หน้าหลัก / Romance / Mistress: The Unmarried Wife / KABANATA 2: SA LIKOD NG PAGHIHIWALAY

แชร์

KABANATA 2: SA LIKOD NG PAGHIHIWALAY

ผู้เขียน: Rose Deza
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-23 03:50:16

Camille’s POV

Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang epekto sa akin ng pangalan ni Emilia tuwing naririnig ko iyon mula kay Jerrick.

Marahil dahil kahit ilang beses niyang sabihin na wala na silang relasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na may ibang babaeng legal na nagmamay-ari ng apelyidong Alcantara. At ako, kahit gaano niya ako kamahal ayon sa kanyang mga salita, ay mananatiling isang babae lamang na kailangan maghintay sa gilid.

Kinabukasan matapos ang tawag ni Emilia, napansin kong hindi mapakali si Jerrick. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya habang nagkakape kami sa kusina.

"May problema ba?" tanong ko.

Ibinalik niya sa mesa ang kanyang telepono at napabuntong-hininga.

"Si Emilia na naman."

Hindi ako nagsalita.

"Gusto niya akong makausap mamaya. May mga bagay na naman daw kaming kailangan ayusin."

"Siguro kailangan ninyo talagang pag-usapan nang maayos ang sitwasyon ninyo."

Tumingin siya sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang gusto kong mangyari?"

Umiling ako.

"Gusto kong matapos na ito. Ayoko nang patagalin pa ang paghihiwalay namin."

Natigilan ako.

"Sigurado ka?"

Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Camille, ilang beses ko pa bang kailangang sabihin sa iyo na ikaw ang gusto kong makasama? Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang isang kasal na matagal nang wala namang laman."

Napayuko ako.

"Pero masasaktan siya."

"Alam ko."

"Jerrick, kahit ano pang nangyari sa inyo, naging asawa mo siya. Hindi rin naman madaling tanggapin ng isang babae na tuluyan nang natapos ang pagsasama ninyo."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"At hindi rin madaling maging katulad mo, Camille. Hindi ko gustong patuloy kang mabuhay sa ganitong sitwasyon."

May kung anong gumalaw sa dibdib ko nang marinig iyon.

Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lamang ako ang humihiling ng pagbabago. Siya mismo ang nagsasabing gusto niyang wakasan ang kasal niya.

"Kung talagang desidido ka, kailangan mong kausapin siya nang maayos," sagot ko.

Tumango siya.

"’Yun mismo ang gagawin ko."

Nang araw na iyon, nagpaalam siyang makikipagkita kay Emilia. Hindi ko siya pinigilan. Instead, buong maghapon akong nanatili sa condo at sinubukang ilayo ang isip ko sa posibleng mangyari.

Bandang alas-otso ng gabi ng tumunog ang phone ko.

Jerrick: I'm on my way home. We need to talk.

Naghanda ako ng hapunan. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko, ngunit may kakaibang kaba akong nararamdaman.

Pagdating niya, agad kong napansin ang pagod sa kanyang mukha.

"Kamusta?" tanong ko.

Umupo siya sa sofa at hinubad ang kanyang relo.

"Nag-usap kami."

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Ano'ng nangyari?"

"Sinabi ko sa kanya na gusto ko ng tuluyang makipaghiwalay."

"Anong sabi niya?"

"Umiyak siya. Nagalit. Sinabi niyang hindi ko raw puwedeng basta talikuran ang halos sampung taon naming pagsasama."

Natahimik ako.

Hindi ko maiwasang isipin kung gaano kasakit para kay Emilia na marinig iyon mula sa lalaking minsan niyang pinangarap makasama habambuhay.

"At ano ang sinabi mo?"

"Sinabi kong hindi na ako masaya. Na matagal na kaming hindi masaya."

Napahawak ako sa aking mga daliri.

"Jerrick, sigurado ka bang wala nang paraan para maayos ninyo?"

Tumingin siya sa akin ng diretso.

"Camille, bakit parang ikaw pa ang nag-aalinlangan?"

"Iniisip ko lang na baka may mga bagay pa kayong hindi nasusubukan."

"Sinubukan na namin ang lahat. Ilang taon na kaming paulit-ulit na nag-aaway. Hindi na kami nagkakaintindihan. Wala na akong nararamdaman para sa kanya."

Wala akong imik..

"Alam mo kung ano ang mas masakit?" pagpapatuloy niya. "Nasa isang kasal ka pero pakiramdam mo mag-isa ka. Ganun ang naramdaman ko sa loob ng maraming taon."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"At nang makilala kita, saka ko lang naalala kung pa’no maging masaya."

