Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me

Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me

last updateLast Updated : 2026-08-18
By:  Eliana AsherOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
7Chapters
346views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, Darius. Isang buwan lang bilang tunay na asawa ko at ama ni Lia. Pagkatapos, palalayain na kita." Isang simpleng pakiusap lang iyon, kapalit ng natitira niyang dignidad. Alam ni Elara na hindi siya minahal ni Darius. Pinakasalan lang siya nito dahil nabuntis siya at iniutos iyon ng lolo nito. Tiniis niya ang malamig nilang pagsasama para sa anak nilang si Lia. May end-stage renal disease si Lia, at dalawang buwan na lamang ang taning ng buhay niya. Ngunit nalaman ni Elara na pinili ni Darius na ibigay ang kidney nito sa anak ni Ivory—ang babaeng tunay nitong mahal. Sa matinding pagkadismaya, isang huling pakiusap ang hiniling ni Elara: maging tunay na asawa at ama si Darius sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Darius iyon, kahit inakala niyang desperadong paraan lang iyon para pigilan siyang umalis. Ngunit nagbago ang lahat sa loob ng isang buwan. Unti-unting binihag ng ngiti ni Elara at lambing ni Lia ang puso ni Darius. Dahil doon, tuluyan siyang naguluhan. Pagkaraan ng isang buwan, umalis si Elara dala ang anak sa America. Naging matagumpay ang transplant ni Lia sa tulong ng isang anonymous donor. Makalipas ang dalawang taon, bumalik si Elara bilang sikat na jewelry designer at may-ari ng sariling luxury brand. Doon niya nalaman na ang donor ni Lia ay si Kenzo—ang bilyonaryong half-brother at mortal na kaaway ni Darius. Nang mabalitaan ni Kenzo na ikakasal na sina Darius at Ivory, napangisi ito. “Gusto mong gumanti, Elara? Pakasalan mo ako.” Balak niyang gawing double wedding ang kasal—para makita ang mukha ni Darius habang si Elara ang naglalakad sa altar para sa kanya. Pero paano kung matanto ni Darius na si Elara pala ang gusto niyang pakasalan? Ipaglalaban ba niya? O huli na para sa isang pagkakataon?

View More

Chapter 1

Chapter 001- Two Months Left

ELARA

Hindi ko akalaing dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ko.

Sa ilang salita lang ng doktor, tuluyang gumuho ang mundo ko.

“Pasensya na, Ms. Elara. Nasa end-stage renal disease na si Lia. Halos hindi na gumagana ang isang kidney niya. Kung hindi tayo makahanap agad ng donor, maaari siyang mamatay.”

Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko. Nanlamig ang buong katawan ko, nanghina ang mga tuhod ko, at halos hindi ako makahinga. 

Nakatingin ako kay Dr. Ramirez, ngunit hindi ko na maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko—bilang na ang natitirang oras ng anak ko.

“Hindi,” mahina kong sabi habang napapailing. “Four years old pa lang si Lia. Hindi puwedeng mangyari ito.”

“Alam kong napakahirap tanggapin—”

“Baka may mali sa resulta, Doc,” agad kong pagputol. “Masigla naman siya kahapon. Baka kailangan lang ulitin ang tests. Dalhin natin siya sa ibang ospital. Kumuha tayo ng ibang specialist for second opinion. Kahit ano, gagawin ko.”

Mahigpit kong hinawakan ang gilid ng upuan upang pigilan ang panginginig ng mga kamay ko.

“Paulit-ulit na naming ginawa ang tests,” paliwanag ni Dr. Ramirez. “Pare-pareho ang resulta. Mabilis nang humihina ang mga kidney ni Lia, at hindi na sapat ang dialysis para mapanatiling stable ang kondisyon niya.”

Tatlong araw pagkatapos kong isilang si Lia nang sabihin sa amin na may congenital renal disease siya. Noon pa man, binalaan na kami na maaaring kailanganin niya ng transplant paglaki niya. Ngunit dahil napakaliit pa ng katawan niya, hindi pa siya maaaring operahan.

Kaya naghintay kami.

Hinintay naming lumaki at lumakas ang katawan ni Lia. Ngayong kaya na niyang tumanggap ng kidney mula sa isang adult donor, wala naman kaming mahanap na compatible sa kanya. Sumailalim na ako at ang ilan sa mga kamag-anak ko sa compatibility test, pero wala ni isa sa amin ang pumasa. Si Darius, ang asawa ko na lamang ang hindi pa nasusuri.

“Matagal na siyang nasa waiting list for kidney donor,” sabi ko. “Hanggang kailan pa ba kami maghihintay?”

“Sa bilis ng paghina ng katawan ni Lia, hindi na tayo puwedeng umasa lang sa waiting list,” paliwanag ng doktor. “Kailangan mong kausapin ang asawa mo. Baka siya na lang ang natitira nating pag-asa.” 

Napatigil ako at napayuko.

Matagal na akong nakiusap kay Darius para sa compatibility test, pero palagi siyang tumatanggi. Katuwiran niya, malaki naman daw ang ibinibigay niyang sustento para makahanap kami ng ibang donor.

“Kakausapin ko ang asawa ko,” mahina kong sabi. “Pero kung wala tayong mahanap na donor, gaano na lang katagal mabubuhay ang anak ko?” 

