Share

The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir
The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir
Penulis: Xiakni Aicap_20

Chapter 1

Penulis: Xiakni Aicap_20
last update Tanggal publikasi: 2026-08-24 10:02:09

Gideon Pov

Paulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.

Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing..

Kaya mo ‘yan, Gideon.

Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko.

"Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid.

Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinahabol ang hininga ko.

Wala na. Alam ko namang wala na siya, pero paulit-ulit ko pa ring inaasahan na baka sakaling lumingon siya mula sa kwartong ito at sabihing panaginip lang ang lahat. Pero tanging ang malamig na hangin ng madaling-araw ang sumasagot sa akin. Alam ko na ang hudyat na ito, tapos na ang tulog ko. Kahit pilitin ko ang mga mata ko na pumikit ulit, wala na. Talo na naman ako ng alaala niya.

Sumapit ang umaga na parang latigo ang bigat sa pakiramdam. Mabigat ang mga mata ko, kulang na kulang sa tulog, pero kailangan kong pumasok sa kumpanya. Wala akong choice. Kung hindi ako magpapakasubsob sa trabaho, lulubog ako sa sarili kong mga luha.

Mabilis akong naligo, nagsuot ng pormal na suit, at tahimik na lumabas ng mansyon.

Tahimik. Sobrang tahimik. Umandar ang itim kong sasakyan palabas ng gate habang ang isip ko ay lumilipad pa rin sa nakaraan.

Pero habang binabaybay ko ang tahimik na kalsada patungo sa opisina, biglang may sumulpot na anino sa harapan ng kotse.

Screeeech!

Malakas kong tinapakan ang preno. Dinig ko din ang malakas na pagpreno ng sasakyan na nakasunod sa akin. Muntik na akong sumubsob sa manibela sa lakas ng paghinto ng sasakyan. Kumabog nang husto ang dibdib ko, hindi dahil sa bangungot kanina, kundi sa matinding gulat.

May tumalon ba? May nagpakamatay ba?

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang p***o ng sasakyan. Handa na akong magalit, handa na akong sigawan kung sino man ang tangang humarang sa sasakyan ko nang ganito kaaga.

Pero nang bumaba ako at tumingin sa unahan ng kotse, bigla akong natigilan.

Isang bata. Lalaki. Siguro ay mga anim na taong gulang. Nakasuot ito ng medyo malaking t-shirt at maong na shorts, may bitbit na maliit na backpack na mukhang luma na. Hindi man lang ito mukhang natakot sa muntik nang pagkabangga sana nito. Sa halip, deretso itong tumingin sa mga mata ko, seryoso, at may hawak na lukot na papel na parang invetory ng mga paninda.

"Ikaw ba si Gideon Thor Buenavista?" tanong ng bata.

Ang boses nito ay medyo garalgal pero may tapang na hindi angkop sa edad niya.

Napakurap-kurap ako. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng p***o ng sasakyan ko, litong-lito.

"Ha? Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Pwede ka bang lumayo dyan, delikado ang ginagawa mo!"sabi ko nang mahimasmasan ako.

Umiling ang bata at mas lumapit pa sa unahan ng sasakyan ko, hinarangan ang daraanan ko kung sakaling gustuhin ko nang umalis.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo binabasa 'to," seryosong sabi ng bata habang iniabot sa akin ang lukot na papel. "At saka, hindi ako basta-basta estranghero. Sinasabi ko sa iyo, Papa kita."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Papa? Ako? Paano nangyari iyon? Nagbibiro ba ang batang ito? Ni hindi ko nga kayang magmahal ng iba bukod kay Kimberly, tapos ngayon ay may lilitaw na batang magsasabing anak ko siya?

"Anong pinagsasabi mo?" boses ko na bahagyang pumiyok sa gulat. At saka ko siya nilapitan nang husto.

"Bata, hindi magandang biro 'yan. Nasaan ang mga magulang mo?"sabi ko pa.

"Wala na si Mama, kaya nga nandito ako sa iyo," diretsong sagot ng bata, walang takot na nakatingin sa akin. "At tungkol sa biro? Hindi ako nagbibiro. Tingnan mo muna itong listahan."

Inilapit niya ang papel sa mukha ko. Dahil sa pagtataka at pagkagulat, kinuha ko ang papel mula sa maliliit niyang kamay. Binuklat ko ito habang nanginginig ang mga daliri ko.

Pagkakita ko sa laman ng papel, mas lalo akong napanganga. Hindi ito simpleng sulat. Listahan ito ng mga gastusin mula sa gatas, diaper noong maliit pa daw siya. Tuition f*e sa kindergarten, pamasahe, at kung ano-ano pang mga gastusin na nakalista nang detalyado. Na may katabi pang mga presyo at kabuuang halaga sa ibaba.

Napaawang ang labi ko. Napatingin ako sa bata, tapos doon sa listahan, tapos pabalik sa kanya.

"Anong kahibangang ito?" tanong ko sa sarili ko, pero narinig niya.

