
The Abandoned Wife's Bold Revenge Shocks the Billionaire CEO
Nalaman ni Marian Navarro na niloloko siya ng asawa niyang si Arturo Mendoza. May relasyon ito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo. Ngunit hindi niya inakalang ang kapatid niyang si Jessica pala ang babaeng iyon, at sa pamilya nila, siya lang ang walang alam.
Noon, sikat na couple sina Arturo Mendoza at Jessica Navarro. Alam ng lahat na si Jessica ang pinakamamahal ni Arturo. Ngunit tatlong taon na ang nakalipas, isang aksidente sa kotse ang nag-iwan kay Arturo na coma, at biglang nawala si Jessica sa panahong iyon.
Dahil dito, kinuha siya ng pamilya Navarro mula sa probinsya at pinilit na pakasalan si Arturo—sa halip na si Jessica dahil daw wala nang silbi ang taong comatose.
Matagal nang minahal ni Marian si Arturo, kaya nang malaman niya ang sitwasyon, pumayag siyang pakasalan siya kahit wala itong malay.
Tatlong taon siyang nag-alaga kay Arturo habang comatose, nanatili sa bahay, iniiwasan ang lipunan, at ibinuhos ang lahat ng oras sa pagpapagaling sa kaniya. Naging housewife siya na umiikot ang mundo sa asawa niya… hanggang sa tuluyang magising si Arturo. Pero si Jessica pa rin ang pinili.
Tatlong taon ng sariling awa at lungkot ang naiwang alaala kay Marian. Hindi siya minahal ni Arturo, ngunit siya ay nagmahal ng totoo.
Pagod na siyang maging sunud-sunuran kaya nagpasya siyang makipaghiwalay sa araw ng birthday ni Arturo.
Binago niya ang sarili niya. Pinakita sa lahat na hindi siya isang babaeng basta na lang tapak-tapakan.
Handa na ba si Marian na ilagay sa alanganin ang buong mundo ng isang bilyonaryong lalaki… at ibaliktad ang lahat ng alam niya tungkol sa kapangyarihan, pera, at pag-ibig?
Read
Chapter: Kabanata 170Kabanata 170Sinadya siyang asarin ni Arturo.Napansin niyang sa tuwing nagagalit si Marian at masama siyang tinitingnan, saka lamang ito nagkakaroon ng kaunting buhay sa ekspresyon. Ilang araw na kasi itong malamig at mailap sa kanya, para bang wala silang pinagsamahan.Nakatingin si Arturo sa kanya habang mahigpit pa rin ang hawak sa kanyang baywang."Magmakaawa ka," mababa nitong sabi. "At ilalayo kita rito." Diretso ang tingin nito sa kanyang mga mata.Isa si Arturo sa mga taong sanay magbasa ng sitwasyon. Isang tingin pa lang ay alam na nito ang nangyayari. Nakita nito kung paano siya napasama kay Zeus at kung paanong wala siyang madaling paraan para makaalis. Ngunit gusto nitong siya mismo ang humingi ng tulong. Gusto nitong magmakaawa siya.Bahagyang nanigas ang mukha ni Marian. Hindi niya gagawin iyon. Ayaw niyang may utang na loob kay Arturo. Lalo na ngayon. Lalo na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan nila.Huminga siya nang malalim bago mariing nagsalita."Mr. Mendoza,
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 169Kabanata 169Itaas ni Arturo ang isang kamay at bahagyang itinuro si Marian. Iisang simpleng kilos lang iyon, ngunit sapat na para matahimik nang bahagya ang buong pribadong silid.“Siya ang mag-toast.”Natigilan si Marian.Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. Kanina lamang ay diretsahan siyang itinanggi nito sa harap ni Zeus. Ngayon naman ay siya ang pinapatawag.Maging si Zeus ay napakunot-noo.May kung ano bang espesyal sa babaeng ito?Kung sakaling interesado si Arturo kay Marian, wala siyang balak makipagkumpitensya rito. Kahit gaano pa siya kayaman at maimpluwensya, wala siyang laban sa pinakamakapangyarihang negosyante sa Maynila.“Ano pang hinihintay mo?” agad na sabi ni Zeus habang tinutulak siya nang bahagya. “Bilisan mo. Mag-toast ka kay Mr. Mendoza.”Nagtawanan ang ibang mga executive.“Ang dami ko nang nakitang college girls na gustong makalapit kay Mr. Mendoza.”“Pero first time kong makakita ng mismong pinatawag niya.”“Swerte mo, hija.”“Go ahead, don't ke
