My Contracted Husband Is A Cold Billionaire

My Contracted Husband Is A Cold Billionaire

last updateLast Updated : 2025-04-19
By:  M.A.B. WritesOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
22 ratings. 22 reviews
33Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Para maisalba ang nalulugi nilang negosyo ay pumayag si Catherine na makipag blind date sa isang misteryoso at masungit na lalaking bilyonaryo na hindi naman niya kilala. Ngunit hindi inaasahan ni Catherine ang nangyari sa naging blind date niya because she ended up entering into a contractual marriage with him. Daniel Brian Zaad Borris is a perfect man. Gwapo at matipuno at idagdag mo pa na siya ang nag-iisang tagapagmana sa isang sikat at malaking mall chain sa buong mundo. Ngunit sakabila ng lahat nang mayroon siya ay may masakit rin siyang kahapon na pilit na iniiwasan. Matapos saktan at iwanan ng kanyang pinakamamahal na childhood sweetheart ay ipinangako na niya sa sarili niya na hinding hindi na siya magmamahal pa. Pero kung gaano niya kagustong umiwas sa pag-ibig ay siya namang kagustuhan rin ng pamilya niya na makipagbalikan at maikasal siya sa babaeng nanakit sa kanya. Faced with familial pressure to marry his ex-girlfriend kaya napagdesisyonan niyang magpakasal kay Catherine. They will get married but with one strict condition and that is 'no falling in love'. It start with a simple arrangement but soon becomes complicated as unexpected feelings begin to surface. Kaya ba nilang panindigan ang kanilang pangako sa isa't isa kung pareho na silang dalawa na hulog na hulog sa isa't isa?

View More

Chapter 1

Simula

Malalaki ang hakbang niya habang nagmamadaling pumapasok sa isang coffee shop. At dahil sa sobrang pagmamadali ay halos malakas niya pang nabuksan ang nakasarang pintuan nang naturang lugar. At dahil sa lakas nang pagkakabukas niya ay halos lahat ng mga costumer na nasa loob ay napatingin sa kanya. Ngunit wala siyang pakialam dahil sa halip na pansinin ang mga ito ay mabilis niyang sinuyod ng tingin ang buong coffee shop. Tumigil lamang ang mga mata niya sa isang mesa kung saan may nakaupong isang may katandaang ng babae. Nakatingin ito sa kanya na para bang siya ang nag-iisang nakakahiyang taong nakita nito sa buong mundo.

Humigpit ang hawak niya sa kanyang sling bag na suot at tsaka humugot ng isang malalim na hininga.

'Damn! Kinakailangan ko ba talagang harapin ang taong may galit sa akin at hindi ako gusto?' sigaw ng isipan niya bago inayos ang kanyang buhok.

'Kaya mo iyan Catherine. There's no need for you to feel intimated. Isipin mo na lang na mas marami ka nang naengkwentro na mas nakakatakot pa kesa sa matandang iyan,' pagchecheer niya sa kanyang sarili bago naglakad nang nakangiti.

Bawat hakbang niya papasok sa coffee shop ay naririnig niya ang iilang mga bulungan patungkol sa kanya. At wala siyang pakialam para doon. Sino ba naman sila para husgahan siya nang wala namang sapat na basehan. At habang naglalakad ay mas lalo lamang niyang napapansin at nakikita ang ginagawang pandidiri ng mismong ginang na naghihintay sa kanya.

'Siguro ay talagang ayaw niya sa akin at napipilitan lamang siyang kitain ako ngayon?' isip pa niya at dumeretso sa counter.

"Isa pong coffee latte, please," utal niya sa kahera nang nakangiti.

Halos hindi na niya pinagkaabalahang llingunin pa ang ginang na sobrang sama na ng mukha sa kanya.

Matapos makuha ang order ay agad siyang nagpasalamat sa kahera at nakangiting nilapitan ang naghihintay na ginang.

"Hello, Ma'am," ngiting bati niya dito na lantaran namang ikinairap ng ginang sa kanya.

At habang umuupo ay nakita niya pa ang ginawa nitong pagtingin sa mamahaling relong suot nito.

"Your exactly 10 minutes late! Ganito ka ba palagi tsk!" ismid nito sa kanya.

"Ahahaha 10 minutes lang naman po at tsaka sobrang traffic po kasi sa edsa," paliwanag niya gamit ang masayahin niyang boses na ikinataas ng kilay nito.

"Natutuwa po akong makita kayo ulit matapos nang una po nating pagkikita dalawa. Kumusta naman po kayo ngayon?" ngiting tanong niya pa sa ginang sabay higop niya sa kanyang kape.

Isang ismid lang ang ginawa ng naturang ginang sa kanya bago ito nagsimulang magsalita.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa hija. I wan't you to leave my son! Hindi kita gusto para sa kanya! Alam ko ang tungkol sa mga kagaya mo. Mga gold digger!" walang preno nitong anas sa medyo malakas na boses.

Marahang ibinaba ni Catherine ang tasa ng kape na kanyang iniinom at tsaka humigpit ang hawak niya roon. Anumang ngiti at pagpipigil niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at pag-aalala para sa ginang na kanyang kaharap. Napakasopistikada nito sa suot nitong mga mamahaling alahas at idagdag mo pa na maayos na nakabun ang puti nitong buhok. Kahit na maputi na ang buhok ay bakas na bakas pa rin ang pagiging magandang babae nito. Mas lalo lamang siyang nanginig sa takot nang dumako ang mga mata nito sa kanyang mga kamay at nakita nito ang suot suot niyang singsing.

