author-banner
LuianaZane
Author

Nobela ni LuianaZane

The Billionaire's Secret

The Billionaire's Secret

Si Hera ay isang filial na anak na may marangal at maayos na trabaho. Tahimik ang kaniyang buhay hanggang sa malulong sa pagsusugal ang kaniyang ama at tuluyang mabaon sa utang. Sa kagustuhang mailigtas ang kaniyang pamilya, wala siyang ibang pagpipilian kundi harapin ang lalaking may hawak sa utang ng kaniyang ama. Si Amadeus, isang makapangyarihan at mapanganib na lalaki mula sa mundo ng krimen at kilala sa publiko bilang isang bilyonaryo. Ngunit hindi niya inaasahang ang kapalit ng pagkakautang ng kaniyang ama ay ang kaniyang sariling buhay bilang isang asawa. Sa kabila ng kaniyang pagtutol, napilitan si Hera na pakasalan si Amadeus. Ang mas nakakagulat? Hindi pera ang tunay na dahilan kung bakit siya pinili ni Amadeus. Sinabi nitong kailangan lamang niya ng isang taong mag-aalaga sa kaniyang pamangkin. Ngunit habang unti-unting nasasanay si Hera sa kakaibang buhay kasama si Amadeus at sa pamangkin nito, napagtanto niyang may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang kasal. Isang dahilan na konektado sa misteryosong pagkamatay ng mga magulang ng kaniyang pamangkin. Habang sinusubukan nilang alamin ang katotohanan, napipilitan sina Hera at Amadeus na magtulungan upang protektahan ang batang maaaring maging susi sa lahat ng misteryong kanilang hinahanap. Sa gitna ng panganib, kasinungalingan, at mga lihim mula sa nakaraan, unti-unting nagbabago ang relasyon nilang nagsimula sa isang sapilitang kasal. Ngunit habang mas lumalapit sila sa katotohanan, mas lalo nilang napagtatanto na maaaring hindi aksidente ang pagkakadikit ng kanilang mga buhay. At kung ang kasal nila ay bahagi lamang ng isang mas malaking plano. Sino ba talaga ang dapat nilang katakutan?
Basahin
Chapter: Ika-anim na Kabanata
(His Voice) Isang taon akong naghintay para tuluyan kang lumapit sa akin. At ngayon, habang mahimbing kang natutulog, muli kong binalikan sa isip ko ang dahilan kung bakit kita pinakasalan or whatever they would call the situation between us. Hindi naman talaga kasal ang unang pakay ko sa'yo. You were supposed to be part of my plan. Umalis ako agad sa kama upang linisin ang sarili ko. Nang marating ko ang restroom, agad kong nakita ang sarili ko sa malaking salamin. Lumapit ako rito at marahang pinahid ang hamog na bumalot sa ibabaw nito. I stared at my reflection. Then I smiled. “You really did it, Amadeus.” Bahagya kong itinagilid ang aking ulo. “You won the game you played.” Kaswal kong nilinis ang sarili ko habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang nakaraan. Kung ano ba talaga ang unang pakay ko sa'yo, Hera. At higit sa lahat kung bakit ikaw ang pinili ko. — March 22, 202 — The day I found out the truth about my sister and her final betrayal.*
Huling Na-update: 2026-09-05
Chapter: Ika-limang Kabanata
Isang gabi na naman na hindi ako makatulog. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumangon sa kama. Tahimik ang buong penthouse. Tanging malamlam na ilaw mula sa hallway ang nagsisilbing gabay ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Kumuha ako ng mainit na gatas. Effective naman iyon sa akin bilang pampatulog. Pero bago pa man ako makabalik sa kwarto, napansin ko ang isang pamilyar na anino sa may malaking salamin. Si Amadeus. Tahimik siyang nakatayo roon. May hawak na baso ng whiskey sa isang kamay at sigarilyo sa kabila. Nakatingin siya sa labas ng malaking salamin, ngunit alam kong hindi niya talaga pinapansin ang tanawin. Malalim ang iniisip niya at alam kong may problema siya, dahil kilala ko na siya ng lubusan. Sa ibang tao, si Amadeus ay malamig. Reserved. Hindi basta-basta nagsasalita. Kahit galit o nasasaktan, kaya niyang itago ang lahat sa isang tingin lang. Pero sa akin? Hindi siya ganun kagaling magtago. Kaya hindi ko maiwasang lapitan siya, dahil nag-aalal
Huling Na-update: 2026-09-04
Chapter: Ika-apat na Kabanata
