LOGINSi Violet ay isang simpleng maid sa mansyon ng mga Valmonte. Tahimik ang buhay niya hanggang sa isang gabing inutusan siyang maghatid ng pagkain sa kuwarto ni Killian—ang gwapo, mayaman, at kilalang playboy na anak ng kanyang amo. Ang simpleng utos ay nauwi sa isang gabing hindi niya malilimutan. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog, ipinadama ni Killian na isa lamang siyang pampalipas-oras. Higit pa roon, nakatakda na itong pakasalan ang kababata nitong si Isabella Castellano. Durog ang puso, pinili ni Violet na lumayo. Ngunit pagbalik ni Killian mula Switzerland, nalaman ni Violet na buntis siya. Upang protektahan ang sarili at ang kaniyang anak, nagsinungaling siyang hindi si Killian kundi ang kababata niyang si Zenon Mallari ang ama. Ang hindi alam ni Violet, hindi ordinaryong construction worker ang kababata niya. Si Zenon ay isa palang makapangyarihang business tycoon na matagal nang nagtatago sa likod ng simpleng pagkatao—at matagal na rin siyang may lihim na pagtingin kay Violet. Habang pilit namang inaangkin ni Killian ang batang pinaniniwalaan niyang sa kanya, unti-unting inilalantad ni Zenon ang tunay niyang pagkatao. Sa pagitan ng lalaking unang dumurog sa puso niya at ng lalaking matagal nang handang protektahan siya, sino ang pipiliin ni Violet?
View MoreVIOLET
May isang patakaran akong hindi kailanman nilabag sa mansyon ng mga Valmonte—ang huwag mapalapit kay Killian.Kilala siyang babaero. Halos gabi-gabi, may ibang babaeng pumapasok sa kuwarto niya, at kinaumagahan, panibagong mukha na naman ang palihim na lumalabas. Kahit sa laundry room lang ako nakatalaga, sapat na ang mga naririnig ko para malaman kung anong klaseng lalaki siya.
Kaya hindi ko inakalang darating ang gabing ako mismo ang uutusan nilang pumasok sa kuwarto niya.
“Violet, ikaw na ang maghatid nito kay Sir Killian.”
Napalingon ako kay Martha, ang mayordoma ng mansyon, saka sa tray ng pagkain na hawak niya.
“Bakit po ako?” tanong ko.
Hindi naman kasama sa trabaho ko ang pagsisilbi ng pagkain. Ang paglalaba, pamamalantsa, at pag-aayos ng mga damit lang ang ginagawa ko sa bahay.
Bukod doon, day off ko ngayon.Nakapagbihis na ako at handa nang umalis para makipagkita sa best friend kong si Angela sa mall. Isang linggo naming pinagplanuhan ang araw na ito dahil bihira lamang kaming magkasabay ng libreng oras.
“Abala ang ibang maid sa paghahanda para sa mga bisita bukas,” sagot ni Martha. “Ihatid mo lang ang pagkain niya. Pagkatapos, maaari ka nang umalis.”
Napabuntong-hininga ako.
Wala rin naman akong dahilan para tumanggi. Ilang minuto lang siguro ang kailangan ko. Ilalapag ko ang pagkain, magpapaalam, at aalis agad.
Kinuha ko ang tray mula kay Martha. Mahigpit kong hinawakan ito habang naglalakad sa mahabang hallway patungo sa kuwarto ni Killian.
Tahimik ang buong mansyon. Wala roon sina Don Emilio at Doña Estrella dahil nasa Singapore sila para dumalo sa isang malaking business event. Kaya mas malaya si Killian na gawin ang kahit anong gusto niya.
At batay sa mga naririnig ko gabi-gabi, talagang sinusulit niya ang pagkawala ng kaniyang mga magulang.
Napababa ang tingin ko sa mini dress na suot ko. Simple lang naman iyon at bagay sa mainit na panahon, pero bigla akong nailang nang maalalang haharap ako kay Killian. Kung alam ko lang na uutusan akong pumunta sa kuwarto niya, sana nagpalit muna ako.
Pagdating ko sa p***o, sandali akong huminto. Maingat kong inilapit ang tainga ko sa p***o.
Tahimik sa loob. Wala akong narinig na boses o kahit anong kakaibang tunog gaya ng madalas kong marinig kapag dumaraan ako sa hallway.
Nakahinga ako nang maluwag.
Kakatok na sana ako nang biglang may aninong lumitaw sa sahig. Unti-unti iyong lumapit mula sa likuran ko.
Napalingon ako. Halos mabitawan ko ang tray nang makita si Killian.
Nakatayo siya ilang hakbang lang mula sa akin. Naka-itim siyang polo na nakabukas ang dalawang butones sa dibdib at nakatiklop hanggang siko ang mga manggas. Bahagyang basa ang buhok niya, na para bang bagong ligo lang.
Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit. Matangos ang ilong niya, makapal ang kilay, at matalim ang panga. Bagay sa kaniya ang bahagyang magulong buhok, lalo na kapag pinagsama sa malamig niyang mga mata at mapang-asar na labi. Hindi nakapagtatakang maraming babaeng nahuhumaling sa kaniya.
Nakatitig siya sa akin. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa tray bago muling bumalik sa mukha ko.
“Ano’ng ginagawa mo?”
“Sorry po, Sir!” Napaatras ako at muntik nang tumama sa p***o. “Hindi ko po kayo napansin. Ihahatid ko lang po ang pagkain mo.”
Nanatili ang mga mata niya sa akin. Parang sinusuri niya ang bawat kilos ko.
“I was asking what you were doing with your ear against my door.”
Biglang uminit ang mukha ko.
“Sinisigurado ko lang po na wala kayong—”
Napatigil ako. Ano bang sinasabi ko?
Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. “Wala akong ano?”
“Wala po kayong ginagawa.”
May mahinang ngiti na lumitaw sa labi niya.
“At ano naman ang posibleng ginagawa ko sa loob ng sarili kong kuwarto na ayaw mong maabutan?”
Hindi ako nakasagot. Napalunok na lamang ako.
Alam niyang alam ko ang sagot. At base sa ngiti niya, mukhang natutuwa siyang makita akong nahihiya.
“Inutusan lang po ako ni Miss Martha na ihatid ang pagkain ninyo,” mabilis kong sabi. “Aalis na rin po ako pagkatapos.”
Dahan-dahang sinuri ng tingin niya ang suot ko, mula sa mukha ko hanggang sa mga hubad kong binti.
“Sigurado kang pagkain lang ang dinala mo rito?” tanong niya. “Tell me, Violet… sinadya mo bang pumunta rito nang ganiyan ang suot mo?”
“Day off ko po ngayon, Sir. Makikipagkita po ako sa—”
“Boyfriend mo?”
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang itanong iyon.
“Best friend ko pong babae.”
Bahagyang tumango siya, na para bang nasiyahan sa sagot ko.
Pagkatapos ay nilampasan niya ako at binuksan ang p***o ng kuwarto.
“Come in.”
Hindi ako agad gumalaw.
Napalingon siya. “Hindi mo ba ihahatid ang pagkain?”
“Opo.”
Huminga ako nang malalim bago sumunod sa loob.
Malaki ang kuwarto niya at cozy itong tingnan dahil sa mahinang ilaw sa tabi ng kama. Naamoy ko rin ang mamahalin niyang pabango na humahalo sa malamig na hangin mula sa aircon.
Napapalunok ako habang palihim na tumitingin sa malaking kama. Dito pala nangyayari ang mga bagay na ‘yon. Biglang uminit ang mukha ko nang maisip kung ilang babae na ang nakahiga roon kasama niya.“Doon mo ilagay,” sabi niya, itinuro ang mesa sa gilid ng kama.
Mabilis akong lumapit at inilapag ang tray. Nang lingunin ko siya, wala na siya sa likuran ko. Saka ko lang napansin ang bukas na p***o ng banyo. Narinig ko ang mahinang agos ng tubig sa loob. Mukhang naghuhugas siya ng kamay bago kumain.Inayos ko ang plato at kubyertos sa mesa. Akala ko makakaalis na ako, pero biglang nagsalita si Killian mula sa banyo. “Gusto ko ng juice.”
Napatingin ako sa pitsel at basong nasa tray. Wala akong nagawa kundi sumunod. Kumuha ako ng baso at nagsimulang magsalin ng juice.
Katatapos ko pa lang nang biglang bumukas nang tuluyan ang p***o ng banyo.
Napalingon ako.
Kalalabas lang ni Killian habang nagpupunas ng kamay gamit ang maliit na tuwalya. At hindi ko inaasahang napaatras ako at muntik nang matisod.
“Ah!”
Mabilis kong nahawakan ang kamay ni Killian bago pa ako tuluyang bumagsak sa kama. Dahil sa gulat, nabitawan ko ang baso at kumalat ang juice sa sahig.
Hinila niya ako palapit para saluhin, pero dahil sa lakas ng pagkakahawak ko sa kaniya, pareho kaming nawalan ng balanse at bumagsak sa kama.
Shit!Hindi ako makapaniwalang naglapat ang mga labi namin.