Nag-alinlangan siya. Binuksan niya ang folder at muling tiningnan ang pinakahuling laboratory results ni Lia. Sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay unti-unting nauubos ang hangin sa silid.

“Hindi natin masasabi nang eksakto,” sagot niya. “Pero sa bilis ng paghina ng katawan ni Lia, siguro dalawang buwan na lang ang itatagal niya.” 

“D-Dalawang buwan?”

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako patuloy na nakaupo gayong pakiramdam ko ay gumuho na ang buong mundo ko.

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Dalawang buwan. Iyon na lamang ba ang natitira kay Lia? Apat na taong gulang pa lamang siya pero ang dami na niyang pinagdaanan.

“Posibleng mas tumagal siya kung magiging stable ang kondisyon niya,” dagdag ni Dr. Ramirez. “Pero ayokong bigyan ka ng false hope, Ms. Elara. Makakatulong ang dialysis na linisin ang dugo at alisin ang sobrang fluid sa katawan niya, pero hindi nito mapapagaling ang sakit niya.”

“May dati akong kasamahan sa isang pediatric transplant center sa America,” pagpapatuloy niya. “Mas marami silang options para sa living donors at paired donation. Puwede kong ipadala ang medical records ni Lia para makita kung may iba pa silang paraan na makakatulong.” 

Mahigpit kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin sa kanya.

“Please gawin mo po, Doc. Ipadala mo lahat ng records niya.”

Tumango siya.

“Sige kakausapin ko sila ngayong araw. At saka bigyan na rin kita ng contact number nila.”

Nanginginig ang kamay ko nang tanggapin ang calling card mula sa kamay niya.

“Maraming salamat, Doc,” sabi ko. “Gagawin ko ang lahat para mabuhay ang anak ko.” 

***

Pagdating ko sa p***o ng kwarto, nakita ko si Lia mula sa maliit na salaming bintana. Mahimbing siyang natutulog habang yakap ang lumang teddy bear na ibinigay ko noong ikatlong kaarawan niya.

Masakit siyang makitang ganito. Dapat nasa playground siya, hindi sa ospital. Hindi dapat ito ang mundong kinalakihan niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang asawa kong si Darius habang nakatingin kay Lia sa bintana. Medyo matagal ito bago sinagot ang tawag.

“Sino ito?”

Nanikip ang lalamunan ko. Limang taon na niya akong asawa, pero hindi man lang naka-save ang numero ko sa cellphone niya.

“Darius, si Elara ito,” mahina kong sabi.

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Akala ko ay naputol ang tawag, ngunit narinig ko ang mahina niyang paghinga.

Pagkatapos ay malamig niyang sinabi, “Hindi ba sinabi ko na sayo dati na dumaan ka sa assistant ko kapag kailangan mo ako? Huwag kang didirekta sa personal number ko.”

Napapikit ako at pilit nilunok ang sakit na namuo sa lalamunan ko.

Mula nang ikasal kami, hindi niya ako itinuring na asawa—kundi babaeng ginamit ang pagbubuntis upang itali siya sa relasyong ayaw niya. 

Limang taon na ang nakalipas nang makilala ko si Darius bilang CEO ng Del Valle Fine Jewelry, kung saan junior designer ako.

Hinangaan ko ang talino, husay, at pagpapahalaga niya sa bawat disenyong ginawa ko. Hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa kanya.

Hanggang sa nangyari ang gabing iyon.

Pareho kaming nalasing matapos ang matagumpay na launching ng isang collection. Kinaumagahan, nagising akong katabi si Darius sa hotel.

Inakusahan niya akong sinadya ang lahat, lalo na nang malaman naming buntis ako. Para sa kanya, pinikot ko siya. Pero para sa akin, si Lia ang bunga ng isang pagkakamaling hindi ko kailanman pinagsisihan.

Pinilit si Darius ng lolo niyang pakasalan ako sa isang secret wedding. Walang nakaaalam sa kasal namin maliban sa assistant ni Darius na si Victor.

Sa opisina, nanatili ako bilang Elara Villanueva—isang tahimik na jewelry designer at single mother.

Mula nang ikasal kami, itinuring niya akong kaaway. Bihira siyang umuwi sa mansion at pati si Lia ay nadamay sa galit niya sa akin.

Hindi niya kami pinabayaan sa pera, pero hindi iyon ang kailangan ng anak namin. Ama ang kailangan ni Lia, lalo na sa kondisyon niya ngayon.

“Bakit ka tumawag?” malamig na tanong ni Darius. “Busy ako.”

Tumingin muli ako kay Lia sa maliit na bintana ng p***o. Anak niya ito at kailangan niyang malaman ang kalagayan niya.

“Darius,” nanginginig kong sabi. “Sabi ng doktor, dalawang buwan na lang daw ang itatagal ni Lia.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Athena Beatrice
Athena Beatrice
Recommended
2026-08-22 10:52:47
1
1
Docky
Docky
highly recommended! Basta Maria Bonifacia ang sumulat, maganda ang story!
2026-08-12 23:18:09
1
1
Gabbine Wozniacki
Gabbine Wozniacki
Hmmm parang magandq po.
2026-08-11 21:15:34
1
1
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status