Share

Chapter 2

Penulis: Xiakni Aicap_20
last update Tanggal publikasi: 2026-08-24 10:02:44

Gideon Pov

Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil.

"Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’

Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan.

Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly.

Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko.

"Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya.

"Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimberly na kay Kimberly.

Humigpit ang hawak ko sa papel. May sinabi pa siyang hinding-hindi ko inasahang maririnig kanina na buhay si Kimberly.

Paano nangyaring buhay ang asawa ko kung ako mismo ang nagluksa sa libing niya limang taon na ang nakararaan?

Kung totoo man ang sinasabi ng batang ito, ibig sabihin ay may malaking sikreto kaming dalawa na hindi ko kailanman alam.

Bigla akong tumayo. Hindi ko na pinansin ang dumi sa suot kong pantalon. Agad kong kinuha ang telepono sa bulsa ko at tinawagan ang opisina.

"Cancel all my meetings for today," mabilis kong utos sa secretary ko sa kabilang linya nang sumagot ito.

"Wala akong pupuntahan kahit sino. Sarado ang schedule ko ngayong araw. Huwag mo akong abalahin."

Hindi na ako naghintay ng sagot at pinatay ko ang tawag. Ibinaling ko ang tingin ko kay Gab na tahimik lang na naghihintay habang nakapamewang.

"Halika sa loob," seryoso kong sabi habang iniabot ang kamay ko sa kanya.

Kasabay niyon ay sinenyasan ko ang dalawa kong bodyguard at driver na sila na ang bahala sa sasakyan ko.

Nag-atubili muna si Gab nang ilang segundo bago abutin ang kamay ko. Ang liit at ang lamig ng mga kamay niya. Parang may kirot na kumurot sa dibdib ko. Kung totoo ngang anak ko siya, ibig sabihin ay pinagkaitan ko siya ng ama sa loob ng anim na taon. At kung totoo ring buhay si Kimberly... kailangan kong malaman ang lahat.

Pagpasok namin sa malaking gate ng mansyon, sinalubong kami ng malamig at tahimik na atmospera. Pero hindi nagtagal ang katahimikan na iyon.

"Gideon? Bakit nandito ka pa? Hindi ba't may mahalaga kang meeting sa kumpanya ngayon—"

Natigilan si Aurora. Ang pinsan ko, na nakasuot ng mamahaling silk bathrobe.

Habang may hawak na tasa ng kape, ay bumaba ng hagdan habang nakakunot ang noo. Pero mas lalong kumunot ang noo niya nang mapadako ang tingin sa batang kasama ko. Nanliit ang mga mata niya na parang may nakitang dumi sa sahig.

"Sino 'yan?" tanong ni Aurora, matalim ang boses habang nakatingin kay Gab mula ulo hanggang paa. "At bakit mo dinala ang batang kalye na 'yan sa loob ng mansyon? Gideon, hindi ito ampunan. Ibalik mo na sa labas ang batang 'yan."

"Manahimik ka, Aurora," malamig kong sagot, sapat para matigil siya sa paglapit.

"Gideon, nababaliw ka na ba?" tumataas ang boses ni Aurora habang lumalapit pa rin, galit na galit ang mukha. "Nililinlang ka lang ng batang 'yan! Siguro ay pinadala lang ng kung anong sindikato o ng mga taong gustong makuha ang pera mo! Tingnan mo nga itsura, mukhang pulubi!"

"Hindi ako pulubi, ha!" sigaw ni Gab, mabilis na humakbang palayo sa likod ko para salubungin ang tingin ni Aurora. "At hindi ako pinadala ng sindikato! Kung ayaw mong maniwala, eh di huwag! Pero huwag mo akong tawaging sinungaling!"

"Aba't bastos na bata ito!" gigil na sigaw ni Aurora at akmang lalapit para hablutin sana si Gab.

"Aurora! Huwag na huwag mo siyang hahawakan!" sigaw ko sabay hablot sa balikat ni Gab para ilipat siya sa likod ko.

Tumitig ako sa pinsan ko nang may galit. "Walang mang-aapi sa batang ito sa loob ng bahay ko."

