Home / Romance / Mistress: The Unmarried Wife / KABANATA 5: ANG DESISYON NI CAMILLE

Share

KABANATA 5: ANG DESISYON NI CAMILLE

Author: Rose Deza
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-23 03:54:40

Camille’s POV

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mas mabigat ang bawat araw na kasama ko si Jerrick. Dati, sapat na ang isang yakap niya upang mawala ang pagod ko. Ngayon, kahit katabi ko siya sa kama pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin.Parang may pader sa pagitan namin.

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Baste, naging mas mapagmasid si Jerrick sa bawat kilos ko. Madalas niyang tanungin kung sino ang kausap ko, kung saan ako pupunta, at kung bakit hindi agad ako umuuwi.

Nakakagulat na kaya niyang magselos, samantalang ako mismo ay ilang taon nang walang hindi sigurado na ako lamang ang babaeng nasa puso niya.

Isang gabi, habang nagdedinner  kami, muli kong sinubukang pag-usapan ang tungkol kay Emilia.

“Jerrick, kailangan nating mag-usap tungkol sa kasal ninyo.”

Napahinto siya sa pagkain.

“Akala ko ba napag-usapan na natin iyan?”

“Hindi. Lagi mo lang sinasabing inaayos mo. Pero halos sampung taon na, wala pa ring nangyayari.”

“Hindi ganun kadali ang proseso.”

“Talaga bang proseso lang ang problema?”

Tumingin siya sa akin nang may pagkainis.

“Ano bang gusto mong marinig, Camille?”

“Gusto kong malaman kung balak mo pa ba akong pakasalan.”

Matagal siyang natahimik. Ang simpleng tanong na iyon ay tila napakahirap niyang sagutin.

“Alam mo namang mahal kita.”

“Hindi iyon ang tinatanong ko.”

“Bakit kailangan mong madaliin ang lahat?”

Natawa ako ng mapait.

“Madaliin? Jerrick, ilang taon na akong naghihintay. Ilang taon na akong nagfefeeling legal wife. Ako ang nag-aasikaso sa bahay, naghahanda ng pagkain mo, nag-aalaga sa iyo kapag may sakit ka, at sumusuporta sa mga pangarap mo. Pero kapag tinanong kita kung kailan mo ako pakakasalan, ako pa ang nagmamadali?”

Tumayo siya at kinuha ang kaniyang cellphone.

“Pagod na ako sa paulit-ulit na usapang ito.”

“At ako? Hindi ba ako pagod?”

Hindi siya sumagot. Pumasok siya sa kuwarto at iniwan akong mag-isa sa hapag.

Kinabukasan, nagpasya akong hanapin si Emilia.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Ngunit kailangan kong marinig ang katotohanan mula sa babaeng matagal ko nang kinatatakutan.

Nagchat ako kay Emilia. Nagulat ako nang pumayag siyang makipagkita.

Nang magkita kami sa isang tahimik na café, agad kong nakilala ang mukha niya mula sa mga pictures sa social media. Mas maganda siya sa personal. Maayos ang buhok, she looks gorgeous, at may kumpiyansang matagal ko ng hinahangaan ngunit hindi ko kailanman naramdaman sa sarili ko.

“Camille?” tanong niya.

“Oo. Salamat at pumayag kang makipagkita.”

Umupo siya sa harap ko.

“Ano ang kailangan mong malaman?”

Huminga ako nang malalim.

“Totoo bang nagkikita pa rin kayo ni Jerrick?”

Hindi siya agad sumagot. Inayos niya ang hawak niyang tasa bago tumingin sa akin.

“Oo.”

Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko, kahit alam ko na ang sagot.

“Bakit?”

“Dahil kahit matagal na kaming hindi nagsasama sa iisang bahay, hindi naman tuluyang nawala ang relasyon namin.”

“Pero sinabi niyang matagal na kayong tapos.”

Mapait siyang ngumiti.

“Maraming sinabi si Jerrick sa iyo, hindi ba?”

Napayuko ako.

“Sinabi niyang wala na siyang nararamdaman para sa iyo.”

“Maaaring totoo iyon noong una. Marami kaming naging problema. Madalas kaming mag-away. Pareho kaming nasaktan. Pero hindi ibig sabihin noon ay tuluyan nang nawala ang lahat.”

“May relasyon pa rin ba kayo?”

Tumingin siya sa akin ng diretso.

“May mga pagkakataong nagkikita kami. Minsan, nag-uusap lang. Minsan, nagiging mahirap kalimutan ang nakaraan.”

