Mag-log inCamille’s POV
Hindi ako mapakali ng gabing iyon.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang resibo na nakita ko sa bulsa ng pantalon ni Jerrick. Isang mamahaling restaurant sa Makati. Dalawang tao. Alas-otso ng gabi. Parehong petsa ng gabing sinabi niyang may mahalaga siyang business meeting.
Gusto kong maniwala na kliyente lamang ang kasama niya. Gusto kong isipin na wala akong dapat ipag-alala. Pero paano ko gagawin iyon kung ilang buwan na niyang ipinaparamdam sa akin na may bahagi ng buhay niya na hindi ko na maaaring pasukin?
Nang gabing iyon, halos alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang p***o ng aming condominium.
“Gising ka pa?” tanong ni Jerrick habang inilalapag ang susi sa mesa.
“Oo. Hinintay kita.”
“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Alam mo namang maraming trabaho sa opisina.”
Tiningnan ko siya. Gusot ang manggas ng kaniyang polo at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones nito. Amoy mamahaling pabango siya, ngunit hindi iyon ang pabangong karaniwan niyang ginagamit.
“Saan ka nanggaling?”
“Sinabi ko na sa iyo. May meeting ako.”
“Sa restaurant ba sa Makati?”
Saglit siyang natigilan.
“Anong restaurant?”
Kinuha ko ang resibo mula sa ibabaw ng mesa at iniabot sa kaniya.
“Ito. Nakita ko sa bulsa ng pantalon mo.”
Tiningnan niya iyon bago muling tumingin sa akin.
“Camille, kailangan ba talagang imbestigahan mo ang bawat galaw ko?”
“Hindi kita iniimbestigahan. Nagtatanong ako.”
“Business dinner iyon.”
“Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Napabuntong-hininga siya at hinubad ang relo.
“Dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon mo. Lahat na lang pinag-iisipan mo ng masama.”
Masakit marinig ang mga salitang iyon. Hindi dahil bago ang paraan niya ng pagsasalita, kundi dahil dati, siya mismo ang taong kusang nagkukuwento sa akin ng bawat detalye ng kaniyang araw.
“May kasama ka bang babae?” mahinahon kong tanong.
“Wala akong panahon sa mga walang kwentang tanong mo.”
“Jerrick, sagutin mo lang ako.”
“Pagod ako, Camille.”
Tumalikod siya at naglakad papunta sa kuwarto. Naiwan akong nakatayo sa sala, hawak ang resibong unti-unting nalukot sa aking mga daliri.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit: ang posibilidad na may iba siyang babae o ang katotohanang hindi na niya nakikita ang halaga ng mga tanong ko.
Kinabukasan, habang naghahanda ako ng almusal, nakita kong naiwan niya ang kaniyang cellphone sa kusina. Ilang segundo lamang ang lumipas nang umilaw ang screen.
May pumasok na mensahe.
Emilia: Salamat sa kagabi. Sana maulit natin ang dati.
Nanlamig ang mga kamay ko.
Emilia.
Hindi ibang babae. Hindi isang bagong kakilala. Hindi kung sinong babaeng nakilala niya sa trabaho.
Ang legal niyang asawa.
Binuksan ko ang mensahe bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas ng loob. May ilan pang mensahe sa kanilang pag-uusap. Mga tanong kung kumain na ba ang isa't isa, mga alaala ng mga panahong magkasama sila, at mga simpleng pangungumusta na tila hindi kailanman nawala.
May litrato rin.
Si Emilia, nakasuot ng eleganteng itim na damit, nakangiti habang nakaupo sa isang restaurant. Sa sumunod na larawan, magkatabi silang dalawa ni Jerrick.
Hindi iyon larawan ng dalawang taong wala ng koneksiyon sa isa't isa.
Nang marinig ko ang pagbukas ng p***o, agad kong ibinaba ang cellphone.
“Good morning,” bati ni Jerrick.
“Maganda ba ang gabi ninyo kagabi?”
Nawala ang ngiti niya.
“Ano na naman?”
“Si Emilia ba ang kasama mo sa dinner?”
Hindi siya sumagot.