"Gideon, nawawala ka na sa sarili mo!" bulyaw ni Aurora, nanginginig sa inis ang mga daliri habang nakaturo kay Gab. "Pinaniniwala ka ng batang 'yan sa kasinungalingan niya porket namimiss mo si Kimberly! Gumising ka! Patay na ang asawa mo! Patay na siya!"

Parang binagsakan ng martilyo ang ulo ko sa sinabi ni Aurora. Masakit pakinggan, pero mas masakit ang rehistro nito sa puso ko.

Pero bago pa ako makasagot, biglang nagsalita si Gab. Matatag ang boses nito, walang bakas ng takot kahit nakaharap sa mataray na si Aurora.

"Hindi ako nagsisinungaling," sabi ni Gab sabay hugot ng isang bagay mula sa loob ng bulsa ng kanyang luming-lumang backpack. "Kung hindi ka naniniwala na anak ako ni Papa... eh 'di tingnan mo ito."

Itinaas ng bata ang isang lumang pilak na kwintas. May kasamang maliit na locket na medyo gasgas na sa gilid.

Nang makita ko ang kwintas na iyon, parang tumigil ang pag-ikot ng buong mundo ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa hawak ni Gab.

Kilalang-kilala ko ang kwintas na iyon. Ako ang bumili noon limang taon na ang nakararaan, bago mangyari ang aksidente. Regalo ko kay Kimberly iyon sa ikatlong taon ng anibersaryo namin. Ako mismo ang nagpasadya ng locket, at ako lang ang nakakaalam kung ano ang nakatago sa loob ng maliit na lagayan nito.

"Saan mo nakuha 'yan?" Paos ang boses ko na halos pabulong na lumabas sa lalamunan ko, nawalan na ako ng lakas sa mga tuhod ko.

"Binigay sa akin ni Mama," sagot ni Gab habang tinitingnan ako nang diretso sa mga mata. "Sabi niya, ibigay ko daw sa Papa ko kapag nakita ko na siya. Para maalala niya kung sino ang nagmamay-ari nito."

Nanginginig ang mga kamay ko nang abutin ko ang kwintas mula sa maliliit na daliri ni Gab. Binuksan ko ang locket habang ang mga luha ko ay tuluyan nang pumatak sa salamin nito.

Sa loob ng locket, nandoon ang maliit na litrato naming dalawa ni Kimberly, ang araw ng kasal namin kung saan pareho kaming nakangiti nang walang pagsidlan ng saya.

Napaluhod ulit ako sa sahig ng mansyon. Ramdam ko ang pagkabigla at galit ni Aurora sa gilid ko, pero wala na akong pakialam doon. Ang tanging nakikita ko ay ang kwintas at ang batang nagsasabing anak ko siya.

Buhay si Kimberly? Bakit niya itinago ang lahat ng ito sa akin? Paano iyon nangyari?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 5

    Gideon Pov Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap. "Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—""Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—""Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 4

    Gideon Pov Malalim ang naging paghinga ko habang nakatitig sa puting papel na nakalapag sa ibabaw ng mahogany kong mesa. Ang lamig ng aircon sa opisina ay parang walang epekto sa init ng pakiramdam ko ngayon. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang hinihintay ang tawag mula kay Doktor Navarro.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang matandang doktor. Pero sa halip na ang pamilyar na kalmado nitong mukha ang sumalubong sa akin, ang nakita ko ay ang pamumutla at ang pamamawis ng noo nito. Parang may mabigat na kasalanang pasan-pasan ang bawat hakbang niya papalapit sa akin."Gideon..." mahina nitong tawag habang inilapag ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Nandito na ang resulta."Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ang papel sa loob ng envelope. Agad kong hinanap ang bahagi ng konklusyon. Pero nang makita ko ang nakasulat, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Negative.Hindi ko anak ang bata. Ayon sa opisyal na dokumentong hawak ko, walang m

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 3

    Gideon Pov Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko. "Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko. "Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon." Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo. Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako. "Gideon, nababaliw ka na ba

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 2

    Gideon Pov Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. "Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’ Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan. Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly. Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya. "Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimb

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 1

    Gideon PovPaulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing.. Kaya mo ‘yan, Gideon.Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko."Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid. Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status