Nanginginig ang mga daliri ko.

“May nangyayari pa rin ba sa inyo?”

Matagal siyang natahimik.

“Hindi ko alam kung anong klaseng sagot ang gusto mong marinig. Pero oo, Camille. May mga pagkakataong bumabalik kami sa dati.”

Napapikit ako at halos magbreakdown..

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nanatiling ganoon. Gusto kong umiyak, sumigaw, at tanungin siya kung bakit hinayaan niyang mangyari iyon. Ngunit naisip kong hindi siya ang taong nangakong pakakasalan ako.

Si Jerrick iyon.

“Alam mo bang may kasama siyang ibang babae sa loob ng halos sampung taon?” tanong ko.

Tumango siya.

“Alam kong ikaw ang kasama niya.”

“Kung ganoon, bakit hindi mo siya binitawan?”

“Dahil legal kaming kasal. At dahil hindi rin naman siya tuluyang lumayo sa akin.”

Napatingin ako sa kaniya.

“Hindi ka ba nagalit sakin?”

Bahagya siyang napabuntong-hininga.

“Hindi kita kilala noon, Camille. Hindi ko alam kung ano ang ipinangako niya sa iyo. Pero pareho tayong babae rito. Pareho tayong naniwala sa mga bagay na sinabi niya sa atin.”

Sa unang pagkakataon, hindi ko nakita si Emilia bilang kaaway.

Nakita ko ang isang babaeng nasaktan din, isang babaeng may sariling dahilan kung bakit nanatili sa isang relasyong matagal ng magulo.

“May balak ba kayong magbalikan?” mahinang tanong ko.

“Hindi ko alam. Pero hangga't hindi kami legal na naghihiwalay, mananatili akong asawa niya. At hangga't patuloy siyang bumabalik sa akin, hindi ko masasabing wala na talaga kami.”

Pag-uwi ko, nadatnan ko si Jerrick na naghihintay sa sala.

“Saan ka nanggaling?”

“Nakipagmeet  lang ako, importanteng tao.”

“Kay Emilia?”

Hindi ako sumagot.

“Bakit mo siya kinausap?”

“Dahil sawa na akong makinig sa mga kasinungalingan mo.”

Tumayo siya.

“Wala kang karapatang gawin iyon!”

“Wala akong karapatan? Halos sampung taon akong naghintay sa iyo! Ilang beses mo akong pinangakuan na magiging legal mo akong asawa. Nangako ka ng kasal. Ilang beses mong sinabing tapos na kayo ni Emilia. Pero nagkikita pa rin kayo!”

“Hindi mo alam ang buong kwento namin!”

“Dahil hindi mo ako kailanman binigyan ng pagkakataong malaman ang totoo!”

Lumapit siya sa akin.

“Camille, mahal kita. Ikaw ang kasama ko araw-araw.”

“Pero siya ang asawa mo.”

“Hindi ko naman ginustong maging ganito ang sitwasyon naten.”

“Pero pinili mong panatilihin kaming dalawa sa buhay mo.”

Natahimik siya.

Ilang sandali kaming nagtitigan. Pagkatapos, nagsalita siya.

“Wala kang karapatang diktahan kung ano ang dapat kong gawin kay Emilia.”

Napangiti ako, ngunit tumulo na ang luha ko.

“Alam mo kung ano ang pinakamasakit, Jerrick? Hindi dahil may asawa ka. Hindi dahil may iba kang minahal. Ang pinakamasakit ay hinayaan mong maniwala akong balang-araw magiging akin ka rin nang buo.”

“Camille, huwag kang gumawa ng desisyon dahil lang sa galit ka.”

“Hindi ako galit. Pagod na ako.”

Pumasok ako sa kuwarto at inilabas ang ilang damit mula sa aparador. Hindi niya ako pinigilan noong una. Ngunit nang makita niyang inilalagay ko ang mga ito sa maleta, hinawakan niya ang aking braso.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi muna ako sa sarili kong buhay.”

“Paano naman tayo?”

Tiningnan ko siya. Sa unang pagkakataon, hindi ko na hinanap sa kanyang mukha ang lalaking minahal ko noon.

“Matagal na kitang hinintay, Jerrick. Ngayon naman, sarili ko ang pipiliin ko.”

Iniwan ko sa ibabaw ng lamesa ang singsing na ibinigay niya sa akin. Hindi iyon madaling gawin. Kasama ng singsing ang halos sampung taon ng mga pangarap, sakripisyo, at pangakong hindi natupad.

Ilang araw akong hindi nakipag-usap kaninuman. Nang magpadala ng mensahe si Baste, hindi niya ako pinilit na magkita kami.

Kamusta ka? I hope so okay ka lang.

Sumagot ako.

Hindi pa, pero sinusubukan ko.

Makalipas ang ilang linggo, nagkita kaming muli. Naglakad kami sa isang park habang nagkukuwento siya tungkol sa buhay niya.

“Hindi kita minamadali, Camille,” sabi niya. “Ayokong maging dahilan kung bakit ka aalis sa isang relasyon. Gusto kong piliin mo ang sarili mo, kahit hindi ako ang piliin mo pagkatapos.”

Napatingin ako sa kaniya.

“Bakit ka pa rin mabait sa akin kahit hindi kita pinili noon?”

Ngumiti siya.

“Dahil hindi naman nasusukat ang halaga ng pagmamahal sa kung sinusuklian ba ito.”

Hindi ko alam kung magkakaroon kami ng pagkakataong magsimula muli. Sa ngayon, ayokong mangako ng kahit ano.

Kailangan ko munang buuin ang sarili kong matagal kong napabayaan.

Makalipas ang ilang buwan, nagsimula akong muli. Bumalik ako sa mga bagay na gusto kong gawin, nakipagkita sa mga kaibigan, at muling natutong ngumiti nang hindi naghihintay ng tawag o mensahe mula sa isang lalaki.

Minsan, naiisip ko pa rin naman si Jerrick. May mga gabing nami-miss ko ang mga yakap niya at ang mga panahong masaya kami. Hindi madaling kalimutan ang halos sampung taon ng buhay ko.

Ngunit natutunan kong hindi lahat ng minahal natin ay dapat nating panghawakan habang-buhay.

Hindi ako naging legal na asawa ni Jerrick Alcantara. Hindi ko nakuha ang apelyidong minsan niyang ipinangako. At hindi ko rin maibabalik ang mga taong nasaktan dahil sa mga desisyong ginawa namin.

Pero mayroon akong isang bagay na matagal kong ipinagkait sa sarili ko.

Ang kalayaang umalis.

Akala ko noon, ang pinakamalaking pagkatalo ng isang babae ay ang hindi mapangasawa ang lalaking mahal niya.

Ngayon, alam ko nang mas masakit ang mawalan ng sarili habang hinihintay na piliin ka ng isang taong hindi kayang panindigan ang kanyang mga pangako.

Hindi ko na gustong maging babaeng naghihintay sa likod ng isang kasal.

Hindi ko na kailangan makipagkompetensiya sa isang legal na asawa upang patunayan na karapat-dapat akong mahalin.

Dahil sa huli, natutunan kong hindi ko kailangan maging asawa para magkaroon ng halaga.

At hindi ko kailangan hintayin ang isang lalaking hindi ako kayang piliin .

Sa loob ng halos sampung taon, ako ang babaeng naghintay. Ngayon, ako naman ang babaeng marunong nang umalis.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 5: ANG DESISYON NI CAMILLE

    Camille’s POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mas mabigat ang bawat araw na kasama ko si Jerrick. Dati, sapat na ang isang yakap niya upang mawala ang pagod ko. Ngayon, kahit katabi ko siya sa kama pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin.Parang may pader sa pagitan namin.Pagkatapos ng pagkikita namin ni Baste, naging mas mapagmasid si Jerrick sa bawat kilos ko. Madalas niyang tanungin kung sino ang kausap ko, kung saan ako pupunta, at kung bakit hindi agad ako umuuwi.Nakakagulat na kaya niyang magselos, samantalang ako mismo ay ilang taon nang walang hindi sigurado na ako lamang ang babaeng nasa puso niya.Isang gabi, habang nagdedinner kami, muli kong sinubukang pag-usapan ang tungkol kay Emilia.“Jerrick, kailangan nating mag-usap tungkol sa kasal ninyo.”Napahinto siya sa pagkain.“Akala ko ba napag-usapan na natin iyan?”“Hindi. Lagi mo lang sinasabing inaayos mo. Pero halos sampung taon na, wala pa ring nangyayari.”“Hindi ganun kadali ang proseso.”“Talaga bang

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 4: "AKO PA RIN ANG LEGAL NA ASAWA" -EMILIA

