author-banner
Aeyaraa
Aeyaraa
Author

Aeyaraaの小説

BOSS KO ANG AMA NG ANAK KO?

BOSS KO ANG AMA NG ANAK KO?

ComedyDramaFirst-Person POVCEOHeir/HeirnessBillionaireOffice RelationshipSecond ChancePregnant
BOSS KO ANG AMA NG ANAK KO? Akala ko, isa lamang siyang estranghero na makikilala ko sa isang gabi at tuluyan ko nang makakalimutan. Ngunit hindi ko inakalang ang gabing iyon ang magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko. Apat na taon na ang nakalipas nang makilala ko si Sebastian Monteverde sa isang business gala. Isang gabing hindi ko malilimutan, ngunit kinabukasan ay naglaho siya na para bang walang nangyari sa amin. Wala akong pangalan niya, numero, o anumang paraan para mahanap siya. Hanggang sa matuklasan kong nagdadalang-tao pala ako. Mag-isa kong pinalaki ang anak kong si Lucas, at ginawa ko ang lahat upang maibigay sa kanya ang buhay na nararapat sa kanya. Hindi naging madali, pero natutunan kong mabuhay nang hindi umaasa sa sinumang lalaki. Hanggang sa muli kong makita ang lalaking akala ko ay hindi ko na muling makakasalubong. Si Sebastian Monteverde—ang mayaman, istrikto, at makapangyarihang CEO ng kumpanyang pinasukan ko bilang executive assistant. At ang mas masakit tanggapin? Siya na ngayon ang boss ko! Paano ko maitatago ang katotohanang ang anak kong si Lucas ay sarili niyang dugo? Paano kung unti-unti silang mapalapit sa isa't isa at matuklasan niya ang lihim na apat na taon kong iningatan? Ngunit hindi lamang ang pagkakakilanlan ng ama ni Lucas ang magiging problema ko. Isang araw, makatatanggap ako ng mga mensaheng magpapabago sa lahat. May iba pa palang naghahanap sa anak ko. At hindi basta-basta ang mga taong ito. Sino ang lolo na gustong makilala ang tinatawag nilang tagapagmana? Bakit tila may mga taong gustong mapasakamay si Lucas? At hanggang saan ako kayang dalhin ng pagmamahal ko sa aking anak? Akala ko, ang pinakamahirap ay ang muling makaharap ang nakaraan. Hindi ko alam na ang pagbabalik nito ay maglalantad ng mga lihim na maaaring magwasak sa aming buhay.
読む
Chapter: KABANATA 7 — ANG UNANG PANGAKO
“Mommy!”Napalingon ako sa anak kong halos tumakbo palabas ng classroom.“Baby!”Niyakap niya ako nang mahigpit at agad na ipinakita ang hawak niyang papel.“Look! I made something!”Napangiti ako habang tinatanggap ang drawing niya.“Ano ito?”“It's our family!”Tiningnan ko ang drawing.May tatlong stick figures. Isa akong babae na may mahabang buhok, isang batang may malaking ulo, at isang lalaking mas matangkad sa amin.Sa itaas ng drawing, may nakasulat na tatlong pangalan.Mommy. Lucas. Daddy.Napahawak ako sa dibdib ko.“Ang ganda naman nito, baby.”“That's Daddy!”Itinuro niya ang lalaking may malaking kamay at buhok na parang tinik.“Bakit naman ganyan ang buhok ni Daddy?”Tumawa siya.“Because he's handsome!”Napatawa rin ako.“Ah, ganoon ba?”“Opo! And he's tall.”“Mas matangkad naman talaga siya sa atin.”“Mommy, when will Daddy come?”Napatingin ako sa kanya.“Bakit?”“Because he said he will visit me today.”Tumingin ako sa relo ko.Totoo. Nangako si Sebastian na pupunta
最終更新日: 2026-11-20
Chapter: KABANATA 6 — ANG TAONG NAKAKAALAM
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Paulit-ulit kong binabasa ang mga mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero. Kahit ilang beses ko nang isinara ang phone ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang bawat salitang nakasulat doon.His grandfather wants to meet the heir.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang katotohanang may ibang taong nakakaalam tungkol kay Lucas, o ang posibilidad na may mga taong gusto siyang makilala dahil sa kung ano ang maaari niyang manahin.Hindi dahil anak siya ni Sebastian.Hindi dahil isa siyang bata na may karapatang makilala ang pamilya ng kanyang ama.Kundi dahil isa siyang Monteverde.Napatingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakayakap siya sa paborito niyang dinosaur plushie habang bahagyang nakabuka ang bibig.Napangiti ako nang kaunti.Napakasimple ng mundo niya. Ang iniisip lang niya ay kung anong laruan ang gusto niyang bilhin, kung ano ang kakainin niya kinabukasan, at kung kailan ulit niya makikita
最終更新日: 2026-11-20
Chapter: KABANATA 5 — “DADDY, CAN YOU BUY ME A DINOSAUR?”
