Chapter: CHAPTER 29ALEXANDER’S PLAN Magdadalawang buwan ng wala sina Cassandra at Alejandro para sa kanilang honeymoon. Dalawang buwan ko na rin hinihintay ang pagbabalik ng dalawa. Kasama nila si Abegail, hindi nila ito iniwan dito sa isla. Inagaw na nang tuluyan ni Alejadro ang aking mag-ina. Ayon sa aking source umuwi na lang ng isla ang dalawa mula Maynila na may bata na silang dala-dala at iyon ay si Abby. Walang nakakaalam sa mga taga-dito kung ano talaga ang nangyari sa Maynila. Ipinakilala din ang bata na anak ng dalawa at dinadala ang apelyido ni Alejandro. Sadyang walang impormasyon ang lumabas mula sa dalawang pamilya. At nakarehistro ang pangalan ni Crissa Abegail Montejar Arevalo sa birth certificate niya. Ipinanganak sa isang pribadong ospital sa Maynila. Malinis ang record na nagpapatunay na anak siya ni Alejandro pero alam ko sa sarili ko na anak ko si Abby. Buntis na si Cass nang umalis siya at biglang naglaho, iniwan niya ang pregnancy test na kasama ng cellphone na biniga
Last Updated: 2025-05-05
Chapter: CHAPTER 28 ALEXANDER POV “Masokista ka ba o ano?” tanong sa akin nang taong nasa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ang taong ito pero medyo may pagkamatabil talaga. Nasa chapel kami ngayon. Kung saan ginaganap ang kasal ni Alejandro at Cassandra. Simpleng kasal ang pinili nila naging maid of honor ang bunsong kapatid ni Alejandro si Astarte na kapatid ko din a ama. At naging ring bearer ang anak ng doctor nitong pinsan. Merong flower girl’s din. Maraming dumalo sa kasal nila. Halos lahat ng kilalang tao ng Sta. Fe nasa kasal na iyon. Maraming VIP ang kasal na ito. Halatang pinaghandaan at ginastusan ni Alejandro ang kasal nila. Hindi pa dumadating ang bride. Ngunit lahat ng principal sponsors ay nandito na. Lahat ng tao ay excited sa kasalang ito. Maliit lamang ang kapilya kaya nilukop ito ng mga malalapit kapamilya ng mga ikakasal at mga principal sponsor. Nagkasya na lang sa labas ng chapel ang iba pang dumalo sa kasal. Mayroon pang ikinalat na mga upuan sa
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: CHAPTER 27Reunion Party Maraming palamuti sa hardin ng Castillo de Aguzar. May nakahilerang mga mesa at upuan. Naka-serve sa isang mahabang mesa ang mga pagkaing Espanyol at Pilipino. Ang nakakatuwa may lechon doon at sadya yatang ito ang best seller dahil sa nangangalahati na ito. Sa katabing mesa naman ang mga wine na mismong gawa sa winery ng hacienda. Pumapailanlang ang isang masayang musika sa paligid. May mga tawanan sa bawat gilid ng hardin. Meron ding mga batang malayang tumatakbo sa paligid. Katabi ko si Sonia habang tinitingnan sa Cairo kung saan ito papunta. Si Abby naman kasama ang mga kaedad niya sa isang mesa at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Lahat ng mga taong nasa party ay mga kamag-anak nila Alejandro. Ginagawa ang pagtitipong ito kada taon para magkaroon ng reunion. Para itong celebration ng lahat ng birthdays ng bawat isa, wedding anniversaries at mga mahahalagang araw ng bawat isa sa kanilang pamilya.pwede din itong tawaging Thanksgiving party pasasalamat sa lahat
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: CHAPTER 26CASSANDRA POV Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Malamig ang hangin sa bukang liwayway pinili ni Alejandro ang isang mataas na bahagi ng lupain upang pagtayuan ng villa. Napapalibutan ng mga halamang dito lang sa Spain makikita. Kitang-kita sa balkonahe ng aming silid ang pagsikat ng araw sa silangan. Nakatitig lang ako sa papasikat na araw. Ito ang bagong simula ng aming relasyon ni Alejandro. Kung noon hindi pa buo ang pagiging partner ko sa kanya sa ilang taong paghihintay ay nangyari din ang minsang pinangarap kong sana totoong ako ang kanyang kabiyak sa puso, sa kanyang katawan at sa isip. Pero ang lahat ng iyon ay sobra-sobra pa niyang tinupad. Ginawa ang lahat maibigay sa amin ng anak ko ang buhay na maalwan at puno ng pagmamahal. Wala na akong hihilingin pa sa aking napangasawa. Pero minsan may bigla-biglang pumapasok sa isip ko. Parang pabugso-bugsong sulyap ng mga alaala ng nakaraan. Wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman ulit ito bumabalik. B
Last Updated: 2025-04-24
Chapter: CHAPTER 25THE SURPRISE GIFTCASSANDRA POV “Dear hahaha nakikiliti ako.” Napapasinghap na lamang ako sa ginagawa ni Alejandro. Paano ba naman at ke-aga-aga nangingiliti. “Wake up we have a flight to catch.” Habang hinahalikan niya ang aking leeg ko. “Okey, tatayo na.” Baka iba ang tatayo nito may flight pala kami. Agad na akong nauna sa bathroom at naligo. Nagbihis na din ako. Sumunod naman si Alejandro sa akin. Wala munang harutan sa ngayon baka malate kami sa fight. Mas nakaka-hassle iyon. Nakahanda na ang mga luggage namin. Naka-abot din kaagad kami sa airport. Sumakay na kami sa eroplano. Alejandro booked a business class seat papuntang Madrid,Spain. Pagkatapos ng apat na oras mahigit maayos na nakalapag ang eroplano sa Madrid airport. Lumabas na kami may tinawagan si Allie sa phone. Pumarada sa harapan namin ang isang black BMW M3 Sedan. May white flower arrangement ito sa unahan. Ngumiti sa amin ang bumaba doon. Kung hindi ako nagkakamali si Ra
Last Updated: 2025-04-22
Chapter: CHAPTER 24ALEJANDRO POV Halos hindi magkamayaw ang mga papeles na pinipirmahan ko nakapatong sa desk. Naghihintay na rin ang mga General Managers sa conference room ng aking Greece hotel. Lahat ng mga General manager ay nandoon para sa monthly report. Nagkataong sa honeymoon namin ni Cassandra ito tumapat. At kahit pa personal kong buhay ang honeymoon, hindi ko pwedeng hindi daluhan ang meeting ng personal kahit pa may assistant ako. Hindi ko maaaring ipagpaliban ang meeting na ito. Kaya kahit ayaw kong iwan muna si Cassandra sa silid ay ginawa ko may mga security naman na nagbabantay sa lugar kaya safe siya. Nang matapos ko nang pirmahan ang mga papeles ay dumiretso na ako sa conference room. Mahigit tatlumpo ang nasa silid. Lahat ng hotels na kabilang sa Ybanez Group sa buong Europe. Hotels and restaurants located mostly sa mga pinakamayayamang bansa ng Europe at halos lahat ng mga dinadayo ng mga turista. Si Ace na ang namuno sa meeting he’s my Europe Assistant. Pinag-usapan na namin an
Last Updated: 2025-04-19