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 168Kabanata 168Nanatili si Marian na nakatayo sa gitna ng pasilyo habang si Arturo ay walang anumang emosyon sa mukha na naglakad palayo kasama ang grupo ng mga negosyante at executive. Hindi man lang ito lumingon.Makalipas ang ilang sandali, isa-isang pumasok ang mga ito sa marangyang private room sa dulo ng corridor.Bahagyang tumigas ang katawan ni Marian.Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.Galit?Pagkabigo?O baka naman hindi na siya dapat magulat.Pagkatapos ng nangyari sa ospital, pagkatapos ng sampal na ibinigay niya rito, malinaw naman na lumayo na sila sa isa't isa.Samantala, si Erich na kanina ay umiiyak sa takot ay tila nakalimutan ang lahat nang makita si Arturo. Namula ang maputla nitong mukha. Napatitig siya sa direksiyong nilakaran ng lalaki. Parang nahipnotismo. Hindi niya maalis ang tingin sa matangkad at guwapong pigura nito hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya.Samantala, nang makaalis
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 167Kabanata 167Nanlaki ang mga mata ni Boss Zeus nang makita si Marian. Mula ulo hanggang paa ay mabilis niya itong sinuri. Agad na kumislap ang pagnanasa sa kanyang mga mata."Wow," bulalas niya habang nakangisi. "Saan naman nanggaling ang magandang 'to? Para kang artista. Parang diyosa."Lalong napaurong si Erich at mahigpit na kumapit sa braso ni Marian."Boss Zeus, classmate ko siya," nanginginig na sabi ni Erich. "Students kami. Hindi kami gano'ng mga babae. Please, hayaan n'yo na kami."Ngunit imbes na maawa, lalo lamang lumapad ang ngiti ng lalaki."Student?" ulit niya.Tumawa siya nang malakas."Mas gusto ko nga ang mga estudyante."Namilog ang mga mata ni Erich.Samantalang si Marian ay nanatiling kalmado sa kabila ng tensiyon.Muling tumingin si Boss Zeus sa kanya. Ang tingin nito ay parang mamimili sa isang mamahaling produkto."Dahil magkaibigan kayo," aniya, "pareho kayong sasama sa akin ngayong gabi." Pagkatapos ay lumingon siya sa dalawang bodyguard. "Dalhin n'yo na sila.
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 166Kabanata 166Napakurap si Marian habang nakatitig sa cellphone. Parang hindi niya naproseso nang tama ang narinig.“Ha?”Ngunit sa kabilang linya, halos hindi mapigilan ni Brian Joy ang excitement nito.“Marian, hindi mo ba naiintindihan? Lalaki si Dr. Castro!”Mas lalo lamang nalito si Marian. Nang na-gets niya ang sinabi ng dalaga, napatawa siya. Paano naging lalaki si Dr. Castro kung siya ang taong iyon?“Brian Joy, sandali nga. Hindi ba ilang taon mo nang hinahanap si Dr. Castro dahil gusto mong magpaturo sa kaniya ng medicine?” “Oo nga!”“Eh bakit parang iba na ang direksiyon ng usapan?”Humagikgik si Brian Joy. “Because destiny happened!”Napahawak si Marian sa noo.May kutob na siyang hindi maganda ang kahihinatnan ng kuwentong ito lalo pa't hindi naman lalaki si Dr. Castro.“Anong ibig mong sabihin?”“Love at first sight.”Tumahimik si Marian.“...Ano?”“Love. At. First. Sight.” Isa-isang diin ni Brian Joy. “Pagkakita pa lang sa akin ni Dr. Castro, alam kong may spark na aga
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 165Kabanata 165Sandaling natahimik si Lola Amore matapos marinig ang sagot ni Marian. Ngunit gaya ng dati, mabilis din siyang ngumiti. Hindi niya gustong maramdaman ng dalaga ang anumang pressure mula sa kaniya.“Okay, Marian. Samahan mo muna ang kaibigan mo. Kapag may oras ka na, umuwi ka rito at sabay tayong maghapunan, ha? Miss ka na ni Grandma.”Lumambot ang boses ni Marian sa kabilang linya. “Opo, Grandma. Babalik po ako kapag nakaluwag-luwag.”“Sige. Mag-ingat ka lagi.”“Kayo rin po.”Pagkatapos noon ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at naputol ang tawag.Dahan-dahang ibinaba ni Lola Amore ang telepono. Nang lumingon siya, nakita niyang nakaupo pa rin si Arturo sa sofa.Nakahawak ito sa isang business newspaper at kunwari ay abalang nagbabasa.“Arturo,” tawag niya.Hindi agad tumingin ang lalaki.“Hmm?”“Nag-away ba kayo ni Marian?”Hindi man lang nito itinaas ang ulo.“No.”Napangiti si Lola Amore. “Talaga?”Hindi sumagot si Arturo.Lumapit ang matanda at umupo sa katapat nitong
Last Updated: 2026-06-10

The Cold Husband’s Sudden Obsession (SPG)
Dr. Athena Zaragoza has a secret—matagal na niyang minamahal si Wade Hollander. Kahit noong araw na nagkamali sila at nauwi sa isang kasal na papel lang ang basehan, hindi siya umasa. Lalo na nang umalis si Wade kinabukasan para mag-abroad at bumalik lang makalipas ang dalawang taon.