    Camille’s POVHindi ako mapakali ng gabing iyon.Paulit-ulit kong tinitingnan ang resibo na nakita ko sa bulsa ng pantalon ni Jerrick. Isang mamahaling restaurant sa Makati. Dalawang tao. Alas-otso ng gabi. Parehong petsa ng gabing sinabi niyang may mahalaga siyang business meeting.Gusto kong maniwala na kliyente lamang ang kasama niya. Gusto kong isipin na wala akong dapat ipag-alala. Pero paano ko gagawin iyon kung ilang buwan na niyang ipinaparamdam sa akin na may bahagi ng buhay niya na hindi ko na maaaring pasukin?Nang gabing iyon, halos alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pinto ng aming condominium.“Gising ka pa?” tanong ni Jerrick habang inilalapag ang susi sa mesa.“Oo. Hinintay kita.”“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Alam mo namang maraming trabaho sa opisina.”Tiningnan ko siya. Gusot ang manggas ng kaniyang polo at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones nito. Amoy mamahaling pabango siya, ngunit hindi iyon ang pabangong karaniwan niyang ginagamit.“S

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 3: ANG MGA TAON NG KALIGAYAHAN AT ANG PAGBABAGO

    Camille’s POVHindi ko namalayang mabilis na lumipas ang mga taon.Sa unang tatlong taon ng pagsasama namin ni Jerrick, masasabi kong ako ang pinakamasayang babae sa mundo. Kahit hindi pa niya ako naipapakilala bilang legal na asawa, hindi ko naramdamang kulang ako sa pagmamahal. Sa katunayan, kung may isang bagay akong ipinagpapasalamat noon, iyon ay ang pagkakaroon ng isang lalaking handang gawin ang lahat para lang mapasaya ako.Magkasama kaming naninirahan sa isang magandang condominium sa Makati. Unti-unti naming binuo ang tahanang pinangarap namin. Ako ang namahala sa mga gastusin, nag-aayos ng aming mga gamit, at naghahanda ng pagkain. Si Jerrick naman ang abala sa kanyang negosyo.Tuwing umaga, sabay kaming nag-aalmusal. Bago siya umalis, hindi niya nakakalimutang halikan ako sa noo. Kapag umuuwi siya nang maaga, madalas ay nagluluto kami ng magkasama o kaya nama'y nanonood ng movie habang magkatabi sa sofa.May mga gabing bigla niya akong yayakapin mula sa likuran habang nagh

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 2: SA LIKOD NG PAGHIHIWALAY

    Camille’s POVHindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang epekto sa akin ng pangalan ni Emilia tuwing naririnig ko iyon mula kay Jerrick.Marahil dahil kahit ilang beses niyang sabihin na wala na silang relasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na may ibang babaeng legal na nagmamay-ari ng apelyidong Alcantara. At ako, kahit gaano niya ako kamahal ayon sa kanyang mga salita, ay mananatiling isang babae lamang na kailangan maghintay sa gilid.Kinabukasan matapos ang tawag ni Emilia, napansin kong hindi mapakali si Jerrick. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya habang nagkakape kami sa kusina."May problema ba?" tanong ko.Ibinalik niya sa mesa ang kanyang telepono at napabuntong-hininga."Si Emilia na naman."Hindi ako nagsalita."Gusto niya akong makausap mamaya. May mga bagay na naman daw kaming kailangan ayusin.""Siguro kailangan ninyo talagang pag-usapan nang maayos ang sitwasyon ninyo."Tumingin siya sa akin."Alam mo ba kung ano ang gusto kong mangyari?"Umiling a

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 1: ANG PAG-IBIG NA NAGSIMULA SA ISANG KASINUNGALINGAN

    Camille’s POVHindi ko kailanman inakalang magiging bahagi ako ng isang kuwentong dati ko lang hinuhusgahan.Lumaki akong naniniwalang ang pag-ibig ay dapat malinis, tapat, at walang ibang taong masasaktan. Pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya, isang lalaking uuwian araw-araw, at tahanang puno ng pagmamahalan. Hindi ko kailanman pinangarap maging other woman, lalong hindi ang maging kabit ng lalaking may legal na asawa.Ngunit minsan, ang mga bagay na pinaniniwalaan natin hindi natin gagawin ay siya palang magiging bahagi ng ating buhay.At nagsimula ang lahat nang makilala ko si Jerrick Alcantara.Dalawampu't limang taong gulang ako noon at nagtatrabaho bilang marketing manager sa isang kompanyang madalas makipag-ugnayan sa iba't ibang negosyo. Sa isang malaking business partnership ko siya unang nakilala.Naganap iyon sa isang hotel ballroom sa Makati. Nakasuot siya ng itim na suit, puting polo, at mamahaling relo. Matangkad, makisig, at may ngiting madaling makakuha ng atens

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status