“Jerrick, tinatanong kita.”
“Bakit mo binubuksan ang cellphone ko?”
“Dahil nakita ko ang pangalan niya. At nabasa ko ang mensahe niya.”
Napahawak siya sa noo.
“Hindi mo dapat ginagawa iyon.”
“Hindi ko dapat? Paano naman ang ginagawa mo? Halos sampung taon na tayong magkasama, pero hanggang ngayon, may mga gabing kasama mo pa rin ang asawa mo.”
“Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon namin.”
“Kung ganoon, ipaliwanag mo sa akin!”
Tahimik siyang tumingin sa akin bago tuluyang nagsalita.
“Matagal na kaming magkakilala ni Emilia. May pinagsamahan kami. Hindi ganoon kadaling burahin ang lahat.”
“Pero sinabi mong tapos na kayo.”
“Tapos na ang pagsasama namin bilang mag-asawa.”
“Pero hindi ang relasyon ninyo?”
Hindi siya sumagot.
Napapikit ako. Sa isang iglap, parang nagkaroon ng kahulugan ang lahat ng gabing hindi siya umuuwi, ang mga tawag na sinasagot niya sa labas, at ang mga pagkakataong bigla siyang nagiging masaya habang nakatingin sa cellphone.
“Nagkikita pa rin ba kayo?” tanong ko.
“Paminsan-minsan.”
“May nangyayari pa rin ba sa inyo?”
“Camille…”
“May nangyayari pa rin ba?”
Matagal bago siya sumagot.
“May mga bagay na hindi mo kailangang malaman.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.
Hindi niya itinanggi.
Hindi niya rin ako pinanatag.
At sa katahimikang iyon, nakuha ko ang sagot na matagal ko nang kinatatakutan.
“Hindi pala talaga siya nawala sa buhay mo,” bulong ko.
“Wala na kaming relasyon na gaya ng dati.”
“Pero hinahanap mo pa rin siya.”
“Hindi mo pwedeng diktahan kung sino ang kakausapin ko.”
Napatawa ako nang mapait.
“Hindi kita dinidiktahan. Gusto ko lang malaman kung saan ako lulugar.”
“Camille, ikaw ang kasama ko. Dito ka nakatira. Ikaw ang pinili kong makasama.”
“Pero siya ang asawa mo.”
Walang naisagot si Jerrick.
Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lamang ako nakikipag-agawan sa isang babae. Nakikipag-agawan ako sa isang kasal na hindi pala tunay na natapos.
Nang gabing iyon, lumabas ako upang magpalipas ng oras. Hindi ko kayang manatili sa condominium na puno ng mga alaalang bigla na lamang naging masakit.
Nagpunta ako sa isang maliit na coffee shop malapit sa dating pinapasukan kong opisina. Habang nakaupo ako sa may bintana, may isang lalaking lumapit sa mesa ko.
“Camille?”
Napatingala ako.
Ilang segundo akong natigilan bago ko nakilala ang mukha niya.
“Baste?”
Ngumiti siya. Mas matanda na siya kaysa sa huli naming pagkikita, ngunit hindi nagbago ang mahinahon niyang mga mata.
“Ang tagal na,” sabi niya.
“Halos sampung taon na yata.”
“Hindi ko akalaing magkikita tayo rito.”
Nagkamustahan kami. Nalaman kong matagal na pala siyang nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Makati at kasalukuyang bumisita lamang sa lugar na iyon.
Dati, si Baste ang taong laging naghahatid sa akin pauwi pagkatapos ng klase. Siya ang nagdadala ng dagdag na pagkain kapag alam niyang hindi ako nakakakain. Siya rin ang unang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako, kahit hindi ko kailanman binigyan ng pagkakataong maging higit pa siya sa isang kaibigan.
May mga pagkakataong muntik na kaming umamin sa isa't isa. Ngunit dumating si Jerrick, at pinili ko ang lalaking nangakong ibibigay sa akin ang lahat.
“Kamusta ka na?” tanong ni Baste.
“Okay lang.”
Tiningnan niya ako ng mabuti.