Pagbalik niya sa Pilipinas, malinaw kay Athena ang lahat—wala siyang lugar sa puso ng asawa niya. Kailangan lang ni Wade ng isang asawa na hindi istorbo. Marunong sumunod. At iyon ang ginampanan niya. Hindi siya lumampas. Hindi siya umasa. Isang perpektong asawa… sa paningin ng iba.
Akala ng lahat, si Wade ay kalmado, kontrolado, at hindi nadadala ng emosyon. At si Athena? Isang arrangement lang.
Pero isang gabi, nagbago ang lahat.
Nang makita ni Wade ang mga liham na sinulat ni Athena—mga salitang punong-puno ng pagmamahal para sa isang lalaki—parang may pumutok sa loob niya. Nawalan siya ng kontrol. Nagdilim ang paningin. At sa unang pagkakataon, bumitaw siya sa malamig niyang imahe.
“Athena, tumingin ka sa akin,” mariin niyang sabi, nanginginig ang boses sa galit at selos. “Hindi ka pwedeng magmahal ng iba. Athena… asawa mo ako. Ako lang dapat ang mamahalin mo!”
Read
Chapter: Kabanata 23Kabanata 23 Itim ang backpack ni Athena dahil malaki ang capacity no’n at kadalasan niya iyong ginagamit kapag may dala siyang laptop palabas. Simple lang ang design, walang kahit anong dekorasyon, pero matibay at convenient gamitin kaya iyon lagi ang bitbit niya kapag papasok sa trabaho o may overnight stay. Kanina, dahil nagmamadali siyang umalis, basta na lang niya isinilid sa loob ang maliit niyang fox plushie na lagi niyang niyayakap kapag natutulog. Sigurado siyang sinabi niya kay Elaine na ilagay iyon sa bag niya bago siya umalis. Kaya nang sabihin ni Wade na hindi niya makita ang plushie, automatic na nagtaka siya. Bahagyang madilim ang ekspresyon ng lalaki habang hawak ang backpack niya. Nilunok pa nito ang laway bago nagsalita. “Sorry. I couldn’t find it.” “Ha?” Napakunot agad ang noo ni Athena. “Impossible naman. Nando’n dapat iyon.” Lumapit siya agad at kinuha ang backpack mula sa kamay ni Wade. Bukas na ang zipper no’n, malinaw na hinanap talaga ng lalaki ang pina
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: Kabanata 22Kabanata 22 Masyadong biglaan ang pagkakahuli ni Wade sa kaniya. Pakiramdam ni Athena, hanggang tenga ang init ng mukha niya. Wala na ring sense magsinungaling pa. Mahina siyang napabuntong-hininga bago tuluyang umamin. “I’m scared… really, really scared.” Dinoble pa niya talaga ang “really.” Bahagyang gumalaw ang tingin ni Wade papunta kay Ace na nakaupo pa rin sa hindi kalayuan habang excited na excited na kumakawag ang buntot. Malamig nitong sinabi, “Go back.” Parang nakakaintindi naman ang aso. Agad bumagsak ang mga tenga nito at tumingin muna sa kanilang dalawa bago tahimik na umatras. Hindi na ito nagtangkang lumapit ulit. Dahan-dahang bumalik si Ace sa doghouse nito sa may sulok ng sala. Nang masigurado ni Athena na malayo na talaga ang aso, saka lang siya nakahinga nang maayos. Parang doon lang bumalik ang kaluluwa niya sa katawan. Sa maikling tagpong iyon, pinagpawisan na pala nang malamig ang likod niya. Halos dumikit na rin ang tela ng damit niya sa bal
Last Updated: 2026-05-24
Chapter: Kabanata 21Kabanata 21 “By the way, Madam, si Mr. Hollander already—” Hindi na natapos ni Finn ang sasabihin dahil eksaktong nagsara na ang elevator doors. Bahagya lang narinig ni Athena ang pangalan ni Wade bago tuluyang umakyat ang elevator. Napakurap siya. Nandito na ba si Wade? Hindi niya na masyadong pinag-isipan iyon habang tahimik na nakatayo sa loob ng elevator kasama ang maleta niya. Door-to-door ang elevator ng penthouse kaya diretso na iyong bumukas sa mismong unit. Pagdating sa taas, marahang bumukas ang elevator doors. Dahan-dahang itinulak ni Athena palabas ang maleta. Dalawang taon na mula nang huli siyang makarating doon. Naalala niya noon kung gaano kalaki at katahimik ang lugar at parang walang nakatira. Pero ngayong summer, pagpasok pa lang niya ay agad na sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin mula sa central air-conditioning. Kaibang-kaiba sa init sa labas. Medyo nakahinga siya nang maayos dahil doon. Tahimik na nagsara ang elevator sa likuran niya. Nasa m