"That ring...is not...huwag mo sabihing.." gulat at medyo hindi makapaniwalang anas nito habang nakaturo sa kanyang suot na singsing sa kanyang palasingsingan.

"Ahh! Ito po ba?" sabay taas niya sa kanyang kamay.

"Binigay po ito ni Zaad sa akin," ngiti niya na mas lalo lang ikinalaki ng mga mata nang naturang ginang.

"Is it a couple ring or something? Answer me you woman!"

"Hmm?" tila nag-iisip niyang sagot.

"What's with that face? Is it an egagement ring?" gulat na anas nito sa hindi makapaniwalang ekspresyon.

Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang matandang kaharap. Kaya imbis na sagutin ay sunod sunod ang ginawa niyang pagtango rito.

"P-parang ganon na nga Ma'am," kinakabahang ngiti niya.

Hindi makapaniwalang napasapo sa kanyang noo ang matandang ginang at hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pagtagis nang bagang nito dahil sa sobrang galit.

"At sinong may sabi na pwede kayong maengaged dalawa? Hindi ako makakapayag! Bilang ina niya ay tumututol ako sa relasyon ninyong dalawa!" sabay hampas nito sa mesa na siyang ikinalingon nang iba pang mga costumer sa kanila.

Pero talagang nilamon na nang galit ang matanda dahil sa wala na nga itong pakialam pa sa mga pinagsasabi nito at sa mga taong nakatingin sa kanila.

"I never approved of you being with my son!" dagdag pa nito na ikinapagak ng ngiti ni Catherine.

Bakit ba ganito na lamang ang galit nang matandang ginang sa kanya? Pero wala na siyang ibang magagawa pa dahil pinasok na niya talaga ang gulong ito.

"Oo nga po eh," wala sa sariling anas ni Catherine sa medyo natatakot nang boses.

"What?!"

"Sinubukan ko naman pong tanggihan si Zaad pero talagang mapilit po siya. He kept on insisting po kaya pumayag na lamang po ako," anas niya sa medyo kinakabahang boses.

"What do you mean he kept on insisting? Are you his puppet? Wala ka bang utak para umayaw!"

Ouch! Talagang anumang oras ay maiiyak na siya sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Kahit na hindi naman totoo ang lahat ay nasasaktan at nasasaktan pa rin naman siya sa mga ibinabatong masasakit na salita nito sa kanya. Humugot siya ng isang malalim na hininga at tsaka hinarap ulit ang ginang nang nakangiti.

"Sinagot ko rin naman po siya dahil sa mahal at gusto ko po siya. Kaya satingin ko po ay hindi ko naman po kinakailangan ang approval niyo para makasama ko ang anak niyo."

"WHAT!" sabay tayo nito na siyang ikinalingon ulit ng mga tao sa gawi nila.

Nanggagalaiti siya nitong itinuro.

"I told you already! I don't like you for my son! I really don't! Gaano ba kakapal iyang mukha mo at nang hindi mo pa rin maintindihan ang mga sinasabi ko!"

"I have no intention on whatsoever of accepting you! As my daughter in law!"

Napakagat labi lamang si Catherine sa tinuran nito. Ano bang pakialam naman niya sa ginang na kaharap niya ngayon? Ehh sa wala naman kaya dapat lang na imbis na maapektuhan ay isipin na lamang niya na ginagawa niya ang lahat ng mga ito para sa pamilya niya. And that's means that she's ZERO DAMAGE sa mga sinasabi nito.

"Okay!" matamis na ngiti niya sa matanda na mas lalo lamang na ikinagagalit nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(22)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
22 ratings · 22 reviews
Write a review
user avatar
M.A.B. Writes
Happy 1.4K views sa aking baby Zaad and Catherine. Sana ay dumami pa po tayo♡♡♡
2025-04-04 10:54:37
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:07:17
1
user avatar
Mairisian
More up Ms. A 🫶
2025-03-18 17:22:20
1
user avatar
Breymart
napakagandang kwento nito...keep on updating po..
2025-03-16 20:57:01
1
user avatar
Breymart
recomended po sa mga readers...
2025-03-16 20:31:59
1
user avatar
Breymart
keep on updating po miss a...support po kita..
2025-03-16 20:31:28
1
user avatar
Breymart
napakaganda talaga ng kwentong ito...nakakakilig at nakakaexcite ang bawat kabanata...
2025-03-16 20:30:49
1
user avatar
Lexius rhian
nakakinlove ang bawat mga character...always update po miss a...
2025-03-16 20:20:51
1
user avatar
Lexius rhian
napakagandang kwento talaga nito...
2025-03-16 20:19:51
1
user avatar
Lexius rhian
napakagandang kwento..
2025-03-16 20:13:39
1
user avatar
Lexius rhian
pa update po always Miss a..
2025-03-16 20:13:19
1
user avatar
Middle Child
more update miss a
2025-03-15 17:20:47
1
user avatar
LMCD22
Recommend ang story. Bongga magpakilig at ang twist ang ganda. ...️
2025-03-15 09:35:14
1
user avatar
Breymart
support this story...
2025-03-14 09:54:55
1
user avatar
Breymart
highly reccomended...
2025-03-14 09:54:34
1
  • 1
  • 2
33 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status