“Sigurado ka? Parang pagod na pagod ka.”
Napangiti ako ng pilit.
“Siguro.”
Hindi na siya nagtanong pa. Sa halip, nagkuwento siya tungkol sa trabaho at sa mga kaibigan naming matagal na naming hindi nakikita.
Bago kami maghiwalay, hinawakan niya sandali ang kamay ko.
“Masaya akong makita kang muli, Camille.”
“Masaya rin akong makita ka.”
“Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.”Binigay nya ang w******p account nya
Hindi ko napigilang mapayuko.
Dahil sa simpleng pangungusap na iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap kay Jerrick, ang pakiramdam na may taong handang makinig ng hindi ako kailangan magmakaawa.
Pag-uwi ko, nadatnan ko si Jerrick sa sala. Nakaupo siya sa sofa habang nakatitig sa cellphone.
“Saan ka galing?” tanong niya.
“Lumabas lang.”
“May kasama ka?”
“Si Baste. Dating kaibigan ko noong college.”
Tumingin siya sa akin.
“Baste?”
“Oo. Nagkataong nagkita kami.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Napangiti ako ng mapait.
“Bakit? Kailangan ko bang magpaalam?”
Natahimik siya.
Sa unang pagkakataon, ako naman ang gumamit ng mga salitang matagal na niyang ipinadama sa akin.
Pumasok ako sa kuwarto at tumingin sa singsing na ibinigay niya halos sampung taon na ang nakalilipas. Nangako siyang magiging Mrs. Alcantara ako. Nangako siyang ako ang babaeng makakasama niya habang-buhay.
Ngunit habang pinagmamasdan ko ang singsing, isang tanong ang paulit-ulit na nageecho sa isip ko.
Paano kung si Baste ang pinili ko?
Paano kung hindi ako naniwala sa lalaking may asawang hindi naman pala kayang bitawan?
Siguro hindi ako gumugol ng halos sampung taon sa paghihintay. Marahil hindi ko kailangang magtanong kung may karapatan ba akong magselos. Marahil hindi ko kailangang ipaglaban ang isang puwestong ipinangako lamang sa akin.
Ngunit huli na upang baguhin ang nakaraan.
Ang hindi ko pa alam ay kung kaya ko bang baguhin ang kinabukasan.
Dahil sa unang pagkakataon hindi na lamang si Emilia ang kinatatakutan kong mawala sa laban.
Unti-unti ko nang nararamdamang ako mismo ang nawawala sa sarili ko.
Camille’s POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mas mabigat ang bawat araw na kasama ko si Jerrick. Dati, sapat na ang isang yakap niya upang mawala ang pagod ko. Ngayon, kahit katabi ko siya sa kama pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin.Parang may pader sa pagitan namin.Pagkatapos ng pagkikita namin ni Baste, naging mas mapagmasid si Jerrick sa bawat kilos ko. Madalas niyang tanungin kung sino ang kausap ko, kung saan ako pupunta, at kung bakit hindi agad ako umuuwi.Nakakagulat na kaya niyang magselos, samantalang ako mismo ay ilang taon nang walang hindi sigurado na ako lamang ang babaeng nasa puso niya.Isang gabi, habang nagdedinner kami, muli kong sinubukang pag-usapan ang tungkol kay Emilia.“Jerrick, kailangan nating mag-usap tungkol sa kasal ninyo.”Napahinto siya sa pagkain.“Akala ko ba napag-usapan na natin iyan?”“Hindi. Lagi mo lang sinasabing inaayos mo. Pero halos sampung taon na, wala pa ring nangyayari.”“Hindi ganun kadali ang proseso.”“Talaga bang