Last Updated: 2026-05-24
Chapter: Kabanata 20Kabanata 20 Dalawang taon ding tumira si Athena sa apartment kasama si Elaine, pero hindi naman siya iyong klase ng taong mahilig bumili ng kung anu-ano. Simple lang ang lifestyle niya. Kaya nang dumating ang oras ng paglipat, isang medium-sized na maleta at maliit na backpack lang ang dala niya. Pagkababa niya sa apartment building, nadatnan niya agad ang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Kahit maraming sasakyan sa paligid, iyon pa rin ang pinaka-kapansin-pansin. Masyadong elegante. Masyadong mamahalin. At masyadong… bagay kay Wade. Pagkakita ni Finn kay Athena na may hila-hilang maleta, agad itong bumaba ng sasakyan. “Mrs. Hollander.” Magalang itong ngumiti bago mabilis na kinuha ang suitcase mula sa kamay niya. “I’ll take this for you.” “Thank you,” mahinang sagot ni Athena. Pero bago pa siya sumakay, huminto muna siya sa harap ni Elaine. Tahimik silang nagkatinginan. Pagkatapos, bigla siyang niyakap ni Elaine nang mahigpit. “Athena,” reklamo nito habang n
Last Updated: 2026-05-16
Chapter: Kabanata 19Kabanata 19 Sinulyapan lang muna ni Athena message. Finn: Madam, this is my number. Please call this anytime if you need anything. Napakurap si Athena. Mas buhay pa yata kausap ang assistant kaysa sa boss nito. Mabilis siyang nag-reply. Athena: Okay, thank you for your hard work. Halos ilang segundo lang ang lumipas bago muling nag-pop up ang message. Finn: You’re too kind, Madam. Napangiti nang bahagya si Athena. Compared kay Wade, mas “tao” kausap si Finn. Kahit papaano may emojis, may warmth, at mukhang energetic. Samantalang si Wade… parang automated reply machine minsan. Hindi niya namalayang napindot niya ulit ang chat box ni Wade. Tahimik niyang tinitigan ang ilang messages doon. Halos wala namang laman. Pagkatapos, saka siya natauhan at napailing sa sarili. Seriously. Pareho yata talagang human-machine hybrids ang mag-boss na iyon. Buti na lang at walang emergency surgery nang araw na iyon kaya nakauwi si Athena nang maaga mula sa hospital. Pagkapasok niya s
Last Updated: 2026-05-16
Chapter: Kabanata 18Kabanata 18 Kinabukasan pagkatapos nilang magkasundo ni Elaine na hindi naman kailangang magmadali tungkol sa paglipat niya kay Wade, nakatanggap si Athena ng tawag mula kay Lolo Juan. Katatapos lang niya ng operasyon noon at kakalabas pa lang ng operating room nang marinig niya ang pamilyar na boses ng matanda. “Athena,” malumanay nitong sabi sa kabilang linya, “would you have dinner with Grandpa tonight?” May kung anong lambot sa tono nito. Parang maingat. Parang takot na tanggihan. Napahinto si Athena habang tinatanggal ang surgical cap niya. Biglang sumikip nang kaunti ang dibdib niya. Dinner? Tonight? At kasama si Wade? Automatic na pumasok sa isip niya ang bahay nila. Ang marital home nilang dalawa. Bahagyang napapikit si Athena. Kapag pumunta roon si Lolo Juan ngayong gabi, siguradong malalaman nitong hindi talaga sila nagsasama ni Wade sa iisang bahay. Tahimik siya nang ilang segundo. Siguro naramdaman ni Lolo Juan ang pag-aalinlangan niya dahil mas lalo nitong
Last Updated: 2026-05-16

My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)
My Baby’s Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)
Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang fiancé niyang may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engagement party nila, isang gabi ng alak, galit, at kahinaan ang tuluyang sumira sa maayos niyang buhay.
