LOGIN"I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.
May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente.
"L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.
Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.
"Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan.
"Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya.
"I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya, pero iyon lang ang tanging paraan na naisip niya para maging kapaki-pakinabang at huwag basta-basta barilin.
"Boss, doktor daw!" biglang sabat ng driver na tila natuwa pa sa narinig.
Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon ng lalaki. Nakatitig pa rin ito nang malamig sa kanya. "You want me to believe you're a doctor?"
Mabilis na tumango si Athena. "Hindi, doktor talaga ako!"
"Show me your ID," maawtoridad na utos nito.
"Naroon sa bag ko... I mean, naiwan ko ang iba sa locker. Pero I have proof here! Marami akong photos rito." Dali-dali niyang binuksan ang cellphone at ipinakita ang gallery niya. Bumungad ang mga litrato niyang nakasuot ng lab coat at ang mga medical mission na dinaluhan niya.
Akala niya ay ibababa na nito ang baril at hahayaan na siyang makababa, pero sumenyas ang lalaki sa driver. Tumango ang driver at mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis sa tapat ng ospital.
Napakapit si Athena sa upuan dahil sa lakas ng bwelo. Wala siyang suot na seatbelt at pakiramdam niya ay lilipad ang sasakyan sa bilis ng takbo nito.
"T-Teka! Doon ang ospital!" sigaw niya habang nakaturo pa sa gusaling palayo na sa kanila. "Saan tayo pupunta?!"
"If you don't shut your mouth, I'll pull the trigger," banta ng lalaki. Ang boses nito ay kalmado pero bakas ang awtoridad na hindi marunong magbiro.
Agad na itinikom ni Athena ang kanyang bibig. Gusto na niyang maiyak sa kamalasan. Pupunta lang naman siya dapat sa condo ng kapatid niya para kumpirmahin kung anak nga ba ni Josef ang pamangkin niya, pero nauwi siya sa ganitong sitwasyon.
Habang mabilis ang takbo ng sasakyan, dahan-dahang ibinaba ni Athena ang kanyang cellphone sa pagitan ng kanyang mga hita. Sinusubukan niyang mag-tipa ng mensahe kay Josef nang hindi napapansin ng mga kasama.
To: My Husband
Please, help me. Someone's trying to kidnap—
Hindi na natapos ni Athena ang pagtitipa nang bigla siyang hila-in nang marahas ng lalaki sa kanyang tabi. Sa lakas ng hatak nito ay napasubsob siya sa matigas nitong dibdib, at halos dumikit ang kanyang labi sa init ng leeg nito.
Kumabog ang dibdib ni Athena sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero bago pa siya makabawi, mabilis na inagaw ng lalaki ang cellphone mula sa kanyang kamay at walang pag-aalinlangang ibinato iyon sa labas ng bintanang bahagyang nakabukas.
"Yung cellphone ko, hoy!" hindi niya napigilang sigawan ang lalaki.
Nakita pa niyang tumalbog ang phone niya sa semento bago sila tuluyang lumayo. Iyon na ang tanging koneksyon niya sa labas, ang tanging paraan para humingi ng tulong, at ngayon ay basag na siguro iyon sa gitna ng kalsada.
Paano na siya ngayon nito?
"Tss. I will let go of you after you treat me," inis na sambit ng lalaki. "I don't have a plan to keep you."
Parang nabuhayan naman ng loob si Athena sa narinig. "Talaga? Papakawalan mo ako pagkatapos kitang gamutin?" paninigurado niya. Gusto niyang maniwala para mabawasan ang kaba sa dibdib niya.
"Miss, hindi bumabali sa pangako 'yan si Boss," bulalas nung driver habang nakatingin sa salamin.
Muling tumingin si Athena sa lalaking katabi niya. Doon niya lang napansin na namumutla na ang mukha nito. Mauubusan na ito ng dugo pero nagtatapang-tapangan pa rin. Sa tantiya niya, ilang oras na ring dumudugo ang tagiliran nito at kung hindi maaagapan, baka bumagsak na ang katawan nito anumang oras.
"Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa driver. "Mauubusan na ng dugo ang Boss mo. Kailangan na niyang magamot."
Hindi nagsalita ang lalaki sa tabi ni Athena. Isinandal lang nito ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata, tila iniipon ang natitirang lakas.
