LOGINBilang panganay at haligi ng kanilang pamilya, buong pusong isinakripisyo ni Shaira Chavez ang sariling mga pangarap upang maitaguyod ang kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran, tinanggap niya ang alok ng kilalang negosyanteng si Maverick Arañez—isang lalaking mayaman, seryoso, at kilala bilang malupit na CEO. Hindi niya namamalayan na unti-unting namumuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa. Isang pag-ibig na hindi maaaring ipagsigawan sapagkat malayo ang agwat ng kanilang buhay. Sa mundong puno ng lihim, kapangyarihan, at bawal na damdamin, hanggang kailan nila maitatago ang pag-ibig na hindi dapat malaman ng iba?
View MoreLunes na nang makabalik kami sa penthouse ni sir. Iyon ay dahil gusto pa nilang manatili sa bahay noong linggo. Bumalik sa normal ang lahat, maliban sa naging sweet at bukas kami sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-agahan ay gumayak na kami papuntang office. Nakasalubong namin si Kyla na may nanunuyang tingin.
"Over naman sa hangover. Buong weekend talaga kayong wala?" umirap siya bago kami talikuran. "Akala ko pumasok ka noong sabado?" tanong ko kay sir na tahimik lang papasok sa office. "Na-miss kita, eh. Anong magagawa ko?" depensa niya. "Pwede mo naman akong I-text na lang. Hindi mo naman kailangang umabsent" umismid ako. "Hindi ka nga nagre-reply kaya pinuntahan na kita" parang batang tampo niya. Inismiran ko na lang siya upang itago ang kilig. Kung dati ay naka-pokus lang siya sa kaniyang laptop. Ngayon naman ay halos hindi na siya mag-trabaho kakatitig sa akin. "Hindi naman ako mawawala, sir" umismid lang ako. "Gusto kong titigan ka" "Bakit? Ako ba ang trabaho mo?" "No. Pero ang titigan ka ay nakakayaman" banat niya. Inirapan ko siya. Kailan pa siya natutong bumanat? Narinig ko ang halakhak niya kaya mas lalo akong nainis. Nakakainis dahil gusto kong pakinggan ang tawa niya buong hapon. "Ang cute mo pa lang magsungit. If only I know, sana dati pa kita inaasar" tumawa pa siya ng malakas. "Ang landi mo, Sir" "Pwede ba huwag mo ako tawaging sir? Nakaka-insulto sa relasyon natin" masungit niyang pahayag. "Babe na lang!" Tumawa lang ako sa pagmamaktol niya. Para siyang bata na hindi binilhan ng ice cream. Nagpatuloy ang araw na nag-uusap lang kami habang nagta-trabaho. Pinag-uusapan din namin ang nangyari sa amin. Kinu-kwento niya ang naganap nang gabing iyon kaya naiinis ako sa sobrang hiya. "Kamatis ka ba?" untag ni Kyla sa akin. Nandito kami sa pantry kumakain. Nang matapos I-kwento ni Maverick ang nangyari ay lumabas ako dahil nahihiya ako ng sobra. Hindi ko alam kung paano siya haharapin mamaya. "Napano ka? Kumain ka ba ng sili? Sobrang pula ng mukha mo" "Hindi. Wala to. Basta. Kumain ka nalang" mahigpit kong hinawakan ang kutsara. "Weird. Diyan ka na nga" iniwan niya akong namumula pa rin ang mukha. Nanatili lang ako sa pantry hanggang mag-alas singko. Pinagtitinginan na ako ng ibang workers dahil hindi man lang ako umalis. Para akong naka-super glue sa sobrang dikit ko sa upuan. Dito lang ako nagpapalipas-oras. Alas sais na nang kaniya-kaniya nang uwi ang mga employees. Nadatnan din ako ni Kyla nang nagtimpla siya ng kape ni sir. "Nag-away ba kayo?" tanong niya habang hinihintay kumulo ang tubig. "Hindi" simpleng tugon ko. "Okie. Sabi mo eh" Paano ko sasabihin sa kaniya na may nangyari sa amin ni Maverick pagkatapos naming mag-inuman sa bar? Ang alam niya lang ay personal assistant lang ako. Alam ko namang may ideya na siya sa relasyon namin pero hindi pa rin sapat 'yon. "Mag-o-overtime ka ba?" sa halip ay tanong ko sa kaniya. "Oo, sasabay ka ba?" "Wala naman dito ang trabaho ko" tinawanan niya lang ako sa naging sagot ko. Muli niya akong iniwan doon. Naghihintay sa wala. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nakaupo doon. Wala ng ibang tao na dumaan doon. Maya-maya pa ay nakita ko na si sir papalapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpanggap na lang akong hindi siya nakita. "Sa labas na lang tayo kakain, Shai. Late na para magluto ka pa" hindi ako umimik. "Sorry for making you wait" Hindi pa rin ako lumilingon. Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Forget it. Tara na. I'm hungry" Ang siraulo ay iniwan lang ako. Naiinis na tumayo ako at sumunod sa kaniya. Sa labas lang kami kumain para hindi na raw ako mapapagod. Gabi na rin kasi. Mapayapa kaming kumain ni Maverick nang biglang umeksena ang babaeng pinagselosan ko. Dumating si Eleanor kasama ang may edad ng lalaki. Sa palagay ko daddy niya ang kasama niya dahil na rin sa hawig nilang mata ang ilong. "Mave? Oh my gosh, Mave!" tili ng babae. "Mr. Arañez, long time no see" bati ng lalaking kasama ni Eleanor. Pinanood kong tumayo si Maverick at nakipagkamayan sa lalaki. "It's been a long time, Mr. Villafuerte. How's business?" balik na bati niya dito. "We're rising" pagmamayabang ni Mr. Villafuerte. "Oh, what a news" Tumingin sa akin ang lalaki. May kakaiba sa kaniyang ngiti, parang nanunuya. "Osya! Maiwan na namin kayo ng date mo" Hipokrito. Nababasa ko sa mga mata niya na napipilitan lang siyang sabihin iyon. Siguro, gusto niyang kay Eleanor lang si Maverick. Napatingin ako sa galit na mukha ng babae. "Dad! Mave will only date me. Not some lowclass gold digger" umirap siya. Sabi na eh. Noong nakita ko siya sa office ni Maverick, ramdam ko ng may iba sa pagkatao niya. Lowclass ako? Eh ano naman kung mahirap kami? Mayaman kami sa pagmamahal kaya hindi na namin kailangan ng maraming pera. At anong sinasabi niyang gold digger ako? Totoong pumayag ako sa gusto ni Maverick para sa pera. Pero ngayon, mahal ko na si Maverick. Hindi pera ang dahil kung bakit ako nanatili sa kaniya. Kung may nakukuha man akong pera mula sa lalaki, iyon ay dahil nagta-trabaho pa rin ako sa kaniya kahit mag-asawa na kami. Pinaghirapan ko ang lahat para sa pamilya ko. "Eleanor!" sita ng daddy niya. "What? Totoo naman diba? She's a gold digger. Right, Mave?" Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kaniya. Tumayo ako at humarap kay Eleanor nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. "Alam mo, kung hindi ka gusto ng isang lalaki, hayaan mo na. Huwag kang gagawa ng isang negatibong bagay na magbibigay-dumi sa iyong pagkatao. Hindi mo kailangang insultuhin ang babaeng kasama ng nagugustuhan mo. Huwag mong ibaba ang iyong dignidad, mas lalo ka niyang ayawan" kalma lang ang pagkakasabi ko. "Huwag mo akong pangaralan!" "Nasa iyo na iyan kung makikinig ka o hindi. Tinutulungan lang kita na buksan ang iyong isipan" "I don't care!" Mabibigat ang paa na lumabas siya ng restaurant. Tahimik lang si Maverick na mas nagpapainis sa'kin. "Hindi ka man lang nagsasalita" inis kong ani. Kasi naman! Sino bang matutuwa sa ganon? Ini-insulto na ako't lahat, pero tahimik pa rin siya. Ano? Gusto niya rin ba ang babaeng higad na iyon? Edi magsama sila. "Sorry" halos bulong niyang aniya. Tahimik kaming lumabas ng kainan at umuwi sa kaniyang penthouse. Agad akong pumasok sa kwarto. Hindi ko siya pinansin nang tawagin niya ako. Umiiyak ako habang naligo. Isang oras akong nakababad sa ilalim ng shower bago ko naisipang lumabas. Gusto kong magpahangin para naman maibsan ang galit sa puso ko. Kumuha ako ng jacket at isinuot iyon. Bumaba ako at agad na nagtungo sa playground malapit sa building. Umupo ako sa swing. Hindi naman masyadong madilim dito dahil sa liwanag mula sa kalsada at may inilagay din silang yellow light paikot sa buong playground. Nagmumuni-muni lang ako nang biglang may umupo sa kabilang swing. Kinakabahan ako dahil sa mga napanood kong movies, ganito ang senaryo bago may nangyayaring murder. "Sorry" Agad kong nakilala ang boses ng nagsasalita. Paano niya nalamang nandito ako? Nung lumabas naman ako ay hindi ko siya nakita. "Sana pinagtanggol kita. Natakot lang talaga ako dahil alam kong palaging may nakasunod na media sa pamilyang iyon. Natakot akong masira ang pangalan ko. Sorry" Iyon pala ang dahilan niya. Sana sinabi niya sa akin agad. Maiintindihan ko naman ang dahilan niya. "Ito oh. Peace offering ko" Ngumiti ako nang makita ang milktea. Parang bula na nawala agad