Sa gabing pilit niyang kinakalimutan, nakilala niya ang isang delikadong estrangherong nagdala sa kanya sa isang gabing puno ng init, tukso, at padalos-dalos na desisyon. Akala ni Alex, mananatili na lang iyong isang pagkakamali na hindi na niya muling babalikan.
Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, natuklasan niyang buntis siya.
Takot na muling masaktan at iwan, pinili niyang mawala nang tahimik at palakihing mag-isa ang batang dinadala niya.
Anim na taon ang lumipas, muling nagkrus ang landas nila nang matanggap si Alex sa pinakamakapangyarihang kompanya sa bansa. Ngunit sa unang araw pa lang niya sa trabaho, parang gumuho agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent.
Ang lalaking nakasama niya sa gabing hindi niya malimutan at ang ama ng kanyang anak.
Hindi alam ni Alex na matagal nang hinahanap ni Azrael ang babaeng nakasama niya six years ago. Kaya nang matuklasan nitong si Alex pala ang babaeng iyon at ang batang kasama nito ay sarili niyang anak, hindi siya nagdalawang-isip na angkinin ang dalawa.
Handa siyang pakasalan si Alex, protektahan ito, at tulungan sa paghihiganti laban sa mga taong sumira rito. Ngunit higit pa roon, determinado si Azrael na gawin ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Pero hindi ganoon kadaling magtiwala si Alex. Lalo na sa isang lalaking kilala sa pagiging malamig, dominante, at mapanganib.
Magiging sapat kaya ang pagmamahal para paghilumin ang sugatang puso ni Alex?
Read
Chapter: Kabanata 24Kabanata 24Alex's POVHindi ko alam kung kailan siya dumating. Pero nararamdaman ko siya sa likuran ko. Nakatayo siya. Parang apoy ang init ng katawan niya.Mabilis na nag-angat ng tingin ang anak namin at tumakbo palapit sa kaniya.“Daddy!” Bumuhos ang luha ni Aiden. Hindi na niya ininda kung iiyak pa siya nang harapan. “May mga bata pong nanakit sa akin. Sabi nila wala daw akong ama. Sabi nila sinungaling daw ako kasi sinabi kong may Daddy na ako.”“Who bullied you, son?” Hindi galit ang boses ni Azrael, pero ‘yung kalmadong alam mong mas nakakatakot pa sa sigaw.“‘Yung anak po noong babaeng may galit kay Mommy.” Tiningnan ako ni Azrael.“Lovely,” bulong ko. “Anak ni Lovely.”“They stole my lunch and money,” dagdag ni Aiden. “Tapos sinampal pa nila ako nang sinabi kong ipapaalam ko sa Mommy ko. Sabi nila wala naman daw pakialam ang Mommy ko kasi mahirap lang daw kami.”Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Azrael. ‘Yung tipong parang gusto niyang durugin ang kahit ano.Pin
Last Updated: 2026-06-08
Chapter: Kabanata 23Kabanata 23Alex's POVHindi ko maalis ang mga mata ko sa namamagang labi ni Azrael.Nakaupo siya sa swivel chair niya. Nakasuot pa rin siya ng puting damit niya pero nakabukas na ang tatlong butones sa itaas. Alam kong kasalanan ko kung bakit namaga ang labi niya. Hindi ko kailangang ipaalala pa sa sarili ko.Nang nagtama ang mga mata namin, mabilis akong umiwas. Kinuha ko agad ang pitsel sa maliit na table sa gilid ng opisina niya. Nilagyan ko ng juice ang baso niya. “I'm not thirsty, Miss Alex,” sabi niya.Tumayo siya mula sa upuan. Palapit siya sa akin.Lumunok ako. Pinilit kong hindi lumingon.Pero naramdaman ko na ang presensya niya sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya.Napaatras ako nang mapansing nakatingin siya sa labi ko. “I'm hungry,” mahinang sabi niya sa tainga ko.“Ikukuha na lang kita ng pagkain,” sagot ko. Nilakasan ko ang boses ko para hindi halatang kinakabahan ako. “Anong gusto mo? Ihahanda ko sa staff. May kitchen naman sa baba.”“I want you.”“Wha
Last Updated: 2026-06-08