Simula nang makasama ko si Amadeus at Theron, wala nang masamang araw na nagaganap sa buhay ko.Aminado ako, unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kaniya.Lalo na ngayong alam ko na kung gaano siya kaalaga at ka-attentive bilang asawa sa akin at bilang ama para sa aming dalawa ni Theron.Dumating nga rin yung time na nagpunta kaming tatlo sa botanical garden at zoo para maggala man lang bilang isang pamilya.Hindi ko in-expect na pagtitinginan kami ng mga tao at sasabihan kung gaano kagandang pagmasdan ang family dynamics namin.Lalo na noong ibinigay sa akin ni Amadeus ang coat niya habang nanonood kami ng fireworks sa tabing-dagat.At sa mga sandaling iyon, hindi ko na talaga maiwasang tuluyan nang ma-in love sa kaniya.Nang biglang tumunog ang alarm clock ko.Doon muli akong nagising mula sa mahimbing kong pagkakatulog.At kasabay noon ay ang pagbabalik ko sa realidad.Wala pa rin ang asawa ko hanggang ngayon.Iniwan niya kami para sa isang business trip, at hindi ko maiwasan
Huling Na-update: 2026-09-04
Chapter: Ika-tatlong Kabanata
April 6, 202* — Three Months After Our MarriageTatlong buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang dahilan mo kung bakit mo ako pinakasalan.Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon, you still haven't asked about such a sensitive matter between us as husband and wife.It's not that it's bad or anything.I just don't understand you, Amadeus.What is your real plan for me?Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng penthouse namin habang nagbabasa ng libro nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan.Agad akong napatigil sa pagbabasa at tumayo.At doon ka bumungad sa akin.Pero hindi tulad ng dati, tila hindi ka mapakali at parang may kung anong iniisip.Agad akong napataas ng kilay at nag-cross ng arms sa aking dibdib.“What happened?”Hindi ka agad sumagot.Sa halip, bahagya kang tumabi.At doon ko siya nakita.Isang maliit na bata.Tahimik siyang nakatayo sa likuran mo, halos nagtatago sa katawan mo.Mukha siya
Huling Na-update: 2026-09-04
Chapter: Ika-dalawang Kabanata
January 7, 202* — The Day After Our MarriageAfter ng wedding natin Amadeus, halos masuka ako sa realidad na kasal na tayo.Sobrang sakit ng ulo ko at bumibilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang senaryong naglapit ang mga labi natin just to seal our marriage.Hindi ko talaga gustong pakasalan ka at mas lalong hindi ko nagustuhan na kinailangan pa nating gawin iyon.Kinasusuklaman kita ng sobra, Amadeus Sylus Von.At sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa akin.Not even a single thing.Kaya nang sumapit ang gabi, ni-lock ko agad ang pintuan ng kwarto at hindi siya pinapasok sa loob.Ramdam ko pa ang pilit niyang pagbukas sa doorknob.Click.Click.Click.“Darling?”Hindi ako sumagot.Hinawakan ko pa lalo nang mahigpit ang doorknob mula sa loob para siguraduhing hindi niya iyon mabuksan.“Open the door.”“No.”“I'm not going to do anything.”“Then sleep somewhere else.”Sandaling natahimik ang kabilang bahagi ng pinto.“That's my bedroom.”“Then from today onwards, consider thi
Huling Na-update: 2026-09-04
Chapter: Unang Kabanata
June 18, 202*— Present DayIsa na namang maaliwalas at tahimik na umaga ang bumungad sa akin sa labas ng penthouse.Sa tuwing lumalabas ako para kumuha ng lakas ng loob para harapin ang isa na namang panibagong araw, hindi ko maiwasang malungkot.Hindi ako sanay na wala ang nakakainis na pagmumukha ni Amadeus na palaging bumubungad sa akin, kasabay ng halik at ngiti tuwing umaga.I miss my man and his silliness.Hindi ko maiwasang mas lalong bumigat ang aking nararamdaman sa tuwing naaalala ko ang mga pinagdaanan namin.I once swore to myself that I shouldn't fall for him, that I would make his life a living hell.But here I am—I'm the one foolishly missing her husband, living with his four-year-old nephew whom I have to take care of.Dang! This emotion.Ramdam ko ang pagkuyom ng aking kamao.I'll make sure talaga na pagdating niya, hindi siya—“Mama?”Nabasag bigla ang iniisip ko nang tawagin ako ng anak-anakan ko.Si Theron, ang pamangkin ni Amadeus, na kung ako ay ituring ay para n
Huling Na-update: 2026-09-04
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status