แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Harder Lavender
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-26 07:25:32

Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.

Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.

Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.

Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad.

"Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang lalaking lumapit sa kanya.

"Mag-isa ka lang ba?" dagdag pa ng isa na may nakakaasar na ngisi sa labi.

Nanlalabo na ang paningin ni Athena. Hindi na niya maaninag ang mga mukha ng mga ito dahil sa tama ng alak at sa mga luhang ayaw tumigil sa pag-agos.

"Gusto ko mapag-isa," matabang niyang sagot, sabay iwas ng tingin.

Pero hindi nagpaawat ang dalawa. Hinawakan ng isa ang braso niya at pilit siyang pinapatayo. "Masyado kang maganda para magmukmok dito. Halika na—"

Bago pa matapos ng lalaki ang sasabihin nito, isang malaking kamay ang humawak sa braso niyon at marahas itong pinihit paitaas.

"Hindi niyo ba narinig? Sabi niya, gusto niyang mapag-isa."

Isang baritonong boses ang nangibabaw sa ingay ng bar. Napatingin si Athena sa lalaking biglang sumulpot sa tabi niya. Kahit nahihilo, nakilala niya ang matatalas na features at ang pamilyar na awra nito.

Umalis ang dalawang lalaki matapos makita ang talim ng tingin ng lalaki sa tabi ni Athena. Inagaw naman nito ang baso ng alak na hawak niya bago pa niya muling mainom.

"That's mine!" inis na singhal ni Athena. Lasing na lasing na siya at pakiramdam niya ay matutumba na siya sa isang pitik lang.

"You're drunk. Stop it," tutol nito sa kanya. Hindi pinansin ng lalaki ang pagpupumiglas niya. Kinuha nito ang braso ni Athena at isinampay sa kanyang balikat para akayin ito palabas.

"Ano ba, sino ka ba? Gusto ko pa uminom!" parang bata na reklamo ni Athena habang pilit na kumakawala.

"Sir, hindi pa siya bayad," singit ng bartender na kanina pa nakabantay. "Kanina niya pa sinasabi na may pera siya, pero kahit isang baso ay wala pang bayad sa mga nainom niya."

Napatingin ang lalaki sa dami ng basong nakahilera sa tapat ng kinauupuan ni Athena at napailing na lang. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha kung paanong nakakausap pa ang isang babaeng nakatungga ng ganoon karaming alak.

Dinukot ng lalaki ang isang black card mula sa kanyang wallet at itinapon iyon sa counter. Dali-dali namang dinampot ng bartender ang card para i-swipe. Pagkabalik ng card, muling inakay ng lalaki si Athena, kahit paika-ika ang sarili nitong lakad dahil sa tahi sa hita.

"Can you stand straight? Pareho tayong matutumba kung galaw ka nang galaw," pagalit na suway nito.

Pero wala na sa katinuan si Athena. Sa halip na lumakad nang maayos, mas lalo pa siyang sumiksik at yumakap nang mahigpit sa baywang ng lalaki para hindi matumba.

"Damn it," mahinang napamura ang lalaki nang matamaan ni Athena ang sariwang tahi ng kanyang sugat. Napangiwi ito sa hapdi pero hindi binitawan ang babae.

Nang marating ang sasakyan, inalis nito ang kapit ni Athena at medyo marahas na itinulak pahiga sa backseat bago ito pumasok sa driver’s seat. Tahimik na pinaharurot ng lalaki ang sasakyan palayo sa ingay ng bar, habang si Athena ay tuluyan nang bumagsak ang talukap ng mga mata.

Ang totoo, kilalang-kilala niya si Athena. Alam niya kung sino ang asawa nito.

Nang sabihin ni Athena ang pangalan niya kanina sa sasakyan, naisip agad ni Seymour na tila umaayon sa kanya ang tadhana. Ang asawa ng mortal niyang kaaway ay nasa harapan niya mismo.