Chapter: Kabanata 22Kabanata 22Alex's POVTinulungan ko siyang makatayo, pero sobrang bigat niya. Hindi ko siya kayang buhatin mag-isa. Hinila ko ang braso niya. Isinandal ko siya sa dingding ng elevator.“Azrael, ano bang problema mo?” tanong ko. Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.“I need air,” nanginginig ang boses niya. Nakapikit siya. Humihinga nang mabilis. “I can't breathe.”“Air? Anong akala mo sa akin? Oxygen?” Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit siya nahihirapang huminga? Bakit siya pinagpapawisan? Hindi naman siya tumakbo. Hindi naman siya nagbuhat ng mabigat.Magrereklamo pa sana ako nang hilahin niya ang batok ko at mariing hinalikan ang mga labi ko.Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga dahil sa gulat.“Kiss me,” paos ang boses niya. Halatang nahihirapan talaga siyang makahinga. “Please, Alex. I need air. Kiss me.”Kung mamamatay siya ngayon dito, baka ako pa ang mapagbintangan. Baka sabihin nila na pinatay ko siya. Baka makulong pa ako. Paano si
Last Updated: 2026-06-08
Chapter: Kabanata 21Kabanata 21Alex's POV“Sobrang bagay!” sabi ni Mommy Sunshine pagkatapos kong sukatin ang wedding gown.Tumayo ako sa harapan ng tatlong malalaking salamin. Hindi ako makapaniwala na suot ko ito. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong klaseng gown. Mahaba ang train sa likod. May maliliit na butones mula sa leeg pababa hanggang sa baywang.Nandito kami ngayon sa boutique na pagmamay-ari ng kaibigan ng pamilya Laurent. Ang sosyal ng lugar. May sariling fitting room na kasing laki ng buong apartment namin dati. May chandelier sa kisame. May pulang carpet sa sahig.Tiningnan ko si Mommy Sunshine sa salamin. Nakangiti siya habang kinukuhanan pa ako ng mga larawan gamit ang phone niya. Iba-iba ang anggulo. Parang hindi siya nagsasawang kumuha.“Baka mas lalong mahulog si Azrael sa iyo, hija,” dagdag niya. “‘Yung tipong pati sahig yayakapin niya sa sobrang pagkahulog.”Ngumiti lamang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naman alam kung may naramdaman ba
Last Updated: 2026-06-08
Chapter: Kabanata 20Kabanata 20Alex's POVBinuksan ni Azrael ang balkonahe. Tumabi siya sa akin habang nakatitig kami sa tanawin. Ang ganda ng view mula rito. Kita mo ang buong village. Kita mo ang mga puno. Kita mo ang mga bubong ng ibang bahay.Hindi ko maitago ang ngiti ko sa sobrang presko ng hangin galing sa labas. Ang sarap ng simoy. Hindi ganito sa apartment namin. Doon, ang naamoy mo ay usok mula sa kalsada. Dito, bulaklak at malinis na hangin.“Since you are an architect, siniguro ko na may sarili kang table dito,” sabi ni Azrael sabay turo sa sulok ng kwarto. May malaking table na gawa sa kahoy. May lamp. May gamit sa drawing. “Kung may mga kulang pa, sabihan mo lang ang mga tauhan ko.”Mabilis akong tumango at hinaplos ang table ko. Makinis. Bagong bagong. Amoy kahoy pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobra na ito. Sobra na ang ginagawa niya para sa akin.“Thank you,” bulong ko. Hindi ko siya matingin sa mata.“Don't thank me yet,” sagot niya. “Hindi pa rito nagtatapos ang lahat.”Pagkatapos
Last Updated: 2026-06-06
Chapter: Kabanata 19Kabanata 19Alex's POV“Wow! This is our house?” namamanghang tanong ni Aiden pagkapasok namin sa mansiyon ni Azrael.Hindi ko masisisi ang anak ko. Ako rin, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nandito kami. Ang laki ng bahay na ito. Parang isang maliit na hotel. Hindi ko alam na ganito pala kayaman ang pamilya ni Azrael. Alam kong mayaman siya, pero hindi ko in-expect na ganito kayaman.Maingat siyang binaba ni Azrael at mabilis na tumakbo ang anak ko sa malawak na sala. Iniikot-ikot niya ang buong lugar. Hinawakan niya ang mga unan sa sopa. Tiningnan niya ang mga vase na nakalagay sa mesa. Buti na lang at maingat siya. Hindi siya yung tipong batang magulo at walang pakialam sa gamit.“Mommy, look! Ang laki ng TV!” sigaw ni Aiden. “Pwede ba tayong manood mamaya? Please?”“We'll see, baby,” sagot ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kisame. May chandelier. Hindi yung mumurahin. Yung mukhang ginto at kristal. Pakiramdam ko, isang maling galaw ko lang, mababayaran ko ng i
Last Updated: 2026-06-06

The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback
Carmelle grew up carrying nothing but unanswered questions—sino siya talaga, bakit siya iniwan, at bakit ang pagmamahal na dapat ay para sa kanya ay palaging malayo, parang hindi niya kailanman maaabot.
