa tuwing lalabas siya ng banyo bitbit ang pregnancy test kit, isang guhit lang ang laging bumubungad sa kanya. Isang malinaw na negatibo na unti-unting naging pamilyar na sakit para sa kanila ni Josef.

Tumayo si Athena at tipid na ngumiti sa mga bisita. "Oras na para sa dessert," paalam niya bago tumungo sa kusina.

Kinuha niya ang homemade ice cream na pinagpuyatan niyang gawin kaninang umaga mula sa refrigerator. Habang maingat na nagsasalin sa mga lalagyan, naramdaman niya ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng kanyang trouser. Tatlong beses iyon. Sa isip niya, baka emergency sa ospital o may itatanong ang isa sa mga staff niya.

Pero nang ilabas niya ang phone, isang unregistered number ang bumungad sa screen.

From: Unknown

Your husband is cheating on you.

From: Unknown

Malapit sa iyo ang kabit niya.

From: Unknown

Matagal ka na nilang niloloko.

Nabitawan ni Athena ang hawak na baso. Kumalansing ang pagkabasag niyon sa sahig, kasabay ng tila paghinto ng tibok ng puso niya. Napalunok siya habang nakatitig sa screen, pilit iniintindi ang mga salitang nabasa. Parang may kung anong tumarak sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.

Nanginig ang kanyang mga daliri. "May babae ang asawa ko..." bulong niya sa sarili.

Tulirong napahilamos si Athena. Mabilis niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa at marahas na umiling. Hindi maaari. Kilala niya si Josef. Sa tatlong taon nilang pagsasama, wala siyang nakitang kahit anong bahid ng pagtataksil.

"Hindi. That's impossible. Hindi iyon magagawa ni Josef sa akin," pagpapakalma niya sa sarili.

"Athena?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang sumulpot si Lily sa pintuan ng kusina.

"Are you alright? Narinig ko na parang may nabasag kaya pumunta na ako rito," malumanay na sabi ni Lily habang nakatingin sa mga bubog sa sahig.

Pinilit ni Athena na ayusin ang ekspresyon ng kanyang mukha. "D-Dumulas lang... sa kamay ko. Don't worry about me, kaya ko na ito. Susunod na rin ako roon," sagot niya sabay pakitang-tao ng ngiti para itaboy ang kaibigan ng asawa.

Tumango lang si Lily at muling bumalik sa dining area.

Mabilis na nilinis ni Athena ang mga bubog sa sahig. Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang mga mensahe, pero parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik ang bawat salita.

Marahas siyang nagbuntong-hininga para pakalmahin ang sarili bago bitbitin ang mga ice cream pabalik sa dining area.

"Here’s the dessert! Everyone's favorite, ice cream!" masigla niyang anunsyo, kahit ang totoo ay nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Parang mga batang nag-unahan ang lahat sa pagkuha ng dessert. Habang puno ng tawanan at kwentuhan ang hapag, nanatiling pilit ang ngiti ni Athena. Hindi niya mapigilang isa-isahing tingnan ang bawat babaeng naroon.

Kung totoo ang sinabi ng sender, sino sa kanila ang kabit ni Josef?

Imposibleng si Lily na bestfriend ni Josef dahil alam ng lahat na babae rin ang gusto nito. Mas lalo namang hindi si Sasha na bestfriend niya dahil bukod sa may long-time boyfriend na ito. At hinding-hindi niya paghihinalaan ang kapatid niyang si Glory na may anak na at madalang lang naman makasalamuha ng asawa niya.

"Are you tired? Bigla kang naging tahimik," malambing na bulong ni Josef. Ipinatong nito ang baba sa balikat ni Athena.

"Medyo napagod lang," tipid niyang sagot.

Pinakatitigan ni Athena ang mukha ng asawa. Pinagmasdan niya ang mga mata nito, ang bawat galaw. Talaga bang magagawa siya nitong lokohin? Sa kabila ng lahat ng pinagsamahan nila, posible bang may itinatago itong dumi?

"Why are you looking like that?" mahinang natawa si Josef, tila nagtataka sa lalim ng tingin ng asawa.

Umiling si Athena at pilit na ngumiti sa gitna ng pagod. "I love you," iyon na lang ang tanging nasabi niya, tila naghahanap ng kasiguruhan.

"I love you more, love," mabilis na tugon ni Josef.

Kinabukasan, nagising si Athena sa marahang halik ni Josef. Routine na nila ito; bago pumasok sa kumpanya ay sinisiguro muna ng asawa na nagigising siyang may lambing.

