He’s perfect and she’s not. He’s not an alcoholic but she is. He’s good at modeling but she’s better at drag racing and gambling. Everything he has, she doesn’t care. Vander Monterallo is a successful man and is well known as the most popular cover magazine and runway model. He is the epitome of the word perfection from head to toe. His perfect image helps him to reach what he has become. However, his excellent reputation will be put at risk when he forcibly married to Dawn Indiana Silueta, a girl with too many bad habits. Dawn Indiana Silueta is the unwanted daughter and the black sheep of the family. She’s a rebel and uncontrollable woman, that’s what her family thought about her. She’s just happy doing everything outside their perfect house. She loves to explore and tries anything that excites her. However, her freedom will soon end when she is forced to marry a “perfect” husband. Will Vander maintain his perfect image or be screwed up by Dawn? How about Dawn, will she stand being rebellious or will she change because of Vander? This story will prove if the opposite really attracts or if the opposite always fights.
View MoreMalakas na musika at nagkakasiyahan na mga tao ang sumalubong kay Dawn pagpasok sa bar. Tila wala nang bukas ang mga ito habang sumayaw sa dance floor. Nakikita niya kung gaano ka-wild ang mga babae habang umiindayog ang balakang sa kapareha nitong lalaki. Nagustuhan naman iyon ng mga lalaki at sinasabayan ng paghaplos sa katawan ng mga babae. Inalis ni Dawn ang tingin sa mga sumasayaw. Hinanap ng kaniyang mga mata ang bulto ng kaibigang si Magnum. Tinawagan siya nito para uminom ngayong gabi, pero alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya. Sigurado brokenhearted na naman ang loko at gagawin siyang driver pabalik sa bahay nito.
“Dawn!” Agaw pansin ang malakas na boses ni Magnum sa karamihan ng mga tao.
Tumaas ang kilay ni Dawn nang makita ang itsura ni Magnum. Wala sa ayos ang suot nitong polo, may mga mantsa ng lipstick sa kuwelyo at namumungay na rin ang mga mata nito tanda ng labis na kalasingan. Hawak nito ang bote ng alak habang sunod-sunod na umiinom doon. Kung ang mga tao ay wala nang bukas sumayaw, si Magnum naman ay parang wala na rin bukas kung uminom.
“Basted ka na naman ba?” bungad niyang tanong kay Magnum pag-upo sa tabi nito.
“Dawn!” malakas nitong sabi.
Itinulak niya ang mukha ni Magnum nang akmang yayakapin siya nito.
“Umayos ka nga, Magnum! Ilang babae ba ang gumahasa sa ’yo at ganiyan ang itsura mo?” nakangiwi niyang tanong.
“D-Dawn, I really love her,” malungkot nitong sabi sa halip na sagutin ang tanong niya.
Inagaw ni Dawn ang hawak na bote ng alak ni Magnum at diretsong uminom doon. Ayaw niyang tumatak na naman sa kaniyang isip ang sinabi nito. Letse! Paulit-ulit na lang niyang narinig iyon. Wala nang katapusan. Nagsasawa na siya.
Umubo si Dawn nang biglang gumuhit ang kakaibang init sa kaniyang lalamunan dulot ng alak.
“Putspa! Anong klaseng inumin ’to? Ang tapang!” Binagsak niya sa mesa ang bote. Wala na siyang planong inumin pa iyon.
“I love her, Dawn,” paulit-ulit na sabi ni Magnum.
Huminga nang malalim si Dawn bago tumayo. “Halika na. Ihahatid na kita pauwi.” Inalalayan niyang tumayo si Magnum pero ang walanghiya hinila siya at niyakap.
“D-Dawn! M-mahal na mahal ko siya!” sigaw nito.
Walang nagawa si Dawn kundi marahang tapikin ang likuran ng kaibigan. Iyon lang ang pwede niyang ibigay sa sitwasyon nito ngayon. Hindi siya magaling magpayo. Baka lalo itong masaktan sa sasabihin niya kaya mananahimik na lang siya habang pinapakinggan ang sinasabi nito.
“Mahal ko siya,” muli nitong sabi habang nakahilig sa balikat niya.
“Oo na. Narinig kita pero kailangan na nating umuwi. Lasing na lasing ka na oh. Baka magkalat ka pa rito, nakakahiya.”
Puwersahan niyang itinayo si Magnum. Inilagay niya ang isa nitong braso sa balikat niya. Hinawakan niya ito sa baywang at inakay palabas ng bar. Nahirapan pa siya dahil sa laki nito. Bukod sa tangkad ni Magnum, malaki rin ang katawan nito. Nanliliit siya sa laki nito. Kahit ganoon, nagawa pa rin niyang ilabas si Magnum sa bar.
Pagkarating sa labas, problemadong nagpabalik-balik ang tingin ni Dawn sa nakaparking na motorsiklo at sa lasing niyang kaibigan.
“Paano ko isasakay ang gagong ’to?” tanong niya sa sarili habang nakatingin kay Magnum. Hinayaan niya itong umupo sa gilid ng kalsada.