Abandoned by her family’s nanny right after she was born, kinuha siya at itinago, para si Morgana—ang anak ng yaya—ang mabigyan ng mas magandang buhay. Buhay na dapat sana ay kay Carmelle.
Labing-walong taon ang lumipas, natagpuan siya ng tunay niyang pamilya. Pero imbes na yakap at pag-asa, malamig na tingin, paghahambing, at walang katapusang paboritismo ang sumalubong sa kaniya.
Sa mata nila, she was never the daughter they lost—she was an intruder. Isang estranghero sa sarili niyang dugo.
Si Morgana, ang adopted daughter na pinalaki nila, ang naging golden child. Palaging tama. Palaging pinaniniwalaan kahit walang ebidensya. Palaging pinipili, kahit mali na.
At si Carmelle? Kahit anong gawin niya, palagi siyang mali. Laging siya ang sisi. Mga kasalanang hindi niya ginawa, sa kanya isinisi. Mga gulong hindi niya sinimulan, sa kanya ibinato.
Hanggang pati si Anton—ang fiancé niya, ang taong akala niya kakampi niya ay unti-unting lumayo at naniwala sa kasinungalingan.
Hanggang isang araw, unti-unting lumabas ang katotohanan.
Lahat ng sakit, paninira, at paratang na ibinato kay Carmelle… si Morgana pala ang nasa likod.
Hanggang kailan niya kakayanin ang mundong paulit-ulit siyang sinasaktan?
Kakayanin pa ba niyang magpatawad kung ang puso niya ay unti-unti nang nagiging bato?
Read
Chapter: Kabanata 93Kabanata 93Pagkalipas ng sampung minuto, sumunod si Anton kay Carmelle papasok sa studio nito.Sa unang sulyap pa lang, halatang matagal na itong naitatag. Malawak ang espasyo, maayos ang sistema, at hindi mukhang simpleng sideline lang. Maraming empleyado ang abala sa kani-kanilang trabaho, may kanya-kanyang station at ginagawa. Para itong isang full-scale operation na hindi basta-basta itinatayo ng kung sino lang.Hindi inaasahan ni Anton na ang babaeng ito ay may ganitong klaseng influence sa likod ng mga eksena. Seventy million a year ang kita? Hindi iyon maliit na halaga. Lalo na kung iisipin na nasa early twenties pa lang si Carmelle.Tahimik si Carmelle habang naupo sa isang gilid ng opisina. Si Toni ang nag-abot ng kape kay Anton, ngunit ramdam nito ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis din itong nagpaalam at lumabas.Sila na lang dalawa ang naiwan.Nakaupo si Carmelle, nakapameywang, habang diretsong nakatingin kay Anton."Closed na yung studio," malamig na sabi nito
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 92Kabanata 92Punong-puno ng hindi makapaniwalang emosyon ang mga mata ni Anton."Talagang malapit si Janle kay Carmelle?"Sa kabilang linya, agad sumagot si Jaja."Oo. Malinaw nilang sinabi na kung gagamutin ni Professor Janle si Morgana o hindi, nakadepende iyon sa desisyon ni Carmelle."Nagsalubong ang mga kilay ni Anton."Ganoon sila ka-direkta?""Yes."Lalong dumilim ang kanyang mukha. Hindi niya matanggap ang impormasyong iyon.Tahimik sandali si Jaja bago muling nagsalita."Sa tingin mo, ano ba talaga ang relasyon nila? Bakit kailangan pa ni Janle ang approval ni Carmelle?"Napahigpit ang hawak ni Anton sa cellphone.Sa mga salitang binitiwan noon ni Carmelle, halatang hindi ordinaryo ang samahan nito at ni Janle.At hindi lang si Janle.May isa pang lalaking malapit dito.Isa pang lalaking hindi niya kayang balewalain.Unti-unting kumulo ang dugo ni Anton.Parang may apoy na sumisiklab sa kanyang dibdib.Sa loob ng mahabang panahon, palagi niyang iniisip na hindi kayang mabuhay