"Did you eat your breakfast?" antok na tanong ni Athena habang nag-uunat.

"Yes, love," sagot ni Josef na medyo nagmamadali na sa paglabas ng kwarto.

Bumangon na rin si Athena at nagsimulang maghanda para sa kanyang shift sa ospital. Nagkaroon sila ng sandaling pagsasama kagabi, at sa init ng mga sandaling iyon ay pansamantala niyang naibaon sa limot ang tungkol sa misteryosong mensahe.

Matapos mag-almusal, nagpahatid siya sa kanyang driver. Pagpasok sa lobby ng ospital, sinalubong siya ng bati ng mga guwardiya, mga nurse, at ng mga kapwa niya doktor. Nakangiti siyang bumabati pabalik, pilit ibinabalik ang dati niyang sigla bilang isang propesyonal.

Dumiretso siya sa locker room para ilagay ang kanyang gamit. Habang nag-aayos, muling tumunog ang kanyang cellphone. Isang abiso para sa bagong mensahe mula sa parehong unregistered number kahapon.

Buburahin na sana niya iyon. Inisip niya na baka may naninira lang o may taong may galit sa kanila. Pero natigilan siya nang makitang may dalawang larawang kalakip ang text.

Ang unang larawan ay isang ultrasound. Malabo ito at walang nakalagay na pangalan kung kanino.

Pero nang i-swipe niya ang pangalawang larawan, tila tumigil ang mundo ni Athena. Isa itong resulta ng DNA Test. Nanlabo ang paningin niya nang mabasa ang pangalan ng sariling pamangkin na si Jaxon sa dokumento.

ALLEGED FATHER: JOSEF R. ILUSTRE

CHILD: JAXON M. SALVADOR

PROBABILITY OF PATERNITY: 99.9%

Nanigas si Athena sa kinatatayuan niya. 

Sari-sari ang mga alaala na biglang bumalik sa isip ni Athena. Naalala niya noong umiiyak na nagtapat si Glory na buntis ito habang nasa kolehiyo pa. Galit na galit si Athena noon dahil hindi man lang masabi ng kapatid kung sino ang ama. Si Josef pa nga ang nagpakalma sa kanya at nagsabing wala na silang magagawa kundi tanggapin ang bata. Ang palaging dahilan ni Glory, hindi niya kilala ang lalaki dahil bunga lang iyon ng isang gabing pagkakamali.

Hindi namalayan ni Athena na basa na pala ng luha ang kanyang pisngi.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang sinusubukang tawagan si Josef, pero hindi ito sumasagot. Malamang ay nagsimula na ang meeting nito sa mga investors. Sa halip na maghintay, tinawagan niya ang kanyang driver para pabalikin sa ospital. Kailangan niyang harapin si Glory. Gusto niyang marinig mula mismo sa kapatid niya na peke ang DNA test na iyon—na hindi iyon totoo.

Mabilis siyang lumabas ng ospital at hindi na pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga katrabaho. Pagkakita sa pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat, dali-dali siyang sumakay sa backseat at doon ibinuhos ang hikbi.

"Manong Isko, dalhin mo ako sa condo ni Glory," utos niya habang nakayuko at nagpupunas ng luha.

Pero lumipas na ang halos dalawang minuto ay hindi pa rin umaabante ang sasakyan. Nag-angat siya ng tingin at doon lang niya napagtanto na hindi si Manong Isko ang nasa driver’s seat.

"S-Sino ka?" gulat niyang tanong sa lalaking may peklat sa kilay at mahaba ang buhok na nakatali.

"Miss, ikaw ang pumasok sa sasakyan ng boss ko. Kami dapat ang magtanong niyan sa iyo," mayabang na sagot ng driver habang nakatingin sa rear-view mirror.

Napalunok nang sunod-sunod si Athena. Doon lang niya naramdaman na may ibang tao sa tabi niya. Dahan-dahan niyang ibinaling ang ulo at halos mapatigil ang hininga niya sa nakita.

Isang lalaki ang katabi niya na may matatalas na features—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at may awrang nakakatakot. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ni Athena ay ang kamay nitong nakahawak sa dumudugong tagiliran, habang ang kabilang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa isang baril.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 4

    Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad."Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang la

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 3

    "First time seeing something that big?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya."Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya."Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito."Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan n

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 2

    "I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente."L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko."Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan."Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya."I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya al

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 1

    Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito."Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin."Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, mara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status