"Mommy, can I ask you something?"Napatingin ako kay Lucas habang inaayos ang mga damit niya."Of course, baby."He was sitting on my bed, hugging his favorite dinosaur plushie."Is Sir Rich Man my daddy?"Natigilan ako.I knew this conversation would eventually happen. Hindi ko lang inasahang siya mismo ang magtatanong.I sat beside him."Why do you ask?""Because he has the same dimple as me."I smiled faintly."That's true.""And he looks at me like he's happy."I brushed his hair away from his forehead."Lucas, remember when you asked me about your daddy?"He nodded."I want to tell you something."Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay."Baby, si Sir Sebastian ang totoong daddy mo."Napakurap siya."Talaga?"Tumango ako."Oo, baby. Totoo."Napatingin siya sa dinosaur na yakap niya."So... daddy ko na siya?""Oo, anak."Saglit siyang natahimik bago ulit tumingin sa akin."Pwede ko na ba siyang tawaging Daddy?"Natutunaw talaga ang puso ko sa tanong niya."Of course, baby. Kung gus
最終更新日: 2026-11-16
Chapter: KABANATA 4 - ANG KATOTOHANANG KAILANMAN AY HINDI NIYA NALAMAN
Hindi ako nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong binabasa ang message ni Sebastian.Regarding Lucas.Alam kong hindi ko na ito puwedeng iwasan.Kaya nang tawagin niya ako sa office niya kinabukasan, wala na akong ibang ginawa kundi huminga nang malalim at pumasok."Sit down, Alessandra."Hindi na niya ako tinawag na Ms. Reyes.Mas lalo akong kinabahan.He placed Lucas's drawing on the desk."I want you to tell me the truth."I stared at the paper."About what, sir?""Lucas's father."Napalunok ako."Sebastian—""Please. No more excuses."Matagal akong natahimik.Then I finally said it."It's...You."He didn't move. Tila nagulat din siya sa mga nalaman niya."I'm sorry?""Lucas's father is you."Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.For a few seconds, wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong paghinga. Hindi ko alam kung paano magre-react sa mukha ni Sebastian. He looked completely stunned, as if he was still trying to process every word I had just said.Dahan-da
最終更新日: 2026-11-16
Chapter: KABANATA 3 — “SIR RICH MAN”
Kinabukasan habang naghahanda ako pagpasok ng trabaho.."Mommy, why are you wearing your serious face?"Napatingin ako kay Lucas habang inaayos ang buhok niya."Because Mommy has a serious problem.""Is it a dinosaur?""Worse.""Chocolate?""Much worse."He gasped. "No more cookies?""Lucas!"Tumawa siya.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na nagkaroon ng emergency sa bahay. Si Mama, na karaniwang nag-aalaga sa kanya, ay biglang kinailangang magpunta sa doktor. Wala akong ibang mapag-iiwanan kay Lucas dahil kailangan kong pumasok sa trabaho.At hindi pa ako puwedeng umabsent.Kakapasok ko pa lang."Baby, you have to behave, okay? Huwag kang tatakbo takbo sa office. Huwag kang mang-aabala ng mga tao. And please, don't ask everyone for food, okay?"He tilted his head."What if I'm hungry?""Then you tell Mommy.""What if you're so busy?""Then wait for Mommy to finish my work.""What if I die from hunger?"Napanganga ako. Ang OA ng anak ko."Hindi ka mamamatay sa gutom sa
最終更新日: 2026-11-16
Chapter: KABANATA 2 - TILA ISANG BANGUNGOT ANG UNANG ARAW SA TRABAHO
Alas-siyete pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko ay ubos na agad ang energy ko.Hindi dahil sa traffic. Hindi rin dahil sa dami ng trabaho.Kundi dahil sa isang pangalan.Sebastian Monteverde.“Mommy, bakit parang galit ka sa damit mo?”Napatingin ako kay Lucas habang inaayos ang collar ng blouse ko.“I'm not angry, baby. I'm just trying to look presentable.”“What's presentable?”“Pretty.”He nodded seriously. “You're pretty, Mommy.”Napangiti ako. “Aww. Thank you, baby.”“But you look prettier when you're not angry.”Napahawak ako sa dibdib ko. “Grabe ka naman. Good morning din sa'yo!”Tumawa siya habang patuloy na umiinom ng chocolate milk.Pagkatapos kong ihatid siya kay Mama, dumiretso na ako sa opisina. Habang nasa biyahe, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na trabaho lang ang pakay ko roon.I was hired because of my qualifications. Hindi dahil sa nangyari sa amin ni Sebastian four years ago.At higit sa lahat, wala akong balak na pag-usapan ang nakaraan.Pagdating ko sa for
最終更新日: 2026-11-16
あなたも気に入るかもしれません
Pregnant by my Boss (TagLish)
Pregnant by my Boss (TagLish)
Romance · Criselle Vachirawit
5.4K ビュー
Martina : Love and Lies
Martina : Love and Lies
Romance · Rubye GT
5.4K ビュー
Destined to Forever
Destined to Forever
Romance · Amira
5.4K ビュー
His Million Dollar Wife
His Million Dollar Wife
Romance · sinblue
5.4K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status