author-banner
Mesarthim
Mesarthim
Author

Novels by Mesarthim

Mistress Wins His Heart

Mistress Wins His Heart

Sa mata ng lahat, si Mishaela ang walang-hiyang kabit na subok sumisira sa perpektong pagsasama ng bilyonaryong si Malachi at ng asawa nitong si Lavena. Araw-araw niyang tiniis ang pangmamaliit ng mga magulang ni Malachi at ang pagpapahiya sa kanya sa publiko. They call her a shameless místress, a gold-dígger, and a hómewrecker. Pero kahit anong gawin nilang pagtataboy, hindi nila maintindihan kung bakit laging si Mishaela ang pinipili at pinoprotektahan ni Malachi. Nang magpadala si Lavena ng lalaking sisira sa reputasyon ni Mishaela, akala nila katapusan na niya. Hindi nila alam, may malaking sikretong nakatago, at ang babaeng tinatawag nilang místress ang may hawak ng alas na sisira sa kanilang lahat.
Read
Chapter: Chapter 6: Mission
Mishaela's point of view "Anong kaguluhan ito?!" Dumagundong ang matinis na boses ni Donya Victoria habang mabilis na naglalakad palapit, kasunod ang nakakunot-noong si Don Rafael. Pagkakita pa lang nila kay Lavena na mukhang basang sisiw at tadtad ng mantsa ng red wine ang mukha at dibdib, nanlaki agad ang mga mata ng matanda. "Mom! Dad!" agad na humagulgol si Lavena, sabay turo sa akin gamit ang nanginginig at malagkit niyang daliri. Tsk. Drama queen talaga ang babaeng 'to. Ano bang nakikita ng mga magulang ni Malachi at gustong-gusto nila ang bruhang 'to? "Si Mishaela! Sinadya niya akong itulak para matapon sa akin ang wine ko! Pinapahiya niya ako sa harap ng mga bisita!" "Wala kang kahihiyan!" sigaw ni Donya Victoria, sabay harang sa daraanan ko. Tiningnan niya ako nang may matinding pandidiri mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na nakuntento sa pagsira sa pamilya namin, ngayon naman ay nananakit ka na?! Security! Palabasin niyo ang hampaslúpang babaeng 'to!" Napangisi lang ako
Last Updated: 2026-11-24
Chapter: Chapter 5: Shameless
Mishaela's point of view Huminga ako nang malalim bago bumaba mula sa balcony. Tapos na ang drama ko sa itaas. Kung akala ni Lavena ay magmumukmok lang ako sa sulok habang nagpapakasasa siya sa pekeng titulo niya, nagkakamali siya.Pagpasok ko sa malawak na main hall, agad akong nagtungo sa cocktail bar para kumuha ng sparkling water. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng midnight-blue satin dress, hindi kasing-garbo ng red gown ni Lavena, pero sapat naman na para magmukha akong disente at hindi mukhang desperada sa atensyon.Pero syempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang bubuyog na lalapit."Well, well, well... look who decided to crawl out of the shadows," sabi ng matinis na boses mula sa likuran ko.Paglingon ko, naroon na si Lavena, may hawak na naman na baso ng red wine, habang nakasunod sa kanya ang dalawang socialite friends niya na pare-parehong nakataas ang kilay. Tsk. Ang pangit talaga lagi ng dating niya.Inilapag ko nang marahan ang baso ko sa bar counter, saka tiningn
Last Updated: 2026-11-16
Chapter: Chapter 4: Banquet
Mishaela's point of view Isang linggo ang lumipas, ngunit para bang ang bawat araw ay may bitbit na mabigat na bakal sa aking dibdib. Ngayong gabi ang napakalaking corporate anniversary banquet ng Ventura Group, isang mandatory, high-profile event kung saan sapilitang pinapapunta ang bawat miyembro ng pamilya at ang kani-kanilang mga asawa para magpanggap na magkaisa sa harap ng daan-daang press.Bago pa man kami humakbang palabas ng VIP lounge patungo sa nagniningning na red carpet, naramdaman ko na ang panlalamig ng aking mga kamay. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pangamba, dalawang pamilyar at mainit na kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.Napalingon ako at nakatayo na roon sina Lolo Alejandro at Lola Carmen. Ang mukha ng lolo ay puno ng matinding pag-aalala, habang ang mga mata ni lola ay nangingilid ang luha."Mishaela, apo ko..." basag ang boses na tawag ni Lola Carmen habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga daliri ko. "Alam namin... alam naming napakabigat at
