Share

Chapter 3

Penulis: Xiakni Aicap_20
last update Tanggal publikasi: 2026-08-24 10:03:29

Gideon Pov

Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko.

"Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko.

"Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon."

Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo.

Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako.

"Gideon, nababaliw ka na ba talaga?! Naniniwala ka dito sa batang kalye?" Biglang sigaw ni Aurora.

Hindi na napigilan ni Aurora ang sarili nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa sala, mukhang gustong sumabog sa sobrang inis habang nakatingin sa amin ni Gab. Tahimik namang nakaupo ang bata sa isang gilid ng mamahaling sofa, nakapamewang at mukhang walang pakialam sa galit ng pinsan ko.

"Magpapanic ka riyan, Aurora, pero hindi nito babaguhin ang desisyon ko," malamig na sagot ko habang ibinaling ang tingin sa kanya.

"Isipin mo nga ang sinasabi mo!" bulyaw ni Aurora, hinahawakan ang sintido niya na parang sumasakit ang ulo sa katigasan ng ulo ko.

"Papaano naging anak mo ang batang 'yan, Gideon? Papaano? Nakalimutan mo na ba ang nangyari limang taon na ang lumipas? Namatay si Kimberly! Namatay ang asawa mo habang buntis ito sa anak niyo!"

Parang may malamig na kutsilyong humati sa dibdib ko sa bawat salitang binitawan ni Aurora.

Namatay si Kimberly habang buntis.

Iyon ang katotohanang ibinaon ko sa puso ko sa loob ng limang taon. Iyon ang bangungot na paulit-ulit na sumasakal sa akin tuwing gabi. Ang araw na iyon ay hindi ko kailanman malilimutan. Ang balitang nasunog ang sinasakyang kotse ni Kimberly, ang pagkawala ng kanyang mga labi na hinding-hindi ko na nakita nang maayos dahil sa tindi ng sunog. At ang pag-asa ko na sabay silang nawala ng magiging anak namin.

Naisip ko na rin iyon. Paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang tanong na iyon habang nakatitig kay Gab kanina pa.

Kung patay na si Kimberly noon, paano magkakaroon ng anim na taong gulang na bata ngayon? Posible bang nagkamali ang mga awtoridad noon? Posible bang may nakaligtas? O sadyang may nagtatago ng malaking sikreto mula sa akin?

Napatingin ako kay Gab. Mahinahon itong nakatingin sa akin, walang bakas ng kaba sa mukha nito. Kundi isang klase ng titig na nagpapahiwatig na alam nitong may punto siya.

"Alam ko ang sinasabi mo, Aurora," mahina ngunit madiin kong sabi.

"Nasa isip ko rin ang lahat ng pagdududa na sinasabi mo ngayon. Pero hindi ko kayang basta-basta na lang itaboy ang batang ito gayong hawak niya ang kwintas na ibinigay ko kay Kimberly. At kamukhang-kamukha niya ang taong pinakamamahal ko."

"Dahil lang sa kwintas at mukha, maniniwala ka na agad?!" halos pumiyok na tanong ni Aurora, galit na galit sa kawalan ko ng katinuan sa paningin niya. "Paano kung modus lang 'yan? Paano kung pinapunta lang siya rito para sirain ang ulo mo at ang kumpanya natin?"

"Sapat na ang dahilan na iyon para magpasya ako," putol ko sa sasabihin pa sana ni Aurora.

"Hayaan mo akong patunayan ito sa pamamagitan ng DNA test. Kung makikita sa DNA test na hindi ko siya anak, ibabalik ko siya sa kung sinong magulang niya. Pero hangga't may natitirang pag-asa na totoo ang sinasabi niya, hindi ko siya aalisin sa tabi ko."

Makalipas ang ilang sandali, dumating din si Doktor Navarro dala ang mga kagamitan para sa DNA swabbing. Halata sa mukha ng matandang doktor ang pagtataka nang makita ang sitwasyon sa loob ng mansyon, pero hindi na ito nagtanong pa nang makita ang seryoso at madilim kong mukha.

"Ito na ba ang bata, Gideon?" tanong ni Doktor Navarro habang inilalabas ang mga sterile cotton swab mula sa lalagyan nito.

"Opo, Dok," sagot ko habang lumalapit kay Gab na tahimik namang nagpatianod nang maupo ako sa tabi nito.

"Masakit ba 'to, Papa?" tanong ni Gab habang nakatingin sa maliit na stick na hawak ng doktor.

Sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang pag-atras ng bata, ang takot sa kanyang mga mata na nagpakita na bata pa rin siya sa kabila ng pagiging matapang niya kanina.

Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya at nginitian siya nang pilit.

"Hindi, Gab. Mabilis lang ito. Parang kurot lang ng langgam," pag-aalo ko sa kanya, saka ibinaling ang tingin kay Doktor Navarro. "Gawin niyo na po, Dok."

Habang kinukuhaan ni Doktor Navarro ng sample ng laway si Gab at pagkatapos ay ako naman, naramdaman ko ang matalim na titig ni Aurora mula sa sulok ng silid. Nakapamewang pa rin ito, umiiling na parang hindi makapaniwala sa katangahang ginagawa ko sa sarili ko.

"Gawin niyo ang pinakamabilis na test, Doktor Navarro," bilin ko habang iniabot pabalik ang mga vial. "Kahit magkano ang bayad, kailangan ko ang resulta bukas ng umaga."

"Masusunod, Gideon. Gagawin ko ang lahat para mapabilis natin ito," sagot ng doktor bago nag-impake ng mga gamit at nagpaalam.

Nang umalis ang doktor, binalot muli ng katahimikan ang malaking sala. Si Aurora ay padabog na umakyat sa kwarto nito habang bumubulong ng kung ano-ano laban sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Gab sa malaking espasyo ng sala.

Umupo si Gab sa sofa at tahimik na binuksan ang lumang backpack nito, sabay labas ng isang pirasong tinapay na mukhang kinupasan na ng oras. Tahimik niya itong kinain.

Tinitigan ko ang bata. Limang taon kong hinanap ang kapayapaan sa gitna ng pagdadalamhati. Limang taon akong nabuhay sa alaala ng isang babaeng nawala. At ngayon, sa loob lang ng ilang oras, ang tahimik kong mundo ay ginulo ng isang batang nagsasabing siya ang bunga ng nakaraang pilit ko nang ibinabaon sa limot.

Kung totoo ngang anak ko siya... nasaan si Kimberly? Bakit niya itinago ang bata sa akin sa loob ng anim na taon? At kung buhay nga ang asawa ko, bakit hindi siya nagpakita sa akin noon pa man?

"Gab," tawag ko habang lumalapit at naupo sa tapat niya.

Tumingin ang bata sa akin, ang mga matang iyon na may kakaibang linaw ay tuwid na nakatitig sa mga mata ko.

"Bakit hindi ka man lang umiyak nang sabihin kong patay na ang nanay mo noon?" tanong ko, gustong basagin ang hiwaga na bumabalot sa kanya.

Tumigil si Gab sa pag-nguya ng tinapay, ibinaba ito sa maliit na palad nito, at seryosong sumagot: "Kasi alam kong hindi totoo. Sabi ni Mama, magkikita pa rin tayo balang araw. At heto na nga, nakita na kita."

Napatulala ako. Ang mga salitang iyon ay parang patak ng ulan sa tuyong lupa. Masakit, nakakagulat, pero nag-iiwan ng isang kakaibang pag-asa na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o katakutan.

Bukas ng umaga, malalaman ko na ang totoo. Subalit habang hinihintay ko ang resulta ng DNA test na iyon, naramdaman ko na ang unti-unting pagbabago ng lahat. Ang bangungot ko noong gabi ay tapos na, pero mukhang nagsisimula pa lamang ang totoong unos sa buhay ko.

Ano nga ba talaga ang totoo?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 5

    Gideon Pov Mabibigat ang mga yabag ko habang tinatahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang ko ay parang may dalang galit na matagal nang nakakulong sa dibdib ko. Pagdating ko sa kwarto ni Aurora, nadatnan ko itong nag-aayos ng mga mamahaling bag at sapatos sa maleta niya.Nang maramdaman niya ang presensya ko, lumingon siya sabay irap. "Ano na naman ang kailangan mo, Gideon? Nag-iimpake na ako dahil sa kagaguhan mo—""Lumayas ka sa mansyon na ito," malamig at matigas kong putol sa sinasabi niya. Sapat ang lakas at diing iyon para matigil siya sa ginagawa niya.Natigilan si Aurora. Nanlaki ang mga mata niya bago napatawa nang sarkastiko. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Palalayasin mo sa sarili nating bahay? Akin din ang Mansyon na ito, Gideon! Kapatid ng ama mo ang ama ko, at may karapatan ako rito—""Wala ka nang karapatan sa kahit na ano dito magmula sa araw na ito." galit na ang boses ko, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ng matinding galit sa sistema ko.

