author-banner
Miss Ching
Miss Ching
Author

Novels by Miss Ching

A CEO FOR MOM

A CEO FOR MOM

Nag-post ng “husband application” online ang genius baby na si Eli dahil gusto niyang muling sumaya ang kaniyang mommy. At ang sumagot? Si Damon Vale—ang pinakamakapangyarihang CEO sa bansa. Ang tunay niyang daddy… at ang lalaking minsang nagwasak sa puso ng kaniyang mommy. Fake Marriage. Secrets. Betrayal. Forgiveness. Sa larong inumpisahan ng kanilang munting baby matchmaker, sino kaya ang unang matatalo? Dahil kapag si baby na ang cupid… imposibleng hindi mahulog sa pag-ibig.
Read
Chapter: The Trap
KABANATA 38Hindi na nagsayang ng oras si Damon pagkatapos ng pag-uusap nila kay Veronica. Sa loob ng opisina ng mansyon sa Tagaytay, magkaharap silang muli ni Jesza sa harap ng laptop. Ang mga bagong dokumento na ibinigay ng kanyang ina ay nakalatag sa lamesa. Malinaw ang bawat pirma ni Atty. Manuel. Ang taong itinuturing nilang huling takbuhan at pinagkakatiwalaang kaibigan ng pamilya Torres ay siya palang may hawak ng patalim.“Paano niya nagawa ito kay Papa?” mahingang tanong ni Jesza, nakatitig sa screen habang hawak ang kanyang sentido. “Siya ang nag-ayos ng lahat ng legal na papeles namin nang magtago kami sa probinsya. Alam niya ang bawat galaw ko.”“Dahil doon niya mas madaling nakokontrol ang sitwasyon, Jesza,” malamig ang boses ni Damon. Umayos siya ng upo at mabilis na nag-type sa keyboard. “Ginamit niya ang tiwala niyo para siguraduhing hindi lalabas ang totoong ebidensya. Pero nagkamali siya ngayon.”“Anong plano mo, Damon?”Tumingin si Damon sa kanya nang may tindi ng d
Last Updated: 2026-06-21
Chapter: A Mother’s Regret
KABANATA 37Tahimik ang loob ng malaking silid-aklatan ng mga Vale. Ang tanging naririnig ay ang mahinang lagutok ng kahoy sa sahig sa bawat hakbang nina Veronica at Jesza. Pumasok sila nang magkasama, ngunit nanatiling nakatayo si Damon sa may pinto. Nakasandal ang kanyang likod dito, nakakuyom ang mga kamao, at matalas ang tingin sa kanyang ina.“Damon, iniwan ko ang mga bodyguard ko sa labas,” mahinahong sabi ni Veronica habang tinatanggal ang kanyang mamahaling coat. “Gusto kong kausapin si Jesza nang kami lang dalawa. Pwede ka bang lumabas muna?”“Hindi ako aalis, Mama,” mabilis na sagot ni Damon. “Anoman ang sasabihin mo sa kanya, dadaan sa akin.”Tumingin si Jesza kay Damon. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil. “Damon, okay lang. Hayaan mo muna kaming mag-usap. Bantayan mo si Eli sa labas.”Nag-aalangan si Damon. Tinitigan niya si Jesza, tila naghahanap ng kasiguruhan. Nang tumango ang dalaga, huminga siya nang malalim. “Nandito lang ako sa labas ng pinto. Isang s
Last Updated: 2026-06-21
Chapter: The Future Mrs. Vale
KABANATA 36Malamig pa rin ang simoy ng hangin sa Tagaytay, ngunit sa loob ng pribadong resthouse ni Damon, nag-aanyaya ang init ng mga ilaw. Pagkatapos ng sunod-sunod na araw ng pagtatago at pag-iimbestiga, nagpasya si Damon na oras na para harapin ang pamilya. Hindi ang media, hindi ang mga kaaway, kundi ang sarili niyang mga kamag-anak.Nagpatawag siya ng isang pribadong hapunan. Dumating ang ilang pinagkakatiwalaang tiyuhin, tiyahin, at pinsan ni Damon. Ang mga miyembro ng pamilya na hindi direktang kasama sa pamamahala ni Veronica ngunit may malaking impluwensya sa pangalan ng pamilya.Nakatayo si Jesza sa harap ng malaking salamin sa kwarto. Inaayos niya ang kanyang simpleng kulay asul na dress. Nanginginig pa rin ang kanyang mga daliri.“Masyado ba ‘tong simple?” tanong ni Jesza nang makita ang repleksyon ni Damon na pumasok sa kwarto.Lumapit si Damon mula sa likod at ipinatong ang kanyang mga kamay sa mga balikat ng dalaga. Iniyuko niya nang bahagya ang kanyang ulo para bumul
