author-banner
Rose Deza
Rose Deza
Author

Nobela ni Rose Deza

Mistress: The Unmarried Wife

Mistress: The Unmarried Wife

Sa isang kakaibang kuwento kung saan ang "other woman" ang bida, naniwala si Camille Rodriguez sa pangako ng kasal sa isang lalaking may-asawang, si Jerrick Alcantara na pinaniwalang tapos na ang kanilang pagsasama ni Emilia, ang kanyang legal wife. Halos sampung taon siyang nanilbihan na tila tunay na asawa, hanggang sa matuklasan niyang patuloy pa palang nagkikita at nagkakamabutihan sina Jerrick at Emilia Dahil sa sakit at pagod na sa mga napakong pangako, pinili ni Camille na bumitaw at piliin ang kanyang sarili. Sa gitna ng kanyang paghilom, muling nagparamdam si Sebastian "Baste" Madrigal, ang matiyagang kaibigan noong kolehiyo na handang dumamay nang walang hinihinging kapalit. Ngayong malaya na si Camille, ano na ang susunod na kabanata sa kanyang buhay? Magagawa na kaya niyang buksan muli ang kanyang puso at bigyan ng pagkakataon si Baste?
Basahin
Chapter: KABANATA 5: ANG DESISYON NI CAMILLE
Camille’s POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mas mabigat ang bawat araw na kasama ko si Jerrick. Dati, sapat na ang isang yakap niya upang mawala ang pagod ko. Ngayon, kahit katabi ko siya sa kama pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin.Parang may pader sa pagitan namin.Pagkatapos ng pagkikita namin ni Baste, naging mas mapagmasid si Jerrick sa bawat kilos ko. Madalas niyang tanungin kung sino ang kausap ko, kung saan ako pupunta, at kung bakit hindi agad ako umuuwi.Nakakagulat na kaya niyang magselos, samantalang ako mismo ay ilang taon nang walang hindi sigurado na ako lamang ang babaeng nasa puso niya.Isang gabi, habang nagdedinner kami, muli kong sinubukang pag-usapan ang tungkol kay Emilia.“Jerrick, kailangan nating mag-usap tungkol sa kasal ninyo.”Napahinto siya sa pagkain.“Akala ko ba napag-usapan na natin iyan?”“Hindi. Lagi mo lang sinasabing inaayos mo. Pero halos sampung taon na, wala pa ring nangyayari.”“Hindi ganun kadali ang proseso.”“Talaga bang
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: KABANATA 4: "AKO PA RIN ANG LEGAL NA ASAWA" -EMILIA
Camille’s POVHindi ako mapakali ng gabing iyon.Paulit-ulit kong tinitingnan ang resibo na nakita ko sa bulsa ng pantalon ni Jerrick. Isang mamahaling restaurant sa Makati. Dalawang tao. Alas-otso ng gabi. Parehong petsa ng gabing sinabi niyang may mahalaga siyang business meeting.Gusto kong maniwala na kliyente lamang ang kasama niya. Gusto kong isipin na wala akong dapat ipag-alala. Pero paano ko gagawin iyon kung ilang buwan na niyang ipinaparamdam sa akin na may bahagi ng buhay niya na hindi ko na maaaring pasukin?Nang gabing iyon, halos alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pinto ng aming condominium.“Gising ka pa?” tanong ni Jerrick habang inilalapag ang susi sa mesa.“Oo. Hinintay kita.”“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Alam mo namang maraming trabaho sa opisina.”Tiningnan ko siya. Gusot ang manggas ng kaniyang polo at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones nito. Amoy mamahaling pabango siya, ngunit hindi iyon ang pabangong karaniwan niyang ginagamit.“S
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: KABANATA 3: ANG MGA TAON NG KALIGAYAHAN AT ANG PAGBABAGO
Camille’s POVHindi ko namalayang mabilis na lumipas ang mga taon.Sa unang tatlong taon ng pagsasama namin ni Jerrick, masasabi kong ako ang pinakamasayang babae sa mundo. Kahit hindi pa niya ako naipapakilala bilang legal na asawa, hindi ko naramdamang kulang ako sa pagmamahal. Sa katunayan, kung may isang bagay akong ipinagpapasalamat noon, iyon ay ang pagkakaroon ng isang lalaking handang gawin ang lahat para lang mapasaya ako.Magkasama kaming naninirahan sa isang magandang condominium sa Makati. Unti-unti naming binuo ang tahanang pinangarap namin. Ako ang namahala sa mga gastusin, nag-aayos ng aming mga gamit, at naghahanda ng pagkain. Si Jerrick naman ang abala sa kanyang negosyo.Tuwing umaga, sabay kaming nag-aalmusal. Bago siya umalis, hindi niya nakakalimutang halikan ako sa noo. Kapag umuuwi siya nang maaga, madalas ay nagluluto kami ng magkasama o kaya nama'y nanonood ng movie habang magkatabi sa sofa.May mga gabing bigla niya akong yayakapin mula sa likuran habang nagh
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: KABANATA 2: SA LIKOD NG PAGHIHIWALAY
Camille’s POVHindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang epekto sa akin ng pangalan ni Emilia tuwing naririnig ko iyon mula kay Jerrick.Marahil dahil kahit ilang beses niyang sabihin na wala na silang relasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na may ibang babaeng legal na nagmamay-ari ng apelyidong Alcantara. At ako, kahit gaano niya ako kamahal ayon sa kanyang mga salita, ay mananatiling isang babae lamang na kailangan maghintay sa gilid.Kinabukasan matapos ang tawag ni Emilia, napansin kong hindi mapakali si Jerrick. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya habang nagkakape kami sa kusina."May problema ba?" tanong ko.Ibinalik niya sa mesa ang kanyang telepono at napabuntong-hininga."Si Emilia na naman."Hindi ako nagsalita."Gusto niya akong makausap mamaya. May mga bagay na naman daw kaming kailangan ayusin.""Siguro kailangan ninyo talagang pag-usapan nang maayos ang sitwasyon ninyo."Tumingin siya sa akin."Alam mo ba kung ano ang gusto kong mangyari?"Umiling a
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: KABANATA 1: ANG PAG-IBIG NA NAGSIMULA SA ISANG KASINUNGALINGAN
Camille’s POVHindi ko kailanman inakalang magiging bahagi ako ng isang kuwentong dati ko lang hinuhusgahan.Lumaki akong naniniwalang ang pag-ibig ay dapat malinis, tapat, at walang ibang taong masasaktan. Pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya, isang lalaking uuwian araw-araw, at tahanang puno ng pagmamahalan. Hindi ko kailanman pinangarap maging other woman, lalong hindi ang maging kabit ng lalaking may legal na asawa.Ngunit minsan, ang mga bagay na pinaniniwalaan natin hindi natin gagawin ay siya palang magiging bahagi ng ating buhay.At nagsimula ang lahat nang makilala ko si Jerrick Alcantara.Dalawampu't limang taong gulang ako noon at nagtatrabaho bilang marketing manager sa isang kompanyang madalas makipag-ugnayan sa iba't ibang negosyo. Sa isang malaking business partnership ko siya unang nakilala.Naganap iyon sa isang hotel ballroom sa Makati. Nakasuot siya ng itim na suit, puting polo, at mamahaling relo. Matangkad, makisig, at may ngiting madaling makakuha ng atens
Huling Na-update: 2026-11-23
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status