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 4

    Gideon Pov Malalim ang naging paghinga ko habang nakatitig sa puting papel na nakalapag sa ibabaw ng mahogany kong mesa. Ang lamig ng aircon sa opisina ay parang walang epekto sa init ng pakiramdam ko ngayon. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang hinihintay ang tawag mula kay Doktor Navarro.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang matandang doktor. Pero sa halip na ang pamilyar na kalmado nitong mukha ang sumalubong sa akin, ang nakita ko ay ang pamumutla at ang pamamawis ng noo nito. Parang may mabigat na kasalanang pasan-pasan ang bawat hakbang niya papalapit sa akin."Gideon..." mahina nitong tawag habang inilapag ang isang brown envelope sa ibabaw ng mesa. "Nandito na ang resulta."Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ang papel sa loob ng envelope. Agad kong hinanap ang bahagi ng konklusyon. Pero nang makita ko ang nakasulat, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Negative.Hindi ko anak ang bata. Ayon sa opisyal na dokumentong hawak ko, walang m

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 3

    Gideon Pov Mahigpit kong hinawakan ang lumang locket sa aking palad. Ang metal ay nanatiling malamig, pero ang dibdib ko ay parang pinapaso ng apoy sa halo-halong emosyon na patuloy na sumasalanta sa sistema ko. "Doktor Navarro? Pumunta ka rito sa mansyon ngayon na. May ipapasuri ako," utos ko sa family doctor namin nang tawagan ko siya. Habang pilit kong pinatatag ang panginginig ng boses ko. "Gusto kong madaliin ito. Kailangan ko ang resulta sa lalong madaling panahon." Hindi na ako naghintay pa ng mahabang sagot mula sa aming pamilyang doktor at agad kong pinatay ang tawag. Wala akong sinayang na kahit isang segundo. Ang pag-aalinlangan na kanina ay bumabagabag sa akin ay napalitan ng pagnanais na malaman ang buong katotohanan. Kailangan kong makasigurado. Kung totoo ngang kadugo ko ang batang nasa harapan ko, kailangan ko ring malaman kung paano nangyaring may buhay pang natitira sa gitna ng trahedyang akala ko ay tumupok sa lahat ng meron ako. "Gideon, nababaliw ka na ba

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 2

    Gideon Pov Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakaluhod sa malamig na semento. Ang mga salita sa likod ng lukot na papel ay paulit-ulit na umiikot sa utak ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. "Papa... babayaran mo ba ang utang mo sa amin, o itataboy mo rin ako tulad ng ginawa mo noon?’ Napatingin ako nang diretso kay Gab. Kanina, ang nakita ko lang ay isang makulit na batang humarang sa sasakyan ko. Pero ngayong mas tinitigan ko siyang mabuti, parang sinampal ako ng katotohanan. Ang hugis ng mga mata niya, ang bilugang pisngi, at maging ang paraan ng pagkunot ng noo kapag naiinis, si Kimberly. Buhay na buhay na imahe ng pinakamamahal ko ang nakatayo sa harap ko. Paano ko ba nakaligtaan ang pamilyaridad na iyon sa unang tingin ko pa lang? Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ko. "Gab..." nanginginig kong tawag sa pangalan niya. "Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mismo ang ekspresyong iyon ay kay Kimb

  • The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir    Chapter 1

    Gideon PovPaulit-ulit akong binabangungot. Parang sirang plaka na bumabalik ang gabing iyon—ang gabing kinuha sa akin ang kalahati ng aking kaluluwa.Limang taon na ang lumipas, pero ang linaw-linaw pa rin. Ang tunog ng pagtilapon ng sasakyan, ang basag na salamin, at ang huling sigaw ni Kimberly na hanggang ngayon ay nag-iiwan ng sugat sa dibdib ko. Sa gitna ng dilim at lamig ng kwarto, napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang hininga, basang-basa ng pawis ang likod, at ang mga mata ko ay mainit dahil sa luha na kanina ko pa pinipigilan.Nanginginig ang mga kamay ko nang lumingon ako sa pader. Doon nakasabit ang malaking litrato ni Kimberly. Nakangiti siya rito, ang mga matang puno ng buhay na parang sinasabing.. Kaya mo ‘yan, Gideon.Pero hindi ko kaya. Lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal noong huli na ang lahat. Noong wala na siya sa tabi ko."Kimberly..." boses ko na basag at halos pabulong na pumuno sa tahimik na silid. Paulit-ulit ko itong binigkas habang hinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status