Last Updated: 2026-06-20
Chapter: The Truth About Celeste
KABANATA 35Hindi na halos nakatulog si Damon matapos ang defensive strike ng paa ni Eli kagabi. Pagdating ng alas-otso ng umaga, ligtas silang nakarating sa isang pribado at tago na property ng mga Vale sa Tagaytay. Ang backup security team ni Damon ang nagmaneho para sa kanila. Safe at malayo sa ingay ng media ang lugar. Habang si Tita Lordes at Eli ay abala sa pag-ikot sa malawak na hardin, nanatili sina Damon at Jesza sa loob ng malaking sala.Nakatitig si Jesza sa kanyang singsing habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik ang paligid, ngunit alam niyang may isang malaking tinik pa ang nakasaksak sa kanyang puso mula sa nakaraan.“Damon,” tawag ni Jesza habang ibinababa ang tasa. “Kung totoo ang lahat ng nasa file... paano si Celeste? Paano ’yung mga nakita ko noon?”Humarap si Damon sa kanya mula sa tabi ng bintana. Bago siya makasagot, narinig ang tunog ng isang sasakyan na huminto sa labas ng mansyon. Isang mamahaling puting sedan ang pumarada.“Mismong siya ang sasagot sa tano
Last Updated: 2026-06-19
Chapter: One Room, One Bed
KABANATA 34Hindi na mapakinabangan ang sasakyan. Usok na lang ang lumalabas sa makina nito habang ang itim na SUV sa malayo ay nananatiling nakahinto, pinapakiramdaman sila. Alam ni Damon na hindi sila pwedeng manatili sa gilid ng highway. Mabilis niyang tinawagan ang kanyang personal security team gamit ang isa pang backup phone para magpadala ng susundong sasakyan.“Sir, aabutin po ng tatlo hanggang apat na oras ang team bago makarating diyan dahil sa matinding traffic sa exit ng expressway,” ulat ng kanyang security head sa kabilang linya.“Bilisan niyo,” maikling utos ni Damon bago ibaba ang tawag.Tumingin siya sa paligid. May nakita siyang maliit at medyo lumang signboard ilang daang metro mula sa kanilang pwesto: Highway Oasis Inn. Ito lang ang tanging establisyimento sa gitna ng desyertong daan na ito.“Damon, anong gagawin natin?” tanong ni Jesza, yakap-yakap pa rin si Eli na medyo nanginginig na dahil sa takot. Si Tita Lordes naman ay nakasandal sa gilid ng kotse, hawak ang
Last Updated: 2026-06-19
Chapter: The Enemy Watching Them
KABANATA 33Naging mabigat ang katahimikan sa bakuran matapos umalis ni Mang Jose. Parang nawalan ng hangin si Jesza. Napahawak siya sa magkabilang balikat ni Damon upang mapanatili ang sarili sa pagtayo. Ang mga salita ng matanda ay paulit-ulit na umuugong sa kanyang isipan.“Pinatay siya.”Hindi aksidente ang pagkawala ng kanyang ama.“Jesza, huminga ka ng malalim. Nandito ako,” bulong ni Damon. Mahigpit ang hawak niya sa baywang ng dalaga.“Damon... alam nila,” basag ang boses ni Jesza. Tumingin siya sa paligid ng tahimik na kalsada ng probinsya. Bigla siyang nakaramdam ng tindi ng takot. Ang mga puno ng mangga na kanina ay nagbibigay ng lilim ay tila ba nagtatago na ngayon ng mga mata ng kaaway.“Sshh. Hindi ko hahayaang may mangyari sa inyo,” seryosong sagot ni Damon. Ang kanyang mga mata ay matalas na sumusuri sa bawat sulok ng paligid.Sa ibaba nila, pinulot ni Eli ang kanyang asul na notebook mula sa damuhan. Seryoso ang mukha ng bata, ngunit bakas sa kanyang malalaking mata n
Last Updated: 2026-06-18
The CEO’s Secret Heir