“N-Naririnig kita, Dawn!” sagot naman ni Magnum.
Masamang tumingin si Dawn kay Magnum. “Gunggong ka talaga! Bakit hindi mo dinala ang kotse mo? Dito ka pa pumunta sa lugar na ito alam mo namang walang dumadaan na taxi rito! Paano kita isasakay sa motor, huh?” gigil niyang sabi rito.
Ngumiti lang si Magnum na parang timang. Nainis naman si Dawn sa kaibigan.
“Wala akong pananagutan kapag nahulog ka!” babala niya rito bago ito alalayang sumakay sa kaniyang motorsiklo.
“Wohhh! Mahal na mahal kita!” parang baliw nitong sigaw sa likuran niya habang umaandar na ang kaniyang motor.
“Kumapit kang mabuti, gago!” sigaw niya rito.
Mabagal lang ang kaniyang pagpapatakbo dahil ayaw din naman niyang maaksidente sila.
“B-bakit ayaw niya sa ’kin?” tanong ni Magnum habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.
“Huwag kang matulog diyan, gago! Sinasabi ko sa ’yo kapag nahulog ka, sasagasaan pa kita!” banta niya. Mukhang hindi naman epektibo ang pananakot sa brokenhearted na tao dahil patuloy pa rin ito sa sinasabi.
“G-gwapo rin naman ako ah! M-mayaman, m-may sariling negosyo at mahal na mahal siya. B-bakit ayaw pa rin niya sa ’kin? Ano pa bang kulang sa perpekto kong pagkato?”
“Aist! Gago ka kasi at nainlove sa may kasintahan na,” sagot ni Dawn sa hinaing ni Magnum.
Kilala niya ang babaeng kinababaliwan ni Magnum at alam din niyang may kasintahan ’yong babae. Pasaway lang talaga itong kaibigan niya dahil patuloy pa ring hinahabol ’yong babae tapos sa kaniya magrereklamo kapag nasaktan.
Hindi narinig ni Dawn ang sagot ni Magnum hanggang makarating sila sa gate ng subdivision ng bahay nito.
“Narito na tayo,” sambit niya nang tumigil sila sa harapan ng tirahan nito.
Hindi naman ito kumilos kaya bahagya niya itong siniko.
“Uy! Bumaba ka na!” Naramdaman naman niya ang pagkilos ni Magnum. Bahagya pa siyang tumawa nang matumba ito sa semento. That’s a true friendship. Tawanan mo muna bago mo tulungan. “Uminom kasi ng sapat lang.”
Bumaba siya sa motor at inalalayan niyang tumayo si Magnum bago nag-doorbell. Kaagad namang lumabas ang matandang kasambahay sa bahay ni Magnum.
“Ay, sus maryosep! Jusko ang batang ’to! Anong nangyari sa kaniya?” nataranta nitong tanong pagbukas ng gate.
“Gago po kasi, Manang. Saan ko ba pwedeng ibagsak ’to nang magising sa katotohanan?” biro niya sa matanda.
“Naku, Iha! Doon na lang sa kwarto niya. Ako nang bahala sa kaniya. Pasensya na sa abala ha.”
“Sanay na ako rito, Manang. Paki-remind na lang po sa kaniya bukas ang bayad sa pag-istorbo niya sa tulog ko,” muli niyang sabi sa matanda bago nagtungo sa silid ni Magnum.
Pagpasok sa silid ni Magnum, inayos ni Dawn ang pagkakahiga ng kaibigan sa kama. Pinagmasdan niya ang payapa nitong pagtulog. Ang himbing niyon na parang hindi nito inabala ang masarap niyang tulog kanina, pero wala naman siyang magagawa kaya pinuntahan niya rin ito. Alam niyang hindi titigil sa pagtawag si Magnum kung hindi siya pupunta kung nasaan ito.
“Gago ka talaga!” naiinis niyang sabi bago lumabas sa silid nito.
***
Mabilis ang ginawang pagpapatakbo ni Dawn sa kaniyang motorsiklo. Bumabalik sa isipan niya ang mga nasaksihang sakit ni Magnum dulot ng babaeng mahal nito. Masakit sa kaniya na makitang ganoon ang kaibigan. Masakit talaga para sa kaniya na makitang nasasaktan ang taong mahal niya.
Oo, mahal niya ang gagong ’yon! Nagpapakagago ito sa babaeng may ibang mahal habang siya’y isang tanga na dumadamay kapag nasasaktan ito.
“Putspang pagmamahal ’yan!” malakas niyang sabi sa ilalim ng suot na helmet. Nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa namumuong luha sa kaniyang mga mata. “Sumabay ka pa!” tukoy niya sa luha.
Itinaas ni Dawn ang face shield ng helmet. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi pero isang liwanag ang sumilaw sa kaniya. Isang mabilis na pangyayari ang naramdaman niya. Namalayan na lang niya ang pagtalsik ng katawan sa ere. Ilang ulit siyang gumulong sa semento kasunod ng pagdilim ng kaniyang paningin.
“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments