El Precioso Amor del Magnate

El Precioso Amor del Magnate

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-13
Oleh:  HMSamieraOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
32Bab
185Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

The hotel magnate's very precious wife is his best friend. She is the woman he protects at all costs and to whom he gives all his love and affection. Cassandra was fortunate indeed. She has a beautiful and loving family. Pero isang gabi nauwi ang lahat sa bangungot na hindi na niya nanaising balikan pa. Isang pangyayari ang mas lalong nakagimbal sa kanya, bumalik ang kanyang memorya. Muling nagpakita ang taong mas lalong gugulo sa kanyang utak at puso. gumulo man ang kanyang puso sa kanyang utak mas pinili niyang panindigan ang taong naging sandigan niya sa lahat ng nangyari sa kanya at ni hinding natakot na nagbigay ng kamay sa kanya. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso alam niyang ang pag-ibig ng taong iyon ay naging lakas niya sa lahat ng dagok na dumaan sa kanyang buhay. She will fight for her family. Alejandro is her knight in shining armor her best friend, and her companion in every storm in her life and she knows that this man is her husband’s material if the past comes and tries to win her back will Cassandra give her a chance to the once her heart desired. Choosing her past can destroy her present life forever. Sometimes love and connection are not the basis to choose the person we want to be with. But the feeling of secureness, love, and passion will be our choice.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Flashback…

     Napangiti ako sa sarili ko habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa kubong inuupahan ko at ni Cass. Sigurado akong matutuwa iyon sa mga grocery na dala ko. At sa mga damit na binili ko sa mall. Ini-imagine ko ang maganda niyang ngiti habang inaabot ko ang mga pinamili ko. Hindi naman siya maarte pero gusto kong may brand ang sinusuot niya. Kahit papaano napapasaya ko siya dahil alam kong nalulungkot siya na laging mag-isa sa kubo at hindi ako laging umuuwi sa kanya. Gustuhin ko man na lagi siyang kasama pero hindi maaari. Kaylangan kong unahin ang aking tungkulin at responsibilidad. Naiintindihan naman niya iyon. Alam din niya nanganganganib ang buhay niya kaya hindi na siya nagtatanong. At matiyaga na lang niya akong hinihintay.

     Nasa dulo ng mga paupahang kubo ang unit namin. Meron ding mga kalapit bahay. Katabi mg inuupahan naming ang bahay ng may-ari. Mag-asawang matanda na nasa Maynila nagtatrabaho ang mga anak. Kaya sila nalang dalawa mag-asawa sa bahay. Iyon din ang pinakiki-usapan ko paminsan-minsang tumitingin kay Cass sa tuwing wala ako. Mahigit dalawang buwan na rin ang nakakalipas nang nirentahan namin iyon.

     Nagtaka ako nang ilang metro na lang ang layo ko sa kubo. Kalahating semento at kahoy iyon na may dalawang kwarto at nasa loob ang palikuran. Hindi nakasindi ang ilaw sa silid kung saan namamalagi ito. Ugali ni Cass na palaging nakabukas ang ilaw kahit tulog siya. Medyo matatakutin kasi ito. At nagka-trauma nang makidnap ito. Huminto ako malapit sa pintuan. Tuluyan na akong bumaba sa motor at isa-isang kinuha ang mga plastic na naglalaman ng mga pinamili ko. Hindi na ako kumatok dahil may sarili akong susi. Sinadya kong may spare key ako kahit sa front door dahil ayaw kong naaabala ang tulog ni Cass. Pinihit ko ang siradora at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Kinapa ng isang kamay ko ang switch na nasa gilid ng pintuan. Upang lumiwanag ang sala at kusina. Diniretso ko sa kusina ang mga grocery, samantalang iniwan ko sa sala ang plastic na may mga damit na pinamili ko para kay Cass.

     Inayos ko ng dahan-dahan ang mga de-lata at iba pang mga pinamili kong groceries sa mga cabinet sa kusina. At pinasok sa reef ang mga processed foods at karne sa maliit na reef na meron kami.

     Ayaw kong gumawa ng ingay upang hindi ko magising si Cass. Natapos din ako sa ginagawa ko. At bumalik uli sa sala hinubad ko ang leather jacket na suot ko. At pati na rin ang sapatos at pantalon at t-shirt. Nilagay ko iyon sa isang laundry basket sa gilid ng maliit na kusina. Dapat nasa silid ko iyon, ngunit ayaw ni Cass dahil mangangamoy daw ang silid ko dahil sa amoy kulob. Aaminin ko medyo mabaho nga ako kapag nauuwi eh. Masyado kasing maraming usok ng sigarilyo sa lugar na pinupuntahan ko, maraming naninigarilyo kaya kumakapit ang amoy sa t-shirt ko. Kahit hindi ako naninigarilyo. Idagdag pa na may kabahoan din ang mga kasamahan ko. Natapos ko na ang lahat-lahat nang ginagawa ko pero walan Cass na lumalabas mula sa silid niya. Impossibleng hindi niya narinig ang pagdating ng motor. Lagi ding lumalabas ang ito hindi pa man siya natatapos mag-ayos ng mga grocery. Pero ngayon walang Cass na lumabas ng silid. At sumasalubong sa akin. Nakakapagtataka naman sa loob-loob ko.

