Chapter: Chapter 19Matapos ang naging sagutan namin ni Eleanor ay mabilis siyang nag-martsa paalis ng bahay. Lumabas naman si Shan mula sa kusina at may bitbit na juice at sandwich. At talagang pumili pa ng mamahaling pagkain ang higad na iyon. "Nasaan na ang maarteng babae, ate? Nandito na ang hiniling niya. Umutang pa ako ng pera kay Ate Lea" Para akong nanggagalaiti sa narinig. Ang lakaw ng loob niyang humiling ng malaki gayong halos masuka na siya sa pandidiri sa aming bahay."Umuwi na. Sana hinayaan mo na lang siyang mamatay sa gutom"Nakakainis. Marahil siya ang gumawa ng paraan upang matanggal sa listahan ng mga honor ang kapatid ko."Sino siya, ate? Bakit sinabi niya kanina inagaw mo si Kuya Maverick? Totoo po ba iyon? Totoo din po ba na may relasyon din kayo ni Mr. Melchor? Kaya ba kayo nag-usap kanina?" sunud-sunod niyang tanong.Aba't! Iba din talaga ang tama ng babaeng iyon. Ginawa na nga akong mang-aagaw, ginawa pa akong kerida ng ama ng asawa ko. Anong paninira pa ba ang gagawin niya upa
Last Updated: 2026-09-27
Chapter: Chapter 18Tahimik lang ako habang kaharap ko si Mr. Melchor. Pinauna ko na ang kapatid ko dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. "Anong gusto mong pag-uusapan?" walang emosyon kong tanong. "Tungkol sa tatay mo" Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako. "Kung tungkol sa mga magulang ko, ayaw kong makipag-usap" Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Mr. Melchor. "Hindi inagaw ng nanay mo si Erwin" Para akong napako sa kinatayuan. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ulit ako sa harap niya. Wala munang nagsalita sa amin nang ilapag serbidor ang aming pagkain. "Ikuwento mo ang lahat ng pwede kong malaman" sabi ko habang sinubo ang inorder niyang steak para sa'kin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang mag-kuwento. Lumingon siya sa paligid, parang sinisiguro kung may makakarinig ba sa amin. "Bago palang tumuntong ng labong-walo si Theresa ay nakatakda na siyang ikasal sa ana
Last Updated: 2026-09-26
Chapter: Chapter 17"Ate Lea, maraming salamat po talaga at pumayag kayong samahan si nanay dito. Nag-aalala na ho kasi kami kay nanay. Tahimik pa rin" Humiling ako sa kapitbahay naming si Ate Lea na bantayan muna si nanay habang nasa paaralan kami. Natatakot ako na kapag mag-isa lang siya dito ay may mangyayaring masama sa kaniya. "Ano ka ba. Wala iyon, Shaira. Nag-aalala na rin ako diyan kay Manang Sherly" mula sa akin ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shan na tahimik lang sa tabi. "Malugod na pagbati sa'yo, iho" Tumango lang si Shan. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin. Hindi naman ako nanunumbat. Sa katunayan nga, desisyon ko ito sa hangad na mapaganda ang aming buhay. Hindi ko naman alam na magiging ganito pala ang lahat. Hindi ko pa nga natatanong kay nanay ang gumugulo sa isipan ko. Wala akong puso na magtanong sa kaniya. Lalo pa ngayon na parang may dinaramdam siyang malaking problema. Gusto ko man siyang damayan ay hindi ko muna ginawa. Hihintayin kong siya
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Chapter 16Mahirap makalimot lalo na kung ang taong iniiwasan mo ay palaging nagpapakita sa'yo. Halos araw-araw sumusulpot si Maverick sa bahay. Nagdadala ng kung ano-ano. Kahit anong gawin kong pagtulak sa kaniya at nanatili siyang matatag. Nag-aalala na nga ako sa trabaho niya bilang CEO ng kanilang kompanya na ngayon ay pagmamay-ari na niya. "Hayaan mo muna akong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal, Shai" pagmamaktol niyang nang pauwiin ko siya. "Babagsak ang kompanya niyo kung hindi ka babalik doon" malamig kong saad. Binalita ni Kyla sa akin noong nakaraang linggo na marami siyang tinanggal na trabahanta. Lahat daw ng employees ay natatakot sa kaniya. Takot na sila dati pa, iyon ang napapansin ko. Ngunit base sa ibinalita ni Kyla, parang lumala ang pagiging strikto ni Maverick. Maging si Kyla ay natatakot ng magkamali. "Mahihintay ako ng trabaho, Shaira. Ayokong maghintay pa ng ilang araw bago kita suyuin, baka mawala na ang pagmamahal mo sa'kin" Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong
Last Updated: 2026-09-25
Chapter: Chapter 15Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang nakasakay sa kotse ni Maverick. Kinakabahan ako baka may nangyari ng masama sa nanay ko. Sa likod nakaupo si Shan na pilit pino-proseso ang pangyayari.Nang dumating si Maverick sa bahay namin kanina ay mabilis niya akong hinalikan sa labi na ipinagtaka ng kapatid ko. Napilitan kaming sabihin sa kaniya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kinailangan ko pa daw isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Ngunit sinisiguro ko naman sa kaniya na masaya ako para hindi na siya mag-alala pa. Ngunit hindi yata ito tanggap no Shan.Napabuntong-hininga na lang ako. Matatanggap pa rin niya ito kalaunan. Sa ngayon ay hayaan ko muna siyang mag-isip. Unahin ko muna si nanay. Baka nagugutom na siya o di kaya ay nilalamig. Sana walang nanakit sa kaniya. Hindi ko maiwasang ipagdasal ang kalagayan ng nanay ko. Nasaan man siya ngayon sana ay ligtas na siya. At sana mahanap na namin siya."Huwag kang mag-ala
Last Updated: 2026-09-24
Chapter: Chapter 14Ilang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako ma-discharge. At sa lahat ng araw na iyon ay hindi ko nakita si Maverick. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Ngunit tumatak sa isip ko ang huli niyang sinabi bago siya lumabas sa kwarto ko.Kaya niya bang talikuran ang mama niya para sa'kin? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan ako, lalo pa't mahal na mahal ko ang aking nanay. Kaya kung pinagsisihan man niya ang sinabi niya ay ayos lang sa'kin. Hindi ko rin naman gustong magalit ang mga magulang niya dahil lang sa'kin.Ngayon ang discharge ko kaya lubos akong natuwa. Paglabas ko dito ay sisiguruhin kong makakahanap ako ng panibagong pagta-trabahuan. May ipon naman ako ngunit hindi naman pwedeng aasa lang kami dito. Hindi ko sasabihin kay nanay dahil hindi niya ako papayagan, lalo na sa sitwasyon ko ngayon."Nabayaran na pala ang bills natin? Sinong nagbayad?" takang tanong ko.Sa pagkakaalam ko, malaki ang bayarin ko dito sa hospital lalo pa't nasa private room a
Last Updated: 2026-09-24