The CEO’s Secret Heir

Nang tawagin ng isang bata si Lucien Cortez na “Papa,” nabasag ang limang taong lihim. Pinili ni Althea Reyes na itago ang bunga ng isang gabing pagkakamali. Para sa kanya, sapat nang manatili sa mundong tahimik at malayo sa lalaking hindi niya kailanman naging bahagi. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa mansyon ng mga Cortez at muling nagkrus ang landas nila. Hindi siya maalala ni Lucien. Ngunit hindi rin niya magawang iwasan ito. Habang unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang mabunyag na ang alaala ni Lucien ay unti-unting nawawala kasama ang anumang koneksyon niya kay Althea. At sa gitna ng pagkalimot, may isang bagay na nananatili. Isang damdaming hindi niya maipaliwanag ngunit hindi rin niya kayang bitawan. Kapag ang alaala ay tuluyang nawala, sapat pa ba ang damdamin para manatili ang pag-ibig?
Read
Chapter: Kabanata 13
Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Last Updated: 2026-05-16
Chapter: Kabanata 12
Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa
Last Updated: 2026-05-14
Chapter: Kabanata 11
ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: Kabanata 10
LUCIEN’s POV ​Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. ​Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” ​Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. ​“Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: Kabanata 9
ALTHEA's POV, Year 2026 (BACK TO PRESENT) ​Kung mayroon mang pagkakataon na gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay lamunin na lang ako ng lupa nang buhay, ito na ‘yun. Ito na ang sandaling ‘yun. ​Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang ingay ng mga kasambahay na kanina ay parang mga bubuyog sa bulungan ay biglang naglaho. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na parang sasabog na sa kaba. Dalawang letra lang ang binanggit ni Aeron, pero pakiramdam ko ay isang malaking bomba ang sumabog sa gitna ng mansion nina Lucien Cortez. ​“Papa!” ​Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ng anak ko sa pandinig ko. Nakita ko kung paano natigilan si Lucien. Ang kaniyang malamig at seryosong mukha ay saglit na nabasagan ng emosyon ng pagkalito, gulat, at isang bagay na hindi ko mabasa. ​“Aeron!” sa wakas ay nabawi ko ang boses ko. ​Mabilis akong kumilos. Sa sobrang taranta, halos madapa ako malapitan lang ang anak ko. Hinila ko siya palayo kay
Last Updated: 2026-05-11
Chapter: Kabanata 8
Simula nung marinig ko ang Cortez Mansion, naging paborito ko na ang kanta ng mga alarm clock. ’Yung tipong nakakagulat at nakaka-stress. Buong linggo akong hindi mapakali. Para akong nakalunok ng buhay na isda na pilit kumakawala sa tiyan ko. Tutuloy ba ako o hindi?Kung tutuloy ako, para akong pumasok sa lungga ng leon na may bitbit na steak. Pero kung hindi naman, paano ang gatas at future ni Aeron? Ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap maging mahirap na may itinatagong bilyonaryong sikreto.Siyempre, tinawagan ko ang kaisa-isa kong consultant sa mga maling desisyon sa buhay.Si Kyle.“Bakla, ’wag kang tanga! Triple pay ’yun! Triple! Ibig sabihin, yung diaper ni Aeron, pwedeng may Swarovski crystals na!” sigaw niya sa kabilang linya.“Kyle, hindi mo kasi naiintindihan. Mansion ’yun nina Lucien! Paano kung magkita kami? Paano kung makilala niya ako? At paano si Aeron?”“Eh ’di aminin! Bes, destiny na ang lumalapit sa ’yo, tinatanggihan mo pa. Ipakilala mo na kasi ang bata para
Last Updated: 2026-05-10
You may also like
REBORN: Gemini
REBORN: Gemini
Romance · KY TAINE
11.2K views
Mark me, I'm yours!
Mark me, I'm yours!
Romance · S.Kyoko
11.2K views
He Wants Me
He Wants Me
Romance · John Harrison
11.2K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status