Nang makarating sila sa mansyon, pinabuhat ni Seymour Gomez si Athena sa guard paakyat ng kanyang kwarto. Kilala si Seymour bilang isang matagumpay na businessman at prominenteng pigura sa lipunan, pero lingid sa kaalaman ng nakakarami na isa rin siyang underground boss na kinatatakutan ng marami.

Itinaboy ni Seymour ang guard nang mailapag na nito si Athena sa kama. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang magandang mukha ng babae habang natutulog. Sayang, asawa ito ni Josef. At ang asawa ng kaaway niya ay kaaway rin niya.

Nagulat si Seymour nang bigla na lang bumangon si Athena at naupo sa kama. Tumingin ito sa kanya gamit ang mga matang mapungay dahil sa alak at labis na pag-iyak. Akmang tatayo si Seymour para lumayo nang hawakan ni Athena ang magkabilang pisngi niya.

"Josef..." mahinang usal nito habang pinakatitigan ang kanyang mukha.

"I’m not that bastard husband of yours," salubong ang mga kilay na sagot ni Seymour, pilit na tinatanggal ang mga kamay nito.

Pero bigla na lang muling tumulo ang luha sa mga mata ni Athena. "Pwede bang... magpanggap ka kahit sandali lang na asawa ko? May gusto lang akong itanong na kailangan ko ng sagot."

Kitang-kita ang labis na sakit sa mga mata ni Athena kaya hindi agad nakasagot si Seymour. Mukhang ang perpektong pagsasama na ipinapakita nina Josef sa publiko ay isang malaking kasinungalingan lang pala.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ako sinaktan at niloko?" sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Athena habang nagtatanong. "Is Glory better than me? Anong meron ang kapatid ko na wala ako?"

Hinayaan lang ni Seymour na ilabas ni Athena ang lahat ng kinikimkim nitong sakit. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may babae si Josef; bahagi iyon ng impormasyong nakalap ng mga tauhan niya. Pero hindi niya akalain na siya mismo ang makakasaksi sa pagkadurog ng asawa nito.

"Ang sakit-sakit..." sinuntok ni Athena ang sariling dibdib, pilit na nilalabas ang bara sa kanyang puso. "Hindi ko alam kung paano ko kayo haharapin gayong kayo naman ang may kasalanan."

Nanghihina ang katawan ni Athena, pero ang puso niya ay punong-puno ng galit at pagnanasa na mapununan ang pagkukulang na nararamdaman niya. Sa paningin niya, ang lalaking nasa harap niya ay ang asawang nanloko sa kanya.

Hindi niya alam kung dahil ba ito sa alak o sa desperasyong maramdamang mahalaga pa siya, pero bigla na lang siyang lumapit at siniil ng halik si Seymour.

Natigilan si Seymour. Nanigas ang kanyang buong katawan habang nararamdaman ang malambot na labi ni Athena sa kanya. Hindi niya inaasahan ang agresyong iyon mula sa isang babaeng kanina lang ay halos hindi na makatayo sa sobrang pag-iyak. Amoy alak ito, pero ang bawat dampi ng labi nito ay puno ng emosyong hindi niya maipaliwanag.

"Please, kiss me back..." halos pabulong na pakiusap ni Athena sa pagitan ng kanilang mga labi.

Hindi na nag-isip pa si Seymour. Sa pakiusap na iyon ni Athena, tuluyan nang nawala ang pag-aalinlangan niya. Marahas niyang hinapit ang baywang ng babae palapit sa kanya, isinasantabi ang hapdi ng sariwang tahi sa kanyang tagiliran.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 4

    Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad."Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang la

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 3

    "First time seeing something that big?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya."Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya."Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito."Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan n

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 2

    "I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente."L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko."Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan."Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya."I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya al

  • Claimed and Spoiled by the Underground Boss   Chapter 1

    Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito."Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin."Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, mara

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status