Niyakap ko s’ya.

Gusto kong maging masaya sa narinig ko, ngunit may munting kurot sa aking puso. Hindi ko maiwasang isipin si Emilia.

Hindi ko kilala si Emilia nang personal. Wala akong alam tungkol sa kanyang mga pangarap, takot, o kung ilang gabing umiyak siya dahil sa kanilang pagsasama. Ngunit alam kong babae rin siya. At tulad ko, marahil minsan ay naniwala rin siyang habang-buhay silang magsasama ni Jerrick.

Makalipas ang ilang araw, muling nagkita sina Jerrick at Emilia. Sa pagkakataong iyon, pumayag akong sumama dahil gusto raw niyang malaman ko mismo na seryoso siya sa kanyang desisyon.

Sa isang tahimik na restaurant kami nagkita.

Nang dumating si Emilia, agad kong napansin ang kanyang maayos na pananamit at ang bahagyang pagod sa kanyang mga mata. Maganda siya, elegante, at may tindig ng isang babaeng hindi basta-basta nagpapakita ng kahinaan.

"Ikaw pala si Camille," bungad niya.

Tumango ako.

"Good afternoon."

Hindi siya ngumiti.

"Jerrick, kailangan ba talagang nandito siya?"

"Emilia, wala akong gustong itago sa kanya."

Napatingin siya sa akin bago muling bumaling kay Jerrick.

"Talaga? Kasi halos sampung taon tayong nagsama. Hindi mo man lang ba kayang kausapin ako nang tayong dalawa lang?"

"Matagal na natin pinag-usapan ito."

"Pero hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataong maintindihan kung bakit tayo umabot sa ganito!"

Napayuko ako.

Hindi ko gustong maging bahagi ng pagtatalong iyon, ngunit hindi rin ako makaalis dahil alam kong mahalagang marinig ni Jerrick ang sasabihin niya.

"Emilia, ayoko nang magpanggap. Hindi na ako masaya sa pagsasama natin."

"At dahil ba sa kanya?"

Napatingin siya sa akin.

Hindi ako makaimik.

"Sabihin mo, Jerrick. Dahil ba sa kanya kaya gusto mo nang makipaghiwalay?"

Huminga ng malalim si Jerrick.

"Camille has nothing to do with the problems we had long before we met."

"Pero naging kayo habang kasal pa tayo!"

"Alam kong mali ang paraan ng nangyari, pero hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko."

Napapikit si Emilia at marahang pinunasan ang kanyang mata.

"Alam mo, Jerrick, hindi ko kailanman inisip na darating tayo sa ganito."

Saglit siyang natahimik.

"Akala ko, kahit gaano tayo mag-away, kahit gaano tayo katagal hindi mag-usap, darating ang araw na maaayos pa natin."

Ramdam kong may kung anong sumikip sa aking dibdib.

Gusto kong tumingin sa ibang direksyon ngunit hindi ko magawa.

"Pasensya ka na," mahinang sabi ni Jerrick.

Napatawa ng mapait si Emilia.

"Pasensya? Iyon lang?"

"Emilia, hindi ko na kayang ibigay sa iyo ang pagmamahal na hinihingi mo."

"Pero kaya mong ibigay sa kanya?"

Hindi sumagot si Jerrick.

Iyon na siguro ang pinakamasakit na sagot na maaari niyang ibigay.

Tumayo si Emilia at kinuha ang kanyang bag.

"Kung iyon ang gusto mo, hindi na kita pipigilan. Pero sana, isang araw  maintindihan mo kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin."

Bago siya tuluyang umalis, napatingin siya sa akin.

"Ikaw, Camille. Sana alam mo kung ano ang pinapasok mo."

Hindi ako nakapagsalita.

Umalis siya nang hindi lumilingon.

Matagal akong nanatiling nakaupo. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa o guilt.

Hinawakan ni Jerrick ang kamay ko.

"Tapos na."

Tumingin ako sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo. Ayoko nang bumalik sa dati. Gusto kong magsimula ulit kasama ka."

"Pero nasaktan siya."

"Alam ko, sweetheart. Pero hindi ko na kayang manatili sa isang relasyon dahil lang natatakot akong may masaktan."

Marahan niyang hinaplos ang aking kamay.

"Ikaw ang gusto kong maging asawa."

Napatingin ako sa kanya.

"Talaga?"

"Oo. Hindi ko pa alam kung gaano katagal ang proseso, pero sisimulan ko na ang legal na paghihiwalay namin. Gusto kong maging malaya tayo."