"Hindi 'yan kahibangan, Papa," seryosong sabi ng bata habang nakapamewang pa. "Kailangan mo 'tong bayaran ngayon kasi nagastos ko na ang ipon ko sa baon ko para lang mahanap ka. Kaya, may pambayad ka ba o i-utang ko muna sa iba?"

Napatitig ako sa kanya. Ang mga mata niya... ang mga matang iyon ay parang pamilyar na pamilyar sa akin, pero hindi ko masabi kung kanino ko nakita. At sa sandaling iyon, ang tahimik kong mundo ay ginulat ng isang maliit na nilalang na may dalang listahan ng utang at titulong "Papa" na hinding-hindi ko inasahang maririnig ngayong umaga.

Ano bang ginawa ko sa nakaraan para salubungin ako ng ganitong klaseng gulo? At sino ba talaga ang batang ito?

Naka-pako pa rin ang mga paa ko sa semento habang pilit kong pinoproseso ang nangyayari. Ang lamig ng hangin sa paligid ay parang walang pakialam sa init ng ulo at gulong nararamdaman ko ngayon.

"Teka nga," sabi ko habang ibinaba ang tingin sa papel na hawak ko. "Bago ka magpasok ng kung anong kwento rito, sabihin mo muna sa akin ang pangalan mo. Sino ba ang nanay mo?"

Kumunot ang noo ng bata, parang dismayado sa reaksyon ko. "Ang pangalan ko ay Gab. At si Mama... Kimberly ang pangalan ng Mama ko."

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.

Kimberly? Totoo ba ito?

Ang pangalan na pilit kong binibigkas tuwing gabi habang umiiyak ako sa harap ng litrato niya. Ang babaeng matagal ko nang pinagluksa. Ang asawang namatay sa aksidente limang taon na ang nakararaan. Paanong... paanong naging nanay niya si Kimberly?

Kung limang taon na ang lumipas mula nang mawala ang asawa ko, at ang batang ito ay nasa anim na taong gulang na ngayon... ibig sabihin...

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makahinga. Ang mga mata ko ay muling uminit, hindi dahil sa bangungot kundi sa matinding gulat at halo-halong emosyon na sumampal sa akin.

"Huwag kang magbiro ng ganyan," halos pabulong kong sambit, nanginginig ang boses habang nakatingin kay Gab. "Patay na si Kimberly. Matagal na siyang patay."

"Hindi patay si Mama noong pinanganak niya ako," sagot ni Gab nang may diin, ang mga mata ay may bahid din ng lungkot pero matatag. "At kung hindi ka naniniwala, basahin mo ulit ang likod ng papel na 'yan. May iniwan siyang sulat para sa iyo."

Dali-dali kong binaliktad ang lukot na papel. Doon ko napansin ang sulat-kamay sa likod ang sulat-kamay na hinding-hindi ko malilimutan habang nabubuhay ako. Ang pamilyar na kurbada ng mga titik. Ang sulat ni Kimberly.

Nawalan ako ng lakas sa tuhod. Unti-unti akong napaluhod sa semento sa harap ng bata habang binabasa ang bawat salitang nakasulat, habang ang mga luha ko ay tuluyan nang pumatak sa papel.

Paano nangyaring may anak kami? At bakit ngayon lang siya dumating? Paano nabuhay si Kimberly at ang bata?

Tumitig sa akin ang bata, at bago pa ako makapagsalita muli, bumulong ito ng mga salitang nagpakabog nang husto sa dibdib ko.

"Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?" Inosenteng tanong ni Gab.

Napaawang ang aking labi. Kasabay nang paglingon ko sa aking mga kasamahan na nakatunghay sa amin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 5

    Gideon Pov Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap. "Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—""Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—""Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 4

    Gideon Pov Malalim ang naging paghinga ko habang nakatitig sa puting papel na nakalapag sa ibabaw ng mahogany kong mesa. Ang lamig ng aircon sa opisina ay parang walang epekto sa init ng pakiramdam ko ngayon. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang hinihintay ang tawag mula kay Doktor Navarro.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang matandang doktor. Pero sa halip na ang pamilyar na kalmado nitong mukha ang sumalubong sa akin, ang nakita ko ay ang pamumutla at ang pamamawis ng noo nito. Parang may mabigat na kasalanang pasan-pasan ang bawat hakbang niya papalapit sa akin."Gideon..." mahina nitong tawag habang inilapag ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Nandito na ang resulta."Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ang papel sa loob ng envelope. Agad kong hinanap ang bahagi ng konklusyon. Pero nang makita ko ang nakasulat, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Negative.Hindi ko anak ang bata. Ayon sa opisyal na dokumentong hawak ko, walang m

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 3

    Gideon Pov Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko. "Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko. "Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon." Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo. Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako. "Gideon, nababaliw ka na ba

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 2

    Gideon Pov Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. "Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’ Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan. Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly. Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya. "Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimb

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 1

    Gideon PovPaulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing.. Kaya mo ‘yan, Gideon.Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko."Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid. Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status