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 91Kabanata 91"Isang simpleng kainan lang naman iyon. Hindi naman talaga papalitan ni Carmelle ang puwesto mo sa buhay niya. Tingnan mo nga kung paano siya tratuhin ni Roco."Bahagyang natawa si Janle habang kausap si Roco sa dining room. Pagkatapos ay may naalala siya."By the way, may tumawag sa akin mula sa pamilya Claveria. Gusto nilang ipagamot si Morgana. At mukhang handa silang magbayad nang malaki."Naging malamig agad ang ekspresyon ni Roco.Alam na ni Janle ang tunay na pagkatao ni Carmelle. Alam niyang ito ang tunay na anak ng pamilya Claveria.Noong una, inakala nilang mababawasan na ang mga problema ni Carmelle nang matagpuan ito ng kanyang tunay na pamilya dalawang taon na ang nakalipas.Sino ba naman ang mag-aakalang mas magiging miserable pa pala ang buhay nito pagkatapos noon?Sa dami ng pamilyang nakita nila, ngayon lang sila nakatagpo ng katulad ng mga Claveria.Kahit pa may alitan sa pagitan ng adopted daughter at biological daughter, hindi ba't ang dapat protektahan
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 90Kabanata 90Ayaw talagang lumapit ni Carmelle sa mesa.Kung tatanggalin niya ang mask para kumain, siguradong makikita ni Roco ang namamaga niyang labi.At kilala niya ang lalaki.Noong bata pa siya, kahit simpleng kagat lang ng lamok sa braso niya ay napapansin agad nito. Minsan pa nga, tinatanong nito ang mga kasambahay kung paano siya nasugatan o kung bakit siya nagkaroon ng pasa.Paano pa kaya ngayon?Kapag nagtanong ito kung ano ang nangyari sa kanyang mga labi, ano ang isasagot niya?Sabihin niyang hinalikan siya nito kagabi?Hindi maaari.Lalo na kung hindi naman nito maalala ang nangyari dahil sa kalasingan.Sa pag-iisip pa lang noon, gusto na niyang magpalamon sa lupa.Nang makita ni Roco ang kanyang pag-aatubili, bahagyang tumaas ang isang kilay nito."What? Gusto mo bang ako pa ang lumapit para buhatin ka?"Agad siyang umiling."I... hindi talaga ako gutom."Ngunit tila wala nang balak makinig si Roco.Tumayo ito mula sa kinauupuan.Sa haba ng mga binti nito, ilang hakbang
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 89Kabanata 89Oo, tatlong buwan nga siyang nawala.Sa loob ng tatlong buwang iyon, halos mabaliw si Roco sa paghahanap kay Carmelle. Araw at gabi siyang naghanap, takot na takot na baka may mangyaring masama rito. Pero ang hindi niya alam, itinago pala ito ni Rochelle at isinailalim sa matinding pagsasanay.Hindi man naging madali ang mga pinagdaanan ni Carmelle, wala naman siyang naranasang panganib. Sa halip, mas lumakas pa ang kanyang pangangatawan at mas tumibay ang kanyang loob.Maingat niyang inalalayan ang lalaking halos hindi na makatayo nang maayos dahil sa kalasingan."Here, drink this."Dahan-dahan niyang isinubo rito ang sabaw para sa hangover."Carmelle..."Mahina ang boses ni Roco. Malambing at kakaibang banayad, malayong-malayo sa karaniwang malamig at dominante nitong ugali."Mmm, nandito lang ako," sagot niya.Bahagyang gumalaw ang lalaki at mas sumandal sa kanya."Don't run away."Napakurap si Carmelle."O I'll break your legs."Natigilan siya.Talagang kahit lasing, h
Last Updated: 2026-06-10
Chapter: Kabanata 88Kabanata 88Pagkalabas pa lang ng mga salitang iyon sa bibig ni Carmelle, mabilis nang lumapit si Roco sa kanya.Mahahaba ang hakbang nito at mabigat ang presensya. Agad niyang naramdaman na may kakaiba. Hindi iyon ang karaniwang Roco na kalmado at kontrolado sa bawat kilos.Napaatras siya nang bahagya.“Roco—”Hindi na niya natapos ang sasabihin. Sa isang iglap, nahila siya nito papunta sa dibdib nito.Napatigil si Carmelle. At bago pa siya makapag-isip, isang halik na may bahagyang amoy ng red wine ang dumampi sa kanyang mga labi.Parang huminto ang oras.Nanlaki ang kanyang mga mata. Tuluyang nablangko ang isip niya. Hindi siya nakagalaw. Hindi siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ay naging bato ang buong katawan niya sa sobrang pagkabigla.Matagal na niyang iniingatan ang damdaming iyon. Matagal na niyang itinatago sa kaibuturan ng puso niya. Ngunit kahit kailan, hindi niya naisip na darating ang araw na ito. Lalo na hindi sa ganitong paraan. Dahil hindi siya gumalaw at walang aga
Last Updated: 2026-06-10