Sa unang pagkakataon, narinig ko mula sa kanyang bibig ang salitang matagal ko nang hinihintay.

Asawa.

Niyakap ko siya at isinandal ang ulo sa kanyang dibdib.

Gusto kong maniwala na iyon ang simula ng bagong buhay namin.

At sa mga sumunod na buwan, ipinakita ni Jerrick na hindi lamang iyon basta salita.

Nagsimula siyang mag-asikaso ng mga dokumento. Kumonsulta siya sa abogado at pinag-usapan namin ang magiging buhay namin kapag tuluyan nang naayos ang kanyang sitwasyon.

Unti-unti, naging bahagi ako ng mga desisyon niya. Ipinakilala niya ako sa mas marami niyang kaibigan at hindi na niya ako itinatago sa mga pagtitipon.

Madalas niya akong tawaging future Mrs. Alcantara.

Tuwing naririnig ko iyon, hindi ko maiwasang mapangiti.

Isang gabi, habang magkasama kami sa aming sala, inilabas niya ang isang maliit na kahon.

"May gusto akong ibigay sa iyo."

Pagbukas ko, nakita ko ang isang magandang singsing.

Napahawak ako sa bibig ko.

"Jerrick..."

"Promise ring muna. Pero balang araw, papalitan natin ito ng tunay na wedding ring."

Tumulo ang luha ko nang isuot niya iyon sa aking daliri.

"Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin, gusto kong ikaw naman ang makasama ko habang-buhay."

Niyakap ko siya nang mahigpit.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpasalamat sa pagkakataong iyon.

Sa isip ko, unti-unti ng nagkakatotoo ang lahat ng pangarap ko.

Hindi ko na kailangang magtago. Hindi ko na kailangang mag-alinlangan. Hindi ko na kailangang makipagkumpitensiya sa isang babaeng matagal nang wala sa buhay niya.

Oo iyon ang pinaniwalaan ko.

Dahil sa kabila ng mga papeles na sinimulan niyang asikasuhin, may isang bagay na hindi ko napansin.

Hindi kailanman tuluyang naputol ang komunikasyon nila ni Emilia.

At kahit magkahiwalay na sila ng tirahan, may mga pagkakataong tumatawag pa rin ito sa kanya.

Sa simula, hindi ko iyon binigyang-pansin.

Tutal, may mga bagay pa silang kailangang ayusin bilang mag-asawang naghihiwalay.

Hindi ko alam na balang araw, ang mga tawag na iyon ang magiging dahilan ng mga gabing iiyak ako ng mag-isa.

At ang lalaking nangakong gagawin akong legal wife ay siya ring magtuturo sa akin kung gaano kasakit ang maging isang babaeng naghihintay sa isang pangakong hindi naman pala niya kailanman madaling tuparin

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 5: ANG DESISYON NI CAMILLE

    Camille’s POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging mas mabigat ang bawat araw na kasama ko si Jerrick. Dati, sapat na ang isang yakap niya upang mawala ang pagod ko. Ngayon, kahit katabi ko siya sa kama pakiramdam ko ay napakalayo niya sa akin.Parang may pader sa pagitan namin.Pagkatapos ng pagkikita namin ni Baste, naging mas mapagmasid si Jerrick sa bawat kilos ko. Madalas niyang tanungin kung sino ang kausap ko, kung saan ako pupunta, at kung bakit hindi agad ako umuuwi.Nakakagulat na kaya niyang magselos, samantalang ako mismo ay ilang taon nang walang hindi sigurado na ako lamang ang babaeng nasa puso niya.Isang gabi, habang nagdedinner kami, muli kong sinubukang pag-usapan ang tungkol kay Emilia.“Jerrick, kailangan nating mag-usap tungkol sa kasal ninyo.”Napahinto siya sa pagkain.“Akala ko ba napag-usapan na natin iyan?”“Hindi. Lagi mo lang sinasabing inaayos mo. Pero halos sampung taon na, wala pa ring nangyayari.”“Hindi ganun kadali ang proseso.”“Talaga bang

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 4: "AKO PA RIN ANG LEGAL NA ASAWA" -EMILIA