Maya-maya pa, napansin ni Athena na wala na sila sa highway. Puro matatangkad na puno na ang nadadaanan nila pero hindi naman ganoon kasukal ang daan, bagaman lubak-lubak iyon. Sa dulo ng kalsada, bumungad ang isang puting mansyon. Kumupas na ang kulay nito at halatang hindi na gaanong naalagaan, pero bakas pa rin ang ganda at pagka-elegante ng arkitektura nito.
Naunang lumabas ang driver at inalalayan ang boss nito. Pagkababa ni Athena, hindi niya mapigilang mapatingin sa paligid. Napakaganda ng lugar. Sa gitna ng malawak na harapan ay may isang lumang fountain na gawa sa bato, na kahit wala nang tubig ay kitang-kita pa rin ang mga detalyadong ukit ng mga anghel sa paligid nito.
"Anong nangyari?"
Napaayos ng tayo si Athena nang makita ang tatlong lalaki na mabilis na sumalubong sa kanila. Sabay-sabay na napako ang tingin ng mga ito sa kanya.
"I'm with him. Doktor niya ako," bida-bidang pagpapakilala ni Athena nang mapansin ang pagdududa sa mga mata ng tatlo.
"Babae? Babae ang doktor ni Boss ngayon?" bulong ng isang lalaki na tila hindi makapaniwala.
"Totoong babae kaya 'yan?" sabi naman ng isa, habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
"Baka dati siyang lalaki na naging babae lang. Hindi naman nagpapalapit ng babae si Boss sa kanya kaya imposible na totoong babae 'yan," dagdag ng pangatlo.
Hindi makapaniwalang napatitig si Athena sa mga ito. Sa kabila ng takot niya kanina, mas nanaig ang pagkapikon niya sa mga naririnig. Umabante siya at matapang na pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
"For your information, totoong babae ako. Hindi ako dating lalaki na naging babae," singhal niya sa mga ito bago mabilis na sumunod sa pagpasok sa loob ng mansyon.
Inihiga ng driver ang boss nito sa malaking kama. Sa laki at ganda ng ayos, halatang master’s bedroom ang silid na iyon.
"Wala akong gamit para maayos na gamutin ka. Gaano kataas ang pain tolerance mo?" tanong ni Athena habang naghahanda sa dulo ng kama.
"Just use whatever is available," halos paos na ang tinig ng lalaki, bakas ang matinding panghihina.
Humarap si Athena sa driver na nakatayo malapit sa pinto. "Dalhan mo ako ng sinulid at karayom, iyong pinakamalaki. At pinakamatapang na alak na meron kayo rito. Ngayon na."
Agad na sumunod ang driver at mabilis na lumabas ng kwarto. Nilapitan naman ni Athena ang lalaki at naupo sa tabi nito. Kahit papaano ay bumalik ang kumpyansa niya; nasa teritoryo na siya ng kanyang propesyon.
Hinawakan niya ang laylayan ng puting long sleeve nito na naging matingkad na pula na dahil sa dugo. Dahan-dahan niyang inalis ang mga butones nito paitaas.
Napaawang ang bibig ni Athena nang tuluyang malantad ang pinsala. Akala niya kanina ay simpleng tama lang ng bala, pero isa pala itong mahaba at malalim na hiwa na nagsisimula sa tagiliran hanggang pababa sa hita nito.
"I need to remove your pants para maayos kong matahi ang sugat mo," anunsyo niya sabay hawak sa baywang ng pantalon nito.
Biglang humigpit ang kapit ng lalaki sa kamay niya para pigilan siya. "Are you sure about what you're asking?" Kahit hirap nang huminga, nakuha pa rin nitong magsungit at magduda.
"I’m a doctor with more than three years of experience in suturing wounds, Mister. I know what I’m doing," seryoso at propesyonal niyang sagot. "Ilang katawan na ang nakita ko at trabaho lang sa akin ang lahat ng iyon."
Sinalubong ni Athena ang matatalas nitong tingin. Nawala na ang takot niya kanina; sa tingin niya, hindi siya nito papatayin hangga’t kailangan nito ang tulong niya. Dahan-dahang lumuwag ang kapit ng lalaki sa kamay niya, hudyat na pumapayag na ito.
Tuluyan nang hinubad ni Athena ang pants nito hanggang sa tanging boxer shorts na lang ang natira.
Nang mapatitig siya roon, hindi niya inaasahang ganoon kalaki ang umbok na bumungad sa kanya. Marami na siyang nakitang katawan ng lalaki sa ospital, pero sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganoon kalaki. Saglit siyang natigilan at tila nakalimutan na nakatingin sa kanya ang lalaki.