Last Updated: 2026-11-16
Chapter: Chapter 3: Deserve
Mishaela's point of view "Dalawang taon na tayong kasal, Mishaela," mariing panimula ni Malachi at may halong bigat pa ang boses. "Two years since we signed that marriage contract in front of Grandpa and Grandma. Legal na legal 'yun. Nakarehistro pa nga sa gobyerno. Ikaw lang ang nag-iisang Mrs. Ventura." Binaba ko ang kutsara ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam ko, Chi. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon." "Pero tignan mo ang nangyayari," mapait siyang ngumiti, bakas ang frustration sa mga mata niya. Hinahagod ko lang ng tuluyan ang kamay niya. Ganito na siya kapag nag-rarant. "Ano ba 'yang marriage certificate na ipinagmamalaki ni Lavena sa media? It's a complete fake. Gawa-gawa lang naman nina Dad at Mom para linlangin ang publiko at maikasa ang merger sa kumpanya ng pamilya ni Lavena. They forged signatures, bribed officials, lahat na lang ginawa nila para lang magmukhang siya ang legal wife." "At alam kong hindi mo sila pinapatulan dahil may mas malaki
Last Updated: 2026-11-16
Chapter: Chapter 2: Penthouse
Mishaela's point of view "Sweetheart..." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag ni Malachi, puno rin 'to ng pag-aalala at galit na pinigilan niya kanina pa. Agad niyang binitawan ang pulso ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mainit ang mga palad niya kumpara sa nanlalamig kong mukha. "Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Did my mom touch you?" sunod-sunod niyang tanong, habang sinusuri ng mga mata niya ang bawat pulgada ng mukha ko na parang chine-check kung may galos ako. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng kimi sa kanya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag. "I'm fine, Chi. Wine lang 'to. Hindi naman umabot 'yung sampal ng mama mo." "Damn it," mahinang mura niya, sabay pikit nang mariin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, pinapakalma ang sarili. "I told you to wait for me in the car. Dapat hindi ka na bumaba mag-isa. Seeing them humiliate you like that in front of everyone... ku
Last Updated: 2026-11-16
Chapter: Chapter 1: Gala
Mishaela's point of view Nanginginig ang dulo ng mga daliri ko habang nakahawak sa strap ng clutch bag ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng Grand Imperial Ballroom, at sa bigat ng mga matang nakatitig sa akin mula pa nang tumapak ako sa red carpet. Suot ko lang ang isang simpleng cream-colored midi dress. Sa gitna ng mga babaeng balot ng mamahaling alahas at couture gowns, nagmumukha akong ligaw na pusa na nakapasok sa palasyo ng mga leon. "Excuse me, coming through," mahinang sabi ko habang umiiwas sa mga waiter na may bitbit na champagne flutes. Kailangan ko lang maibigay itong velvet box sa organizer ng charity auction at makaalis na bago pa lumala ang sakit ng ulo ko. Pero bago pa ako makalapit sa main stage, isang matinis na boses ang pumunit sa mahinang tugtog ng orchestra. "How dare you show your face here?!" Splash. Napasinghap ako nang bumuhos ang malamig at malagkit na red wine mula sa balikat ko pababa sa dibdib ng cream d
Last Updated: 2026-11-16
You May Also Like
TWISTED
TWISTED
Romance · SEENMORE
24.0K views
IMITATION.
IMITATION.
Romance · MISS GING.
24.0K views
ONE NIGHT STAND WITH A CEO
ONE NIGHT STAND WITH A CEO
Romance · MissThick
23.9K views
Marahuyo
Marahuyo
Romance · Janebee
23.9K views
Mommy Nanny
Mommy Nanny
Romance · pariahrei
23.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status