    Camille’s POVHindi ako mapakali ng gabing iyon.Paulit-ulit kong tinitingnan ang resibo na nakita ko sa bulsa ng pantalon ni Jerrick. Isang mamahaling restaurant sa Makati. Dalawang tao. Alas-otso ng gabi. Parehong petsa ng gabing sinabi niyang may mahalaga siyang business meeting.Gusto kong maniwala na kliyente lamang ang kasama niya. Gusto kong isipin na wala akong dapat ipag-alala. Pero paano ko gagawin iyon kung ilang buwan na niyang ipinaparamdam sa akin na may bahagi ng buhay niya na hindi ko na maaaring pasukin?Nang gabing iyon, halos alas-dos na ng madaling-araw nang bumukas ang pinto ng aming condominium.“Gising ka pa?” tanong ni Jerrick habang inilalapag ang susi sa mesa.“Oo. Hinintay kita.”“Hindi mo na kailangang gawin iyon. Alam mo namang maraming trabaho sa opisina.”Tiningnan ko siya. Gusot ang manggas ng kaniyang polo at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones nito. Amoy mamahaling pabango siya, ngunit hindi iyon ang pabangong karaniwan niyang ginagamit.“S

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 3: ANG MGA TAON NG KALIGAYAHAN AT ANG PAGBABAGO

    Camille’s POVHindi ko namalayang mabilis na lumipas ang mga taon.Sa unang tatlong taon ng pagsasama namin ni Jerrick, masasabi kong ako ang pinakamasayang babae sa mundo. Kahit hindi pa niya ako naipapakilala bilang legal na asawa, hindi ko naramdamang kulang ako sa pagmamahal. Sa katunayan, kung may isang bagay akong ipinagpapasalamat noon, iyon ay ang pagkakaroon ng isang lalaking handang gawin ang lahat para lang mapasaya ako.Magkasama kaming naninirahan sa isang magandang condominium sa Makati. Unti-unti naming binuo ang tahanang pinangarap namin. Ako ang namahala sa mga gastusin, nag-aayos ng aming mga gamit, at naghahanda ng pagkain. Si Jerrick naman ang abala sa kanyang negosyo.Tuwing umaga, sabay kaming nag-aalmusal. Bago siya umalis, hindi niya nakakalimutang halikan ako sa noo. Kapag umuuwi siya nang maaga, madalas ay nagluluto kami ng magkasama o kaya nama'y nanonood ng movie habang magkatabi sa sofa.May mga gabing bigla niya akong yayakapin mula sa likuran habang nagh

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 2: SA LIKOD NG PAGHIHIWALAY

    Camille’s POVHindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang epekto sa akin ng pangalan ni Emilia tuwing naririnig ko iyon mula kay Jerrick.Marahil dahil kahit ilang beses niyang sabihin na wala na silang relasyon, nananatili pa rin ang katotohanan na may ibang babaeng legal na nagmamay-ari ng apelyidong Alcantara. At ako, kahit gaano niya ako kamahal ayon sa kanyang mga salita, ay mananatiling isang babae lamang na kailangan maghintay sa gilid.Kinabukasan matapos ang tawag ni Emilia, napansin kong hindi mapakali si Jerrick. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone niya habang nagkakape kami sa kusina."May problema ba?" tanong ko.Ibinalik niya sa mesa ang kanyang telepono at napabuntong-hininga."Si Emilia na naman."Hindi ako nagsalita."Gusto niya akong makausap mamaya. May mga bagay na naman daw kaming kailangan ayusin.""Siguro kailangan ninyo talagang pag-usapan nang maayos ang sitwasyon ninyo."Tumingin siya sa akin."Alam mo ba kung ano ang gusto kong mangyari?"Umiling a

  • Mistress: The Unmarried Wife   KABANATA 1: ANG PAG-IBIG NA NAGSIMULA SA ISANG KASINUNGALINGAN

    Camille’s POVHindi ko kailanman inakalang magiging bahagi ako ng isang kuwentong dati ko lang hinuhusgahan.Lumaki akong naniniwalang ang pag-ibig ay dapat malinis, tapat, at walang ibang taong masasaktan. Pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya, isang lalaking uuwian araw-araw, at tahanang puno ng pagmamahalan. Hindi ko kailanman pinangarap maging other woman, lalong hindi ang maging kabit ng lalaking may legal na asawa.Ngunit minsan, ang mga bagay na pinaniniwalaan natin hindi natin gagawin ay siya palang magiging bahagi ng ating buhay.At nagsimula ang lahat nang makilala ko si Jerrick Alcantara.Dalawampu't limang taong gulang ako noon at nagtatrabaho bilang marketing manager sa isang kompanyang madalas makipag-ugnayan sa iba't ibang negosyo. Sa isang malaking business partnership ko siya unang nakilala.Naganap iyon sa isang hotel ballroom sa Makati. Nakasuot siya ng itim na suit, puting polo, at mamahaling relo. Matangkad, makisig, at may ngiting madaling makakuha ng atens

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status