Sariling kapatid. Kadugo. Ipinagpalit siya sa isang lalaki. Wala na sigurong mas sasakit pa roon. Limang taon silang magkasama ni Josef bago nagpakasal, at sa buong panahong iyon, wala siyang kaalam-alam kung kailan pa nagsimula ang lason sa pagitan ng asawa niya at ni Glory.Hindi niya kaya. Wala siyang lakas para harapin sila ngayon dahil pakiramdam niya ay tuluyan na siyang mababaliw kapag narinig pa niya ang mga kasinungalingan nila.Tinakpan ni Athena ang kanyang bibig, pilit na pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala. Naglakad siya nang naglakad, tinatahak ang kalsada nang walang tiyak na direksyon. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sasha, pero nakatira ito sa boyfriend nitong pinsan ni Josef. Kahit saan siya bumaling, tila nakapaligid ang mga koneksyon ng asawa niya.Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng isang maingay na bar. Sunod-sunod ang pagtunga niya ng alak sa counter, hinahanap ang manhid na hindi maibigay ng realidad."Miss, sayaw tayo?" yakag ng isang la
"First time seeing something that big?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Athena. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi hanggang sa mga tainga. Nakakahiya. Isang doktor na tulad niya, natutulala sa ganoong bagay? Mabuti na lamang at bumukas ang pinto at pumasok ang driver dala ang mga hiningi niya.Agad na kumilos si Athena, pilit na iniiwasan ang tingin sa gitna ng lalaki. Binuhusan niya ng matapang na alak ang karayom at ang sinulid na gagamitin niya."Do you have a lighter?" inilahad niya ang kamay sa driver.Mabilis na dumukot ang driver sa bulsa at ibinigay ang lighter. Iniabot naman ni Athena ang bote ng alak sa pasyente niya."Drink it. It'll hurt like shit," direkta niyang pananakot dito.Tinanggap ng lalaki ang bote at dire-diretsong tinunga iyon habang pinapainit naman ni Athena ang dulo ng karayom sa apoy ng lighter. Nang magbaga na ang dulo niyon, humarap siya sa malalim na hiwa sa tagiliran nito."Hingang malalim..." utos niya rito, isang hudyat na sisimulan n
"I... I'm sorry. Akala ko kasi... sasakyan ko. Hindi ko... Hindi ko sinasadya," halos pautal na sabi ni Athena. Nawala ang lahat ng luha niya dahil sa matinding takot at taranta.May baril ang lalaking katabi niya at punong-puno ito ng dugo. Sa isip ni Athena, baka mga wanted na kriminal ang mga ito at wala silang pakialam kung may mapatay silang inosente."L-Lalabas na ako... Pasensya na ulit." Akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig niya ang pagkasa ng baril. Kasabay niyon ang pagdiin ng dulo ng baril sa kanyang sentido.Napaawang ang kanyang labi at mabilis na binitawan ang handle ng pinto. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko."Please, huwag mong ipuputok!" pakiusap niya habang nanginginig ang buong katawan."Who are you?" malamig na tanong ng lalaki. Mas idiniin pa nito ang baril sa kanyang ulo, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya."I'm Athena Salvador Ilustre, doktor ako! Kaya kitang gamutin!" Halos isigaw na niya iyon. Hindi niya al
Maingay ang loob ng bahay dahil sa tawanan ng mga bisita. Amoy na amoy pa rin ang bango ng mga nilutong pagkain ni Athena para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kasal nila ni Josef. Nilibot ni Athena ang tingin sa mahabang mesa. Kumpleto ang mga taong mahalaga sa kanila. Katabi niya ang kanyang bestfriend na si Sasha, habang abala naman sa pagkain ang kapatid niyang si Glory kasama ang anak nitong si Jaxon. Sa kabilang banda, nakaupo ang mga matalik na kaibigan ni Josef na sina Simon at Lily. Maging ang ate ni Josef na nakatira sa ibang bansa ay nagawang humabol para sa espesyal na gabing ito."Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong ni Athena habang nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang napkin."Napakasarap ng mga niluto mo, Athena," mabilis na sagot ni Lily sabay inom ng wine. "Kaya in love na in love sa iyo itong si Josef, eh."Nagtawanan ang lahat at nagkantiyawan. Hindi naman itinanggi ni Josef ang sinabi ng kaibigan. Sa harap ng kanilang mga bisita, mara