Camille’s POVHindi ako mapakali ng gabing iyon.Paulit-ulit kong tinitingnan ang resibo na nakita ko sa bulsa ng pantalon ni Jerrick. Isang mamahaling restaurant sa Makati. Dalawang tao. Alas-otso ng gabi. Parehong petsa ng gabing sinabi niyang may mahalaga siyang business meeting.Gusto kong maniwala na kliyente lamang ang kasama niya. Gusto kong isipin na wala akong dapat ipag-alala. Pero paano ko gagawin iyon kung ilang buwan na niyang ipinaparamdam sa akin na may bahagi ng buhay niya na hindi ko na maaaring pasukin?Nang gabing iyon, halos alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pinto ng aming condominium.“Gising ka pa?” tanong ni Jerrick habang inilalapag ang susi sa mesa.“Oo. Hinintay kita.”“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Alam mo namang maraming trabaho sa opisina.”Tiningnan ko siya. Gusot ang manggas ng kaniyang polo at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones nito. Amoy mamahaling pabango siya, ngunit hindi iyon ang pabangong karaniwan niyang ginagamit.“S
Camille’s POVHindi ko namalayang mabilis na lumipas ang mga taon.Sa unang tatlong taon ng pagsasama namin ni Jerrick, masasabi kong ako ang pinakamasayang babae sa mundo. Kahit hindi pa niya ako naipapakilala bilang legal na asawa, hindi ko naramdamang kulang ako sa pagmamahal. Sa katunayan, kung may isang bagay akong ipinagpapasalamat noon, iyon ay ang pagkakaroon ng isang lalaking handang gawin ang lahat para lang mapasaya ako.Magkasama kaming naninirahan sa isang magandang condominium sa Makati. Unti-unti naming binuo ang tahanang pinangarap namin. Ako ang namahala sa mga gastusin, nag-aayos ng aming mga gamit, at naghahanda ng pagkain. Si Jerrick naman ang abala sa kanyang negosyo.Tuwing umaga, sabay kaming nag-aalmusal. Bago siya umalis, hindi niya nakakalimutang halikan ako sa noo. Kapag umuuwi siya nang maaga, madalas ay nagluluto kami ng magkasama o kaya nama'y nanonood ng movie habang magkatabi sa sofa.May mga gabing bigla niya akong yayakapin mula sa likuran habang nagh
Camille’s POVHindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang epekto sa akin ng pangalan ni Emilia tuwing naririnig ko iyon mula kay Jerrick.Marahil dahil kahit ilang beses niyang sabihin na wala na silang relasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na may ibang babaeng legal na nagmamay-ari ng apelyidong Alcantara. At ako, kahit gaano niya ako kamahal ayon sa kanyang mga salita, ay mananatiling isang babae lamang na kailangan maghintay sa gilid.Kinabukasan matapos ang tawag ni Emilia, napansin kong hindi mapakali si Jerrick. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya habang nagkakape kami sa kusina."May problema ba?" tanong ko.Ibinalik niya sa mesa ang kanyang telepono at napabuntong-hininga."Si Emilia na naman."Hindi ako nagsalita."Gusto niya akong makausap mamaya. May mga bagay na naman daw kaming kailangan ayusin.""Siguro kailangan ninyo talagang pag-usapan nang maayos ang sitwasyon ninyo."Tumingin siya sa akin."Alam mo ba kung ano ang gusto kong mangyari?"Umiling a
Camille’s POVHindi ko kailanman inakalang magiging bahagi ako ng isang kuwentong dati ko lang hinuhusgahan.Lumaki akong naniniwalang ang pag-ibig ay dapat malinis, tapat, at walang ibang taong masasaktan. Pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya, isang lalaking uuwian araw-araw, at tahanang puno ng pagmamahalan. Hindi ko kailanman pinangarap maging other woman, lalong hindi ang maging kabit ng lalaking may legal na asawa.Ngunit minsan, ang mga bagay na pinaniniwalaan natin hindi natin gagawin ay siya palang magiging bahagi ng ating buhay.At nagsimula ang lahat nang makilala ko si Jerrick Alcantara.Dalawampu't limang taong gulang ako noon at nagtatrabaho bilang marketing manager sa isang kompanyang madalas makipag-ugnayan sa iba't ibang negosyo. Sa isang malaking business partnership ko siya unang nakilala.Naganap iyon sa isang hotel ballroom sa Makati. Nakasuot siya ng itim na suit, puting polo, at mamahaling relo. Matangkad, makisig, at may ngiting madaling makakuha ng atens







