เข้าสู่ระบบ"First time seeing something that big?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.
Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya.
"Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.
Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya.
"Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.
Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito.
"Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan na niya ang masakit na proseso.
Walang pag-aalinlangang itinusok ni Athena ang karayom sa dulo ng hiwa. Sa unang baon pa lang, isang impit na sigaw ang kumawala sa lalaki. Napakapit ito nang mahigpit sa gilid ng kama, ang mga ugat sa leeg at braso nito ay tila puputok na sa tensyon.
Nagpatuloy si Athena. Maingat niyang hinihila ang sinulid para pagdikitin ang magkabilang gilid ng balat.
"Holyshit! Fuck!" Sa bawat tusok at hila, mas lalong lumalakas ang sigaw ng lalaki, isang hilaw at baritonong hiyaw na dumadagundong sa loob ng kwarto. Basang-basa na ito ng pawis at ang mga kamao nito ay namumuti na sa higpit ng pagkakahawak sa sapin ng kama.
Kahit nakakabingi ang bawat sigaw nito, hindi hinayaan ni Athena na manginig ang kanyang kamay. Nanatili siyang pokus, tinatahi ang laman na parang isang bihasang mananahi hanggang sa unti-unti nang sumasara ang mahabang sugat.
Nang matapos niyang tahiin ang huling bahagi ng sugat, unti-unting pumikit ang lalaki at mabilis na nakatulog dahil sa pagod at epekto ng alak. Doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Athena na matitigan itong mabuti. Napakaamo ng mukha nito kapag tulog, malayo sa nakakatakot na lalaking nanutok sa kanya ng baril kanina. Parang isang anghel kung hindi mo lang alam ang kayang gawin.
"Buy him a pain reliever," utos niya sa driver na nakatayo lang sa gilid. "Bigyan mo ako ng papel at ballpen para mabigyan kita ng reseta ng gamot na iinumin niya. Don't let him walk or push his right leg for a week," dagdag niyang paalala habang nagpupunas ng mga kamay.
Matapos isulat ang lahat ng kailangang gawin. Ang mga bawal at ang schedule ng pag-inom ng gamot, iniwan niya ang papel sa ibabaw ng bedside table, katabi ng lampshade.
Bumaba si Athena at halos mapahinto nang maabutan ang mas marami pang kalalakihan na nagbabantay sa sala. Nang makita siya ng mga ito, lahat sila ay napatingin sa kanya na may halong gulat at pagtataka.
Ano bang meron sa boss ng mga ito para maging ganito ka-overact ang mga tauhan nang makitang may babae sa loob ng mansyon?
"Hindi mo ba ako ihahatid? Hindi ko alam ang daan pabalik. Nasa gitna tayo ng gubat, baka maligaw ako," sambit niya sa driver na naabutan niyang naninigarilyo sa labas ng pinto.
"Doc, salamat sa paggamot kay Boss. Pero pasensya na, hindi ka pa pwedeng umalis. Wala pang inuutos si Boss," tugon ng driver sabay buga ng usok.
"Ano?!" singhal ni Athena. "Hindi mo ba siya narinig kanina? Ang sabi niya ay papakawalan na niya ako kapag nagamot ko na siya!"
Hindi pwedeng bumali sa pangako ang lalaking iyon. Sa isip ni Athena, talagang tutusukin niya ulit ang sugat nito kapag hindi siya nito pinauwi.
"Oo nga, pero... kita mo naman, tulog pa si Boss. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa itaas at hintayin siyang magising."
Bago pa siya makapangal ay itinulak na siya ng driver pabalik sa loob hanggang sa paanan ng hagdan. Inis niya itong tinapunan ng matalim na tingin bago padabog na nagmartsa paakyat ng kwarto.
Salubong ang mga kilay ni Athena nang maupo siyang muli sa tabi ng natutulog na lalaki.
Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala na ang cellphone niya, pero sa hula niya ay lagpas tanghalian na dahil sa hapdi ng kanyang sikmura. Nagpangalumbaba siya habang pinagmamasdan ang dahan-dahang paggalaw ng dibdib ng pasyente niya. Inantok na rin siya sa paghihintay nang biglang gumalaw ang kamay nito at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.
Mabilis na tumayo si Athena para harapin ito. Agad namang kumunot ang noo ng lalaki nang makita siya.
"Ayaw ako paalisin ng driver mo dahil wala raw pahintulot mo. Ngayong nagamot na kita, pwede na ba ako umalis?" bungad na tanong niya, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"I'll let Jake drive you home," tipid na tugon nito. Paos pa rin ang boses niya pero sapat na iyon para makahinga nang maluwag si Athena.
Tumango si Athena at pumihit na para lumabas. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, muli siyang humarap sa lalaki at itinuro ang papel na iniwan niya sa tabi ng lampshade.
"Nag-iwan ako ng note riyan. Basahin mo, nandoon ang mga bawal mong gawin," sambit niya bago tuluyang lumabas ng pinto.
Gaya ng ipinangako, hinatid siya ni Jake, ang driver, pabalik sa kabihasnan. Pero imbes na sa ospital o sa bahay nila ni Josef, nagpahatid siya sa condo ni Glory.
Gabi na at halos wala nang bakas ng sikat ng araw sa langit. Pumasok si Athena sa loob ng building at mabilis na pinindot ang elevator button para sa floor ni Glory. Pero bago pa tuluyang sumarado ang pinto, tila tumigil ang mundo niya nang makita ang pagdaan ni Josef sa lobby... at hawak nito ang kamay ni Glory.
Napahinto si Athena. Dali-dali siyang lumabas ng elevator bago pa ito umakyat. Maingat siyang sumunod sa dalawa, pilit na pinipigilan ang hikbi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang likuran.
"Sigurado ka bang nawawala si Ate?" tanong ni Glory.
"Hindi ko rin alam," napailing si Josef, mukhang pagod na pagod. "Pero natagpuan ang cellphone niya sa gilid ng kalsada. Ang sabi naman ng guard sa ospital, lumabas daw agad ang ate mo kaninang umaga, ilang sandali lang pagkatapos niyang pumasok sa trabaho."
"Pero saan naman siya pupunta, Josef?"
Josef?
Paulit-ulit na rumesonada ang pangalang iyon sa isip ni Athena. Nasaan ang "Kuya" na laging ikinakabit ni Glory sa pangalan ng asawa niya kapag kaharap siya? Bakit sa isang iglap ay tila nawala ang respeto at naging pamilyar ang tawag nito rito?
"Tulog na ba si Jaxon?" malambing na tanong ni Josef. Ang tono ng boses nito ay puno ng pag-aaruga, isang tono na madalas lang gamitin ni Josef kapag silang dalawa ang magkasama.
"Naroon sa itaas ang Mommy mo, pinapatulog siya," sagot ni Glory habang papasok sila sa unit nito.
Nanlamig ang buong katawan ni Athena. Ang Mommy ni Josef? Naroon din?
Totoo nga. Anak nga ni Josef si Jaxon, at ang mas masakit, alam iyon ng buong pamilya ng asawa niya. Sa loob ng maraming taon, siya lang pala ang hindi nakakaalam. Siya lang ang pinagmukhang tanga ng mga taong pinaka-pinagkakatiwalaan niya.
Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad."Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang la
"First time seeing something that big?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya."Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya."Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito."Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan n
"I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente."L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko."Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan."Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya."I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya al
Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito."Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin."Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, mara