      Baka masyadong napagod ito maghapon kaya napalalim ang tulog.

     Pumasok ako sa loob ng silid ko upang magbihis ng sando at short baka pag pinasok ko siya na sa silid niya at kinatok ko siya na naka-boxer lang ako baka ano na ang isipin niya. Na manyakis ako.

     Lumabas na ako ng tuluyan at kumatok sa kabilang silid. Wala akong narinig na tugon.

     Agad kong kinuha ang baril na nasa loob ng jacket ko. Malalaki ang hakbang na tinawid ko ng walang ingay ang pagitan ng sala at ang pintuan ng silid niya. At pinihit ang seradura. Hindi iyon naka-lock. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. At binuksan ang ilaw ng silid. Maayos ang kobre kama at maayos din ang higaan. Walang indikasyon na may natulog doon.

     Wala si Cass? Malakas na sigaw ng aking kalooban.

     Agad kong nilibot ang buong kabahayan. Ni anino niya wala akong makita. Walang sign ng force entry at intact ang lahat ng gamit. Walang nangyaring nakawan. Ngunit asan si Cass? Muli akong pumasok sa loob ng kwarto niya at agad tinungo ang cabinet kung saan naroroon ang kanyang mga gamit. Ngunit walang nagalaw kahit isa sa mga damit at mga personal na gamit niya. Walang nagalaw sa mga ito kaya hindi umalis si Cass pero nasaan na siya? Alam kong gustong-gusto na niyang umuwi sa kanila ngunit hindi ko siya pinalalabas dahil sa mga banta sa kanyang seguridad. Patuloy pa siyang hinahanap ni Boss Pedro at masyado itong obsess kay Cass. Kaya mainit ito sa mata ng sindikato. Hanggang ngayon hinahanap pa rin ito ng mga tauhan ni Pedrito. At wala siyang alam sa lugar na ito. Kaya impossibleng lalabas ito.

     Baka nandoon kina Nanay Beth sa bahay ng may-uri ng paupahan. Pero madaling araw na at siguradong tulog pa ang mga ito. Hindi ko alam kong saan siya hahanapin. Nanlulumo akong napa-upo sa kama niya. Halo-halo ang aking nararamdaman ngayon. Nag-aalala na baka may mangyari sa kanya. Nagtataka dahil umalis siyang hindi man lang nagpaalam sa akin at delikado pa siya. Baka nakuha na siya ng mga tauhan ni Pedrito ngunit sa ibang lugar dinala. Pero impossible talaga dapat alam ko dahil isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya.

    

     “Cass. Cass.” Mahina kong tawag sa pangalan niya.

     Masaya ko pa siyang kausap sa telepono kanina habang nasa bayan pa ako. At pauwi na dito sa bahay.

     Tama… ang cellphone na binigay ko sa kanya. Baka dala niya pwede ko siyang kontakin. Mahina ang signal dito sa probinsya ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.

     Agad kong kinuha ang telepono na naiwan sa silid ko. Pinuindot ang mga numerong bumubuo dito. Agad na nag-ring ito pero naririnig ko ang cellphone sa kabilang silid. Agad ko iyong tinakbo at hinanap.

     Nasa drawer sa side table ng kanyang kama. Natagpuan ko doon ang cellphone. Agad ko iyong dinampot habang hindi ko pinapatay ang tawag mula sa cellphone ko. Sa pagdampot ko sa cellphone may biglang nadala at nahulog sa sahig. Isang bagay na hindi ko akalain na matatagpuan ko.

     Bumagsak ito sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Isang bagay na mas nagpapahulog sa akin sa mas malalim na pag-iisip.

     Nakatawag na siguro siya sa kanyang pamilya at nagpasundo na. O, umuwi na siya mag-isa. Pero bakit hindi man lang siya nagpaalam. Aalis siya nang ganun ganun lang. Iniwan niya ako sa ere?

Sa kalagayan niya ngayon, wala ba siyang balak sabihin sa akin?

“Hahanapin kita, hintayin mo lang ako…”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
32 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status