VIOLETNaka-dark jacket si Killian at suot ang itim na pantalon. Mukha siyang pagod mula sa biyahe, pero hindi nabawasan ang talim ng tingin niya nang mapansin ang kamay ni Zenon sa braso ko.Hindi ko alam na dumating na pala sila.Mabilis na lumapit si Killian sa amin.“Sino ka?” tanong niya kay Zenon. “At anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko?”Malamig ang boses niya, pero halata ang galit sa mukha niya.“Sir, ako po si Zenon—”“Boyfriend ko siya,” mabilis kong singit.Napunta sa akin ang matalim na tingin ni Killian. “Boyfriend?”Naalala ko ang lahat ng masasakit na sinabi niya bago siya umalis. Ayokong isipin niyang hinihintay ko ang pagbabalik niya. Ayoko ring makita niyang apektado pa rin ako.Kaya bago pa ako makapag-isip nang maayos, nagsalita muli ako.“Opo, boyfriend ko po si Zenon.”Nanlaki ang mga mata ni Zenon. Agad ko siyang tiningnan at bahagyang kinurot ang braso niya, sinasabing makisakay na lang sa sinabi ko.Tumigas ang panga ni Killian. “Boyfriend? Talaga?”“Opo.”
VIOLET“Hindi,” matigas kong sagot. “Wala akong hinihinging ganoon.”Mabilis kong kinuha ang damit ko mula sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot iyon, pero pinilit kong maging kalmado.“Violet—”“Huwag n’yo na akong tawagin, Sir Killian.”Napatingin siya sa akin, tila nagulat sa tono ko.“Magmula ngayon, hindi na ako papasok sa kuwarto ninyo,” sabi ko. “Humanap kayo ng ibang katulong na magdadala ng pagkain ninyo—o ng ibang babaeng magagamit ninyo kapag nababagot kayo.”Binuksan ko ang pinto at tuluyang lumabas.Sa bawat hakbang ko palayo sa kuwarto niya, mas lalong bumibigat ang dibdib ko.Pero kahit anong sakit ang nararamdaman ko, nangako ako sa sarili kong hindi na ako babalik.Hindi na niya ako muling gagamitin.***Kinabukasan, ginawa ko ang lahat para hindi mapalapit kay Killian.Kapag may ipapahatid si Martha sa kuwarto niya, agad kong ipinapasa kay Liza. Kapag may kailangan siyang kunin sa sala, naghahanap ako ng ibang gagawa. Kahit ilang beses akong tawagin
VIOLETNakakatindig-balahibo nang maramdaman ko ang haplos ng mainit niyang palad mula sa binti ko, hanggang sa makapa na niya ang panty ko sa loob ng maikli kong palda. Kasabay niyon ang paggalaw ng isa niyang kamay, mula sa tyan pataas papunta sa dibdib ko at saka nilamas iyon.“S-Sir Killian… anong ginagawa niyo?”Nagpumiglas ako. Hinawakan ko ang kamay niya sa ibaba ko nang tangkain niyang ipasok iyon sa panty ko.“Tama na. Lasing po kayo,” sabi ko.Imbis na huminto siya, bigla niya akong kinarga patungo sa kwarto niya. Binagsak niya ako sa malambot niyang kama. Napansin kong dahan-dahang hinuhubad ni Killian ang damit niya hanggang sa makita ko ang matikas at malabato niyang katawan. Napalunok ako. Kailangan kong umalis ngayon din! Dahil habang tumatagal, mas lalo ko siyang gustong angkinin. At mas lalo akong nalilito sa nararamdaman ko para sa kanya. Mabilis akong bumaba sa kama. Nang tangkain kong umalis, bigla siyang nagsalita.“Don’t leave me…”Napahinto ako. Nilingon ko s
VIOLETPagpasok ko sa laundry room, agad kong narinig ang mahinang usapan nina Liza at Nena. Pareho silang abala sa pagtutupi ng mga damit, pero halatang mas interesado sila sa pinag-uusapan nila kaysa sa trabaho.“Ang ganda talaga ng bisita ni Sir Killian,” sabi ni Nena. “Parang artista.”“Oo nga. Si Isabella Castellano daw iyon,” sagot ni Liza. “Kababatang matalik ni Sir Killian.”Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahinto sa paglalakad.“Isabella Castellano?” tanong ni Nena. “Iyong anak ng may-ari ng Castellano Hotels?”Tumango si Liza. “Siya nga. Ngayon lang daw bumalik dito pagkatapos ng limang taon sa States.”Tahimik akong lumapit sa mesa at inilapag ang basket na hawak ko. Ayokong makinig, pero kusa pa ring pumapasok sa tainga ko ang bawat salitang sinasabi nila.“May narinig pa nga ako,” patuloy ni Liza habang bahagyang humihina ang boses. “May plano raw ang pamilya Valmonte at Castellano na ipakasal silang dalawa.”“Arranged marriage?”“Oo. Matagal na raw pinag-uusapan i






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.