
The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth
Anim na taon ang lumipas mula nang talikuran ni Zephyra Arcadia ang lalaking kanyang minahal—ang tahimik at prinsipyadong si Wren Deveraux—para sa mas “tamang” desisyon sa mata ng mundo. Isang kasal na may pangalan, kapangyarihan, at proteksyon. Ngunit kapalit nito ang isang buhay na puno ng pananakit, takot, at unti-unting pagguho ng sarili.
Nang tuluyan niyang piliing makipaghiwalay sa lalaking sumira sa kanya, akala ni Zephyra ay sapat na ang lakas ng loob. Hindi niya inasahan na ang mas mahirap na laban ay ang harapin ang lalaking iniwan niya noon—ang lalaking ngayon ay isa nang makapangyarihang abogado na kayang pabagsakin ang sinuman…
at kasama siya.
Wren Deveraux—ang lalaking minahal niya, at lalaking matagal nang itinuring na patay ang pangalan niya sa puso nito. Malamig, mapanupil, at may galit na anim na taong kinikimkim. Isang lalaking hindi tumutulong nang libre, at hindi nagpapatawad basta-basta.
Isang gabi. Isang silid. Isang kompromisong walang malinaw na hangganan.
Habang sinusubukan ni Zephyra na buuin muli ang sarili at ipaglaban ang kalayaan niya, mas lalo naman siyang hinihila ni Wren pabalik—hindi bilang minamahal, kundi bilang isang bagay na minsan nang naging kanya.
Pero sa pagitan ng galit at paghihiganti, posible pa bang mabuhay ang pagmamahal na matagal nang inilibing?
O sadyang huli na ang lahat para sa ikalawang pagkakataon?
Read
Chapter: Drugged“Base sa kuwento mo,” sabi ni Atty. Lim, nakatingin sa dokumento pero may bahid ng curiosity sa mata, “inaabuso ka raw ng asawa mo… pero wala kang konkretong ebidensya. CCTV? Saksi? Mga larawan?” Tumango si Zephyra, dahan-dahang iniangat ang manggas ng blouse niya. “Look, may mga pasa pa rin ako sa braso. At sa mukha ko, sa noo.” Lumapit si Atty. Lim, parang interesado, at tiningnan ang mga pasa. “Hmm… I see,” mahinang sabi niya. “Red, purple, consistent with blunt trauma, but…” “Yes, lagi niya akong sinasaktan,” mahina at nanginginig na sabi ni Zephyra. “Kahit saan… Kahit kailan pero wala akong makuhang larawan, wala akong CCTV” Tumigil si Atty. Lim sandali, malalim ang paghinga. Pagkatapos ay mahinang ngumiti. “Miss Arcadia, do you understand what this means?” Tanong niya, pero malamig at manipulative ang tono. “Those bruises, they’re visible, yes. But they’re not proof enough in court. The judge sees evidence, not fear. Not scars. Not whispered cries in the night.” Napatingin
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: The Cullinan at the Kindergarten GateCHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niy
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: Stranger?CHAPTER 5 Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Momm
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: ElevatorCHAPTER 4 Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kir
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: DivorceCHAPTER 3 “Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago. Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya. Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho. “Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.” Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo. Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan. “Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali. “Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!” Lumabas si Keira mul
Last Updated: 2026-02-25
Chapter: A DaughterCHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig
Last Updated: 2026-02-25