Allen Preston Javier: To have you

Allen Preston Javier: To have you

last updateLast Updated : 2023-10-19
By:  Excuses.GeorgeOngoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
20Chapters
899views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Nicah Flores is known for being a poor girl and a serial dater. She changes boyfriend like she was changing her underwear and would always be seen being fetch by different guys after school..but that wasn't truth, the truth is she was paid to see them everytime her dear friend got a new boyfriend.

View More

Chapter 1

Prologue

"Flores, hand these papers to Coach Aldrin."

Napatingin ako kay Sir Santos isa sa mga professor sa school namin.

"Sir, Nicah na lang po" malabing kong sagot sa kanya na may ngiti pa labi sabay abot sa papel na binigay niya.

Hindi ko gustong tinatawag ako gamit ang apelyido ko dahil naaalala lang niya ang papa niya. Ang tawag kasi ni mama kay papa ay Flores lalo na paggalit ito at pinaalaala nito ang namatay niyang ama, not that she wanted to forget, but it will always remind her of the pain of losing her beloved father in a tragic accident, their pain. 

Tiningnan lang ako nito. "Flores, pagkatapos mong ibigay 'yan, umuwi ka na" sabay talikod nito at balik sa ginagawa.

Nawala naman ang ngiti niya at napasimangot. "Okay po"

She gathered her things and placed them in her bag after that she bid her goodbyes and went out. Napabuntong hininga siya at napahawak sa batok. Masyado siyang naging busy sa mga araw na 'to dahil one week na ang lumipas nang magsimula ang klase at siya ay nasa ikalawang taon na sa college.

Kinuha niya ang kursong BS Accountancy dahil bukod sa mahilig siya sa pera ay nacha-challenge rin siya kaya alam niyang kakayanin niyang mag survive sa kursong ito. Working student siya at ang kapalit ay kalahati lang ang babayarin niya para sa tuition kaya pagkatapos ng klase niya ay errand girl siya ng mga Prof. dito.

Trabaho lang naman niya ang gumawa ng kape, mag-print, at kung anu-ano pa. Okay na rin ang ganito at isa pa may pinagkikitaan rin naman siya.

Naglalakad na siya papuntang gym dahil hawak ni Coach Aldrin ang basketball team ng eskwelahan. Kailangan pa niyang lampasan ang dalawang building bago makarating sa gym.

Sa lawak ng school nila kahit pagpunta ng main canteen ay hihingalin ka talaga. Nakapasok na siya sa gym pero wala ng tao.

"Sabagay kasisimula pa lang naman ng taon," naibulong niya sa hangin bago dumiretso sa opisina ni Coach. Kumatok muna siya pero wala sumasagot pinihit niya ang pinto at natuklasang hindi ito naka-lock. Pero wala rin syang nadatnang tao dito.

Nilibot niya ang tingin pero tahimik rin ang lugar. Sinubukan naman niyang dumaan sa locker room pero wala ring tao.

"Lintik! Pagod na ako, saan ko naman kaya hahanapin si Coach. Naman eh! kung kailan uwing uwing nako eh"

Padabog siyang naglakad pero nang nakakadalawang hakbang pa lang siya ay nakarinig siya ng boses galing sa unahan niya.

Napatigil siya at pinakinggan ang boses na narinig. Nang hindi niya masyadong maintindihan ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kung saan galing ang boses. Nang mahanap niya ay napahinto siya sa isang pinto at napagtanto niyang ito ang shower room.

Sigurado siyang walang tao kanina nang dumaan siya dito. Napalunok siya ng laway muling binalikan ang kung ano ang narinig na ingay. Nanglaki ang mata niya ng rumehistro sa kanya kung ano talaga ang nangyayari.

Hindi siya inosente pagdating sa makamundong pagnanasa kaya alam niyang daing na nasasarapan ang narinig niya at rinig niyang galing sa isang babae at lalaki ang boses na 'yun. Nahigit niya ang hininga at napaatras ng konti.

Pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Dalawang segundo at tumigil ang boses na narinig niya handa na sana siyang tumakbo pero huli na at biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang hindi inaasahang tao maiisip niyang gagawa ng kalokohan sa loob mismo ng Uni.

Madrama siyang napasinghap at dinala ang isang kamay sa bibig niya at tinuro ang lalaki bago sumigaw na parang baliw at magtatakbo palabas ng gym.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
20 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status