Share

Chapter 5

Penulis: Xiakni Aicap_20
last update Tanggal publikasi: 2026-08-24 10:05:07

Gideon Pov

Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.

Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap.

"Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—"

"Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.

Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—"

"Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.

"Pinalitan mo ang DNA test result para ilayo sa akin ang anak ko. Niloko mo ako sa loob ng limang taon! At ngayon, nalaman ko pang may kinalaman ka sa aksidente noon! Kaya simula ngayon, tinatanggalan na kita ng karapatan sa lahat ng ari-arian ng pamilya. Tapos na ang maliligayang araw mo rito."

Namutla si Aurora. Nawala ang pagmamataas sa mukha niya at napalitan ng takot, subalit agad ding napalitan ng masidhing galit. Inihagis niya ang hawak na damit sa sahig at lumapit sa akin nang may nanginginig na daliri.

"Magsisi ka rin sa ginawa mo, Gideon! Pinaparatangan mo ako sa kasalanang hindi ko ginawa!" sigaw niya habang galit na nakaturo sa mukha ko. "Isinusumpa ko, babawiin ko ang lahat ng sa akin! Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Iniwan ko siyang nagsasalita at nagwawala sa loob ng kwarto. Wala na akong pakialam sa mga pagbabanta niya. Ang tanging mahalaga ngayon ay ang malaman ang totoo at makita ang taong matagal ko nang hinahanap.

Bumaba ako agad sa sala kung saan naghihintay si Gab. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Gab, anak," tawag ko, medyo nanginginig ang boses sa halo-halong emosyon. "Sabi mo alam mo kung nasaan ang Mama Kimberly mo. Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan siya ngayon? Kailangan ko siyang makita at makausap."

Tumango si Gab nang may kaseryosohan sa kanyang mukha. Kinuha niya ang maliit niyang lapis at isang papel mula sa bulsa ng bag niya, saka isinulat doon ang isang address.

"Dito siya nakatira ngayon, Papa," sagot ni Gab habang iniabot sa akin ang papel. "Pero... medyo malayo ito. At paminsan-minsan, iba ang pangalan na ginagamit niya." Malungkot na sagot ni Gab sa akin.

Natitigan ko ang address, nakakatiyak akong probinsya iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad kong binuhat si Gab palabas ng mansyon at pinasok sa sasakyan. Walang lingon-lingon kaming umalis habang ang isip ko ay lumilipad na sa lugar na nakasulat sa papel.

Makalipas ang ilang oras na pagbiyahe sa mga kalsadang hindi pamilyar sa akin ay, narating namin ang isang tahimik at simpleng baryo na malayo sa siyudad. Huminto kami sa harap ng isang maliit ngunit maayos na bahay na may mga tanim na halaman sa paligid.

Tumibok nang mabilis ang puso ko. Parang lalabas ito sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Bumaba ako ng sasakyan at inalalayan si Gab. Sabay kaming naglakad patungo sa pintuan ng maliit na bahay. Nanginginig ang kamay ko nang kumatok ako nang ilang beses.

Tok, tok, tok.

Ilang sandali pa, narinig namin ang yabag mula sa loob. Unti-unting bumukas ang p***o, at sa sandaling iyon, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Ang mukha niya... walang pinagbago. Mas lalo lang siyang gumanda, bagaman may bahid ng kalungkutan at pagtataka sa kanyang mga mata. Pero kapansin-pansin din ang ilang peklat sa mapuputi niyang braso.

"Kimberly..." Ang boses ko na halos pabulong, basag at punong-puno ng pagmamahal.

Naiyak ako sa tuwa. Nanginginig ang buong katawan ko habang sinasalubong ang mukha niya. Hindi ito panaginip.

Buhay nga siya! Buhay na buhay ang asawa ko na akala ko ay kinuha na ng langit limang taon na ang lumipas.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong sumugod palapit sa kanya at mahigpit na mahigpit siyang niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya, humihikbi habang isinisigaw ang pangalan niya.

"Kimberly... diyos ko, ikaw nga! Akala ko patay ka na... akala ko wala ka na..." sabi ko habang mas lalo ko pang hinigpitan ang aking yakap, ayaw ko na siyang pakawalan kailanman.

Pero habang yakap-yakap ko siya, napansin ko ang kawalan ng galaw sa katawan niya. Walang yakap na pabalik. Walang pag-iyak na sumalubong sa akin.

Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap para tingnan siya sa mga mata. Pero ang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng pagtataka, takot, at kawalan ng malay.

"S-Sino ka? At bakit mo kasama si Gab?" tanong ni Kimberly, ang boses ay pamilyar pero ang mga mata ay estranghero. "At bakit ka yumakap sa akin? Anong ibig mong sabihin?"

Parang binagsakan ng langit at lupa ang buong pagkatao ko. Napatras ako nang bahagya habang nakatitig sa kanya.

Hindi niya ako kilala. Ang asawang limang taon kong pinagluksa, ang inang nagluwal sa anak naming si Gab... ni hindi na ako natatandaan!

"Honey? Sino ang dumating?" Anang ng isang boses.

Napaatras ako at napalunok nang ilang ulit habang nakatitig pa rin aki kay Kimberly.

Honey? Ibig bang sabihin... may asawa ng iba ang asawa ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 5

    Gideon Pov Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap. "Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—""Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—""Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 4

    Gideon Pov Malalim ang naging paghinga ko habang nakatitig sa puting papel na nakalapag sa ibabaw ng mahogany kong mesa. Ang lamig ng aircon sa opisina ay parang walang epekto sa init ng pakiramdam ko ngayon. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang hinihintay ang tawag mula kay Doktor Navarro.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang matandang doktor. Pero sa halip na ang pamilyar na kalmado nitong mukha ang sumalubong sa akin, ang nakita ko ay ang pamumutla at ang pamamawis ng noo nito. Parang may mabigat na kasalanang pasan-pasan ang bawat hakbang niya papalapit sa akin."Gideon..." mahina nitong tawag habang inilapag ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Nandito na ang resulta."Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ang papel sa loob ng envelope. Agad kong hinanap ang bahagi ng konklusyon. Pero nang makita ko ang nakasulat, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Negative.Hindi ko anak ang bata. Ayon sa opisyal na dokumentong hawak ko, walang m

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 3

    Gideon Pov Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko. "Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko. "Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon." Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo. Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako. "Gideon, nababaliw ka na ba

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 2

    Gideon Pov Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. "Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’ Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan. Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly. Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya. "Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimb

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 1

    Gideon PovPaulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing.. Kaya mo ‘yan, Gideon.Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko."Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid. Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status