ang inis ko. Alam na alam niya kung paano alisin ang galit sa puso ko.Matapos ang naging sagutan namin ni Eleanor ay mabilis siyang nag-martsa paalis ng bahay. Lumabas naman si Shan mula sa kusina at may bitbit na juice at sandwich. At talagang pumili pa ng mamahaling pagkain ang higad na iyon. "Nasaan na ang maarteng babae, ate? Nandito na ang hiniling niya. Umutang pa ako ng pera kay Ate Lea" Para akong nanggagalaiti sa narinig. Ang lakaw ng loob niyang humiling ng malaki gayong halos masuka na siya sa pandidiri sa aming bahay."Umuwi na. Sana hinayaan mo na lang siyang mamatay sa gutom"Nakakainis. Marahil siya ang gumawa ng paraan upang matanggal sa listahan ng mga honor ang kapatid ko."Sino siya, ate? Bakit sinabi niya kanina inagaw mo si Kuya Maverick? Totoo po ba iyon? Totoo din po ba na may relasyon din kayo ni Mr. Melchor? Kaya ba kayo nag-usap kanina?" sunud-sunod niyang tanong.Aba't! Iba din talaga ang tama ng babaeng iyon. Ginawa na nga akong mang-aagaw, ginawa pa akong kerida ng ama ng asawa ko. Anong paninira pa ba ang gagawin niya upa
Tahimik lang ako habang kaharap ko si Mr. Melchor. Pinauna ko na ang kapatid ko dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. "Anong gusto mong pag-uusapan?" walang emosyon kong tanong. "Tungkol sa tatay mo" Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako. "Kung tungkol sa mga magulang ko, ayaw kong makipag-usap" Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Mr. Melchor. "Hindi inagaw ng nanay mo si Erwin" Para akong napako sa kinatayuan. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ulit ako sa harap niya. Wala munang nagsalita sa amin nang ilapag serbidor ang aming pagkain. "Ikuwento mo ang lahat ng pwede kong malaman" sabi ko habang sinubo ang inorder niyang steak para sa'kin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang mag-kuwento. Lumingon siya sa paligid, parang sinisiguro kung may makakarinig ba sa amin. "Bago palang tumuntong ng labong-walo si Theresa ay nakatakda na siyang ikasal sa ana
"Ate Lea, maraming salamat po talaga at pumayag kayong samahan si nanay dito. Nag-aalala na ho kasi kami kay nanay. Tahimik pa rin" Humiling ako sa kapitbahay naming si Ate Lea na bantayan muna si nanay habang nasa paaralan kami. Natatakot ako na kapag mag-isa lang siya dito ay may mangyayaring masama sa kaniya. "Ano ka ba. Wala iyon, Shaira. Nag-aalala na rin ako diyan kay Manang Sherly" mula sa akin ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shan na tahimik lang sa tabi. "Malugod na pagbati sa'yo, iho" Tumango lang si Shan. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin. Hindi naman ako nanunumbat. Sa katunayan nga, desisyon ko ito sa hangad na mapaganda ang aming buhay. Hindi ko naman alam na magiging ganito pala ang lahat. Hindi ko pa nga natatanong kay nanay ang gumugulo sa isipan ko. Wala akong puso na magtanong sa kaniya. Lalo pa ngayon na parang may dinaramdam siyang malaking problema. Gusto ko man siyang damayan ay hindi ko muna ginawa. Hihintayin kong siya
Mahirap makalimot lalo na kung ang taong iniiwasan mo ay palaging nagpapakita sa'yo. Halos araw-araw sumusulpot si Maverick sa bahay. Nagdadala ng kung ano-ano. Kahit anong gawin kong pagtulak sa kaniya at nanatili siyang matatag. Nag-aalala na nga ako sa trabaho niya bilang CEO ng kanilang kompanya na ngayon ay pagmamay-ari na niya. "Hayaan mo muna akong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal, Shai" pagmamaktol niyang nang pauwiin ko siya. "Babagsak ang kompanya niyo kung hindi ka babalik doon" malamig kong saad. Binalita ni Kyla sa akin noong nakaraang linggo na marami siyang tinanggal na trabahanta. Lahat daw ng employees ay natatakot sa kaniya. Takot na sila dati pa, iyon ang napapansin ko. Ngunit base sa ibinalita ni Kyla, parang lumala ang pagiging strikto ni Maverick. Maging si Kyla ay natatakot ng magkamali. "Mahihintay ako ng trabaho, Shaira. Ayokong maghintay pa ng ilang araw bago kita suyuin, baka mawala na ang pagmamahal mo sa'kin" Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.